TBT 00

1167 Words
TBT 00 Bumuhos ang mahinang ulan. Nagmadali tuloy ako sa pagpedal ng bike na aking sinasakyan sa takot na lumakas pa yon at umuwi akong basang basa. "Cali!" Nakangiting kaway sa akin ng kaibigan ni papa. Nakasakay pa ito sa puti nitong kotse na may tatak ng isang mamahaling brand. Iba talaga kapag mapera. "Tito!" Bati ko rin habang malawak ang pagkakangiti. "Ingat ka pauwi." Tumango lang ako at nagpatuloy na ulit sa pagpedal. Nahinto pa ako sa isang eskinita nang may marinig na tunog ng kung anong bagay na pinapalo. Nanlaki ang mata ko nang may makitang kamay sa sahig. "S-sino yan?" Sigaw ko. May narinig akong bulungan bago sila magsitakbo papalayo. Nagdadalawang isip ako bago bumaba sa bike ko na binili pa ni papa noong nakaraang birthday ko. "May tao ba dyan?" Tanong ko. Nakahinga pa ako ng maluwag nang makita ang isang lalaking nakaupo sa sulok na puno ng putik at sugat. Sira-sira din ang suot nyang puting t-shirt at pants. Mabuti nalang pala at nagsalita ako kanina kung hindi ay baka natuluyan na'to. "Kaya mo bang tumayo?" Umiling sya sa akin. Napaungol sya nang sinubukan ko syang itayo at alalayan. "Kilala mo ba kung sino ang gumawa sayo nito?" Hindi sya sumagot. Inalalayan ko sya hanggang makapunta kami sa isang malapit na clinic dito sa compound kung saan ako nakatira. Pina-assist ko lang sya sa isang nurse at nagpaalam na aalis na. "Ingat ka, cali." Nahihiyang sabi ng isang nurse sa akin. Ngumiti naman ako at tinanguan sya. Mabait ang mga tao sa lugar na'to at halos lahat sa kanila ay kakilala ko na't kasundo. Bata palang ako noong lumipat kami nila papa, mama at ng nakababata kong kapatid na si calla dito. Akala ko nga ay hindi kami magtatagal sa lugar na ito dahil taon taon nalang ay lumilipat kami dahil sa trabaho ni mama na isang pulis. Madalas kasi kung saan sya ilagay ay dapat nandon din kami. Wala naman magawa si papa kung hindi ang pumayag. Madalas ko rin silang marinig na magtalo sa isang bagay. "Nandito na 'ko" Nakangiti naman na sinalubong ako ni mama. Inabutan pa nya ako ng tuwalya at tsinelas. "Ano? Nakapagpa-enroll ka na?" Nilingon ko si papa na nanonood ng balita sa tv sa sala. "Hm." Nagthumbs up sya sa akin. Noong nakaraang taon kasi ay huminto ako sa pagaaral para mabantayan si calla na nagkaroon ng sakit. Ilang bwan din syang naka-confine at ginagamot sa hospital bago sya gumaling. Noong umpisa ay nagalit pa sila mama at papa kung bakit huminto ako sa highschool gayong isang taon nalang ay graduate na ako. Pero kalaunan ay naintindihan din naman nila ang dahilan ko. Walang oras si mama na magbantay kay calla dahil sa trabaho nya ganon din naman si papa na isang attorney. Ayoko naman na ipabantay si calla sa ibang tao kaya nagkusa na rin ako. "Kuya." Tawag sa akin ni calla. Junior high na sya ngayong taon at bumalik na rin kahit papaano ang katawan nya sa dati. Mas naging masigla pa nga sya ngayon kesa noon na halos magkulong nalang sya sa kwarto. "Magbihis ka na muna, cali." Tinanguan ko si mama. "Calla, tara tulungan mo akong maghanda ng pagkain." Nakangiti namang sumunod si calla kay mama. Paakyat na sana ako papunta sa kwarto ko nang akbayan ako ni papa. Sinilip pa nya sila mama na busy sa pagaayos ng pagkain. "Kapag may nakilala kang chix sa school mo ay shotain mo na." Nanlaki ang mata ko. "Papa!" Natawa sya at ginulo ang buhok ko. "Baka tumanda kang binata nyan, nak." Napangiwi ako sa sinabi nyang yon. "Ano na naman ang sinasabi mo sa anak mo carlo?!." Tumawa si papa. "Wala yon." "'Wag mong turuan ng kalokohan yan. Eh baka magaya pa yan sayo." Ngumuso si papa. "Honey, wala akong sinasabing kalokohan kay caliber." Lumayo si papa sa akin at sumenyas na 'wag akong maingay. Under ni mama. Napailing iling nalang ako sa pagiinarte nya. "senior high palang yan." "Wala naman akong sinasabi kay cali na masama e." Napangiwi ako sa pagbi-baby talk ni papa. Sa kanilang dalawa ni mama ay mas lalaki pang umasta si mama kesa kay papa na laging nakanguso at nagpapacute. Mabuti nalang at hindi ganyan umakto si papa sa trabaho nya. Kinakatakutan kasi si papa sa propesyon nya at ganon din naman si mama. Parehong magagaling kasi at mautak. Pareho ding delikado ang trabaho. Nang makaakyat sa kwarto ko ay naligo at nagbihis lang ako ng jacket at shorts. Tinignan ko pa ang sarili ko sa salamin. Itim ang buhok na minana ko pa sa parents ko at brown na mata na kay papa ko nakuha. Itim kasi ang kulay ng mata ni mama na minana naman ni calla. Katamtaman lang rin ang tangkad ko para sa baseball player. Ilang taon na rin ako hindi nakakalaro kaya minabuti ko na magpractice muna bago sumali sa club sa school. Hindi ako kagalingan pero hindi rin naman ako tanga maglaro. "Kuya, kain na." Ngumiti ako kay calla. Umakbay ako sa kanya para sabay na bumaba. Naabutan namin sila mama at papa na nagaasaran at mukhang pikon na ang isa sa kanila. "Napaka-isip bata nyong dalawa." Sabi ni calla na tinanguan ko naman. "Ano?!" "Wala!" Nagdasal pa kami bago kumain. Pagkatapos ay umakyat na ako sa taas para ayusin ang mga gamit ko sa pagpasok sa susunod na linggo. Sana lang ay maging maayos ang pagbabalik ko sa school. Dati kasi ay lagi pa akong napapaaway sa ibang school lalo na kapag may laban kami. "Sumali ka ba ulit sa baseball club?" Tanong ni mama sa akin habang nakasandal sa gilid ng pinto. "Yeah." "Sana naman this year ay hindi ka mapaaway. Habang nasa school ka ay bantayan mo rin si calla." Umayos ako ng upo. Ngumiti ako kay mama at tumango. "H'wag mong gayahin ang papa mo na ginamit ang gwapong mukha para makakuha ng maraming babae. Kukutusan ko kayo pareho." Napaamang ako sa banta nya. Lumapit sya sa akin at niyakap ako. Sandali pa kaming nanatili sa gano'ng pwesto bago nya ako halikan sa noo at tapikin sa balikat. "Pakabait ka na." Kinindatan nya ako. Natawa naman ako kay mama. "Opo, ma." Sabi ko nalang. Nahiga ako sa kama nang isara na ni mama ang pinto. Natulala ako sa labas ng bintana dahil wala pa ring tigil ang pagpatak ng ulan. Ngayon daw ang paglabas ng bagyo sa bansa kaya siguro ganito. Itinakip ko sa mata ko ang braso ko. Lahat ng kabatch ko ay college na kung sakali naman na may kilala ako ay paniguradong bulakbol sa pag-aaral yon. Kailangan kong makagraduate this year kaya dapat ay mag-aral ako nang maayos. Balak ko sana na kapag nakagraduate na si calla ng high school ay isasama ko sya sa manila para doon magcollege. Matalino naman si calla at masipag, lagi pa nga syang kasama sa with honors noon bago sya magkasakit. Ako naman ay hindi nakakasali dahil ang iniintindi ko ay yung baseball, kung paano manalo sa laro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD