CHAPTER 2

1734 Words
PAULIT-ULIT kong naalala ang pangyayaring 'yon. Hanggang ngayon ay umaasa ako na patawarin ako ni Daddy at nag dadalawang isip na bumalik sa bahay. Natatakot ako sa sasabihin nila sa'kin kaya mas maganda kung huwag na lang. Bumaba kaagad ako ng marinig na may kumatok sa pintuan. Bumungad kaagad sa akin ang may-ari ng bahay na inuupahan ko. “Nasaan na ang bayad mo?” nakapameywang ito sa harap ko at may sigarilyo sa kanyang bibig. Si Aling Tess. Napakamot ako sa buhok ko sa sinabi niya. Naniningil na siya. “Pasensya na Aling Tess p'wede bang bigyan mo pa po ako ng isang buwan? Hindi pa kasi ako nakasasahod. Kabibili ko lang din ng gatas ni Naomi,” tugon ko. Napahilot siya sa kanyang noo at napapadyak pa sa sahig. “Nako! Halos isang buwan ka ng walang bayad! Blaine naman patong-patong na rin 'yung bayarin mo!” Napakamot ako sa aking braso at pinagsiklop ang palad ko sa kanyang harapan. “Pasensya na po talaga Aling Tess pangako po makakabayad po ako.” “Sige! Kung hindi lang ako naaawa sa inyong mag ina, last na 'to, Blaine. Hahanap kaagad ako ng kapalit ko kapag hindi ka nakabayad sa pinagusapan natin,” aniya at halatang napipilitan pa. Ngumiti ako at tumango ng ilang beses. “Maraming salamat po,” masaya kong tugon. Dumiretso ako sa kusina pagka alis ni Aling Tess para uminom ng tubig. Pagkatapos ay sakto naman na umiyak si Naomi. Umakyat ako at binuhat siya. Namumula ang pisngi nito dahil sa pag-iyak. “Shush, baby. Gutom kana ba?” Malambing kong tanong pero umiiyak parin siya. Hinawakan ko ang pang-upo niya at naramdaman na puno na ang pampers nito. Agad kong pinalitan ang pampers niya at pinainom ng gatas. Mahina akong natawa habang pinagmamasdan siya. Napakatakaw niya, napako ang tingin ko sa mata niya. Kulay asul kagaya sa kanyang tatay. Her name is Naomi Alice Marley. Mamayang alas otso ay pupunta ako sa palengke para magbuhat ng mga gulay. Hindi naman gaanong kabigat ang binubuhat ko kaya ayos lang. Pagtapos ay dideretso ako sa karinderya ni Aling Norma all-around ako roon. Taga serve, dishwasher, taga punas ng lamesa at iba pa. Pagtapos ko naman sa karinderya ay isa akong waitress sa isang restaurant. Pero kulang parin ang pera ko para pambili ng gatas ni Naomi at mga bayaran sa bahay. Sobra akong nagtitipid ng pera ultimong pangangailangan ko sa aking sarili ay hindi ko na mabili. Lahat ng gamit ni Naomi ay nilagay ko sa bag nito. Iiwan ko muna siya sa daycare habang nagtatrabaho ako. Hindi naman ako natatakot na iwan siya roon dahil alam kong ligtas siya ro'n. “Jessie, iiwan ko muna 'tong si Naomi,” wika ko at napatingin sa anak kong tahimik lang habang karga ko. “Sure! Akin na si baby Naomi,” nakangiti niyang wika at kinuha sa akin si Naomi. Pinatong ko ang bag niya sa counter. Napangiti ko ng mahina niyang pinisil ang pisngi ng anak ko at kumibot naman ang mapupula niyang labi. “Ang cute ng baby mo, Blaine. Nasaan ba ang nakabuntis sa'yo? Hindi niya ba alam na may anak siyang ganito ka cute.” Bahagya akong natawa sa sinabi nito at hindi na sinagot. “Mauna na'ko madami pa akong trabaho." Hinalikan ko sa noo si Naomi bago lumabas sa daycare. Dumiretso kaagad ako sa palengke pumunta kaagad ako sa pinagbubuhatan ko ng mga gulay. “Blaine, sakto lang ang pagdating mo. Nandito na ang mga gulay.” “Sige po, magsisimula na ako,” tugon ko habang nakangiti. Tinali ko muna ang buhok ko bago magsimula. Lumipas din ang ilang oras ay natapos na ako dahil may katulong din ako sa pagbubuhat ng mga gulay. “Kapagod,” mahina kong wika. Pumunta ako sa tindahan para bumili ng ice tubig. Sa daming p'wedeng kalimutan bakit yung tubigan ko pa. Kumuha ako ng barya sa wallet, sa tuwing nakikita ko ang picture ng anak ko, 'yung pagod na nararamdaman ko bigla na lang mawawala ng parang bula. “Ate ice tubig nga po.” Pagkatapos kong uminom ng tubig ay bumalik na ako para kuhain ang ibabayad sa akin. “Blaine! heto na pera mo.” Kinuha ko ang binigay niyang pera. Isang libo lang ang binigay niya sa'kin pero okay na ito kaysa sa wala. Nagpasalamat ako bago umalis pagkatapos ay nagpalit muna ako ng damit bago pumunta sa karinderya ni Aling Norma. “Aling Norma nandito na po ako,” bungad ko. Pagkapasok ko sa karinderya ay naabutan ko siyang nagluluto ng pagkain. Napangiti siya ng makita ako. “Halika rito Blaine may mga hugasin pa sa lababo.” “Opo.” Itinali ko muna ang buhok ko at naglagay ng apron pagkatapos ay sinimulan ko na ang trabaho. Nag-kanda ugaga kami rito dahil maraming tao ngayon sa karinderya. Minsa'y nagseserve ako at nagkakahera. Pinakahuli ay mag-wa-waitress ako sa isang sikat na restaurant. “Nandito kana pala sakto kulang kami." Tumango ako sa kanya. “Sige isusuot ko muna yung uniform ko.” Nagtungo ako sa locker room para magpalit ng damit. Bahagya akong napatigil ng maramdaman kong umiikot ang paligid ko. Napahawak ako sa pintuan ng locker at napapikit. Huminga ako ng malalim at tinuwid ang tayo ko, nakalimutan kong kumain kaya pala ako nahihilo. Mamaya na lang ako kakain kapag wala na masyadong costumer. Dumiretso ako sa kitchen area para kunin ang i-se-serve kong pagkain. “Namumutla ka, Blaine. Ayos ka lang ba?” Tanong ng kasamahan ko. Tipid akong ngumiti sa kanya. “Okay lang ako huwag kang mag-alala.” “Kumain ka na ba?” Tanong nito sa 'kin. Umiling ako. “Hindi pa. Pero kakain ako mamaya pag hindi na busy.” Hindi na ito nag salita dahil hindi ko rin balak na sagutin ang mga tanong nito. Nag-alalang tinignan niya ako. Pero ningitian ko lang siya para malaman niya na ayos lang ako. Kinuha ko ang tray na naglalaman ng pagkain at hinatid iyon sa customer. “Here's your food Ma'am. Enjoy your meal po,” nakangiti kong saad. Nangitian niya ako at nagpasalamat. Bumalik ako sa kitchen area at nag serve ulit ng pagkain. “Blaine! Tinatawag ka ng babae sa table 4.” “Okay po Ma'am.” Nagmamadali akong pumunta sa table 4. Kinakabahan ako dahil baka may problema sa kinain nito. “Ma'am bakit po? May mali po ba sa pagkain niyo?” kinakabahan kong wika. “No, hija. magbabayad na ako. Napakabait mong bata.” “Salamat po." Akala ko ba naman kung ano na. “Heto na ang bayad ko.” Nilahad niya sa akin ang bayad nito at meron pang tip. “Ma'am sobra sobra po ang binigay mo,” nahihiya kong wika. Napakamot ako sa 'king ulo. Ang laki ng binigay niyang tip. “Sayo na 'yan, Hija.” Isang libo ang tip na binigay niya sa akin. Ilang beses akong nagpasalamat sa kanya. Ang swerte ko! Pumunta kaagad ako sa chasier-an at binigay ang bayad. “Blaine! Table 6!” Tumango ako at kinuha ang tray. Biglang sinumpong ang pagkahilo ko kaya natapon ang pagkain na nasa tray na hawak ko. Nanlaki ang mata ko ng makita kong natapunan ang nakaupo roon. “Oh my god! What have you done!” gulat na wika ng babae. “Ma'am, Sir, pasensya na po kayo hindi ko po sinasadya,” natatarantang tugon ko. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa nagawa ko. Ang tanga mo talaga Blaine! “Hindi mo sinasadya!?” Sigaw niya sa akin at muling tumingin sa kanyang damit. “My dress! Hindi mo na alam na mahal 'to!?” “Clare, stop it.” “Really, Ryle? Nakikita mo ba? Marumi na ang dress ko dahil sa babaeng iyan,” dinuro pa ako nito. Hindi ko ito pinansin dahil nakatingin ako sa lalakeng kasama niya. Parang nabingi ako sa sinabi nito. Nanatili akong nakatingin sa kasama niyang lalake. Hindi ko alam kung namumukhaan niya ako. Nakahinga naman ako ng maluwag ng mapansin hindi niya ako namukhaan. Agad namang pumasok sa isipan ko ang nangyari sa aming dalawa at naging bunga no'n ay si Naomi. Hanggang ngayon ay nakatingin parin ako sa kanya. Naalala ko si Naomi, parehong-pareho sila ng mukha. Nabalik lang ako sa aking katinuan ng bigla itong nagsalita habang naka kunot ang noo. “Any problem, miss?” Hindi ko sinagot ang tanong niya sa halip ay nilingon ko ang kasama niya at humingi ng pasensya. “Pasensya na po, Ma'am,Sir. I'm sorry,” naiiyak kong wika at lumuhod sa harapan nila. Ayaw ko pang mawalan ng trabaho. Hindi ko inaasahan ang sunod nitong ginawa. Bigla niyang inapakan ang likod ng ulo ko kaya sumubsob ang mukha ko sa sahig. Sinubukan kong bumangon ngunit mas diniin niya pa ang pagkatatapak sa akin. “Clare, stop it,” walang emosyong sabi ni Ryle. Mahina siyang natawa at pinakawalan ang ulo ko sa pagkasubsob sa sahig. Agad kong pinunasan ang aking luha na walang tigil sa pag tulo. Napalingon ako sa sa gilid ng biglang dumating ang manager ng restaurant. “Anong nangyari dito?” Akmang tutulungan niya ako sa pag-tayo ng makita niya si Clare. “Ma'am Clare?” “Bakit ba kayo tumatanggap ng ganitong ka stupid na waitress?” naiirita niyang tanong. “You're fired,” walang emosyon nitong wika habang tinitignan ang kuko. Nanlaki mata ko. “Huwag po parang awa niyo na po, huwag niyo po akong sesantihin.” Mahirap makahanap ng trabaho ngayon! Muling nangilid ang aking luha, bakit ba nangyayari 'to sa akin? “Please nag mamakaawa ako kailangan ko talaga ng trabaho. Aksidente lang ang nangyari!” umiiyak kong tugon. Nilingon ko ang manager. “Ma'am parang awa mo na po huwag niyo 'kong sesantihin.” “Pasensya kana blaine ako naman ang mawawalan ng trabaho kapag hindi ko sinunod ang utos niya,” tugon nito. Tumayo ako at pinagpagan ang damit ko. Saan ako hahanap ng panibagong trabaho? Ang hirap ng makahanap ng matinong trabaho. Hindi na ako nagpumilit sa Manager ko. Naawa rin ako sa kanya baka mawalan din siya ng trabaho dahil sa 'kin. Nakita kong hinila ni Clare si Ryle papalabas ng Restaurant. Hindi ko alam kung anong tumakbo sa aking isipan pero gusto kong ipakilala ang aking anak sa kanya. Dahil alam kong karapatan ni Naomi na malaman na may ama ito. SHANGPU
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD