ALAS SINGKO pa lang ng madaling araw ay nandito na ako sa laundry room sa mansyon nila Ryle. Naglalaba ako ng damit namin, napansin ko kasing maraming ginagawa si Manang kaya hindi ko na lang sila pinag-laba ng damit namin. ‘Tsaka bakit ko pa ‘yon ipapagawa sa kanila kung kaya ko naman. Alam kong marami rin silang ginagawa rito. “What are you doing, Blaine?” Napasigaw ako sa gulat. Hinawakan ko ang dibdib ko at nilingon ang nag-salita. “Ano ba, Ryle! Bakit ka ba nanggugulat!?” Singhal ko sa kanya habang hinihilot ang dibdib ko dahil napakabilis ng t***k ng puso ko. Kumunot ang noo nito sa sinabi ko. “Hindi ako nanggugulat. Bakit ka naglalaba? Umalis kana d’yan sila Manang na lang tatapos niyan,” seryoso nitong wika. I rolled my eyes and sighed. “Okay lang sa ‘kin. Kawawa sila Manan

