This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.
~°~°~°~°~°~
Turn Back Time
01
Nakailang balik pa ako sa salamin ng banyo namin para lang masigurado na maayos ang itsura ko. Nagspray din muna ako ng pabango bago lumabas.
Napatalon pa ako sa gulat kay calla na nakabusangot sa akin. Bitbit na nya ang bag nya at naghahanda paalis.
"Ano ba? Babae ka ba? Ang tagal mo. Late na ako eh." Maktol nya. Natawa naman ako.
Maagang pumasok si mama at papa sa trabaho. Ipinaghanda lang kami ni mama ng almusal at baon bago sya umalis.
"Deretso uwi, ha?" Tumango si calla sa akin.
Pinanood ko syang sumakay sa bike nya at umalis bago ako sumunod matapos kong ilock ang pinto at gate ng bahay.
Mabagal lang ang pagpedal ko. Nadaanan ko pa yung eskinita na kung saan may binubugbog noong nakaraang linggo.
Buhay pa naman siguro yung lalaki na yon no? Mukha namang hindi sya madaling mamatay dahil lang sa bugbog. Hindi na rin kasi ako nagabalang pumunta pa sa clinic kung saan ko sya dinala.
Nasa pinto na ako ng university namin nang may humarang sa akin na isang babae. Nakayuko sya at may inaabot sa akin na sulat. Nagpilit ako ng ngiti.
"Good morning." Sabi ko nalang bago sya lagpasan.
Hindi ko na nakita ang reaksyon nya sa sinabi ko dahil umalis na rin ako agad. Kampante akong naglalakad sa hallway papunta sa classroom ko.
"Uy, si Ferrera, oh."
"Oo nga no. Balik eskwela na rin pala yan."
"Dalawa na pala yung magulo sa school na'to "
Pinilig ko ang ulo ko. Dalawa? Sa pagkakatanda ko ay dati pa naman maraming magulo sa school na'to pero ngayon ay dalawa nalang?
"Cali!"
Akbay sa akin ni anakin. Siniko ko naman agad sya. Hindi pa rin sya lumayo. Humawak sya sa ulo ko at mas lalong dumikit.
"Long time no see?"
"Hindi ka pa pala nakagraduate." Tumawa sya sa sinabi ko.
"Hinintay talaga kita. Ano sumali ka ba sa club natin? Welcome ka doon." Ngumuso ako.
"Walang nagsabi sayo?"
Tumigil sya sa paglalakad kaya nahinto rin ako. Humawak pa sya sa balikat ko at iniharap ako sa kanya. Mas matangkad sya sa akin ng kaonti at di hamak na mas malaki rin ang katawan nya, paano ay sagana sa gym at away kalye.
"Ano yon?"
"Nakaraang linggo pa opening ng club nyo hindi ba? Sumali na ako agad matapos kong mag-enroll." Nanlaki ang mata nya. Umalingawngaw pa sa buong hallway ang galak na galak na tawa nya.
Nakakarindi.
"Talaga?? Ibig sabihin dalawa na ang magaling sa baseball team natin?" Nagkibit balikat ako. "Well, lahat naman ay magaling kaso meron talagang angat." Dagdag nya pa.
Napahiwalay pa si anakin sa akin ng may dumaan na lalaki sa gitna namin. May kulay ang buhok nito at kasing tangkad lang ni anakin. Hindi ko na pinansin at nagpaalam na mauuna na.
"Magkaklase kayo ni ali at gio." Aniya. Habang nakatingin sa papel na binigay sa akin sa registrar office. Nakasulat na rin sa papel na yon ang schedule ng klase, pangalan ng mga teacher at classmates ko.
"Hindi rin pala nakagraduate yung dalawa?" Takang tanong ko.
"Hinihintay ka nga kasi namin." Napasimangot nalang ako. Mga taranta** talaga to, ginawa pa akong dahilan sa katamaran nila.
"Sino yung bagong ace player?" Tanong ko habang inaayos ang upuan ko sa harap sa tabi ng pinto.
Bawal umupo sa likod walang natutunan. Naupo ako at tinignan si anakin na nakatayo sa harap ko.
"Kiro Lopez."
Tumango nalang ako kahit hindi ko kilala kung sino iyon. Ilang minuto pa kaming nagusap tungkol sa bagong lineup ng team namin. Kahit saan naman kasi ako iassign ay ayos lang. 'Wag lang mabangko sa oras ng laro.
"Good morning, class." Bati ng babaeng teacher sa harap. "May bago kayong kaklase. Mr.Ferrera, pwede ka bang magpakilala dito sa harap?" Tumango naman ako.
Papunta na ako sa harap ng pumasok sila gio at ali sa likod kasama ang hindi pamilyar na lalaki. Parang nakita ko na sya? Tumaas pa ang parehong kilay ko matapos maalala kung sino ba yung blonde na lalaki na kasama nila.
Sya yung bumunggo kay anakin kanina. Nagkatinginan pa kami. Nangunot pa ang noo ko sa biglaang pagngisi nya.
"Late kayo." Inis na sabi ng katabi kong teacher.
"Sorry, miss." Hingi ng tawad nila gio pero yung isang blonde ay basta nalang naupo at nagkalumbaba sa mesa habang deretso ang tingin sa akin.
Bigla tuloy ako kinilabutan sa tingin nyang yon. Huminga akong malalim at humingi ng permiso sa guro na magpatuloy nalang.
"I'm sorry, mr.ferrera." tumango nalang ako.
"Caliber Ferrera, 19 years old." Pakilala ko.
"Ahh... Naaalala ko sya! Madalas na kasama dati yan ni baby anakin."
"Yeah.. i know him too."
"Gwapo nya, no?"
"Balita ko magaling daw yan sa baseball."
"Ano ka te? Sya yung dating ace player ng baseball team natin dati bago si babe kiro."
Dinig kong paguusap sa likod ko. Parang wala ako sa harap nila kung pagusapan nila ako. Napabuntong hininga nalang ako. Wala naman talaga sa akin kung sinong ace ngayon ang mahalaga ay makagraduate ako.
Mas malaking opportunity daw kasi sa college kapag baseball player. Gusto ko makasali sa sikat na baseball team.
"Cali. Sorry hindi ka namin binati kanina." Ngumiti lang ako.
"Ano, tara mamaya? May practice. Tsaka magpapa-celebrate si coach kasi bumalik ka na." Napaisip pa ako dahil walang kasama si calla sa bahay mamaya. Baka sa practice lang ako makasama at hindi sa celebration.
Hinanap ko pa ang cellphone ko na nasa loob ng bag ko at sinubukan na itext si mama kung maaga sya uuwi.
Mama
~Yeah. Nasa bahay na ako mamayang 5 pm. Bakit aalis ka ba?
Me
~celebration daw, tsaka practice namin mamaya.
Mama
~Okay, wag kang magpapakabusog masyado magluluto ako. Umuwi ka maaga.
Me
~Opo, ma.
Ngumiti ako kila gio na prenteng nakaupo sa desk ng teacher namin.
Mga tukmol.
"Ano? Sama ka?" Tanong ni ali na nagpapacute pa. Hindi ko tuloy mapigilan na hindi maasiwa sa itsura nya.
"Yeah."
Tumayo ako at inayos ang bag ko. Late na yung next subject teacher namin. 15 minutes nalang at break time na. First day of school tapos late?
"Kamusta pala kapatid mo? Magaling na?" Tanong ni gio sa akin. Hinablot nya pa sa isa naming kaklase ang gitara nito.
Bully.
"Hm." Nagliwanag naman ang mukha nya. "Tigilan mo kapatid ko, gio." Ngumuso sya sa akin.
"Bayaw naman." Itinaas ko ang middle finger ko.
"Oh, kiro? Saan ka pupunta?" Napalingon pa kami sa lalaking naglalakad papalabas ng room.
Sya ba yung Kiro Lopez? May lahi kaya yon? Hindi kasi sya sinisita ng mga teacher sa kulay ng buhok nya.
"Mauuna na sa caf." Sabi lang nya.
Nilingon ko pa yung class president namin na napabuntong hininga na lang. Hindi nya kontrolado?
Matapos ang ilang minuto ay tumunog na ang bell kaya nagsilabasan na kami. Lahat pa kami nagtaka kung bakit nagtatakbuhan ang mga kasabayan namin ng break time. May hinablot akong isang babae, natulala pa sya sa akin.
"Anong meron?" Tanong ko. Tumabi naman sa akin si ali at gio.
"Si kiro... Nakikipagbasag ulo na naman sa ground." Matapos nyang sabihin yon ay binitawan ko na sya.
Hindi ko na sana papansinin pa ang kaso ay may humila na sa akin. Tinignan ko pa kung sino yon.
"Anakin." Nilingon nya ako at ngumiti.
"Tara tignan natin."
Tinatawag pa kami nila gio at ali na nakasunod sa amin. Huminto kami sa isang poste sa ground kung saan kita yung nagbabasagan ng bungo sa gitna.
Napahawak ako sa poste at huminga ng malalim. Ang bilis nya tumakbo muntik pa nga ako madapa kanina.
"Ang bilis nyo." Hinihingal ring saad ni gio. "Hoy! Lopez! Kapag nawalan ng malay yan mawawala ka rin sa team!" Hinihingal na sigaw ni gio.
Lumingon pa sya sa amin. Hindi tuloy nya natuloy ang pagsapak sa lalaking nakahandusay sa sahig. Tumayo sya ng tuwid at naglakad na paalis na parang walang nangyari.
Ganon nalang yon?
Napangiwi ako sa lalaking binugbog nya. Kawawa naman 'to parang manika na pinanggigilan.
"Yari na naman yan kay coach." Bulong ni ali. Sinundan pa namin ng tingin si kiro na may buntot na mga babae.
"Sabi na eh. Dapat talaga hindi iniiwan na mag isa yan. Lagi napapaaway..." Inakbayan ako ni anakin. "Tara na sa caf. gutom na ako e."
Nasa harap na kami ng cafeteria nang ialis ko ang brasong nakasampay sa balikat ko. Natigilan pa ako dahil sa pares ng matang nakatingin sa amin.
"Kiro!" Tawag ni ali sa lalaking nakakalumbaba sa mesa. Bakas pa sa kamao nya ang pamumula na may kaunting dugo na obvious naman na hindi kanya.
Naglakad palapit sila ali sa kanya kaya sumunod nalang rin ako. Dinaldal pa sya nila gio pero nanatili syang tahimik.
"Anong gusto mo? Libre ko." Kalabit sa akin ni anakin na nakaupo sa tabi ko.
"Sama na ako." Tumango naman sya. "Pero libre mo pa rin." Dagdag ko na ikinatawa nya.
"Yeah! Kayo dyan? Hindi kayo bibili?" Tanong nya sa tatlo.
"Ayos! Libre mo?" Umaasang tanong ni ali. Napaismid naman si anakin.
"Asa ka."
"Wow! Kapag si caliber, libre??!" Kinutusan naman sya ni anakin. Natawa ako pero agad ko ring tinikom ang bibig ko ng magkatinginan na naman kami ni kiro.
Problema nito?
"Tara." Hatak na naman sa akin ni anakin papunta sa bilihan ng pagkain.
Tumango lang ako sa mga tinuro nya. Nagulat nalang ako ng andami na nyang hawak hawak. Dali dali ko naman syang tinulungan na buhatin yon.
"Ang dami mo namang binili?" Tumawa lang sya. Hindi na rin ako nagtanong pa matapos non.
Pagbalik namin sa mesa ay dumeretso si anakin sa tabi nila gio at ali. Kinunutan ko pa ng noo si kiro dahil nakaupo na sya sa kaninang pwesto ko. Wala tuloy akong choice kung hindi ang tumabi sa kanya.
"Oh, cali." Tulak ni anakin ng pagkain sa akin.
Inuna kong damputin yung tinapay na nakabalot. Hindi pwede magkanin baka mahirapan ako mamaya sa practice.
"Kuya." Napalingon ako sa gilid ko.
"Bakit?" Tanong ko kay calla.
"Naiwan ko yung wallet ko sa bahay.."
Magsasalita na sana ako kaso ay naunahan na ako ni gio. Dinampot nya lahat ng pagkain sa harap nya at iniabot kay calla. Nanlaki naman ang mata ng kapatid ko. Napaiwas pa ng tingin si gio sa amin.
Sirau** talaga 'to.
"T-thank you. Kuya gio."
Nagkatinginan naman kami nila ali at pigil ang tawa. Basted agad.
"Kung may gusto ka pang bilihin." Abot ko kay calla ng isang daan. Nagpasalamat muna sya ulit bago umalis.
Nilingon ko si gio na parang maiiyak na, doon lang kami nakatawa lahat. Ilang ulit pa syang tinatawag na kuya ni ali at anakin, halatang nagaasar. Hindi naman na talaga bago sa akin 'to simula ata grade school palang si calla ay gusto na sya ni gio.
Hinahayaan ko lang kasi sabi ni mama na hayaan daw namin si calla na magdesisyon. Alam din naman ni calla na may gusto si gio sa kanya kaso ay wala daw syang balak na magkaroon ng boyfriend, priority daw nya ang pag-aaral.
Proud!
"Tara na." Aya sa amin ni anakin. Malapit na rin kasi matapos ang break.
Tinulungan ko muna sya na ayusin ang mga kalat namin bago kami umalis. Nagpaalam na si anakin sa amin bago pumunta sa classroom nya sa third floor.
Tumambay muna ako sa corridor namin. Inilabas ko pa ang earphone ko at cellphone. Nagpili muna ako ng kanta bago isalpak sa tainga ko ang earphone.
(Now playing: mama said/ lukas graham)
Tsaka lang ako naupo sa malamig na semento ng sabihin ng president namin na absent ang next subject teacher namin.
Wow! Pangalawa na'to ha.
"Cali, dito ka sa loob baka may mag-ikot na teacher mamaya." Hila sa akin ng kaklase ko.
Hindi ko sya kilala at wala rin akong balak na kilalanin pa sila isa isa. Makakalimutan ko lang rin naman ang pangalan nila.
Pinaupo nya ako sa sahig sa tabi ng bintana. Hindi naman ako nagreklamo pa at basta nalang ulit sinalpak ang earphone ko at pumikit.
Ilang minuto pa ang lumipas ng may magtanggal ng earphone ko sa kaliwa kong tainga. Nanlaki ang mata ko ng nakatabi na sa akin si kiro at nakasandal sa balikat ko. Pati sila gio at ali ay nakapwesto na rin sa tabi ko.
Si gio na tumutugtog ng gitara at si ali na kumakanta. Para akong naistatwa dahil sa ulong nakapatong sa akin. Huminga nalang ako ng malalim at pumikit.
Lalo akong natuod ng kunin nya ang cellphone sa kamay ko. Gulat tuloy akong napadilat.
"Password." Mahina at malamig ang pagkakasabi nya non. Hindi yon tanong kundi sabi. Napalunok ako dahil sa kaba sa hindi ko malamang dahilan.
"111802" Mahinang sabi ko sapat na para marinig nya.
Hindi ko na tinignan kung paano nya binuksan ang phone ko. Ilang minuto pa bago nya ibalik sa akin ang cellphone ko at tumayo na.
Napalingon pa kami sa kanya na naglalakad papalabas. Mapapaaway to panigurado.
"Kiro, iwas sa gulo." Paalala ni ali. Hindi sya sumagot at nagpatuloy lang sa paglabas ng room namin.
Pinatay ko tugtog at mas pinili na pakinggan ang pagkanta ni ali. Sabi nya sa akin noon na kung hindi daw sya tatanggapin sa team ay sa music club nalang daw sya sasali.
Maganda din kasi ang boses nya at magaling din sya sa iba't ibang role sa baseball ang hindi lang nya kaya ay ang pitching kung saan naman ako magaling.
"Cali. Tulala ka dyan." Kalabit sa akin ni gio gamit ang gitara nya.
Parang ang sarap tuloy nyang pukpukin non sa ulo.
Ngumiti ako at umiling. Nagkibit balikat naman sya. Ilang minuto pa ang nasayang bago dumating ang sumunod na teacher sa room namin.
Bumalik ako sa upuan ko at nakinig na lang. Sa kalagitnaan ng pagtuturo nya ay ang pagdating ni kiro na halatang kakagising lang.
Hindi sya pinansin ng teacher noong umpisa pero nung recitation na ay sya lagi ang tinatawag. Lagi naman nyang sinasagot yon ng tama. Minsan pa nga ay nagtataas sya ng kamay at ngingisi muna bago sumagot, nang aasar.
Sa huling klase ay nanahimik na sya. Pinagtest lang kami bago ituro sa amin ang itinest namin. Siraulo, tapos nagreklamo pa kung bakit bagsak kami sa test na binigay nya.
"Tara na, guys." Sulpot ni anakin sa pinto namin matapos ang huling klase.
Nag-unat muna ako bago kunin ang bag ko at lumabas. Nakasabay ko pa si kiro na tahimik lang rin. Isinampay na naman ni anakin ang braso nya sa balikat ko. Nahulog lang yon ng sanggiin kami ni kiro.
Lahat kami ay napalingon sa kanya pero hindi sya umimik, ni hindi nga rin nagsorry sa amin. Hindi na rin pa binalik ni anakin ang pagkakaakbay nya.
Pagdating namin sa field ay may nakasalubong pa kaming basketball varsity players na mukhang papunta na sa court para din sa practice nila.
Nakipag-apiran pa sila gio sa kanila. Hindi na ako huminto pa sa paglalakad ko noong nakipagkwentuhan pa sila. Dumeretso agad ako kung saan nakaupo si coach.
Yumakap pa sya at tinapiktapik ang likod ko na parang sirau**. Kinamusta nya pa ang kapatid ko bago ako hayaan na maupo sa bleachers. Muli kong inilabas ang earphone ko para sana makinig sa music kaso ay sumingit na naman si coach.
"Ferrera, bakit hindi mo samahan si Lopez." Nguso nya kay kiro na hawak ang isang baseball bat at iniwawasiwas iyon sa ere.
Magaling 'tong pumalo.
Tinanguan ko si coach. Itinago ko muna sa bag ko ang cellphone at earphone ko. Nag-stretching muna ako bago sya puntahan.
"Gusto mo ba mag practice pumalo?" Tanong ko. Humarap naman sya sa akin at tumango. Walang kaemo-emosyon ang pares ng mata nya.
Kumuha ako ng bola at pumunta kung saan dapat nakapwesto ang pitcher. Sya naman ay ganon din habang bitbit ang baseball bat. Tumindig sya na parang handang-handa sa ibabato kong bola.
Umayos ako ng tayo at naghahanda na rin sa pagbato ng bola. Ngayon ko masusubukan ang "Hesitation Pitch" na inaral ko pa noon. Hindi ako sigurado kung tama ba dahil wala namang nanonood sa akin para itama ang mga mali ko.
(note: hesitation pitch - It's where a pitcher lifts his leg to throw then stops for a second or even pumps his leg in the air before completing the stride to home and throwing the pitch. ~Google)
Pag-hagis ko ng bola ay sya namang pag-ngisi nya sa akin.
Natamaan nya.
Walang kahirap-hirap nyang natamaan yon! Ang galing! Sinundan ko pa ng tingin yung bola na sa malayo bumagsak. Nilingon ko pa si kiro na tahimik lang.
"Wow!" Manghang sabi ko.
Hindi lang pala sa pagbabasag ulo may ibubuga ito! Kasi kahit sa baseball ay alam kong kaya nyang mandurog! Ibang klase! Ang galing.
Sa pag hit palang ng bola yon paano pa kaya kapag sya na ang bumabato?
Nawala ang pagkamangha ko nang lumapit sya sa akin. Napalingon pa ako kay coach na wala na sa pwesto nya. Saan nagpunta yung matanda na yon?!
Napaatras naman ako. Mas matangkad sya sa akin at kahit na hindi sya kasing maskulado ni anakin ay alam ko na mas grabe pa ito mambugbog kaysa sa amin.
Napalunok pa ako ng sarili kong laway nang lumapit nang lumapit ang mukha nya. Natuod ako at hindi makagalaw sa pwesto ko dahil baka magkamali pa ako ng kilos.
"Nice pitch." Bulong nya sa mismong tainga ko. Lumayo sya sa akin at ngumisi. "Breathe." Saad nya. Malalim ang binitiwan kong paghinga. Hindi ko napansin na nagpigil pala ako sa paghinga! Muntik na ako mamatay!
Kaasar!
Sisigawan ko na sana sya kaso ay dumating naman sila anakin. Bakit ba tumagal tong mga kumag na'to at kasama pa talaga nila si coach ha?!
Ang hahayop! Iniwan ako sa tukmol na'to. Kumaway si anakin sa pwesto namin kaya pilit akong ngumiti at nilagpasan na lang si kiro.
Ilang hakbang palang ang nagagawa ko nang may braso ng nakapulupot sa leeg ko.
"Hay*p na yan! Lumayo ka nga sa'kin." Singhal ko sa kanya.
"'Wag kang makulit. Baka magdilim paningin ko." Natigilan ako. Seryoso ang boses na para bang masasaktan nya talaga ako.
"B-baliw ka?!" Inilapit na naman nya ang mukha sa akin at ngumiti ng nakakatakot.
"Makinig ka sa mga sinasabi ko." Bulong nya. Napalunok pa ako dahil sa kaba sa kanya.
"F*ck you!" Tumawa lang sya. Hinila nya ako palapit kila ali na nags-stretch.
"Lopez! Ano na naman ang ginawa mo kanina?!" Sigaw ni coach. Ginulo pa muna ni kiro ang buhok ko bago sya pumunta sa harap ni coach.
"I'm sorry, coach."
"Ilang beses ko na bang sinabi sayo na umiwas ka sa gulo?!"
Tumalikod ako at nagpunta na sa mga kasamahan namin. Kasalukuyan silang naguusap tungkol sa design ng bagong uniform namin.
"Good morning!!" Sabay sabay kaming napalingon sa babaeng sumigaw. "Ninomae Tan, 18 years old. Bagong manager nyo."
Yumakap pa sya sa amin lahat pero pagdating sa akin ay naglahad lang sya ng kamay. Hindi ko naman na ininda pa iyon at tinanggap nalang.
"Caliber Ferrera." Pakilala ko.
"Yeah, i know you." Kumindat pa sya sa akin.
Huminto sya sa tabi ko kaya napalingon pa ako kung bakit. Seryoso ang mukha ni kiro pero agad din naman syang ngumiti. Ginulo na naman nya ang buhok ko.
"F*ck! What's wrong with you?!" Singhal ko. Nagmiddle finger pa ako sa kanya na ginantihan din naman nya.
"Mukhang magkasundo na kayo ha?" Sulpot naman ni anakin sa gilid.
Mga kabute ba 'to? Bigla-bigla na lang sumusulpot.
Tinapik nya ang balikat ko. Nagsalubong pa ang kilay ko dahil sa kanila. Nakakairita.
"Ano sa tingin nyo? Maganda ba yung dark blue and white? Yung cap ay ganon pa rin naman." Tanong ni ninomae.
Dati kasong green and white ang kulay ng mga uniform. Mas maganda pa nga ang desenyo dati kumpara ngayon.
Hindi na ako nag-abalang makisali pa sa usapan nila. Naglakad ako papunta sa kabilang bleacher kung saan malayo sa kanila.
Peace of mind!
"Bakit nandito ka?" Inis naman akong tumayo. "Tara don." Pilit ko pa syang itinutulak para malayo sa akin.
"What the f*ck!!" Sigaw ko.
Tumawa lang sya. Pinulupot na naman nya ang braso sa leeg ko at hinatak ako pabalik kung saan sila nagtitipon tipon.
"Lopez, bitawan mo si Ferrera." Sita ni coach sa kanya. Lumuwag naman ang kapit nya pero nanatili pa rin sa gano'ng posisyon.
Sa inis ko ay buong lakas ko syang itinulak palayo sa akin. Nangingisi pa sya nang tignan ako. Iniayos ko lang sandali ang suot kong uniform na nagusot na.
"Next month ang unang laban natin sa kabilang school..." Paguumpisa ni coach. ".... Ang gusto ko ay mag-practice kayo ng seryoso dahil hindi sila biro. Naalala nyo pa ba ang pagkatalo ng team noong nakaraang taon? Kung ayaw nyong maulit yon ay magseryoso kayo!"
Natalo pala sila? Hindi na rin kasi ako nakikibalita pa simula nung tumigil ako sa pagaaral. Hindi rin nagkukwento sila anakin kapag nagkikita kami o kaya kapag bibisita sila. Hindi rin naman kasi ako nagtanong dahil paniguradong maiinggit lang ako.
"Coach! Saan gaganapin? Dito ba o sa school nila?" Tanong ni dash.
"Hindi pa nakakapagpasya ang committee kung saan. "Wag kayong mag-alala sasabihan ko kayo agad." Nakangiti na sabi ni coach sa amin.
Hindi ako umimik at basta na lang naglakad papunta sa bakanteng upuan sa tabi ni anakin at doon naupo. Habang nagpapaliwanag si coach sa mga bagay-bagay ay lahat kami seryoso.
"This year will be your year last in here. Bago matapos ang taon ay may gaganapin na sports fest. Maraming nanunuod na bigating tao sa araw na yon kaya ang gusto ko ay galingan nyo."
Sumandal ako sa sandalan ng upuan. Alam ko sa araw na yon ay pili lang ang makukuha sa amin at sana lang talaga ay isa ako doon.
"By fair! Exercise muna." Lahat kami ay napatayo sa sinabi ni coach. Sya rin ang unang naglahad ng kamay sa harap nya hanggang sunod sunod na magpatong-patong ang mga kamay namin. "Fighting!" Sigaw nya na sinigundahan namin.
Kakalabitin ko na sana si anakin kaso ay may humila na sa kanya. Kamot ulong napatingin ako sa kanilang lahat na may kanya-kanya ng kapareho.
"Psst. Come here." Nakangiwing nilingon si kiro na nakaupo sa damuhan.
"F*ck you!" Utas ko. Tumawa sya.
"Ferrera, ano na?" Sigaw ni coach.
Padabog pa akong naglakad papalapit kay lopez na nangaasar pa habang nakangiti sa akin. Tan*in*ng mukha yan.
Nakasimangot ako hanggang matapos kami sa practice dahil sa mukha ni kiro. Hindi naman kami close o magkakilala nito pero grabe ang lakas mangtrip.
Napatingin pa ako sa relo ko habang naglalakad palabas sa uni. 10 pm na rin pala.
Mama
~Anong oras ka uuwi?
Me
~Late na, ma. Sorry. Kakatapos lang ng practice namin. Tapos manlilibre daw si coach ngayon e.
Mama
~O sige. Ingat pa uwi. Kumain ka ulit dito mamaya.
~Kung iinom kayo ay 'wag sobra.
Napanguso ako. Hindi talaga pwede kay mama na hindi kumain sa bahay. Itinago ko ang cellphone sa bulsa ko matapos mabasa ang huling mensahe galing sa kanya.
Iilan nalang ang bukas na ilaw sa paligid at piling tao nalang rin ang naglalakad. Nahinto pa ako sa paglalakad at tumingala sa b'wan na bilog na bilog natabunan pa iyon ng makapal na ulap na dumaan.
"Tara na! Ferrera!" Sigaw ni coach sa akin. Nauna na pala sila mag lakad. Hindi ako sumagot at sumunod na lang.
"Ms.manager! Hindi ka ba papagalitan sa inyo?" Iling lang ang isinagot nya kay cian.
"Lahat tayo ay ihahatid si ms.manager mamaya!" Anunsyo ni brian.
"Sira ka ba." Nagtawanan pa sila. Napalingon pa sya sa akin kaya hindi ko maiwasan na mangunot ang noo.
Napatingin ako sa mga sasakyang dumaraan sa amin. Umingay ang paligid dahil sa kanila. Gustuhin ko 'man na umuwi nalang ay hindi ako ako papayagan lalo na at para sakin pa ang celebration na'to.
Hindi naman importante yon, ewan ko ba kay coach kung bakit nag-abala pa sya. Hindi naman big deal ang pag-balik ko.
Isinuklay ko ang kamay sa buhok kong hinahangin. Naiwan ko pala ang jacket ko sa locker. Wala akong imik hanggang huminto kami sa isang resto-bar.
Nasa labas palang kami ay dinig na ang boses ng mga tao sa loob. May iilan na nagiinuman din sa labas at mukhang lasing na. Hindi ata ako makakauwi ng hindi nakakainom ha.
Nilingon ko si coach na kausap ang isang guard. Umatras ako ng kaunti at inilabas sa bulsa ko ang cellphone at earphone. Pinanood ko lang sila na magusap usap.
Kinawayan pa ako ni brian at ng manager namin na sinagot ko naman ng tango. Hindi na yata sila tutuloy.
Ilang minuto pa ang lumipas bago ako tawagin ni coach. Nakasunod lang ako sa likuran nila. Nagpakita pa ng mga ID ang iba naming kasama ganon rin ako.
Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong lugar at wala na akong balak na bumalik pa. Ang ingay at ang gulo. Tuwing may celebration kasi na inihahanda si coach para sa bagong member ay hindi ako sumasama kahit na noong bago palang rin ako.
"Dito ka Ferrera!" Hatak sa akin ni anakin paupo sa tabi nya.
Nakahanda na sa mesa ang iba't ibang klase ng beverages pero lahat naman yon ay hindi nakakalasing. May mga plato pa na naglalaman ng mga pampulutan daw.
"Welcome back, Ferrera!" Sabi ni coach na sinabayan naman ng team.
"Hintayin natin sila Ms.Manager." ani cian.
Ibig-sabihin hindi pala sila umuwi? Kung ako sa kanila ay uuwi nalang ako.
Napasandal pa ako sa upuan ko at nginitian sila bago magpasalamat. Inabutan din ako ni anakin ng isang bote ng alak na tinanggap ko naman at ininom agad yon. Ayokong sirain ang araw na'to baka hindi na maulit pa.
Ilang minuto pa ang lumipas bago dumating sila brian na may hawak-hawak na cake. Ingat na ingat pa sila dahil baka daw mamatay ang kandila.
"Welcome back!!" Sigaw nila. Tumayo naman ako at hinipan yon.
Naghiyawan pa sila at sabay sabay na itinaas ang mga bote ng alak na hawak nila. Nakisali na rin ako sa usapan at nakitawa na rin.
~°~°~°~