MAKALIPAS ng ilang araw natapos rin ang pag-pa-practice ko bilang sekretarya ni Ryle. Hindi naman ako nahirapan dahil nasanay na ‘ko. Sanay na sanay naman ako sa gano’ng bagay. Sinabihan rin ako ni Mamita na huwag na kami tumira sa condo ni Ryle para may kasama siya rito sa mansyon. Ang parents kasi ni Ryle ay lagi nasa ibang bansa dahil sa trabaho at hindi rin tumatagal ng buwan dito sa Pilipinas. Si Veev naman ay lulubog at lilitaw sa mansion. Palagi kasi siyang nasa clothing line niya na G&F clothing and busy siya sa mga magmomodel ng damit na ginagawa niya. Meron din minsan may nagpapasched sa kanya bilang model since isa rin ‘yon sa mga naging trabaho niya. Super sikat ng business niya. Sinabi niya rin sa ‘kin na may branch na ito sa ibang bansa. Ngayon naman ay pinapadede ko si N

