TBT 02

3989 Words
02 ~•~•~•~•~•~ Alas dose na ng madaling araw ng mag-aya na sila ali umuwi. Hindi na rin nagreklamo pa ang iba sa amin dahil maaga pa ang pasok bukas. Yung iba ay pabalik na sa dorm nila at yung iba naman ay sa kanya-kanya nilang bahay. "Thank you." Nakangiti na sabi ko. Sincere ako d'yan hindi lang halata. "Ingat kayo sa pag-uwi." Tumango sila at kumaway. "Coach! Tara na." Aya ng mga kasabay ni coach pabalik sa dorm. "Ingat din kayo." "Yes, coach." Pinanood ko silang sumakay sa tricycle paalis. Matapos non ay tumalikod na ako at nagpaalam na mauuna na. Ngayon ko lang napansin na si kiro lang pala ang hindi sumama sa amin. "Sabay na ako sayo." Tinanguan ko si anakin. Walang nagsalita sa amin hanggang mag-hiwalay kami ng daan. Muli kong isinalpak sa tainga ko ang walang music na earphone. Kailangan ko pa tuloy pumasok ng maaga bukas para sa bike ko na iniwan ko. Lumiko ako at nagtungo sa isang court na hindi na masyado pang nagagamit. Bihira lang kasi may maglaro ng basketball sa compound namin at iilan lang rin ang mga kaedad ko na nakatira doon. Hindi pa ako nakakalapit sa court na iyon ay may nahahagip na ang mata ko na mga tao. Sa bilang ko ay lima sila na nakatayo sa mismong gitna ng court para bang naguusap, lahat sila ay nakatalikod sa pwesto ko. Huminto ako sa paglalakad noong malapit na ako. Pumwesto rin ako sa tabi ng puno sa sulok na bahagi ng court. Hindi pamilyar ang mga boses at hindi ko rin maintindihan ang pinaguusapan nila. Aalis na sana ako dahil baka magkagulo pa, nang may marinig ako na isang pamilyar na boses sa akin. Para bang narinig ko na kung saan yung boses na yon, hindi ko lang maalala. May bahid ng panunuya sa boses nya na tila nang aasar pa. "Tsk. Puro ka salita." Sabi nito. Sinuri ko pa ang mga lalaking hindi pamilyar sa akin. Anim pala sila kasama yung pamilyar na boses. Lahat naman sila ay mukhang desente at yayamanin dahil sa suot nila na halatang branded. Hindi ko maitama ang hinala ko kung kanino yung boses na yon dahil nakaharang sila, ang tatangkad at maskulado. Panigurado kapag masapak ka lang ng isa sa mga to ay tatlong araw ka sa hospital. "Gago ka ba!" Galit na sigaw ng isa sa kanila. "Go on, teach him a lesson." Sabi ng isa, kaswal ang tono ng boses nya na para bang normal na ang bagay na ipinaguutos sa mga kasama. Napanguso ako. Kitang-kita ko sa pwesto ko kung paano sya bugbugin ng mga lalaki. Hindi sya guma-ganti na syang ikinakunot ng noo ko. Kaya nyang lumaban, alam ko pero hindi nya ginagawa. Ilang minuto pa ang nag-tagal bago mag-sawa yung mga lalaki na sapaksapakin sya ng paulit-ulit at tadyakan. Ngayon sigurado na ako kung kanino yung pamilyar na boses. Hindi sya sumama sa celebration para makipag-basag ulo? Tsaka kailan pa sya naging duwag? B*bo. Lumipat ang paningin ko sa isang lalaki na prenteng nakaupo sa bench sa labas ng court. Nanunuod lang rin sya at katulad ko ay walang imik, may subo-subo din syang sigarilyo. Halos mag pigil ako sa paghinga at pilit na isinisiksik ang sarili sa puno nang lumingon sya sa gawi ko. Nakita nya ba ako? Kaano-ano kaya sya ni kiro? Medyo hawig nya kasi. "Ahhkk!" Dinig kong daing. Naibuka ko ang labi ko sa gulat nang mapatingin ulit ako kay kiro na hawak-hawak na sa leeg yung isang lalaki. Halatang hirap na hirap dahil hindi makahinga. Nanlilisik ang parehong mata ni kiro na may bahid ng galit. Nakakatakot. Halatang halata sa aura nya na balak talaga nyang patayin yung lalaki na sumasapak sa kanya kanina. Nakita ko pa kung paano sya magsalita at may sabihin sa lalaki na yon. Hindi ko marinig! Buong pwersa nyang inihagis yung malaking lalaki ng walang kahirap-hirap. Hangga't maaari ay ayokong makaaway 'to. Delikado. "Kiro!" Sita sa kanya nung lalaki na nakaupo kanina sa bench. Wala akong mabasang emosyon sa kanya ni hindi nga sya nagulat sa ginagawa ni kiro ngayon. Crazy as*h*les! Tumawa lang si kiro sa kanya bago hablutin sa kwelyo yung isa pang lalaki at hindi nagdadalawang-isip na sapakin yon. Dinig pa sa buong paligid ang paglagatok ng buto non sa panga. "Isa lang yan! Mga tan*a" Sigaw ng isa sa apat na lalaki. Napangiwi ako matapos nya yon sipain ng buong lakas. Hayop! Panigurado na may bali yon sa tadyang. Nanghihina pang tumayo yung dalawang lalaki bago sabay-sabay silang apat na sugurin si kiro. "Tama na yan. Tara na." Walang emosyong saad ng lalaki na kahawig ni kiro. Natigilan pa yung apat. Natatawa na mabilis na lumapit si kiro sa lalaki na yon at walang sabi sabing sinakal nya. Galit na galit talaga sya. Hindi nya pa rin binibitiwan yon kahit na may tumutulo ng dugo sa leeg ng lalaki dahil sa pagbaon ng kuko nya. Sino ba talaga sila? Nakakatakot ang isang 'to para syang nasisiraan ng bait. Tinabig lang nung lalaki yung kamay nya. Nagpapalitan pa sila ng mga salita na hindi ko na pinakinggan pa kasi hindi ko na rin naiintindihan. "See you soon, kuya." Ngising sambit ni kiro. Tsaka lang ako lumabas sa pwesto ko nang mawala na yung tinawag na kuya ni kiro. Naglakad ako palapit sa kanya. Naka-upo sya sa malamig na semento ng court. Nakayuko ang ulo at malalim ang pag-hinga. "Ganda ba ng show?" Sarkastiko ang tono nya. Hindi pa rin sya tumitingin sa akin. Alam nya kaya na nanonood ako? "Nakita mo 'ko?" "Bakit hindi ka pa umalis?" "Dito ka lang?" "Tapos na yung party nyo?" "Ayos ka lang?" Palitan namin ng tanong. Wala akong balak sumagot kung hindi sya ang mauuna. Iniangat nya ang ulo nya at tinignan ako ng deretso. Puno sya ng galos sa mukha pero hindi naman siguro yon malala. Hindi nya ikamamatay yan. Mas kawawa pa nga yung mga lalaki kanina. Nagsalubong agad ang kilay ko nang makita ko syang tumawa ng nakakaasar. Kung sisipain ko kaya 'to ngayon sabay takbo? Hindi naman siguro nya ako mahahabol? "Eehh?! Ano ba?!" Sigaw ko ng kumapit sya sa pants na suot ko para makatayo. Napaatras din ako ng hablutin nya ako sa panga at ilapit ang mukha nya sa mukha ko. Nakangiti na naman sya ng nakakaloko. Normal lang ba na manatiling gwapo kahit na puro sugat? "F*ck you! F*cker!! Let me go!" Pilit kong alis ng kamay nya sa akin. Halos maestatwa ako sa takot nang magseryoso na ang mukha nya. Bumalik na naman sa dati ang mata nyang walang emosyon. What the hck?! Sakin ba nya ibubunton ang galit nya?! Hayop! Bakit hindi pa kasi ako umalis kanina e! Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng katawan ko sa takot, sa buong buhay ko ay ngayon ko lang naramdaman. Pakiramdam ko ay huling araw ko na ngayon! Napalunok ako ng padarag nyang bitawan ang panga ko at ngumisi habang pinapasadahan ako ng tingin. "Tsk. You! D*ckhe*d!!" Singhal ko habang minamasahe ang panga ko. "Watch your words." Kabadong itinikom ko naman ang bibig ko. "Tsk. Aalis na ako. Kaasar! Malas." Bulong ko. Pag-uwi ko sa bahay ay patay na ang mga ilaw. Kahit wala ng gana pang kumain ay pinilit ko nalang. Ang sakit ng panga ko! Akala ko talaga kanina ay huling araw ko na. Bakit ba kasi pinairal ko pa ang pagiging chismoso eh! Pero ano kayang pinag-awayan nila kanina? Hindi mawala sa utak ko ang galit na ekspresyon ni kiro para bang may maling nabanggit yung lalaki kaya na trigger sya. Hays. Sandali lang akong naglinis ng katawan matapos kong kumain bago mahiga sa kama ko. Alas dos na pero hindi pa ako makatulog. Sinubukan ko na rin nag online sa socmed pero hindi talaga ako makaramdam ng antok. Pati yung alak ay hindi ako nagawang patulugin. Marahas akong napabuga ng hangin bago itakip sa mata ko ang kanan kong braso. Kahit sa panaginip ay ginagambala ako ni kiro. Kung may tyansa akong iwasan sya ay gagawin ko kaso lang ay wala! Bukod sa ka-schoolmate ko sya at kaklase ay nasa iisang team lang kami! Kaya pala hindi na maganda ang pakiramdam ko sa isang yon dahil wala syang ibang magagawa sa buhay ko kundi gulo! "Anong oras ka umuwi kagabi?" Tanong ni mama. Tanghali ang pasok nya ngayon kaya makakasabay namin syang mag-umagahan. Nagkibit balikat ako sa tanong ni mama at nagpalusot na hindi ko napansin ang oras. "Kuya, bakit may pasa ka?" Turo ni calla sa panga ko. "Cali, napaaway ka ba?" Umiling ako kay mama. Hindi ko na rin tinapos pa ang pagkain. Nasa labas na ako ng bahay nang maalala ko na iniwan ko pala sa school ang bike ko! Aabutin ako ng 20 minutes kung maglalakad lang ako. Late na ako non sa first subject. Wala pa naman dumadaan na tricycle dito kapag ganitong oras. Kapag pumunta naman ako sa tricycle station ay mas matatagalan ako. Mas malayo pa sa school ko yon e. Nag-umpisa akong maglakad. Dumaan pa ako sa isang convenient store para bumili ng sandwich. Natitigan ko pa ang reflection ko sa salamin ng lagayan ng softdrinks. May pasa nga. Hindi ko napansin to kanina habang nagaayos ako para sa pagpasok. "Hey." Napatalon pa ako sa gulat ng may magsalita sa likod ko. Nagpapanic na naglakad ako palayo sa pwesto na yon. Hindi ko na rin sya nagawa pang lingunin dahil sa takot ko. Mabuti nalang at walang pila sa counter kaya mabilis akong nakalabas. Nakayukom ang kamaong naglakad ako paalis. Bakit ba nandito yon?! Malapit lang ba ang bahay nila dito?! Kaasar. "What the f*ck! F*vkas*!!" Sigaw ko. "Chill." Nakangiting aniya. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko para akong naeestatwa. Mabilis nya akong nahila papunta sa isang eskinita. Nakangiti na naman sya. "F**k you! Let go!" Pilit kong hablot sa kamay ko na hawak nya. Pakiramdam ko ay magkakapasa rin ako doon dahil sa higpit ng hawak nya. Nanginginig na hinablot ko sya sa kwelyo nya at tinitigan sya ng sobrang sama. Hindi naman sya natinag at tumawa pa. Binitiwan nya ang kamay ko. Nakakapangliit ang tingin nya sa akin. Pamilyar sa akin ang gano'ng tingin na para bang nagsasabi na napakahina kong tao. Gusto ko syang sapakin at bugbugin dahil d'on! Napadaing ako sa biglaang paglagay nya ng braso sa ilalim ng baba ko at itulak ako sa pader. Ang sakit ng panga ko! "A-ah! Lumayo ka!" Utas ko. Pilit ko ring hindi ipakita ang sakit ng masanggi nya yung pasa ko na sya rin ang may gawa. Hinawakan ko sya sa braso at sinubukan na itulak sya palayo pero mas lalo lang nya akong idiniin sa pader. "B-bast**d!!" Nawala ang nakakaasar nyang ngiti. Hay*p! Ano bang kailangan ng isang 'to?! Gusto ko lang pumasok pero malabong makaabot ako sa school ng walang panibagong pasa sa katawan. Nanlaki ang mga mata ko ng ilapit nya ang mukha sa akin at marahas akong halikan. Hindi ko alam ang gagawin ko! Sinubukan kong pumalag kaso hindi sya natitinag. What the...!! Anong kagaguhan 'to?!! Naluluha ang mata ko sa takot sa kanya. Wala akong laban! Kapag pumalag ako ay ako lang rin sa huli ang masasaktan! "Hmp!!" Napasalampak ako sa sahig nang bitawan nya ako. Hindi ako kumilos at hindi ko rin sya tinignan. Pakiramdam ko ay namolestya ako sa ginawa nya. Pilit akong tumayo at buong tapang na nilingon sya. Nakita ko pa ang pagbalatay ng gulat sa mukha nya. "Kapag lumapit ka pa sa akin ay pap*tay**n kita!" Seryosong sabi ko bago punasan ang namumuong luha sa mata ko. Hindi sya sumagot kaya tumalikod na ako at umalis. Bakla ba sya?! Wala akong problema sa ganon at hindi rin naman ako galit sa ganong tao pero sa isang to ay pakiramdam ko makakapatay ako. Hindi tama ang ginawa nya!! Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip nya at ginawa nya yon sa akin! Nababaliw na ba sya?! Straight ako! Gusto ko talaga syang saksa**n ng paulit-ulit para lang makaganti! Wala ako sa sarili nang makarating sa school. Hinarang pa ako ng guard at hinanapan ng ID, sinabihan din nya ako na pumunta sa disciplinary office. Hindi ako sumasagot habang sinesermonan ng mga teacher. Blankong blanko ang utak ko hanggang makapunta ako sa room namin. Hindi ko rin nagawa pang makinig sa mga teacher kasi naman ay nililipad ang utak ko. Nabalik lang ako sa realidad nang may humawak sa panga ko. "Coach." Kunot ang noo nya habang nakatingin sa akin. Gusto ko talagang bugbugin si kiro! Kahit masapak ko lang sya ng isang beses ay okay na ako. "Napano yan, ferrera?" Inilayo ko ang mukha ko sa kamay nya. "May tarant**o po akong nakasalubong kagabi." Sabi ko nalang. Iiling iling naman si coach sa akin. "Napaaway ka?" Ngumuso ako. "Hindi ako nakapalag, coach." "Mabuti at yan lang ang nakuha mo." Tumango ako sa kanya. "Magiingat ka sa susunod, ferrera." Hindi ako nakasagot. Pina-switch nya na lang ako kay cian matapos ang isang game nila. Kinuha ko ang baseball bat sa tabi ko at pumsweto na sa field. Natigilan pa ako sandali ng makita si kiro na nakangisi sa akin. Dinilaan at kinagat nya pa ang labi nya. Gag*!!! "Kalma, cali." Nilingon ko si anakin at tinanguan. Isang fast ball ang ginawa nya. Hindi naman ako nahirapan na matamaan yon. Ramdam ko ang pagsalubong ng kilay ko dahil sa pag-ngiti nya. Pwede ko kaya syang paluin nitong baseball bat sa ulo? Nananadya na sya..! Hinawakan ako sa balikat ni anakin matapos ang tatlong beses na practice at alam ko na sinadya lang ni kiro na magpatalo! "Cali..!" Hindi ko nilingon si anakin na nagaayos ng mga gamit. Naglakad ako papunta kay kiro na may kausap na isa sa ka-teammate namin. Sabay pa silang napalingon sa gawi ko at walang sabing sinapak ko sya ng sobrang lakas. Muntik pa syang matumba dahil don pero agad kong hinablot sya sa kwelyo nya at sinapak pa ulit ng isang beses. Pinaghihiwalay na kami nila coach pero hindi ko talaga sya binitiwan. Ako pa talaga ang pinili nyang pag-tripan! "Cali! Tama na!" "Ano bang problema mo?!" Sigaw ni coach. Hindi ako sumagot. Si kiro naman ay hinawakan din ako sa kwelyo bago sya ngumisi. Akma ko na sana syang susuntukin ulit kaso lang ay may kamay na pumigil sa akin. "Cali. Pre, kalma." Nilingon ko si anakin at gio na nasa gilid ko. Marahas kong binitiwan si kiro. Umakbay si anakin sa'kin at ginulo pa ang buhok ko. "Iwasan mo yung gulo. Mahihirapan kang kumuha ng good moral nyan." Bulong nya sa akin. Huminga ako ng malalim. Hindi ko na rin inintindi pa si coach na sinisigawan ako. Kasalanan ko bang nakakapikon ang mukha ng lalaki na yan?! "Punishment! Hindi ka makakasali sa unang laro natin." Ngumuso ako. Sinamaan ko pa muna ng tingin si kiro na nakangiti lang bago ko iwan silang lahat. Tinatawag pa ako nila coach pero hindi na ako sumagot pa o kahit na lingunin sila. Kinuha ko na ang bag ko at nagpunta na sa locker room. Nagbihis lang ako ng suot kong damit bago tuluyan ng umalis. 6 pm palang pero umuwi na ako. Wala rin kaming practice bukas. Ang problema ko na lang ay paano kung abangan ako non bukas! Palabas na ako ng uni sakay ng bike ko. Pag-uwi ko ay wala pa sila mama at papa sa bahay tanging si calla lang ang naroroon at nagaaral sa sofa. "Nagluto ako ng beef stew, kuya.." tumango ako. "Patingin pala ako ng binake ko dyan! Thanks." Pahabol pa nya. Sinilip ko muna sa oven yung cookie na binake daw nya bago ako kumuha ng plato at mag sandok ng kanin. Tahimik lang ako sa pagkain ko hanggang matapos. Taka pang tumingin sa akin si calla. "Mag-ingat ka, mainit." Paalala ko nang kunin na nya yung binake nya. Nilagyan pa nya ako sa plato ng tatlong cookies. "Kuya.." Nilingon ko sya. Napakamot pa sya sa pisngi nya bago magpatuloy ulit sa pagsasalita. "Do you know kieran lopez?" Umiling ako. "She's my classmate... And... My best friend since elementary." "Then?" "Um... Gusto ko kasing mag-overnight sa kanila bukas.... Pumayag na sila mama... Ikaw nalang yung... Yung ano.." Kinunutan ko sya ng noo. "Bakit anong gagawin nyo?" Seryosong tanong ko. "Aalis din kasi sya agad sa susunod na araw... I just want to spend more time with her bago sya umalis." Alinlangang sabi nya. Kinuha ko yung cookies na binigay nya sa akin at kinain yon. Tumango ako bilang sagot. Ngumiti sya sa akin at yumakap pa. "Ingat ha." Tumango sya. Natawa nalang ako sa reaksyon nya na ngiting-ngiti. Nanood muna ako ng tv sa sala bago umakyat sa kwarto ko at maligo. 8 pm palang, ang aga pa para matulog. "Ma!" Salubong ko kay mama na yumakap pa sa akin. "Kumain na kayo?" "Yeah. May dala akong donuts nasa baba." Sinundan ko pa sya ng tingin hanggang makapasok sya sa kwarto nya. Nilingon pa ako ni calla habang nilalantakan ang dalang pasalubong ni mama. Inalok nya pa sa akin yon. Umiling lang ako. "Labas lang ako. Dito ka lang." Tumango sya. Inayos ko ang hood suot kong jacket. May iba pa akong nakakasalubong na kakilala nila mama. Ngiti lang ang ginaganti ko sa kanila. "Kumusta, ferrera?" Nahinto ako sa paglalakad nang may magsalita sa likod ko. May anim na lalaki rin ang lumabas sa dilim. Lahat sila ay may hawak na pamalo. Napalunok ako. Tang*na*g buhay to! Pati pa naman sa labas ng school may kaaway ako?! Humalukipkip ako. May braso pang umakbay sa akin at tinutukan ako ng pako sa leeg. "Anong p-problema mo?" Tanong ko kay gallio. "Long time no see." May sinenyasan pa nya yung isa nyang kasama na mukhang naintindihan naman agad ang ibig sabihin non. Napadaing pa ako ng itali nya ang kamay ko ng mahigpit sa likod ko pati ang paa ko ay hinigpitan din nila ang pagkakatali. Hayop talaga!! Parang yung buhay ko ay hindi na aabot pa next year ha! Nagpapalag pa ako matapos akong hilain ni gallio papunta sa isang eskinita. Parang gamit na inihagis nya ako sa dulo ng eskinita. May nadaganan pa akong mga kahoy at papel sa pwesto ko. Umaalingasaw rin sa paligid ang mabahong amoy ng mga basura. "An--" hindi nya ako pinatapos sa sasabihin ko. Hinablot nya sa kasama ang isang kahoy na makapal at pinalo yon sa akin. "Masakit ba?!" Napangiwi ako. Nanunuot sa laman ko ang sakit ng pagkakapalo nya sa binti ko. Narinig ko pa ang malakas na tawa nya bago ako muling paluin non. Halos mamaluktot na ako sa sakit dahil sa ginagawa nya. Hindi pa sya nakuntento. Sinabihan nya ang mga kasama nya na hampasin at sipain ako ng paulit-ulit. Kaya kong lumaban kung hindi ako nakatali! "As*ho**s!!" Sigaw ko na nagpatawa lang kay gallio. "Ano? Ferrera? Kalagan yan! Tignan natin kung makakapalag pa. Dahil sayo ay natanggal kami sa school pati sa team!" Tumawa ako. Matapos nila akong kalagan ay sinubukan ko pa ring tumayo. Hindi na sila malinaw sa paningin ko dahil sa pulang likido na umaagos sa ulo ko papunta sa mata. "Sugod!" Sigaw ko. May sumugod naman na isa sa kanila na may hawak na bakal ng tubo ng tubig. Sinubukan kong iwasan yon ang kaso sa hilo ko wala na akong nagawa kung hindi ang matumba. "Hindi ko k-kasalan na... Natanggal ka... Marumi ka mag...m-mag-laro g-gallio." Humawak ako sa pader at sinubukan na tumayo ulit. Nanginginig na ang paa ko at namamanhid. Hindi ko rin makakaya pang tumakbo. Pinulot ko sa sahig ang isang bote ng softdrinks. Nagtawanan pa sila. Pinunasan ko pa rin ang mata ko na mahapdi na. Kahit papaano ay nakita ko na sila. "B-boss.." kumunot ang noo ko. Napakurap kurap pa ako. " S-sino ka?!" "Kayo ba gumawa nyan?" Isinandal ko sa pader ang ulo ko. Narinig ko pa ang tunog ng bote na nabitiwan ko. Ramdam ko ang pagsalubong ng kilay ko sa pagtataka kung bakit sya nandito. Napadausdos ako sa pader nang may makasanggi sa akin. May naririnig din akong mga boses sa paligid pero hindi na malinaw. Magpapahinga lang ako sandali. "Gumising ka." Dumaing pa ako dahil sa sakit ng katawan ko. Sa umpisa ay hindi ko pa maaninag ang mukha nya pero ng magtagal ay nakita ko na kung sino sya. Nakaupo sya sa harap ko habang may subo-subong lollipop. "Kaya mo bang tumayo?" Marahan akong umiling. Hindi na ako nagreklamo nang buhatin nya ako. Hindi ko maramdaman ang paa ko at ang ibang parte ng katawan ko dahil sa sakit. Naaninag ko pa ang mga nakahandusay sa simento na tauhan ni gallio. Sa kabilang school silang lahat nagaaral dating mga kabatch ko. Si gallio ay yung captain ng nakalaban namin noon. Marumi sya maglaro noong laban namin ay inabangan nya pa si dio na dati naman naming team captain. Mabuti nalang at kasama ako ni dio ng araw na yon kaya natulungan ko sya. Nakaabot sa committee ang nangyari kaya na disqualify sila at pinatanggal sa school. Napilayan sa binti si dio dahil sa pagbato ng isa sa kasamahan ni gallio ng martilyo. Ako naman ay ilang araw ding na confined sa hospital dahil sa bugbog. Simula ng araw na yon ay hindi na nakalaro pa ulit si dio dahil sa binti nya. Sa ngayon ay wala na akong balita pa sa kanya. "Saan bahay mo? O hospital na lang?" Umiling ako. "Mag-aalala sila mama sa itsura ko ngayon." Tumango sya. Hindi na ako nagreklamo pa ng isakay nya ako sa isang kotse at dalhin kung saan. Napangiwi ako sa sakit. "Y-yung cellphone ko." Ngumuso sya bago kunin sa bulsa ko ang cellphone. Ipinakita nya yon sa akin. May basag na hindi na rin gumagana pa. "Ano bang gagawin mo?" Napasinghap ako ng dumaan kami sa humps. Hindi ko na alam kung saan 'to. "P-paki text si mama na hindi ako makakauwi." Hindi sya sumagot. Narinig ko nalang na may kausap sya sa cellphone. Inilapit nya pa yon sa akin kaya pilit na pinapakalma ko ang boses ko. [Bakit biglaan? Kailan ka uuwi? Wala ka naman daw gamit na dala.] "Sorry, ma." Naiyukom ko pa ang kamao ko. Nahihilo ako lalo. Gusto kong sumuka pero hindi ko maibuka ang labi ko. Hay*p na gallio yon! Bumalik lang ako sa dati ay ako naman ang magaabang sayo. [Umuwi ka agad. Marami ba kayong gagawing projects?] Bakas pa rin sa boses ni mama ang pag-aalala. "M-medyo... Medyo po, ma." "Ayos ka lang ba?" "Opo ma." Pumikit ako ng si kiro na ang kumausap kay mama. Hindi ko na inintindi ang mga kasinungalingan na sinabi nya. "Wag kang matulog." Utas nya. Hindi ako sumagot. Umawang pa ang labi ko ng magalaw ang mga sugat ko sa katawan. Sobrang sakit! "Cali." Dinig kong tawag sa akin ni kiro. Maingat nya pa akong binaba sa malambot na higaan. May kausap sya sa cellphone nya. Dahan dahan kong iminulat ang mata ko. Hindi ako makaramdam ng antok! Masakit ang katawan ko at may sugat pa ako sa ulo pero hindi ako makaramdam ng antok! "Papunta na yung kakilala kong doctor dito." Hindi ako sumagot. Nakatayo sya sa gilid ko at walang emosyong nakatingin sa akin. Ano bang tinitingin tingin ng hay*p na'to?! Ngayon lang ba sya nakakita nang binugbog? Nanlaki ang mata ko ng maramdaman ang kamay nya sa kamay ko. Ano 'to?!! Wala naman siguro syang gagawing masama sa taong nabugbog, hindi ba?! "B-bakit?" Hindi sya sumagot at basta nalang akong tinalikuran. Hindi ko alam kung ilang minuto pa ang lumipas bago sya bumalik na may kasamang doctor. Inalalayan niya akong umupo. Hinayaan ko lang sila na magusap sa harap ko. Ipinikit ko na rin ang mata ko dahil sa biglaang antok na umatake sa akin. Magkakautang pa ata ako ng loob sa isang to kung mabubuhay ako ah. ~•~•~•~•~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD