TBT 11

3187 Words
11 ~°~°~°~°~°~ Madilim pa nang magising ako. Ganitong oras kasi nagigising si mama noon. Naligo lang ako at nag-ayos ng sarili bago puntahan si calla sa kwarto nya. Nakaupo ito sa kama at nakatingin sa labas. Nagkatinginan pa kami nang pumasok ako at ngitian sya. Walang kabuhay-buhay ang pareho nyang mata at halata rin ang pamamayat nya. "Kuya..." "Hm?" Tumayo ako ng tuwid sa harap nya. I don't know what I'm suppose to do. Dapat ba na sabihin ko na magiging ayos lang ang lahat? Well, paniguradong nauumay na sya sa salitang yon at ayoko rin naman na paasahin pa sya kasi hindi naman na talaga magiging ayos ang lahat. Hindi sya okay, si papa o ako. Walang ayos sa amin dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na wala akong nagawa o natulong. "Pagaling ka na baka sa susunod na linggo a---" She cut my words. "Papasok na ako bukas." Tinitigan ko pa sya ng ilang sandali bago bumuga ng hangin at tumango. Nagulat ako nang yumakap sya sa akin at tapik-tapikin ang likod ko. "Ingat ka pag-pasok ha?" Wala sa sariling napangiti ako at hinalikan sya sa noo. "Pasalubong?" "Uhm... Ice cream or chocolate mousse cake." Pilit itong ngumiti bago ako bitawan at kawayan. "Okay... Hintayin mo ako." Marahan ang hakbang na ginawa ko palabas ng kwarto nya. Nakasalubong ko pa si anakin na nakabihis na rin ng uniform. Wala ba 'tong plano na nag-sorry? Dude come on! Best friends tayo tapos crush mo pala ko? "Good morning!" Pareho pa kaming nahinto sa pinto ng dining room. May dalawang mukha ang hindi pamilyar sa amin ngayon na nakaupo sa tabi ni tita. Ang isa ay hawig ni tito at ang isa naman ay kamukha ni tita. Sa kanilang magkakapatid ay masisiguro ko na si lexus lang talaga ang naiiba. Baka ampon talaga 'to? "Ow, guys mag-pakilala kayo." Mahinang utas ni tita sa dalawang taong naupo sa tabi niya. "Well, cali, nakilala mo na si lexus hindi ba?" Tumango ako. Alanganin kaming naupo ni anakin sa dalawang bakanteng upuan na pinagigitnaan si lexus. Nakanguso ito at walang imik. "Laxus Levitrei." "Akane Hestia Levitrei." Tumango kami ni anakin. Ibig sabihin sya si laxus? Mukhang mas matanda lang sya sa akin ng ilang taon. Nag-aaral pa kaya 'to? "Caliber Ferrera." Saglit lang silang tumingin sa akin. Napalingon naman si anakin sa amin at natatanga pang tinuro ang sarili. "Ah-uh... Anakin Castillo." Nginiwian ko sya. Lutang. "Let's eat!" Anunsyo ni tita. Matapos kumain ay nauna na kaming pumasok ni anakin at lexus, nagpahuli yung dalawa dahil may inaayos pa. "Lexu--" "Call me lex." Nanulis agad ang nguso ko sa pag-susungit nya. Ayoko man na mag-hinala sa relasyon nila tita at lexus ay hindi ko mapigilan. Obvious naman na hindi maganda at may tensyon sa pagitan nila. Hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin non o hindi. "Nasa iisang classroom lang tayo." Ani anakin. Si lexus ay ang nakaupo sa tabi ng driver at kami naman sa likod. Seryoso ang mukha ni anakin habang pinapasadahan ng tingin ang papel na naglalaman ng sariling schedule nya. "Yeah. Coincidence." Sarkasmo ang nailabas kong tono. Napansin ko pa ang pag-tingin nila sa akin gamit ang rearview mirror. "Yeah, coincidence. Kaklase din natin si kiro... What a coincidence." Nanunuyang sabi pa nya na nagpatahimik sa akin. Sa sobrang kaba ko ay nahablot ko sa kamay nya ang papel at hinanap ang pangalan ni kiro. "Kiro Jieven Lopez..??" Nilingon ko si anakin na nagkibit balikat lang. "Jieven??" "Nandito na po tayo, sir." Lahat sila ay nakababa na. Noong una ay nagdadalawang isip pa ako na bumaba dahil nandoon nga si kiro sa b****a ng parking lot na para bang may hinihintay. Papasok pa ba ako? Teka nga! Bakit ba ako kinakabahan?! Wala naman akong atraso sa kanya ha. Wala naman akong ginawang masama noong nag-kita kami.... Hindi ba?? Tsaka alam ba nya na dito ako nag-aaral?? Naging mabigat ang naging hakbang ko habang papalapit sa pwesto ni kiro. Pilit kong hindi lumingon sa pwesto nya at mag-kunwaring hindi ko sya napansin. "Caliber." Nagulat pa ako sa braso ni lex na nakapatong sa balikat ko. Malawak ang pagkakangiti nya sa akin. "Cali." "Hm?" "Excuse!" Lahat kami ay napatigil pa nang humarang sa daraanan namin si kiro. Nangunot pa ang noo ko nang ilahad nya ang kamay sa akin. "Bullsh*t." Ngumiti ito nang banggain ko sya. "Tara na." Bulong ko. "Okay!!" Hindi ko na nilingon pa yung dalawa na nahuli. May naririnig pa akong mga bulung-bulungan sa paligid namin. Ang iba ay nagtatanong pa kung sino kami o kung bakit kami nandito. Hindi pa kami nagagawan ng uniform kaya nakasuot lang kami ng plain white t-shirt at jogging pants. Hindi kasi naasikaso ni tita dahil nakalimutan daw nya, ang sabi ko nga ay kami na lang bahala ni anakin pero ayaw nyang pumayag. Bakit kaya sya nandito? Paano nya nalaman? Kung titignan ang mukha nya ay mukha naman na hindi sya nagulat o nagtataka para bang inaasahan nya na nandito talaga ako. "Hi!" Nginiwian ko si kiro na nakangiti sa amin at sa babaeng sumabit sa braso nya. What the f*ck? "Cali...ber...!!!!!" Muntik-muntikan pa akong masubsob sa semento nang tumalon si nayah sa likuran ko, mabuti na lang at nahawakan ako ni kiro sa braso. "Hey! Be careful." Iritadong sabi ni kiro kay nayah. "Ow, you also here, I see." "Get down." "No." Mahina kong tinapik-tapik ang braso ni nayah na sumasakal sa akin. Natawa pa sya bago iyon luwagan at ipatong ang baba sa balikat ko. "Bakit ang gaan mo? Kumakain ka ba?" Takang tanong ko. Dahil parang wala naman syang planong bumaba sa pagkakapasan sa akin kaya inayos ko na lang ang pwesto nya para hindi sya mahulog. "Seriously? Wow! Sa harap ko pa ferrera??" Humarap ako kay kiro na pikon. Salubong na salubong ang kanyang mga kilay at nanliliit ang mga mata. "Problema mo?" Inis na tanong ko. "Girlfriend ata ni blondie yung girl?" "No, kung gf nya yan e bakit walang reaksyon si ate girl?" "Baka ex?" "I think so." Binitawan ko si nayah na nakanguso pa. Agaw pansin ang pasa sa gilid ng kanyang labi at sa tabi ng kanang mata na tinatakpan lang ng bandaid. Nakasuot rin sya ng hoodies kahit na mainit naman. "Napano yan?" Tukoy ko sa pasa nya. "Secret!!" Mag-tatanong pa sana ako kaso ay nahatak na ako ni kiro sa tabi nya. Dinig pa ang mahinang daing sa paligid na akala mo ay may nakumpirma na bagay na hindi nila inaasahan. "Hey! Give back my caliber!" Sigaw ni nayah. Kailan pa ito naging maingay? "Your caliber? This man was mine." Hinawakan nya pa ako sa braso at pilit na hinihila sa pagkakapit ni nayah. Napakamot na lang ako sa sintido. Masyado na kaming agaw pansin sa ibang estudyante na pumapasok. "What happen here?" Tanong ni kuya laxus. Naka-buntot pa sa kanya sila anakin at lahat sila ay nakasimangot. "Pag-hiwalayin nyo sila." Senyas nya kay kuya rhys. Una nyang natanggal si nayah bago si kiro. Muli akong nag-patuloy sa paglalakad, lima kaming magkakasama sa iisang classroom ang nahiwalay lang ay si laxus at akane. Si laxus ay college at si akane ay junior high kasabayan ni calla. Bukod sa oras ng uwian ay wala ng pinagkaiba ang schedule namin. Mas maaga ng ilang oras ang uwian nila hestia kumpara sa amin. Bale ang schedule ay: Junior high - 07:00 am to 01:00 pm Senior high - 07:00 am to 04:00 pm College - 07:00 am to 08:00 pm "Tara!" Hila sa akin ni kiro pagka-lapag ko pa lang ng bag ko sa upuan. "Let me go." Bawi ko sa braso ko. Bahagya syang natigilan. Halata na may gusto syang sabihin pero hindi nya magawa. Natatakot ba sya na baka ma-trigger ako? Sabay kung plano nya na tanungin ako about kay mama ay hindi ko naman sasabihin. Para saan pa hindi ba? Hindi naman nya kailangan pang malaman at ayaw ko na rin maalala kasi tuwing sumasagi sa isip ko 'yon ay nasasaktan lang ako at wala akong magawa kung hindi sisihin ang sarili ko dahil hindi ko nailigtas si mama. "Cali." Natatakot ako. Sobra-sobrang takot ang kumakain sa akin dahil sa pangyayari na 'yon. Paano kung matunton kami ng mga taong naghahanap ng blue diamond? Paano kung gawin nila sa amin ang ginawa nila kay mama? "Cali!!" Napakurap ako nang maramdaman ang yakap ni kiro. Tsaka ko lang napansin na nanginginig na pala ang buong katawan ko dahil sa takot. "Calm down..." "B-bumalik na tayo." Hindi na sya nag-reklamo pa at sumunod na lang. Nagusot pa ang mukha ko dahil pag-dating namin sa room namin ay sa iba na nakapwesto ang bag ko. "Sinong nag-lipat?" Napaiwas sila ng tingin. Sa kanan ko naka-upo si kiro, sa kaliwa ay si lexus, sa likod naman ay si anakin at sa harap si nayah. Para silang mga aso na nakabuntot. Late ng 10 minutes yung teacher namin. Nagpakilala lang kami saglit bago mag-proceed sa pagtuturo ang guro. "Sila yung nag-aaway sa gate kanina 'di ba?" "Ahh! Yung nag-aagawan?" "Oo te, akala ko straight sila tapos si ate girl pinag-aagawan." Naririnig ko kayo! "Ship ko si lim at ferrera." "Eh? Mas bagay sila ni lopez." "Bl ba? Hahaha." "Baka marinig ka." Mas marami palang chismosa sa school na 'to kesa sa school namin. Hindi sa nagtataka ako sa bagay na 'yon dahil kahit saan naman tayo pumunta at kung ano man ang gawin natin ay may masasabi pa rin sila. Sa ngayon ang iniisip ko lang ay kung ano na kayang ginagawa nila coach ngayon? Hindi na talaga ako nakapag-paalam ng maayos sa kanila. Nag-leave na rin ako sa gc namin dahil plano kong sumali sa ibang team dahil lumipat na rin naman ako ng school. Nahinto ako sa pag-iisip. Nilingon ko si kiro na bumato sa akin ng crumpled paper. Hindi nya ako tinignan. Anong iniisip mo? Nginiwian ko sya. Hindi ako sumagot sa tanong nya, basta ko na lang isinuksok sa bag ko ang papel at nakinig na lang sa guro. "Kayong lima ay bibigyan ko na lang ng mga handouts, so bago umuwi ay dumaan muna kayo sa faculty." Walang sumagot sa amin. "Ms. President? Pa-assist na lang ako sa new classmates nyo." Sigh. Sumubsob ako sa sariling mesa at ipinihit ang ulo paharap kay kiro na busy sa pagsusulat. Bakit kaya nandito rin 'to? Akala ko ba ay aalis sya? Hindi nya sinabi sa akin ang mga detalye at hindi rin naman ako nag-tanong. Kung ngayon ko kaya sya tanungin? Sasagot kaya sya? "Quit staring." "I'm not staring." "Uh-huh? Really?" "Yes, I'm staring, pero hindi sayo." Mabilis naman syang napalingon. Inginuso ko pa yung babae na nakatayo sa labas na may kausap na teacher. "Wow." Komento nya. "Then stop staring at her; you want me to get jealous?" "Kilabutan ka." Umupo ako nang maayos at nag-kunwari na nagsusulat. Naririnig ko pa syang bumubulong, nagdarasal siguro o kaya ay nagsa-summon ng demonyo. This past few daw ay lagi na lang akong nabablanko. Bago mag-pasukan at pumunta sa libing ni mama ay sumasama na lang ako sa farm o kaya manunuod sa training nila kuya rhys. Isang araw nga ay tinuruan nya pa ako ng basic technique sa taekwondo matapos non ay hindi na naulit pa. "Break na? Ano sabay ka?" "Nah, may tatapusin pa ako." Napapitlag ako ng biglang umusog si kiro patabi sa akin. Bukod sa aming lima ay wala ng ibang tao pa ang naiwan sa loob ng room. "Tara n--" "Don't touch him." Hatak sa akin ni kiro palayo kay anakin. "'Wag mo rin akong hawakan." Hawi ko sa kamay nya. "Ang creepy nyong apat." "What?! Bakit pati ako kasama?" Sabay pa na reklamo ni nayah at lex. "Tara na. Nagugutom na ako." Sabi ko. Nadaanan pa namin ang building ni kuya laxus na saktong papalabas na rin. Tinaasan nya kami ng kilay. "Susunduin kayo ni rhys mamaya." Sabi nya. Walang sumagot sa amin. Nakita ko pa ang pasimpleng pag-irap ni lexus sa hangin. Hindi talaga siguro sila magkasundo o talagang ilap lang sila sa isa't isa? "Lex, puntahan mo si hestia." "Why should i? Tss." Pag-dating namin sa cafeteria ay naka-upo na si lexus sa bakanteng mesa sa dulo. Naroroon na rin si hestia na nagbabasa ng libro, academic book to be specific. "Kamay mo!" Inis na sita ko kay kiro. Dumungaw pa sya sa mismong harap ko at malawak na ngumiti. "What the f*ck!!" May binubulong sya pero hindi malinaw kung ano yon. Napapitlag ako dahil sa kamay nyang malikot. Inis kong nirolyo ang manipis na libro ni lex at ipinalo sa ulo ni kiro. Napalingon sa gawi namin ang ibang estudyante kasama na roon sila kuya laxus. "Hahaha." "F*ck you!" "When?" Natigilan ako na lalo nyang ikinatawa. Baliw!! Baliw ka na! Manyak! "Hintayin mo na lang ako doon..." Turo nya sa mesa kung na saan sila lex. "...Anong gusto mo? Bukod sa akin." "Asa ka." "Sige na ako na bibili ng pagkain mo." "Tss." Hinablot ko ang damit ko at tinalikuran sya. Walang pasabi akong naupo sa harap nila hestia at lex, nag-salubong pa ang kanilang mata at nagtatanong ang tingin, naguguluhan. "Hindi ka bibili ng pagkain mo?" Tanong ni lex. "May maid ako." Nguso ko kay kiro na ngumiti pa sa akin at kumaway. "Kaano-ano mo yan? Laging nakabuntot sayo." Nagkibit-balikat ako sa tanong nya. Dumako ang paningin ko sa pinsan kong babae na nag-baba ng libro at hinawi iyon papunta sa gilid nya. Tinaasan ko sya ng kilay dahil sa talim ng tingin nya sa akin. "Uh... Pwede ba akong maging friends ni calla?" Umiwas sya ng tingin. "Uhm, yeah?" Sagot ko. Mabilis na lumingon sya sa akin at naging masigla ang itsura. Wow. "We're cousins after all." Singit ni lex. "Shut up." Hindi sila tulad ng inaasahan ko na tahimik. Akala ko kasi na tulad sila ni tito na walang imik at walang pakealam. Well, kakakilala ko palang naman sa kanila ngayong umaga kaya hindi ko pa talaga masasabi na maingay silang tatlo. "Here." Lapag ni kiro ng pagkain sa plato ko. Naupo rin sya sa tabi ko. Malawak naman ang lamesa kaya kasya kami. "Caliber." Umangat ang tingin ko kay kuya laxus. "Gusto mo bang sumali sa baseball team dito? Sinabi kasi ni mama na kasama ka daw dati sa ganon." Alanganing tumawa ako at napakamot pa sa kilay. Nagdadalawang-isip na rin kasi talaga ako kung sasali pa ako sa ganon. Parang kanina lang ay nakapag-pasya na ako na sasali pero ngayon ay hindi na ako sigurado. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil para bang may nagtutulak sa akin papalayo sa mga bagay na nakasanayan ko noon. "Bukas pa sila sa mga new players." "S-sasali ako." Sabi ko. Tumango sya at nag-patuloy na sa pagkain. "Sino-sino sainyo ang mga may sasalihang sports? Sabihin nyo na lang sa akin para masabi ko sa mga coaches." Sabi ni kuya laxus matapos uminom ng tubig. "Kamay mo." Bulong ko. Inis ko pang nginitian si kiro na ngumiti rin. "Are you two dating?" Tanong ni hestia. "Yes." Walang prenong sagot ni kiro. "In your dreams." Sabi ko. Ngumiti lang sya. Napasigaw pa ako sa biglaang pag-pisil nya sa binti ko. Sa taranta ko ay nasipa ko pa sya kaya nahulog sya sa kinauupuan nya. "What the! Tanga!!" Sigaw ko. "Tumayo ka nga dyan!" "M-masakit yung likod ko." Daing nya. Nakokonsensya naman na tinulungan ko syang tumayo at alalayan maupo. Halos manliit ako dahil sa sama ng tingin ng mga kapwa ko estudyante na nakasaksi kung paano ko sya sipain. "Tss." "Ahh~" "Anong ahhh?!" "Subuan mo ako." "Likod mo ang masakit hindi kamay!" Ngumiti sya ng palihim at umaktong nananakit ang kanyang likod. Nagbulungan naman ang mga tao sa paligid. Kahit sila anakin ay naiiling na lang at hindi kami pinapakelaman. Nag-pilit ako ng ngiti kay kiro. Hinawakan ko pa sya sa panga at padarag na sinubuan sya. "Kain ka pa. Ha ha." Pikon na sabi ko. Pinagpapawisan na ako at kinakabahan pero hindi ko na masyado pang-ininda yon dahil sa kakulitan ni kiro. Pinanood kong bumuka ang labi nya at nguyain ang isinubo kong kanin. "Are you... Going to kiss?" Nahihiyang tinulak ko ang mukha ni kiro papalayo. Nang igala ko ang mata ko ay may napansin pa akong mga estudyante na may hawak na cellphone at nagvi-video. Nasapo ko na lang ang aking mukha dahil sa kahihiyan. "Cute~" "Sayang." "Aww~" Nanghihinayang na bulungan sa paligid. Nasamid pa ako dahil doon. Bakit ba kasi nakatingin ako doon kanina! Nagmumukha tuloy akong tanga. "Water." Abot sa akin ni anakin. "Thanks." Matapos ng lunch break ay nauna nang bumalik si kuya laxus at hestia sa building nila. Kami naman ay nag-tagal pa ng kaunti sa ground bago maisipan na pumanhik sa room. Wala kaming teacher ng oras na yon kaya naging magulo ang klase namin. Si nayah ay marami nang nakilala at nakasundo, si anakin ay natutulog at si lex ay naglalaro ng online games kasama ang iba sa mga kaklase namin. "Hey." Tawag sa akin ni kiro. Inusog nya ang upuan sa tabi ko at yumuko sa mismong desk ko. Nag-uumpisa nang bumalik sa kulay itim ang kanyang buhok. Hinawi ko pa ang buhok nya para makita ang parte na nagiging itim na. Pinigilan nya ang kamay ko na kinabigla ko. "Bitawan mo ko." "Nah..." Humarap sya sa akin na may ngiti sa labi at nang-aasar na tingin. Pero imbis na mapikon ay natawa lang ako. Napaharap tuloy sa amin si nayah at ang iba naming kaklase. Binitawan ni kiro ang kamay ko at yumakap sa akin. Natigilan ako sa ginawa nya. Para bang lahat sila ay nagtataka sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Kahit si lex ay napalingon pa sa amin pero agad ding umiwas. Sandali ring nanahimik ang buong classroom. Bakit? May dumaan ba na anghel? Bukod kasi sa huni ng ibon at ibang room na may klase ay wala na kaming naririnig na ingay. "E-ehem. Class ayusin nyo na upuan nyo darating na si ma'am." Anunsyo ni Ms. President. Ginulo pa ni kiro ang buhok ko. Hanggang matapos ang klase at mag-uwian ay nanahimik siya--silang apat pala. "Una na ako, cali." Kaway ni nayah sa amin. Tumango matapos ngumiti ang sinagot ko. "Can we talk?" Pisil ni kiro sa kamay kong hawak nya. Nararamdaman ko na nga ang pamamawis non kaso ay wala pa rin syang balak ba bitawan ako. "He can't. Pinapauwi na kami." Singit ni anakin. Hindi sya pinansin ni kiro na nasa akin ang paningin. "Mauna na kayo. Mag-taxi na lang ako." Sabi ko sa dalawa. Tumaas ang kilay ni lex at napasuklay na lang sa buhok si anakin. "No, cali, Mag-usap na kayo, maghihintay kami dito." Giit ni anakin. "Hm." Hinila ako ni kiro papalayo sa dalawa. "Anong sasabihin mo?" Tanong ko nang makapunta kami sa likod ng building ng junior high. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan na ako sa pananahimik nya. Alam naman natin na hindi sya ang tipo ng tao na tatahimik bigla o aasta na parang may problema. ~•~•~•~•~•~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD