TBT 03

3161 Words
03 Nagsalubong ang kilay ko ng subukan kong gumalaw pero hindi ko magawa. Napaamang pa ako ng makaramdam ng sobrang sakit sa binti ko pataas. Marahan kong minulat ang mata at sinubukan umupo. Tiniis ko ang sakit na nararamdaman para lang makaupo ng maayos. Nagulat pa ako sa itsura ko sa salamin. May puting bagay na nakalagay sa likod ng ulo ko at sandamakmak na galos sa mukha. Nakabenda rin ang binti at braso. Bukod sa binti ko at kaliwang braso ay wala naman ng masakit. Pinasadahan ko pa ang buong paligid ko. Kulay gray at white ang pintura sa pader at kisame. May isang malaking salamin sa bandang paanan ko at 45 inch tv. May bookshelf din sa tabi ng kama at may mini sala sa tabi ng pintuan. Ang gara naman ng kwarto na to! Pang-mayaman. Napangiwi ako ng sinubukan kong tumayo papunta sa banyo. Todo kapit pa ako sa pader dahil sa takot na baka matumba. Nang nasa loob na ako ng banyo ay umihi lang ako. Itinaas ko pa ang damit na suot para sana tignan ang katawan ko. Puno ng pasa at sugat ang katawan ko hinawakan ko pa 'yon kung totoo dahil hindi ko talaga maramdaman ang sakit. "Anong ginagawa mo?" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni kiro sa may pintuan. "F*ck you! Bu*lsh*t!! Hindi ka ba-- aww." Natigil ako sa pagsigaw nang biglang sumakit ang tagiliran ko. Tatawa-tawang inilahad nya ang kamay sa akin kaya tinanggap ko na. Inalalayan nya ako palabas ng banyo. Iniupo nya rin ako sa sofa sa loob ng kwarto nya. Kanya ba 'to? Kung kanya 'to e di mayaman pala ang pamilya nya? "May pagkain ako. Kukunin ko lang." Akmang aalis na sya nang magsalita ako. "S-sandali! Sasama ako." Ngumiti sya na lagi nyang ginagawa bago ako tulungan tumayo at alalayan papunta sa dining room nila. Wala masyadong gamit sa paligid. Siguro ang maraming gamit lang na lugar ay yung kwarto na pinanggalingan ko. Wala rin syang gaanong gamit sa kusina. Umangat ang tingin ko sa kanya na seryoso sa pagaayos ng mga utensils. "Ikaw lang nakatira dito?" "Yeah. Gusto mo ba tumira dito kasama ko?" Napaamang ako. "G*go ka ba?! What the f*ck are saying?!" Singhal ko. Ngumiti lang sya. Hindi ko tuloy mapigilan na mainis sa kanya. Ang lakas ng tama ng isang 'to!! Para akong mababaliw kapag nakakausap ko sya. "Oh, kumain ka ng marami. Inumin mo rin to." Lapag nya ng pagkain at gamot sa harap ko. "Hindi ka ba papasok?" "Why? Worried about my grades?" Nanunukso pa ring aniya. Sa sobrang inis ko ay wala na akong ibang nagawa pa kung hindi ang tumawa sa sinabi nya. Kaunti nalang pasensya ko at pakiramdaman ko hindi na aabot mamaya kasi nasagad na nya. "Ilang oras ako natulog?" Kumalumbaba sya. "15 hours." Tumango ako. Sumubo ako ng pagkain at maingat na nginuya yon. Pasimple pa akong pumihit patalikod sa kanya para maiwasan lang ang nakaka-iritang titig nya habang nakangiti. Akma akong magsasalita kaso ay hindi ko na itinuloy, baka may masabi na naman sya na magpapainit lang sa dugo ko. "P-pwede bang dito muna ako?.... Bukas ako uuwi." Nangaasar na ngumiti sya. "Sure~" Huminga ako ng malalim. Kalma! Kalma lang! Okay lang yan! Kaunting pasensya pa. "Kung gusto mo nga ay d---" I cut his nonsense words. "What the! What the f*ck is wrong with you?! Hintayin mo lang na gumaling ako at sasaktan kita!" Tumawa lang sya sa akin at hindi pinansin ang sinabi ko. Tinulungan nya akong pumunta sa sala nya na may tatlong single sofa, isang mini table, carpet at flower vase bukod don ay wala na. Ang laki ng bahay at mukhang mapera pero hindi makabili ng gamit sa bahay?! "P-pahiram ako ng cellphone mo." Nangaasar na tinignan nya ako. "Bullsh*t d*ckh**d just give me your g*dda*mn phone!" Inilabas naman nya sa bulsa nya yon at akmang iaabot. Nang kukunin ko na ay agad nyang binawi at hinawakan ako sa pulsuhan at hinila palapit sa kanya. Hindi agad ako nakapag-react dahil sa gulat. Ngingisi-ngising hinawakan nya ako sa batok. "W-what the..!! Let me go!! B*stard!!" Natigilan ako ng dumampi sa pisngi ko ang pisngi nya. "One more curse." Makahulugang banta nya na nagpatikom naman sa labi ko. Lumayo sya sa akin at inilagay sa kamay ko ang cellphone nya. Je*k! Tumalikod sya at naglakad papunta sa veranda. Napakurap-kurap pa ako. Muntik ko na ring mabitawan ang cellphone nya dahil sa panginginig ng kamay ko. Para akong mauubusan ng hangin dahil sa bilis ng t***k ng puso ko na dahil siguro sa takot sa kanya. "Ano to?!! Bakit picture ko ang wallpaper mo!!" Sigaw ko. Tumawa sya. Ngayon ko lang napansin na mukha ko pala ang wallpaper nya na mukhang kanina lang nya kinuha habang natutulog ako! Kung hindi ka nga naman talaga nasisiraan ng bait kiro lopez! "You can have my pic, too, if.... You want to..." Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nya sa akin ngayon! Umiwas ako ng tingin. Gusto ko syang murahin ng paulit ulit pero hindi ko magawa! Huminga na lang ako ng malalim bago tinawagan si mama at sinabi na bukas ako uuwi. Hindi naman na sya nagtanong pa ng kung ano ano at pumayag nalang. "Na saan yung damit ko?" Diretso nya akong tinignan. Seryoso na naman ang mukha nya. "Nilabhan ko." Hindi na ako sumagot. Nahiga ako sa sofa. Kahit papaano ay hindi na masakit ang binti ko, 'wag lang gagalawin. Agad pa akong napaupo sa biglaang paglapit nya. "Chill." Naupo sya sa tabi ko kaya napilitan akong umusog. Tumaas pa ang kilay nya sa ginawa ko. "Na saan na sila gallio?" Ngumiti sya sa akin ng makahulugan. "T-thank you." Kumunot ang noo nya. "Ha??" Pigil ngiting tanong nya. "Sabi ko...t-thank you!" "Hindi ko marinig." Fvck off. "Ano palang ginagawa mo sa lugar namin? Sa malayo ka pala nakatira." Inihilig nya ang ulo nya. "May iniwan ako doon... kaso nagkaproblema kaya hindi na nya....." Hindi ko na narinig pa ang huling sinabi nya dahil halos bulong nalang yon. "What? Anong hindi na nya??" "...Hindi nya ako maalala." Napahawak ako sa baba ko at napaisip. "Baka matulungan kita. Ano bang pangalan nya? Matagal na kaming nakatira d'on baka kilala ko sya." Tumawa sya. "Nakita ko na sya..." Iniiwas nya ang paningin sa akin. Bigla tuloy akong na curious kung sino yon. "Tangi--ng t-tao yon haha." Tumaas ang kilay nya. Muntik na ko na sya mamura!! Buti nalang at napigilan ko baka kung ano pang-gawin nyang panghaharass sa akin. "Sandali! Bakit nakasave pala sa cellphone mo number ni mama?" Takang tanong ko. "Kinuha ko nung nasa school tayo." Ngumiti sya. Nangiwi nalang ako sa pagiging creepy nya. Stalker ko ba 'to? Umiwas ako ng tingin. "What the.. are you crazy?" "Nope hahaha." "Anong hindi? Baliw ka hindi mo na kailangan ideny yon tanga." Napasinghap ko ng sa isang iglap ay hawak hawak na nya ako sa leeg. Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kanya. Walang emosyon ang kanyang mata at hindi na rin sya nakangiti. Ilang beses pa akong napalunok dahil sa takot sa kanya. Kinuyom ko ang isa kong kamao at ang isa naman ay hinawakan ang kamay nyang nasa leeg ko. Pilit kong tinatanggal iyon. Napadaing ako ng itaas nya pa yon hanggang sa panga na nya ako mahawakan. Hinawakan nya na rin ako sa batok kaya wala akong nagawa kung hindi ang tumingala. Dalawang kamay na ang gamit nya at dalawang kamay ko na rin ang ginagamit ko para maitulak sya palayo sa akin. Pilit nyang ibinuka ang labi ko. Napalunok pa ako sa kaba. Naghuhurumintado na naman ang dibdib ko dahil sa takot sa gagawin nya. "F*cka*s!!" Sinubukan kong ilayo ang ulo ko kaso ay hawak nya pala ako sa batok. Napasinghap pa ako ng isang beses nang halikan na naman nya ako. Gusto ko syang sipain kaso yung binti ko ay inipit nya, ang isa naman ay may injury pa. Lalo akong nagpumiglas nang maramdaman ko ang dila nya na naglalaro sa loob ng bibig ko! Tar*ntad* ka..!! Ramdam ko ang pagpula ng mukha ko. Bukod sa nahihirapan na akong makahinga ay hindi talaga ako makahinga!! Napakapit pa ako sa damit nya nang bitawan nya ako sa batok. Unti-unting sumilay ang nakakasar na ngiti nya. Naitulak ko sya sa gulat. Naitakip ko pa ang likod ng palad ko sa labi ko. Napapahiyang sinipa ko sya. "Wow." Utas nya. "Manahimik ka!! Jerk...!! Aalis na ako!!" Inis akong tumayo. Napangiwi pa sya at napasabi ng "aww" habang nakatingin sa binti ko. Nanunuot sa buong katawan ko ang kirot dahil sa biglaang pagtayo ko. Put*n**na?!!! Ano 'to sumpa?!? Sinamaan ko ng tingin si kiro at imbis na indahin pa ang binti ko ay pinilit ko na lang na maglakad hanggang sa nasa harap na ako ng pinto. Wala pala akong pera! Hindi ko rin alam kung na saan ako! Bahala na! Sinuot ko ang tsinelas ko at lumabas na ng bahay nya. Walang lingon lingon akong naglakad may nakasalubong pa akong tatlong babae na ngiting-ngiti sa akin. "Ah.. Saan ba dito yung daan palabas?" Nagtinginan silang tatlo. "Ayos ka lang ba?" "Doon." Turo ng isa sa kanila. "T-tulungan ka na namin. Para kasing nahihirapan kang maglakad." Tumaas ang dalawa kong kilay. "Talaga? Na saan ba ako?" Akma kong kukunin ang kamay ng isa sa babaeng nasa harap ko nang may humablot sa akin sa likod ng suot kong damit. "It's okay, he's with me." Sulpot ni kiro sa tabi ko. Bagama't nakangiti ay seryoso naman ang mga mata. "A-ahh.. Ganon ba? S-sige." Pipigilan ko pa sana sila kaso ay patakbo silang umalis. "Ano bang problema mo?!" Sigaw ko. Humarap sya sa akin ng may nanlilisik na mata. Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil sa kaba ko. Para akong tinutusok ng tingin nya! Hindi ako makapag salita o makapag reklamo pa sa kanya nang buhatin nya ako pabalik sa bahay nya. Hindi ako kumilos nang nasa tapat na kami. "Bukas ka uuwi." Nagulat ako sa lamig ng boses nya. Hindi ako sumagot. Nakakatakot. Binuhat nya ako papasok at pinaupo ulit sa sofa nya at tinignan ang binti ko nang maramdaman ko ang kamay nya doon ay napangiwi ako sa sakit. "D*ckhead! Nakita mo na namaga ay hahawakan mo pa!" Sigaw ko. Wala syang reaksyon sa sinabi ko. "Are you feel disgust?" Natigilan ako. "What the..!" "What? Nandidiri ka ba?" Umangat ang paningin nya sa akin. "P-pinagsasabi mo?" Humiga ako sa sofa at tinalikuran sya. Hindi naman ako nandidiri At mas lalong hindi rin ako natutuwa don. "Tss. Nakakadiri ba? Bakit hindi mo sabihin na nandidiri ka?" Hindi ako nagsalita at pumikit nalang. Ano bang sagot ang gusto nya? Sir**lo ba sya? Mas gugustuhin ko na isipin nya na nandidiri ako para tigilan na nya ang ginagawa nya kasi hindi ako natutuwa. Kailan lang nung nagkita kami tapos aasta sya ng ganyan? Hindi ako tanga. ---- Napaunat ako at marahang idinilat ang mata ko. Napatingin pa ako sa binti ko na may ice pack at sa kumot na nakabalot sa akin. Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Patay na ang mga ilaw at tanging ilaw na lang sa kusina ang bukas. Dahan-dahan akong tumayo at nagtungo doon. Wala naman tao pero bukas ang backdoor. May mga pagkain na nakatakip pa sa mesa halatang order nya lang sa labas ang mga yon. Naglakad ako papunta sa bukas na pinto at sumilip doon. Nakaupo sya sa isang bench at nakapikit ang parehong mata. Salubong ang kilay at nakasimangot. Nagulat pa ako sa biglaang pagdilat nya at pagtingin sa direksyon ko. Walang saplot sa paa akong naglakad papunta sa kanya, tatlong hakbang ang layo ko. "Kumain ka na?" Tanong nya. "Hindi pa, ikaw?" "Kanina pa." Wala nang nagsalita sa amin. Napanguso ako at napaisip na kung iiwan ko ba sya doon o hindi. Napaatras ako sa gulat nang lingunin ko sya. Walang emosyon ang mata nyang nakatuon pala sa akin. Inilahad nya ang kamay nya. Nagdadalawang isip pa ako kung aabutin ko ba. Sa huli ay hindi ko pa rin inabot ang kamay nya pero lumapit ako at tumayo sa harap nya. "Bakit?" Isinuksok ko sa bulsa ko ang dalawa kong kamay. Umihip pa ang malamig na hangin. Natatakpan din ng mga makakapal na ulap ang b'wan. May naririnig pa kaming tunog ng mga dumaraan na sasakyan at mga tao sa labas. Mag-isa syang nakatira sa ganito kalungkot na bahay? Sa village na'to ang bahay lang nya yata ang gloomy. Kung ako sa kanya ay hindi ako makakatiis sa ganitong lugar na walang kabuhay-buhay. Nahinto ako sa pagmumuni-muni ko nang hatakin nya ako paupo sa tabi nya. Hinubad pa nya ang suot na tsinelas at ibinigay sa akin. "Bakit hindi ka lumipat? Yung malapit sa school?" Takang tanong ko. "May bahay ako doon..." Umismid ako. "May bahay ka pala do'n bakit dito mo ako dinala?" Nagkibit balikat sya. Ilang minuto pa kaming tumambay sa labas bago maisipang pumasok sa loob. "Kumain ka na muna." Nilagpasan nya ako. Naupo na lang rin ako at kumain mag isa. Itinaas ko pa ang paa ko sa upuan at pilit na sinisilip sya kung saan sya nagpunta. Wala naman sya sa sala kaya baka nasa kwarto na nya sya. Mabilis kong tinapos ang pagkain at inayos ang mga ginamit kong plato. Ingat na ingat pa ako sa paglalakad para hindi mabigla ang binti ko. Salubong ang kilay ko nang makita ko syang nakahiga sa kama at nakapikit. Kumuha lang ako ng isang unan. "F*ck!! Sh*t!!" Sigaw ko nang hatakin nya ako pahiga sa tabi nya. Naitulak ko naman agad sya kaya hindi sya agad nakalapit sa akin. Narinig ko pa ang pikon na pagtawa nya. "Saan ka ba pupunta?" "Sa sala ako matutulog!" Hindi sya sumagot. Binitiwan nya na rin ang kamay ko kaya nakaalis ako sa tabi nya. Muli kong kinuha ang unan at nagpunta sa sofa sa loob ng kwarto nya. Humiga ako at tinitigan ang kisame. Halos dalawang oras na ang lumipas bago ako makabalik sa pagkakatulog. 5 am na nang umalis ako sa bahay ni kiro. Nagtanong tanong ako sa mga nakakasalubong kong nagjojogging at sa guard ng village pabalik sa school namin. Lagpas 6 am na ako nakauwi sa bahay mabuti na lang at may pera si kiro sa bulsa na syang ginamit ko pamasahe paalis. Nakasalubong ko pa si calla na pababa ng hagdan. Tinignan lang nya ako at hindi nagtanong kung bakit ganito ang itsura ko. Nakasuot ng malaking damit at jersey shorts ni kiro tapos puno ng sugat, galos ang mukha at may bulak sa likod ng ulo at may benda pa sa binti. Ang damit na suot ko naman ngayon ay basta ko nalang kinuha sa damitan ni kiro kanina kasi yung damit ko ay hindi ko alam kung saan nya itinabi. Bukod sa sira kong selpon at tsinelas ay wala na akong naiuwi pang gamit ko. Saglit lang akong naligo bago bumaba. Napatingin pa si mama at papa sa akin pero tulad ni calla ay hindi sila nagtanong. "Umuwi ng maaga, cali. Ito yung baon mo." Ngumiti ako kay mama. Si papa naman ay tinapik lang ako sa balikat. Napangiwi pa ako ng masaktuhan na may sugat din pala ako doon. "I-ingat po kayo." Pagbabalewala ko sa sakit. Pag-alis nila mama ay tsaka lang lumapit si calla sa akin. Gulong-gulo ang itsura dahil sa nakikitang itsura ko. "Napaaway ka?" Tanong nya. Ngumiti lang ako at ginulo ang buhok nya. "Tapos ka na kumain? Alis na tayo?" Ngumiti na lang rin sya. Mabuti nalang at humuhupa na ang pamamaga sa binti ko kaya hindi na gaano masakit pero bawal pa rin ako mag bike kahit na gustuhin ko pa ngayon Palabas na ako ng compound namin nang may makita akong pamilyar na tao sa b****a. Wala pa ring emosyon ang mata nya kahit na nakangiti sya sa akin ngayon. Weird. "What?!" Tanong ko. Sumunod naman sya agad sa likod ko. "Anong oras ka umalis?" "5 am?" "Bakit hindi mo ako ginising?" "Eh?... Bakit ka ba nandito? Tsk. Mamaya ko ibibigay yung perang kinuha ko." Nagkibit balikat lang sya. Pareho pa kaming pumunta sa convenient store. Nakipagtitigan pa sa akin yung cashier. Bumili lang ako ng inumin sya naman ay sandwich at tubig. Sakto naman paglabas namin ay nakasalubong namin sila anakin. Nakipag-apiran pa ako sa kanila. "Anong nangyari?" Nguso ni gio sa mga sugat ko. "Yung baliw na si gallio inabangan ako hahaha." Tumahimik sila. "Nakakulong na sila ngayon." Kaswal na sabi ni anakin. Nagkibit balikat ako. Nagpatuloy kami sa paglalakad. "Hindi ka pala makakasali sa practice ngayon? Kaya pala absent ka kahapon." Tumawa ako. Sandali syang nanahimik bago ulit mag salita. "Magkasabay kayo?" Umiling ako. Tumango at ngumiti lang sya. Mamaya siguro ay uuwi nalang ako ng maaga o kaya ay manunood lang sandali sa kanila. Wala naman akong gagawin sa bahay kung walang ibibigay ang mga teacher namin na assignment. Nanulis ang nguso dahil sa biglaang pag liko ni kiro abang may kausap sa cellphone nya. Nagusot ang mukha nya at para bang nagtatalo pa sila ng kausap nya. "Kita tayo mamaya!" Tinanguan ko si anakin. Kampante akong naglakad papunta sa classroom namin kahit na pa-ika-ika ako sa paglalakad. Sino kaya yung kausap nya? Naunang pumasok sila ali at gio. Pahakbang na ako papasok nang marinig ko ang malamig na boses ni kiro sa likod ko. "Get out." Nanunuyang tumawa ako. Imbis na tumabi ay hinarangan ko pa lalo ang daraanan nya. Inis ko syang kinwelyuhan at itinulak. Nauna akong pumasok sa room namin at naupo sa pwesto ko. Apat palang kami sa loob dahil maaga pa naman. "Ferrera, pinapatawag ka ni coach. Mamaya ka daw pumunta pagkatapos ng break." Nangisi na lang ako. Masesermonan kaya ako? Sinabi kaya ni kiro lahat kaya alam nila anakin? Isinalpak ko pa ang earphone ko at sumubsob sa desk ko. Maya maya lang rin ay umiingay na ang paligid at nanunuot na sa earphone ko ang mga sigawan at tawanan nila. "Cali.." Humikab ako bago lingunin ang babae sa likod ko. Hindi ko sya kilala. Ngumiti ako sa kanya. "Yes?" Namula pa ang pisngi nya. Bilugan ang mukha nya at singkit ang parehong mata, manipis ang labi, medyo maputi at sa tingin ko ay maliit lang din sya. Cute. "Um... Pwede ka bang makasabay ng lunch?" Tumaas ang parehong kilay ko. "Yeah. Sure!" Sagot ko agad. Natawa pa ako dahil lalong pumula ang mukha nya. "What's your name, again?" "N-nayah Lim." Inilahad ko ang kamay ko. "Caliber Ferrera." Tinanggap nya ang kamay ko. Ang lambot ng kamay nya halata na wala masyadong ginagawa. "By the way, b-bakit ka may mga sugat?" Ngumuso ako. "Ahh.. hahaha nadapa?" Umawang naman ang bibig nya at inabot ang sugat sa bandang kilay ko. Nagulat pa ako dahil don. "B-be careful next time, okay?" Nahihiyang sabi nya. Tumawa ako. Sure thing! Tumalikod ako sa kanya. Ngayon ko lang napansin na halos lahat pala sa mga kaklase namin ay pinapanood kami. Sumandal ako sa upuan ko at nginitian sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD