"Po? Bakit? Kailan pa?" mga katagang nanulas sa labi ni Tommy nang dumating siya ng bansa. "That was last week, anak. Pag-uwi niya galing Australia ay sa Bontoc siya dumuretso. Itinawag na lamang ng hipag mo. Naisama namin siya pagbalik ng Manila ngunit umiwas sa mga magulang mo. Sa payo at pangungumbinsi namin ng Mommy mo ay nakapag-isip-isip siyang muling babalik ng rancho. Subalit sabi niya ay babawi muna siya sa kanila kaya't sa mansion ng mga magulang mo siya dumiretso. Subalit ayun kay Nanay Tina na palihim na pumarito ay may away yata ang mga magulang mo. At narinig lahat ni Cassandra kaya't muling umalis," malungkot na pahayag ni MaCon. "Hindi ito puwedi!---" "Calm yourself, Tommy. Wala kayong magagawang solusyon kapag magpadalos-dalos ka. At isa pa magulang mo pa rin sila kaya'

