~•~•~•~•~
04
Nakatayo si Ms. Lim sa gilid ko. Tinulungan nya pa ako na tapusin ang isa kong activity bago ibigay kay pres. lunch break na rin kasi. May iilan pa nga na sumisilip pa sa pinto at kakaway sa gawi nila gio at ali.
"Thanks. Tara na? Libre ko." Sandali pa syang natulala sa mukha ko.
"O-okay!" Nginitian ko sya.
Nilingon ko pa sila ali at sumenyas na mauuna na ako. Tango lang ang naging tugon nila sa akin kaya umalis na kami.
Habang naglalakad papunta sa cafeteria ay walang ibang ginawa si nayah kung hindi ang kausapin o tanungin ako ng kung ano-ano. Hindi ko sya maintindihan sa mga sinasabi nya kaya hindi ko na rin pinagtuonan ng pansin ang mga yon.
"Pwede ba ako sumabay?" Akbay ni kiro sa akin. Pilit akong tumawa.
Hanggang dito ba naman ay makikisali pa sya?!
Naunang sumagot si nayah at pumayag sa sinabi ni kiro. Nakangiti na naman sya ng nakakaasar. Pilit ko pang tinatanggal ang braso nya sa balikat ko.
"Tinatakbuhan mo ba ako, ferrera?." Seryosong bulong nya sa akin. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig.
Sa inis ko ay siniko ko sya na madali lang nyang naiwasan. Hindi ko na pinansin ang ibang mga kasabayan namin na papunta rin sa caf na nahihinto.
Ngumiti sya. "Gusto mo ba talaga masaktan?!"
Aabutin ko na sana ang kwelyo nya kaso ay nahawakan nya agad ako sa kamay at inilagay yon sa likod ko. Napaawang ang labi ko ng mahawakan nya ang sugat ko sa likod.
What the..! May plano ba sya na pilayan ako?!
"Sh*t!" Idiniin nya pa ang kamay sa likod ko na may sugat.
"G-guys, tama na yan." Awat ni nayah. Hinihila pa nya palayo si kiro pero hindi naman natitinag.
"F*ck you! Bitawan mo ako!!" Angil ko. Dumaing pa ako sa sakit ng likod ko.
"Ferrera! Lopez!" Ngumisi si kiro. "Anong gulo 'to?!" Sulpot ng isa sa mga teacher.
"Miss, si ferrera ang nauna." Sinamaan ko ng tingin yung nagsalita. Napayuko naman ito.
"Two of you! Go to disciplinary office!" Nakahinga ako ng maluwag nang bitawan ako ni kiro. Nagkibit balikat sya.
May iilan pang babae ang lumapit sa kanya at kinamusta sya. Ako ang nasaktan dito tapos sya ang kinakamusta?!
Sobrang sama ng tingin ko sa mga nakakasalubong namin. Lagi na naman akong laman ng disciplinary office!
"Pareho pa kayong kasali sa baseball team tapos ang lalakas nyong makipag-away?!" Umiwas ako ng tingin.
Sumimangot ako kay kiro. Nagsorry pa sya sa teacher na nasa harap namin. Ilang beses pa kaming pinagalitan bago dumating si coach na kamot ulong humingi ng paumanhin. Hinihingal pa sya na halatang tumakbo papunta dito.
"Lopez, alam kong mainitin ang ulo mo pero sana naman ay 'wag mong unahin yon!" Nginisian ko si kiro na halata namang nainis. "Ikaw rin! Napakapikon mo!" Ngumuso ako ng tuktukan ako ni coach.
"Sinong hindi mapipikon e nang hahalik yan!" Bulyaw ko. Natahimik naman ang buong paligid namin. Umawang ang labi ni coach sa sinabi ko.
Pati ang mga ibon sa puno ay nagliparan pa. Umihip din ng malakas ang hangin at sa isang iglap ay parang nasa sementeryo na kami dahil sa sobrang katahimikan.
Naestatwa ako dahil sa sinabi ko. Naisaboses ko pala!! Nilingon ko ang mga taong napahinto ng marinig ang sinabi ko.
Lumalim ang paghinga ko. Pakiramdam ko ay pulang pula ang mukha ko dahil sa kahihiyan!
Nanunukso ang mga tingin ng mga teacher sa amin. Bullsh*t!! F*ck! F*ck!!!
Nalutang ako buong maghapon dahil doon pero si kiro ay balewala lang. Uuwi na sana ako kaso ay pinatawag ako ni coach para sa practice.
Nageecho pa rin sa loob ng utak ko ang sinabi ko kanina. Pagdating sa field ay maraming tao ang nanunuod. Kita ko pa ang pagbubulungan nila tapos ay ngingiti at titingin sa akin.
Salubong ang kilay ko. Padabog din akong naupo sa bleachers. Nangaasar ang mga tingin ng mga kateam mate namin. Ang bilis kumalat ng chismis sa school na'to!
Sinamaan ko pa ng tingin ang mga tumatawag sa akin. Hindi ko na rin ininda pa ang pananakit ng buong katawan ko. Parang gusto ko bigla na mag-wala dahil sa inis ko.
"Cali!!" Kumakaway na sigaw ni ali.
Hindi ako sumagot. Pinanood ko lang sila habang naglalaro. Nanggigigil pa si coach nang sunod sunod na mafoul si dash. Halatang baguhan palang ito.
Bakit ba ako nandito.
Kumunot pa ang noo ko kung paano sya pumwesto para sa batting. Mali ang tindig nya at hawak sa bat. Hula ko ay hindi nya rin matatamaan yung bola na ihahagis ni anakin.
"Oh, ferrera, saan ka pupunta?" Hindi ko pinansin si coach.
Bakit nya ba ito pinaglalaro agad at hindi muna turuan? Nanginginig din ang kamay nya. Wala pa ngang isang oras e pawis na pawis na sya.
"Dash!" Nakangiting tawag ko sa kanya. Sinenyasan ko pa sila anakin na sandali lang.
"C-cali." Lalo akong ngumiti.
"Itaas mo yung kamay mo." Sumunod naman sya. Tinapik ko pa ang paa nya gamit ang paa ko at inayos rin ng tama ang kamay nya at kung paano ba dapat ang hawak sa bat. "Subukan mong i-sway yung bat." Tumango sya at sumunod naman.
"T-thanks."
"Suriin mo yung pwesto ni anakin para malaman mo kung anong klaseng technique ang gagawin nya." Tumulala sya. Tinapik ko pa ang balikat nya. Umusog din ako ng kaunti.
Nangingisi pa si anakin sa akin bago nya ihagis ang bola. Napalingon pa sa akin si dash na manghang-mangha dahil natamaan nya ng maayos ang bola at makakuha ng home run.
"Nice!" Thumbs up ko. "Aralin mo lang ang iba't ibang pwesto at sway ng baseball bat paniguradong gagaling ka rin." Sabi ko.
"Baby! Ako rin turuan mo!" Malakas na sigaw ni kiro na mas nagpaingay sa field.
Nagkunwari naman ako na hindi sya narinig at prenteng naglakad pabalik sa tabi ni coach na ginulo pa ang buhok ko.
"Magaling kang magturo. Bakit kaya hindi mo turuan yung mga baguhan?" Tumulis naman ang nguso ko. Hindi ko naman pinangarap na magturo sa kapwa ko manlalaro. Alam ko naman kasi na hindi pa rin sapat ang alam ko at puro basic lang ang iba.
"Ilan ba yung mga baguhan dito coach?"
"Lima sila. Yung tatlo ay magaling naman pero yung dalawa ay 40/60 yung tyansa na matuto." Tumango ako. "Si dash at eli yung nahihirapan ngayon." Nguso pa nya sa dalawa.
Ang isa ay si dash na ngiting-ngiti habang nag-sway ng baseball bat at si eli na catcher.
"Sinubukan nyo na ba coach na ipasubok sa kanila lahat ng role? Baka sa iba ay magaling sila?" Tumango si coach.
"Yeah. Sa lahat ng pinasubok ko sa kanila ay dyan lang sila hiyang. Lima lang rin kasi silang sumali ngayong taon." Humawak pa ako sa bewang ko at pinanood sila na maglaro.
"Ako na bahala coach." Napalingon sya sa akin. Napatakip pa sya sa bibig nya bago ako tapik-tapikin sa likod. Napangiwi naman ako dahil sa sakit.
"Coach! Wala ka naman balak na palalain yung mga sugat ko, hindi ba?!" Tumawa sya.
"Asuncion! Forrester! Lumapit kayo dito." Tawag ni coach sa dalawa. Naiilang pa sila dahil sa presensya ko kaya minabuti ko na lang na ngumiti.
"B-bakit coach?"
"Coach! Cali!" Tinanguan ko si dash.
"Next week after class ay si ferrera na ang magtuturo sa inyo. Ayos ba yon?" Nakangiti na sabi ni coach na tinapik na naman ako sa likod kung saan ako may sugat.
Bw*set!! Hindi ba nya alam na masakit?!
"Talaga coach?!" Nagningning pa ang mga mata ni dash habang nakatingin kay coach. Napahawak pa si coach sa bewang nya at tumayo ng diretso para bang ang ganda talaga ng ideya nya.
"Yes. Kaya umayos kayong dalawa napakapikunin pa naman nito." Mabilis ko pang sinalag ang kamay ni coach na tatapikin na naman sana ako.
"Hehe. Caliber Ferrera pala." Lahad ko ng kamay ko. Tinanggap naman iyon ni dash.
"Dash Asuncion."
"Eli Forrester."
Pareho silang nakangiti nang bumalik sa kanya kanya nilang pwesto. Kahit papaano ay may matutulungan rin pala ako bago umalis sa school na'to.
9:30 pm na nang sabihin ni coach na tumakbo sa buong field ng limang beses. Napaiwas pa ako ng tingin ng dumako ang paningin ko kay kiro na pawis na pawis. Nakangisi na naman sya at direktang nakatingin sa akin.
Kaasar! Bakit ba dito pa yan.
"Coach, mauuna na ako."
"Mag-iingat ka. Sa first game ka lang hindi makakasali. Baka pati sa pangalawa ay maudlot pa." Sumenyas lang ako na "okay" at kinindatan si coach. Kinuha ko ang bag ko sa bleachers at pumunta na kung na saan ang bike ko.
Ilang minuto ko pa yon tinitigan. Kaya ko na kaya pumedal? Kamot-ulong binalik ko sa pagkakadena ang bike ko at pinili na lang na maglakad. Delikado baka maudlot pa nga ang laro ko kung ipipilit ko.
Habang naglalakad ay kinapa ko pa ang likod ng ulo ko at tinanggal ang nakatakip sa sugat ko. Inis kong itinapon yon. Hindi ko naman na kailangan yon dahil hindi na masakit ang ulo ko.
Pag-uwi ko sa bahay ay busy sa pagaaral si calla sa sala. Hindi nya ako nilingon kaya dumeretso na ako agad sa kwarto ko para maligo.
"Anong ulam?... Nag-luto ka?" Ngumuso sya.
"May chismis sayo sa school kuya." Nanlaki naman ang mata ko. Natuod pa ako sa kinatatayuan ko. "Are you gay? Kuya?" Umawang ang bibig ko at kabadong natawa.
"W-what?! Mukha ba akong bakla?!" Nanliit ang mata nya. Ramdam ko ang pagtulo ng pawis ko sa likod dahil sa tingin nyang yon.
Wala naman akong ginagawang masama pero pakiramdam ko ay meron na dahil sa tingin nyang yon.
"Bi???" Umiling ako. Tumawa sya sa akin. "Oh-kay! You say so." Huminga ako ng malalim nang bumalik na sya sa ginagawa nya. "But remember kuya.." nilingon na ulit ako. "Walang mali sa pagiging ganon ha? 'Wag mong isipin yung mga bobong hirap umintindi, okay?"
"What the..! I-im not gay!" Hindi nya pinansin ang sinabi ko.
"Nagluto ako ng adobo... Maraming paminta." Tumawa sya sa huli nyang sinabi.
"Hey! I said i'm not gay!" Lalo syang tumawa.
"Of course... You're not~" Nakangiti pa rin sya. Inis akong tumalikod at pumunta sa kusina para sana kumain.
Nawalan tuloy ako ng gana habang tinitignan ang luto nyang ulam. Parang gusto ko nalang kumain ng chips at uminom ng orange juice.
"Saan ka? Pauwi na sila mama." Tumango ako.
"May bibilhin lang. Anong gusto mo?" Napaisip pa sya ng ilang sandali.
"Wala! Busog pa pala ako." Sumimangot ako.
Pinatagal pa wala naman din pala ang isasagot nya. Nakasalubong ko pa sila mama at papa sa daan palabas ng bahay. Mukhang may pinaguusapan sila at natigil lang nung nakita nila ako.
"Gabi na. Lalabas ka na naman!" Singhal ni mama.
"Bibili lang ako. Babalik din ako agad." Umirap sya sa akin.
Nagkatinginan pa kami ni papa at parehong tumawa sa inasta ni mama.
May inabot pa sa akin si papa na bagong cellphone. Ginulo pa niya ang buhok ko matapos nyang ibigay yon. Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang labis-labis na tuwa ko. Maingat ang takbo kong pumasok sa loob ng bahay at kinuha ang basag kong cellphone.
Nangiti kong isinalpak ang memory card at sim ko doon. Nang matapos ay tinignan ko pa muna ulit ang sarili sa salamin bago lumabas ng kwarto.
Mamaya ko na lang kakalkalin ang bago kong cellphone.
Balak ko pa ring bumili ng chips at orange juice.
Wala kasing convenient store sa loob ng compound at wala ring tindahan kaya kapag may bibilhin ka ay kailangan mo pang mag-lakad ng medyo malayo.
Matapos bumili ay pumwesto ako sa gilid ng convenient store kung saan walang ilaw. Napapalingon pa sa akin ang ibang dumadaan pero tinitignan ko lang sila ng masama. Para naman silang mga aso na nababahag ang buntot at mabilis na naglakad palayo.
Natigil ako sa pag-nguya ng kinakain kong chips nang makita si kiro na naglalakad habang may kausap sa cellphone. May kasama syang babae na nakasabit sa braso nya. Napatalikod ako sa kaba na baka makita nya ako.
Nang makalagpas sila sa akin ay humarurot agad ako ng takbo papalayo. Napasalampak pa ako ng upo sa damuhan sa isang park malayo sa compound. Buhay na buhay ang paligid. May iilang stalls pa na nagtitinda ng mga barbeque.
Dinadaanan ko lang ito noon kapag nagala ako. Hindi ko alam na kapag umaga pala ay para lang itong normal na park at sa gabi ito nagkakabuhay.
Sinilip ko ang binti ko kung namamaga pa rin ba o kung lumalala dahil sa pag-takbo ko. Medyo masakit lang pero sa tingin ko ay ayos naman na. Mabuti nga at namamaga lang at hindi napilay o nabali.
Ilang minuto pa akong naupo sa pwesto ko bago maisipang tumayo at mag-ikot sa mga stalls. Bumili lang din ako ng mga nakikita kong masasarap.
Mas maganda palang tumambay dito kaysa sa convenient store. Nahinto ako sa bilihan ng cotton candy.
"Wow!" Manghang sabi ko sa tindero ng matapos nyang gumawa ng desenyo ng teady bear gamit ang cotton candy.
Gusto ko sanang bumili kaso ay maraming bata ang nag-aabang kaya umalis nalang ako.
Naagaw ang pansin ko sa dulong bahagi ng park. May ilan pang naghihilaan papunta doon.
"Nay, anong meron don?" Tanong ko sa katabing tindahan ni manong cotton candy.
"Ah, gabi-gabing may tumutugtog dyan." Ngiting sagot naman nito.
"Hindi po ba nagkakahulihan dito?"
"May permit kami galing sa baranggay." Napatingin ako sa tinda ni manang na mga keychain at panali sa buhok.
"Magkano po?" Turo ko sa keychain ni winnie the pooh at sa headband na may tainga ng pusa.
Balak ko sanang ibigay kay calla yon. Mahilig kasi sya sa mga cute stuffs tulad nito.
"50 na lang, hijo." Tumango ako. Isinuot ko pa yung headband at ibinulsa naman yung keychain. Inabutan ko pa si manang ng 100 bago umalis. Tinatawag pa nya ako pero hindi ko na sya nilingon pa.
Tumayo ako sa tabi ng bench sa hindi kalayuan sa stage na dinudumog na. Nangiti pa ako sa mga ka-age ko na nagtutulakan paakyat ng stage. Isang banda sila at sa tingin ko ay mas matanda lang sila ng ilang taon sa akin.
"Ehem." Kunwaring ubo ng vocalist nila na babae.
Natawa naman yung mga kasama nya. May mga sinabi pa sila at may pashout-out kaya natagalan bago magumpisa.
Maya maya lang ay tumahimik na ang paligid at nag-umpisang tumugtog yung mga lalaking may hawak ng electric guitar at drums.
You're fighting me off like a firefighter
So tell me why you still get burned
You say you're not, but you're still a liar
'Cause I'm the one that you run to first
Every time, yeah
Why do you try to deny it
When you show up every night
And tell me that you want me but it's
complicated
So complicated
Napaawang ang bibig ko ng kumanta na yung babae sa harap. Wow! Magaling sya. Gusto ko rin makisigaw at pumunta sa harapan kaso ay nagwawala na yung ibang nanunuod kaya minabuti ko nalang na manatili sa pwesto ko.
When it hurts but it hurts so good
Do you take it?
Do you break it off?
When it hurts but it hurts so good
Can you say it?
Can you say it?
Your love is like
Your love is like
It hurts so good
Your love is like
It hurts so good
Makikipalakpak din sana ako kaso may humablot na sa kamay ko. Nawala ang ngiti ko nang makita ko sya. Nakasimangot ang mukha nya at masama ang tingin sa akin.
"F*ck! What are you doing here?!" Sigaw ko.
Gusto ko pang manood kaso ay hinatak na ako ni kiro palayo. Hinihila ko ang kamay ko kaso sa higpit ng hawak nya ay ako lang rin ang nasasaktan.
Nadaanan pa namin sila manang na nagtitinda ng keychain. Napatayo at mukhang nag-aalala. Sinenyasan ko nalang sya na okay lang ako, kahit hindi.
"Saan mo ba ako dadalhin?! Bitawan mo ko! Sasapakin kita!"
"Anong ginagawa mo dito?" Mas malamig pa ang boses nya kesa sa ihip ng hangin. Napaatras ako ng isang hakbang nang humarap sya sa akin.
"Subukan mong lumapit! Tatadyakan kita!" Banta ko.
Napalinga linga ako sa paligid namin. Wala masyadong tao kung na saan kami. May ibang napapalingon sa gawi namin at ang iba ay wala namang pakialam.
Nakangisi na si kiro nang lingunin ko sya. Humakbang ako paatras para sana tumakbo kaso ay naabot nya ang bewang ko.
"F*xk off!! Bitawan mo 'ko!" Kabadong sigaw ko. Tumawa lang sya at hinapit pa ako papalapit sa kanya.
Hindi ako nakakilos nang isuksok nya ang mukha nya sa leeg ko. Bahagya kong pinakalma ang sarili ko. Basang basa sya ng pawis at baligtad pa ang suot na damit.
Gusto kong magtanong kung anong problema pero walang lumalabas na boses sa bibig ko. Ramdam ko ang malalim at mainit na pag-hinga nya sa leeg ko.
Lumayo sya sa akin pero hindi pa rin ako binibitawan. Salubong ang kilay ko ng tignan nya ako.
"Na pa'no yan?" Tukoy ko sa bangas nya sa taas ng noo nya at pasa sa kanang pisngi. Hindi ko yon napansin kanina kasi hinatak nya ako.
"Ah, ito? Hahaha Design." Lalong nag-salubong ang kilay ko.
"Saan galing?" Nawala ang ngiti nya.
"Basta."
Sa pag-kairita ko ay itinulak ko sya palayo. Ipinasok nya sa bulsa nya ang parehong kamay at nauna nang maglakad.
Sumunod naman ako. Sino naman kaya ang kaaway nito? Baka madamay pa ako sa gulo nya sa buhay.
Pababayaan ko na lang sana ang sugat nya kaso hindi kaya ng konsensya ko lalo na at tinulungan nya ako nang mabugbog ako.
Mahina lang naman ang mga palo ng kasama ni gallio pero hindi ko pa rin maiwasan na mapuruhan ng si gallio na mismo ang pumalo-palo sa akin.
"Tara." Aya ko kay kiro. Lumiko kami sa isang eskinita at lumabas sa kabilang street.
May nakita naman ako agad na pharmacy sa hindi kalayuan. Sinabihan ko lang sya na hintayin nya ako.
Bumati pa ang babaeng nagbabantay. Hinahawi pa nya ang buhok papunta sa tainga at ngingiti sa akin.
Creepy.
Nag-pilit na lang ako ng ngiti. Bumili lang ako ng ilang bandaid, bulak, ointment para sa pasa nya at alcohol. Balak ko sana na betadine na lang bibilhin ko kaso nakaisip na naman ako ng kalokohan. Kahit sa ganito ay makaganti man lang ako.
Nakangisi pa ako ng ipakita sa kanya ang bote ng alcohol. Nagusot ang noo nya.
"Maliit lang naman. Okay na, hindi naman masakit." Tukoy nya sa sugat sa noo. Umupo ako sa isang bench sa tabi ng kalsada.
"Ano na? Uuwi na ako." Napakamot nalang sya sa pisngi nya bago naupo sa tabi ko.
Seryoso ang mukha ko pero sa kaloob looban ko ay tumatawa na ako na pang-demonyo. Pasimple ko pang dinidiinan ang bulak na may alcohol sa sugat nya.
"Aw! Dahan dahanin mo naman!" Bulyaw nya. Hindi ko sya pinansin. "Bakit yan kasi binili mo."
"Out of stock yung betadine. Puro reklamo dagdagan ko sugat mo e." Napangiwi pa sya ng tapalan ko ng band-aid yung sugat nya at tapikin 'yon.
Ibinalik ko muna sa plastic yung ginamit ko at inabot yon sa kanya.
Napasinghap pa ako ng kabigin nya ako sa batok at halikan. Namilog ang mata ko sa gulat.
Tinutulak ko na sya lahat lahat pero wala pa ring nangyayari. Hinawakan na nya rin ang parehong kamay ko. Mabuti nalang at nailayo ko ang ulo ko sa kanya. Para akong nauubusan ng hangin!
Napigil ko pa ang paghinga ko nang bumaba ang halik nya sa leeg ko at kagatin ako doon. Nakagat ko na lang ang labi ko dahil sa sakit.
Hindi ako makapagsalita! Naba-blanko ang utak ko dahil sa ginagawa nya!
Napamura na lang ako nang may makitang tao na paparating. Hinawi ko ang kamay nya at itinulak sya palayo. Hinawakan ko pa ang leeg ko kung saan nya ako kinagat.
Hindi 'to matatakpan ng uniform namin bukas!! Nanlilisik ang mata kong nakatingin sa kanya. Dinilaan pa nya ang labi at ngumiti sa akin.
"A-alis na ako!"
Patakbo akong umuwi sa bahay at sumalampak sa sofa hindi na rin ako nag-abala pa na mag-bukas ng ilaw. Nagulat pa ako kay calla na nakatayo sa b****a ng kusina habang umiinom ng gatas.
"Bakit gising ka pa?"
"May tinapos lang."
Tumango na lang ako. Nagpapadyak pa ako nang maalala na naman yung kanina. Hindi ko man lang sya nasipa at basta nalang ako umalis! Dapat ay tinadyakan ko muna sya sa mukha!
Nasapo ko pa yung leeg ko. Magmamarka to bukas! Paano ko itatago to?! Alangan na ibalandra ko 'to sa buong school!
"Kuya, sa kwarto ka na matulog."
"Hm. Aakyat na ako."
Hinubad ko pa ang suot kong damit at isinampay yun sa leeg ko. Taas ang kilay ni calla sa akin pero hindi ko na sya pinansin.
Binuksan ko ang ilaw sa kwarto ko. Nasilaw pa ako sa umpisa. Dali-dali akong nagtatakbo papasok sa banyo ng kwarto ko.
Napaamang ako nang makita ang marka ng ngipin ni kiro sa leeg ko namumula yon at parang magkakapasa pa. Pulang pula din ang mukha ko sa hindi ko malamang dahilan. Nakagat ko pa ang kuko ko sa hintuturo at nagpapanic na pabalik balik sa salamin ng cr.
Sa huli ay pinili ko na lang na mahiga sa kama ko at pumikit. Itinakip ko na rin sa mukha ko ang unan pero hindi talaga ako makatulog! Naaalala ko pa rin yung kanina!
Paano ako haharap sa gag*ng yon bukas? Kahit na umiwas ako ay magkikita at magkikita pa rin kami!
~°~°~°~