PROLOGUE
“Pirmahan mo na!”
Walang tigil sa pag-tulo ang luha ko habang umiiling. Nag-lakad siya papunta sa aking anak at itinutok ang dulo ng baril sa kanyang ulo. Nagpumiglas ako, gusto kong magsalita pero may busal ang bibig ko! Nanghihina narin ako. Hindi ako makapaniwala na nagawa niya ito sa amin.
“Pipirma ka o papasabugin ko ulo ng anak mo?” Salita nito at unti unting tumaas ang gilid ng kanyang labi. Tumaas ang balahibo ko sa ginawa niya.
Ang mata ko ay nanlalabo dahil sa luha kong walang tigil sa pagtulo. Please, huwag ang anak ko.
“Tanggalin mo nga 'yang busal sa bibig niya,” utos nito sa kanyang tauhan.
Lumapit ang isa niyang tauhan at tinanggal ang busal sa aking bibig.
“P-please. . . Tama na,” nanghihina kong wika.
“Hindi madadamay 'tong anak mo kung pipirma ka,” seryoso niyang saad.
Natahimik ako sa sinabi niya 'yon lang naman ang gusto niya. Kung pipirmahan ko 'yon titigil na siya. Dahan-dahan akong tumango sa kanyang sinabi.
“Pipirmahan mo na?” tanong nito. Bakas sa kanyang boses ang pagkatuwa.
Tumango ako.
“Sagot! putanginamo! Anong silbi ng bibig mo kung hindi ka mag-sasalita!” bigla nitong sigaw at halatang nanggigigil pa.
Napapikit ako dahil ang lakas ng sigaw nito. “O-oo, pirmahan ko na.”
Muli siyang humalakhak. “Madali ka lang pala kausap, eh”
--
“I love you, Ryle.”
“I love you too, Blaine.”
--
“Please! Huwag! Parang awa mo na.”
“Shh. . . Walang makakarinig sa ‘yo rito,” mahina niyang wika at biglang tumawa.
“Tulong! Help me, please!”
Ryle. . . Save me.
--
“Matagal ko na siyang pinatay Blaine masyado na siyang nakakairita sa paningin ko.”
--
“You may now kiss the bride.”
Awtomatik akong napangiti ng marinig ang sinabi ng pari. Tinaas ni Ryle ang aking belo, nagtagpo ang paningin namin at nag-ngitian. Sa wakas magiging Mrs. Eason na ako. Papalapit na ang aming mga labi.
Hanggang sa isang malakas ng putok ng baril ang narinig namin.
“Ryle!”
SHANGPU