TBT 12

3351 Words
12 ~°~°~°~°~°~ Nang bitawan nya ang kamay ko ay doon lang ako nagkaroon ng tyansa na masuri yon dahil sa kanina nya pa ako hawak. Nagrereklamo na nga kanina si nayah dahil hinaharangan sya ni kiro sa tuwing lalapit sya o kaya ay hahawak. "Mag-kasama kayo sa bahay." Mahinang utas nya. "Yeah..?? Ano naman?" Umiling sya. "May sasabihin ka pa? Aalis na ako?" Umangat ang tingin nya sa akin, umiling sya. "See you, tomorrow." Tumango ako. Paalis na ako sa pwesto namin nang hatakin nya ako pabalik. Namilog pa ang mata ko sa gulat nang isandal nya ako sa pader. "W-what?! Lumayo ka nga!" "Mamaya ka na umuwi..." Hinawakan ko sya sa balikat at buong lakas na itinutulak nang maramdaman ang hininga nya sa leeg ko. Hindi pa ako tuluyan nakakalayo sa kanya nang ipulupot na nya ang braso sa bewang ko at isubsob sa leeg ko ang mukha nya. "Ah!" Batok ko sa kanya. Kinagat pa man din ako sa leeg! Napakamot sya sa batok kung saan ko siya binatukan. Nanayo pa ang balahibo ko sa biglaang pagsipsip nya sa leeg ko. "F-f**k!!!! Lumayo ka!" Naghi-hysterical na sigaw ko sa kanya. Mahina pa syang tumawa sa akin at higpitan ang pagkakayakap. "Dito ka na lang muna." Pagmamaktol nya habang dinadampian ako ng halik sa leeg. "Ahh~ s**t!" Natatawa nya akong tinignan. "What's that sound? Hahaha." "Wala! Lumayo ka sa akin!" "Wala?" "Wala nga!!! Bitawan mo ko!" Umiling sya. Ngumuso pa nga at nagpapaawa, nagmumukha tuloy syang tuta dahil sa ginagawa nya. "Hahanapin ako ni tita..." Sabi ko. Direkta ko pa syang tinignan sa mata. "Sama na lang ako?" Wow. "Nakikitira lang kami." Silence... "Kita na lang tayo bukas." Aniya. Bumitaw sya sa akin. Nauna syang mag-lakad pabalik binangga pa nya si anakin na masama ang timpla ng itsura. Pagkasakay nya sa motor ay wala itong lingon-lingon na umalis. Wow! Daig pa ang babae. Ngumiti ako kay anakin na kunot na kunot ang noo nang bumaling sa akin. Si lex naman ay natatawang napaiwas ng tingin. "Ano yan?" Turo nya sa leeg ko kung saan ako kinagat ni kiro. "A-ah... Kagat? Tara na. Tatakpan ko na lang mamaya para hindi makita." Sabi ko. Umawang ang kanyang bibig pero walang salita ang lumabas doon. Hindi sya makapaniwala habang tinitignan akong pumasok sa loob ng sasakyan. "Ang ingay nyo ha." Napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi ni lex. Nang-aasar ang tono nya. "'Wag kayong mag-make-out sa school. Imbitahan mo na lang sya sa bahay." Dagdag na sabi pa nya. "Baka magalit si tita." Wala sa sariling sabi ko. Natigilan pa ako nang ma-realized ang nasabi ko sa kanya. "A-ah... I-i mean baka magalit si tita kasi nagdadala ako ng taong hindi nya kilala." Palusot ko na ikinahagalpak nya, tuwang-tuwa. "Sabihin mo classmate natin. Nakita naman na sya ni kuya laxus." Oo nga pala bakit hindi sila nag-tanong kung sino yung kasabay namin kumain ng lunch? Hindi man lang nila tinanong kung sino si kiro, well as if naman na importante sya. Pero magka-kilala na kaya sila? Pero imposible e kasi hindi nga kilala ni lexus paano pa kaya sila kuya? Hindi naman mukhang drug lord si kiro o kahit na sino sa amin pero kahit na kapag ba gwapo ang itsura hindi na ba dapat tanungin o kaya paghinalaan? Dapat nahalata na nilang manyak yon tapos pinalayo nila yon sa akin. Ngiti pa lang ni kiro obvious na manyakis. "Sa weekends may training ka kasama si kuya laxus." Putol ni anakin sa pagmumuni ko. Isa pa itong panira ng araw. Simula nung dumating kami dito ay nagiging mag-kahawig na sila ng reminder! Sa pagkain, pag-tulog, pag-ligo, pag-pasok, pag-uwi, training o kahit anong gawin ko ay lagi nyang pinapaalala. Si tita lang naman ang may gusto sa ganitong ugali ni anakin. "Ikaw?" Tanong ko sa kanya. "Meron din, si kuya rhys magtuturo sa akin." Nanulis naman ang nguso ko. Isang beses pa lang ako natuturuan ni kuya rhys pero talaga naman na mahusay sya, hindi ko lang alam kung ganon din si kuya laxus. "Don't worry. Magaling mag-turo si kuya." Tapik ni lex sa balikat ko, pero imbis na gumaan ang loob ay natakot lang ako dahil sa mukha nyang parang maraming pinagdaanan noon. "Dati ka rin nyang tinuturuan?" Tumango-tango sya. "Magaling syang humawak ng baril... Magaling din syang umasinta, kaya 'wag mo syang mamaliitin." Sabi nya pa habang nagkukunwari na umiiyak. "Last time na minaliit ko sya ako ang ginawa nyang shooting target." Kinabahan naman ako. Nai-imagine ko pa lang ang sarili kong nakatayo sa malayo habang may baril na nakatutok sa akin ay nanginginig na ako sa takot. Paano kung ako ang pinatayo nya doon tapos nang babarilin na nya ako ay mag-kamali sya? "S-sandali! Ayoko na ata." Napalingon sila sa akin pati na ang driver. "Hahahaha. Biro lang!" Mahina pa akong pinalo-palo ni lex sa braso sa inis ko ay dumukot ako ng notebook sa bag ko at inikot yon para ipalo sa kanya. "Hey, baka masanggi nyo si manong." Sita ni anakin sa amin. Umayos naman ako ng upo. Sandali pa silang natahimik nang tumunog ang cellphone ko at mag-flash doon ang mukha ni kiro. "Sagutin mo baby mo." Nang-aasar na bulong ni lex sa akin. Inambahan ko naman sya ng palo. "Oh?" Sagot ko sa tawag. "Cold mo naman." Bulong ni lex sa akin. "Manahimik ka." Bulong ko rin. [Bye.] *Toot**toot* Ano yon? Tumawag lang sya para mag-sabi ng babye??. Kunot noong binuksan ko ang messenger ko na may isang message galing sa kanya. Kiro ~ Ingat. Dumungaw pa sa cellphone ko si lex na nakanguso. Nagulat ako nang hablutin nya ang cellphone ko at iharap sa akin ang convo namin ni ms.manager. "You know her?!" Pasigaw na tanong nya. "Manager namin sa basebal---" "Nakasalubong ko yan nung pumunta tayong school! Alam mo bang sinigawan nya ako dahil lang sa nahulog na kalat sa bulsa ko?!" "Hindi ko nga alam na nag-kita kayo." Pagba-balewala ko sa reklamo nya. "This b*tch! Sasali ako ng baseball! Tapos kapag nag-laban ang grupo namin sa finals ay tatalunin ko sila." Umismid ako. "Marunong kang mag-baseball?" Tanong ko. Ngumuso sya sa akin. "Hindi, papaturo ako sayo!" Umiling ako. "Nakita mo yung naka-buntot sa akin kanina?" Tumango sya. "Ace player yon, sa kanya ka mag-paturo." Nag-liwanag naman ang mukha nya at tila nagniningning pa ang mga mata. "Akin na number nya." Aniya. Ibinigay ko naman at nangingiti pa habang pinapanood na tawagan nya iyon. "Hindi naman sumasagot!" Reklamo nya. Nakailang dial pa sya pero wala talaga. "Ikaw nga." "No way." Sagot ko. Nasaktuhan na papasok na pala kami sa mansion. Mabilis akong nag-lakad papasok at nag-kulong sa kwarto ko. Nakalimutan ko yung pasalubong ni calla. "Caliber sensei!!" Kalabog ni lex sa pinto ng kwarto ko. Ganito ba katindi ang galit nya kay ms.manager? Maliit na bagay lang naman yung nangyari bakit gustong gusto nya makaganti? Sandaling nanahimik sa labas ng kwarto ko kaya naisipan kong mag-bihis muna at tapalan yung kagat ni kiro. Halatang-halata nanggigigil ba sya? Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko si lex na nakatayo sa harap ng pinto ko. Pormadong-pormado kung hindi ko nakita ang ugali nito ay iisip ko na mature ang pagiisip nito e kaso daig pa sila calla sa pagiging isip bata. "Sensei." "Sya ang kausapin mo." Nilagpasan ko sya. May malapit kaya na bilihan ng cake tsaka ice cream dito? Kanina kasi sa daan ay hindi ko naalala baka mag-tampo si calla sa akin. "Aalis ka?" "Saan ba may malapit na bilihan ng chocolate mousse cake dito?" "Sasamahan kita if tutulungan mo ako?" "Nevermind, tatanungin ko na lang si manang." Pumanhik ako sa kusina pero wala si manang. Kamot-kilay akong lumabas sa backdoor, si lex naman ay nanatiling nakasunod sa akin. Nasa farm kaya si manang? Anong oras kaya sya uuwi? Mag 5:00 pm palang naman baka mamaya pang 6:00 pm uuwi? "Anakin." Tawag ni lex kay anakin na naninigarilyo sa sulok. "Close mo ba si kiro sensei?" Nagusot ang mukha ni anakin. "No... Aalis ka?" Baling nito sa akin. "Nakalimutan kong bumili ng pasalubong kay calla." Tumango sya bago ihulog ang sigarilyo at apakan iyon. "Samahan na kita." Tumango ako. "Sama rin." Hindi namin sya pinansin. Nasa parking lot na kami ng mansion nang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si kiro. Ilang beses pa syang tumawag, sa inis ko ay pinatayan ko na lang sya. Ano na naman ba kasing kailangan nya? Kakakita palang namin kanina ha? Hindi pa nga tumatagal ng isang oras yon ay tumatawag na sya agad ng paulit-ulit. "Manong sa shop ng asawa nyo po." Tapik ni lex sa driver. Ngumisi si lex sa amin kaya napapailing na lang ako. Kinakabahan ako sa isang 'to ah. Pag-labas namin ng village ay lumiko si manong. Marami pang nadaanan ang sinasakyan namin na mga mini stores hanggang sa huminto kami sa harap ng isang cafe. Nauna kaming pumasok ni anakin at ni manong sa loob dahil may kausap pa sa cellphone si lex. Nilingon ko pa sya at sinamaan ng tingin. "Oh! Hon, anak ni Mr. Ferrera at ang kaibigan nya." Akbay sa akin ni manong habang pinapakilala sa babaeng nasa counter. "Ay! Mabuti naman at dumaan kayo dito." Galak na sabi nito na pinipisil pa ang pisngi ko. "Ang gagwapo nyo naman." Dagdag pa nya na para bang kinikilig pa. Nag-pilit ako ng tawa. "Ah.. Hahaha." "Elise! Ihatid mo sila sa mesa." Lumabas naman ang isang babaeng may pilit na ngiti sa labi pero maganda. "Dito po tayo..." Turo nya sa daan papunta sa mesa na kita ang view sa labas. "Woah!" Sulpot ni lex at naupo sa tabi ko. Ngiting-ngiti ha. Ganyang ngiti ng mga taong may ginagawang kademonyohan. Kinakabahan talaga ako sa isang 'to parang may binabalak na masama. "Sama naman ng tingin mo sa'kin, caliber sensei." Nginiwian ko sya. "Elise." Bati ni lex sa babaeng may dalang menu, hindi sya pinansin. "Whole chocolate mousse cake, takeout." Sabi ko na isinulat naman nya agad. "Kayo?" "2 cheese shortcakes and cappuccino." Turo ni lex sa kanilang dalawa ni anakin. Napalingon ako sa labas nang may marinig na bulungan na mga tao doon at pasimple na tinuturo ang pwesto namin. "Hi, pwede po ba malaman ang number ng kasama nyo?" "Hindi yan pwede, taken na." Napalingon ako sa kanila dahil sa sinabi ni lex. "May jowa ka?" Tanong ko kay anakin. Umiling sya sa akin, nagtataka. "Tanga. Ikaw yung taken." Ngisi ni lex. "A-ako?" Hindi makapaniwalang turo ko sa sarili ko. Kailan pa? "Kuya taken ka na?" Tanong ulit nung babae. "Sabi nya." Wala sa sariling saad ko. Tinuro ko pa si lex na natatawa. "Naku miss. Yan na yung jowa nya." Sabay-sabay naman kaming napalingon sa pag-grand entrance ni kiro. Hinihingal at pawis na pawis pa ito na para bang nagmamadaling pumunta dito. Bakit na naman nandito yan?! "Sige na miss. Nagwawala pa naman yan kapag nagseselos." Pananakot pa ni lex sa babae. Binatukan ko naman sya. "Aw! Caliber sensei!" "Ikaw yung nag-sabi sa kanya no?!" Ngumiti sya. "Kiro sensei!! Dito! Yung promise mo ha." Tumango naman si kiro. Umalis si lex sa tabi ko at naupo sa tabi ni anakin na walang imik. "Nasaan si manong?" Tanong ko. "Nasa loob." Nguso ni lex sa pinasukan nung babaeng maganda. "Bakit nandito ka?" Siko ko kay kiro na nakangiti na naman tulad ng dati. "Kasi nandito ka?" "Tss. Pumunta ka pa uuwi na kami." Iritableng sabi ko. "Cali, sa atin sya matutulog! Inimbitahan ko sya kanina." Ngiting wagi ni lex na kumindat pa kay kiro. "Sir, ito na po..." Sulpot ni elise ng mga order namin nakadalawang balik pa sya para sa order kong cake. "Uhm... Sir, pwede daw po ba makuha yung number nyong apat?" Nahihiyang tanong nya na tinatanaw pa yung mga babae sa kabilang table. May hawak-hawak din syang note pad at ballpen. "Call me." Abot ni lex ng number nya, si anakin naman ay umiling. "Ibibigay mo yung number mo?" Inis na tanong ko kay kiro na agad binawi yung calling card nya. Bigay nang bigay ng number baka mapag-tripan pa sya dyan o ano. Hindi muna nagiisip bago pumayag. Cafe ba talaga 'to o bar? Bakit may mga ganyan na customer dito? "Chill." Tinapik ko yung kamay ni kiro na hahawak sana sa mukha ko. "Mauuna na kami, lex." Kinuha ni kiro yung box ng cake sa mesa at haltakin ako papalabas. "Ingatan mo yung cake baka masira." Sabi ko. Nakasimangot sya hanggang makarating kami sa harap ng motor nya. Inabot nya sa akin yung cake na agad ko namang kinuha. Hinayaan ko rin syang isuot sa akin ang helmet. Nauna syang sumakay bago ako. "Ituro mo yung daan." "Tss. Bilisan mo na madilim na oh." Reklamo ko. "Kapag binilisan ko masisira yang cake na dala mo.... Humawak ka." Hatak nya sa isang kamay ko papulupot sa bewang nya. "The f*ck!!" "Arte. Lalaki ka ba talaga?" Nanunuyang aniya. "What?!" "Wala! Tara na." Narinig ko pa syang tumawa ng mahina bago kami tuluyang umalis. Kaasar. "Sir, ano pong pangalan?" Harang sa amin ng guard sa village. "Kiro jieven tsaka Caliber Ferrera." Tumango yung guard. Muling pinaandar ni kiro ang motor nya papasok sa village. Jieven? Sapat lang ang bilis non. Dapat pala ay iniwan ko na lang 'to kay anakin. Bida bida kasi 'tong kupal na 'to e alam na naka-motor sya ay pinakelaman pa yung cake. "Kailan pa kayo naging close ni lex?" Tanong ko. "Secret." Ngumiwi ako. "Akala ko ba aalis ka?" "Yeah? Nakatira na ako sa bahay ni mama dito." Simpleng sagot nya sa akin. May bahid ng saya ang kanyang boses. "Nag-kita na kayo?" "Hm. Pag-usapan na lang natin mamaya." Tumango ako. Isinandal ko pa ang ulo ko sa likod nya. Kaya ba sya nag-paalam dati para sa mama nya? Mabuti naman kung ganon at mag-kasama na sila. Hindi ko lang inaasahan na pinatawad nya agad ang taong nang-iwan sa kanya sa abuser na ama. Hindi tulad ko na lumaki sa kompleto at masayang pamilya, si kiro ay naghihirap. Mas matanda lang ako ng 2 years sa kanya pero hindi hamak na mas mature sya, hindi lang sa katawan kundi pati sa isip. Hindi ko naman ikakaila na may kakitiran ang utak ko dahil kahit simpleng bagay ay kinagagalitan ko. Paano ang isang tulad nya ay piniling dumikit sa akin at bumuntot? "Dito na tayo." Turo ko sa mansion ni tita. Napansin ko pa ang kotse na sinakyan namin kanina na nakaparada na sa labas. "Kuya rhys." Tawag ko sa lalaking naninigarilyo. Lumapit naman sya sa akin at tignan si kiro. "Sino yan?" Aniya na bumubuga pa ng usok. Angas. "Classmat---" "Boyfriend." Napaatras ako. Si kuya rhys naman ay nabitawan ang hawak na sigarilyo. Nang tumingin sya sa akin ay napailing-iling agad ako. "I'm his boyfriend." Hatak nya sa akin patabi sa kanya. Naitakip ko na lang ang box ng cake sa mukha ko dahil sa kahihiyan. Ano bang pinagsasabi mo! Nakakahiya ka! "Ehem. Sige na pumasok na kayo sa loob." Alanganing saad ni kuya rhys. Wala na akong iba pang-nagawa kung hindi ang itulak si kiro papasok. Pag-pasok sa loob ay sinalubong pa kami ni lex at hestia. Umakbay sa amin si lex at pasimpleng itinutulak papasok sa kusina. "Oh." Nakangiti si tita sa amin, naroon din si tito na nakasandal sa sink at may hawak na kape. May gulat sa mukha nito pero agad din nyang iwinaksi. "Ma, pa, si kiro po classmate namin." Pakilala ni lexus kay kiro na may tipid na ngiti sa labi. "Hello po. I'm cali's boy---" "Shut the f*ck up lopez." Banta ko. Tumawa lang sya sa akin. "Tita, si calla po?" "Yun oh." Turo nya sa likod ko. Hinarap ko si calla na basa pa ang buhok at matamlay ang itsura. "Kuya." "Basa pa yung buhok mo." Sabi ko. "Tara sa taas." Akbay ko sa kanya. "Bilisan nyo at kakain ka." Ngumiti ako kay tita at nag-paalam na papatuyuin ko muna ang buhok ni calla. "Dito ka na muna." Sabi ko kay kiro na tumango lang sa akin. Nakasalubong pa namin si lex na may kausap sa cellphone. Nagulat pa sya nang makita kami at dali-daling pinatay ang cellphone nya. Problema nito? "Kakain na daw." Sabi ko. Mabilis syang tumango. "Kuya binilhan mo ako ng cake o kaya ice cream?" "Yep, nasa baba." Pag-pasok namin sa kwarto ay kinuha nya agad yung blower at inabot iyon sa akin. Wala sa amin ang umimik habang pinapatuyo ko ang buhok nya. Mabuti na lang at pinapanood ko si mama na ganituhin ang buhok ni calla kaya kahit papaano ay alam ko kung paano gumamit. "Yan na." Ngiti ko. "Thank you." Sabay kaming bumaba at nag-tungo sa dining room. Lahat sila ay nakapwesto tanging ako at si calla na lang ang wala doon. Naupo ako sa tabi ni kiro kung saan may bakante. Tanging tunog lang ng kubyertos ang naririnig sa paligid. Ang awkward parang last supper na 'to ah. "Cali, sumali kayo ng baseball club?" Biglang tanong ni tita. "Yes, tita." "Good. Ikaw lexus bakit sumali ka? Basketball ang alam mo, hindi ba?" Hindi sumagot si lexus. Awkward. "Lexus." Nagbabantang sabi ni kuya laxus. "Tuturuan naman ako ni cali tsaka ni kiro. Pareho silang naging ace player dati." Bagot na sagot nito. Bakit ako nadamay? Wala naman akong sinabi na pumayag ako ha. "Talaga, cali?" Nagsilingunan silang lahat sa akin. Nagpapaawa pa ang mukha ni lex. "No, tita. Sila ni kiro ang may usapan." Turo ko sa katabi ko na natigilan. Mabilis kong isinubo ang pagkain na nasa kutsara ko. "Talaga kiro?" Napunta naman kay kiro ang mga tingin na kanina lang ay sa akin nakatuon. Bahala sila dyan tutal ay magka-sabwat naman sila kanina. "O-opo ma'am." Nanlaki ang mata ko nang gumapang ang kamay ni kiro sa ilalim ng mesa at mag-lakbay iyon sa may binti ko pataas. "What the hell?" Siko ko sakanya. Nang-aasar na ngumiti lang sya. "Dito sya matutulog. Tabi sila ni cali." Ngising saad ni lex na kinagulat ko. "Marami namang kwarto." Clueless na sabi ni tita. Napasinghap ako nang tumaas pa ang kamay ni kiro. Napaka-hayop talaga! "Sa kwarto na lang ni kiro, tutal gagawa pa sila ng assignment." Giit ni lex, nang-aasar. "Aalisin mo yung kamay mo o tutusukin ko ng tinidor yan?" Nagbabantang bulong ko kay kiro na mukha namang natakot dahil sa biglaang pag-dakma ko ng tinidor sa plato ko. "Magkaklase kayo hindi ba? Bakit sila lang gagawa?" Tanong naman ni kuya laxus. "By pair kuya, kapartner ko si anakin." Akbay ni lex kay anakin na walang imik. "Kain ka pa." Lagay ni kiro ng pagkain sa plato ko. "Dati si nayah ang nag-aalaga sayo." Natigilan ako sa sinabi ni tita. "Ginagawa nya rin 'to?" Dahan dahan akong humarap kay kiro na may nakakatakot na ngiti sa akin. "Ay, oo, sa tingin ko nga kung wala kami sa harap nila ay susubuan pa sya no'n." Sabi pa ni tita. Please, patahimikin nyo si tita pakiramdam ko ay humuhukay sya ng paglilibingan ko. "Actually po, boyf---" "Shut up." Pigil ko kay kiro. Lalo syang napasimangot parang kaunting tulak na lang ay puputok na sya sa inis. "Cali, kayo na ba ni nayah?" Tanong ni tito. Sandali! Bakit napunta sa ganito ang usapan? Bakit ako ang naging topic? Teka, wala ba akong back up dito? Iginala ko ang paningin pero lahat sila ay napapaiwas sa akin. Kahit si anakin ay hindi rin ako tinitignan. "Actually tita boyfriend po ni kuya si kuya kiro." Nilingon namin si calla na kaswal ang pagkakasabi noon.. Normal na normal talaga sa kanya ang mag-sabi ng mga bagay na hirap sabihin ng mga tao sa paligid nya. "Shoot! Sabi na nga ba e. It means ikaw yung nabanggit sa akin ni callie?" Mahinhin pang tumawa si tita. Nabanggit ni mama si kiro kay tita? Kahit papaano ay gumaan ang loob ko dahil sa sinabi ni tita. Ibig sabihin ay may kumunikasyon pa rin pala sila at nakapag-usap bago mangyari ang bagay na iyon... "Kuya, cake." Kalabit sa akin ni calla na may tipid na ngiti. ~•~•~•~•~•~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD