10
~•~•~•~•~•~
Kinabukasan ay tanghali na ako nagising. Hindi ko na rin namalayan na umalis na pala sila gio at ali.
Naupo ako sa sofa sa harap ni anakin. May hawak itong academic book at seryosong nagbabasa.
"Umalis si nayah.." Hindi ako sumagot.
"Caliber... Kumain ka na muna." Dinig kong tawag sa akin ni tita.
Tumayo ako at walang gana na pumunta kung na saan sya. Nakasuot pa ito na kulay pula na apron at may hawak na sandok at bote ng soy sauce sa magkabilaang kamay.
"Nag-luto ako..."
"Salamat po." Ngumiti sya.
Masiglang masigla pa ito nang bumalik sa pagluluto. Lumipat ang paningin ko kay manang na galing sa backdoor. May bitbit itong basket ng mga gulay at prutas.
"Wow! Manang andami naman nyan." Galak na galak na saad ni tita.
"Kaya nga ho ma'am. Marami-rami din po kasing naharvest ngayon sa farm kaya nagdala ho ako dito."
Maingat akong tumayo at kinuha ang pagkain na inihanda ni tita. Habang sumusubo ay pinapanood ko sila na hugasan ang mga gulay at prutas sa lababo.
Nagulat pa ako sa pag-sulpot ni anakin sa gilid ko papunta kila manang para tumulong.
"Ma'am, pwede nyo po ba akong ipasok sa farm nyo? Kahit bilang bayad ko na lang po dito para sa pag-tira." Ngumuso ako at muling sumubo ng pagkain.
Anong trip nito?
"Nakuu! Ano ka ba! Hindi naman ako naniningil sa pagpapatira ko sayo dito. Basta ba ay bantayan mo lang yan si cali at laging nasasabak sa gulo." Tumaas ang isang kilay ko.
Pati pa naman iyon ay nakaabot pa sa kanya? Hindi naman ako basagulero kung ayon ang iniisip nya.
"Opo, ma'am."
"Sheesh! Tita na lang."
Mukha namang nailang si anakin kaya tumango na lang.
"Pwede naman po akong tumulong kapag walang pasok..." Giit ni anakin.
Hindi ko na sila pinansin at nag-patuloy na lang sa pagkain. Sa huli naman ay pumayag pa rin si tita kahit halatang napipilitan lang sya dahil sa kakulitan ni anakin.
"Anong oras umalis sila gio?" Tanong ko nang makabalik kami sa sala.
"4 am, hindi ka na ginising kasi kakatulog mo lang daw no'n" aniya. "Baka ngayon ay nakauwi na sila... Tawagan ko."
Tinanguan ko lang sya. Kumuha din ako ng yosi na nakapatong sa mesa sa harap namin.
"Tara sa labas." Saad nya habang nagd-dial kay ali.
Sinundan ko sya hanggang labas papunta sa likod bahay. Nakadalawang ring pa ang cellphone ni ali bago nya sagutin mukhang nagising pa dahil namumungay pa ang parehong mata.
Itinutok nya kay gio ang camera. Ngumuso ito at kinusot pa ang parehong mata.
"Magkasama kayo??" Tanong ni anakin, natatawa.
"Yeah~" humihikab na sagot ni ali.
Naiiling na lang ako sa kanila bago kapkapan si anakin para sa lighter. Hindi nya ako pinansin at patuloy lang sa pangaasar kila ali.
"Kayo na ulit?" Umismid si ali.
"Asa sya." Natawa naman si anakin.
"Akala ko ba okay na tayo??" Sabi naman ni gio.
"Who says?! Pinatulog lang kita dito."
"What the-- eh paano yung nang---"
"Shut it!! Bastard."
Naupo ako sa damuhan at sinindihan ang sigarilyong hawak ko. Nalingon pa sa akin si anakin nagtataka siguro kung kailan pa ako natuto humithit ng yosi.
"Ibaba ko na ang ingay nyo. Hingi nyo na lang kami ng pasensya kay coach."
Hindi ko na narinig ang sagot nila dahil binaba na ni anakin ang cellphone at tumabi sa akin.
Pinagmasdan ko pa ang paligid kung na saan kami. Para lang likod ng school namin dati dahil tago at mapuno ang pwesto namin.
Bumuga ako ng usok at pinanood na mawala iyon sa harap ko. Tumaas pa ang kilay ko dahil sa isang squirrel na bumaba sa puno.
"Kailan ka pa natuto manigarilyo?"
Nagtatakbo ang maliit na hayop pabalik sa puno na pinanggalingan nya, natakot siguro dahil sa biglaang pagsasalita ni anakin.
"Matagal na."
Nabigla pa ako nang hablutin nya ang sigarilyo sa kamay ko at patayin ang apoy non. Umayos ako ng upo at sumandal sakanya.
Wala pa man akong nagagawa ay napapagod na ako. Gusto ko sana sumama kay papa pabalik para sa burol ni mama kaso ay hindi nya ako pinayagan.
Si calla naman ay nagising na pero tulala naman at walang imik. Kinausap ko sya kanina pero walang nangyari, ngayon naman ay si tita ang kumakausap sa kanya sana naman ay sumagot sya, nag-aalala na ako.
Next week kami papasok sa bagong school kasabay ang tatlo kong pinsan. Hindi ko pa sila nakikita pero sana kasing bait sila ni tita.
"Hey, you've been spacing out." Peke akong tumawa.
Ang blue diamond naman ay itinabi ko sa ligtas na lugar at hangga't maaari ay sana hindi ko magalaw iyon. Kung pwede ko nga lang ibenta iyon ay gagawin ko e kaso hindi pwede.
Sigh. "Sino ba ang humahabol sainyo? At bakit??"
"Hindi ko rin alam.." i lied.
"Aksidente ba yung nangyari kay tita?"
"I don't know."
Tumigil sya sa pagtatanong mukhang napansin nya na wala syang makukuhang matinong sagot sa akin.
Padabog akong tumayo na ikinagulat pa nya. Pinagpagan ko pa ang damit ko na nadumihan. Tinaasan ko ng kilay si anakin na nakahawak sa pulsuhan ko.
Nakayuko ito at malalim ang pag-hinga. Magsasalita na sana ako kaso ay hindi ko na natuloy dahil sa paghila nya sa akin.
Mabuti na lang at napahawak ako sa pader kaya hindi ako sumubsob sa kanya. Kumunot ang noo ko. Umangat ang tingin nya sa akin at hinawakan ako sa suot kong tshirt.
"What the--- nababaliw ka na ba?" Iritableng tanong ko. Ngumisi lang sya sa akin.
Aalis na sana ako sa pwesto ko. Tsaka ko lang napansin na ang awkward pala ng pwesto namin.
"Bitawan mo yung damit ko!" Inis na sabi ko habang pilit na tinatanggal ang kamay nyang humihila sa damit ko papalapit sa kanya.
"Bullsh---hmp!"
Mabilis ko syang naitulak nang maglapit ang labi namin. Napasalampak pa ako sa damuhan at napatakip sa labi ko.
Salubong na salubong ang kilay ko dahil sa inis sa kanya. Akma pa syang lalapit sa akin pero agad kong iniharang ang paa ko at inaambahan sya na sisipain.
"Baliw ka ba?!" Galit na sigaw ko.
Umayos sya ng tayo at pinagpagan ang sariling damit. Umatras pa ako ng kaunti palayo sa kanya.
"Tsk." Inis syang tumalikod sa akin.
Wow! Akala ko si kiro lang ang kakilala kong manyak pati pala ang isang 'to?! Ayos ha! Magkaibigan na kami simula bata tapos--wow!!
Humawak ako sa puno sa likod ko para makatayo. Tinitigan ko pa ang dinaanan ni anakin bago lumihis at inis na pumasok sa loob ng bahay.
Naabutan ko si nayah na nagbabasa ng libro mukhang kadarating lang. Lumingon sya sa akin at pilit na ngumiti.
"Where were you?"
"Sa labas."
Tumango sya. Pinagpagan nya pa ang upuan sa tabi niya at sabihin na maupo ako.
"Si anakin nasa kwarto nya..."
"Ah, okay."
Wala kaming imik hanggang dumating si manang na may dalang pagkain at inumin.
"Salamat po."
Hapunan na nang lumabas si anakin sa kwarto nya kasunod nya lang si tita na may kausap sa cellphone. Sa tingin ko nga ay may problema pa dahil kunot na kunot ang noo nya at bahagya pang napapahilot sa sintido.
"Go on. Kain kayo marami." Sabi lang nya bago bumalik sa pagka-usap sa taong nasa kabilang linya.
Hindi na ako sumagot at nagpatuloy na lang rin sa pagkain. Si nayah at anakin naman ay nagkukwentuhan tungkol sa mga bagay bagay na hindi ko naman maintindihan.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-nguya nang may tumatawag sa akin na unregistered number. Hinanap pa ng mata ko si tita pero wala na sya sa kaninang pwesto nya.
"Excuse me." Sabi ko sa dalawa bago punasan ang bibig ko at tumayo.
Dama ko sa likod ko ang pagsunod nang kanilang tingin sa akin. Hindi na rin ako sobrang lumayo pa.
"Oh? Sino 'to?" Inis na tanong ko.
"Wow! Don't you miss me?"
"F*ck you. What do you want a*shole?" Ngumiwi ako sa biglaang pag-tawa nya.
"Sorry. Hindi kita mapupuntahan d'yan para ikiss." Nang-aasar pa na sabi nya.
"Ha! Perverted j*rk!"
Unti-unti syang tumigil sa pag-tawa. Nanahimik kami pareho at tanging paghinga lang ang naririnig sa magkabilaang linya.
"Sorry... Hindi kita mapupuntahan." Natigilan ako. Napabuga na lang ako ng hangin.
What the hell?!
"It's okay..."
Silence..
"Uh.. Bakit hindi mo number ang gamit mo?"
"I lost my phone."
"Ano ka matanda?"
"Well... I'm not. Tss."
"Yeah yeah."
Pareho pa kaming natawa bago ulit manahimik. Awkward.
"See you soon. Ibaba ko na."
"Yeah...."
Tsaka ko lang naibaba ang cellphone na hawak ko nang patayin na nga nya. Gusto ko sanang tanungin kung na saan sya pero alam ko naman na hindi nya sasagutin yon.
Wala akong gana nang makabalik ako sa hapag kainan. Mabagal din ang naging pag-subo ko ng kanin at ulam na nasa plato ko.
"Sino yon?" Tanong ni nayah.
"Si kiro." Sagot ko.
Nangunot ang noo nya bago bumalik sa pagkain. Nagawi pa ang paningin ko kay anakin na salubong naman ang kilay. Hindi ko na sila inintindi pa at kumain na lang rin.
Nauna akong matapos kaya lumabas muna ako ng mansion ni tita. May nakasalubong pa akong gwardya na nagsisigarilyo sa tabi.
Pamilyar ang pigura nito at ang tindig. Nabigla pa ako sa biglaang paglingon nya sa pwesto ko.
Si kuya rhys.
Inalok nya ako ng sigarilyo pero hindi ko tinanggap. Nakasandal sya sa pader at tumingala sa madilim na kalangitan. Napa-ismid ako habang sinusuri ang kabuuhan nya, para bang puputok na yung suot nyang damit dahil sa laki ng katawan nya.
"Coffee? Gagawa ako sasabay ka?" Kaswal na alok nya.
"Uh, okay. Thanks." Tumango lang sya. Nag-lakad ito papasok sa loob. Pinahawak nya pa sa akin ang sigarilyo nya dahil bawal daw sa loob ang usok non.
"Hey, uuwi na ako..." Tapik ni nayah sa balikat ko.
"Ingat ka. Hindi na kita ihahatid." Ngumiti at tumango lang ito.
May sundo naman pala sya sa labas. Kumaway pa sya sa akin matapos sumakay sa sasakyan nya.
Kahit papaano naman pala ay nasusunod pa nya ang luho nya.
Nang makaalis sya ay sya namang pagbalik ni rhys na may hawak na dalawang tasa ng kape. Ang kanya ay puro at sa akin naman ay hindi.
"You should teach yourself how to defense your self."
Inabot ko sa kanya ang sigarilyo nya na malapit ng maubos. Ngumiwi pa ito bago tapik-tapikin iyon para mahulog ang mga upos.
"Would you please teach me then?"
Humithit sya sa sigarilyo at binuga ang usok non sa hangin.
"Why would i?"
Hindi ako nakasagot. Napaiwas na lang ako ng tingin. Maingat pa akong sumimsim sa tasa ko.
Ang sarap!
"Wow! Galing mo gumawa ng kape ha!" Puri ko. Nagusot naman ang mukha nya.
"Tss."
Napahikab ako. Ilang minuto rin kaming nanatili sa gano'n. Nang maubos ko na ang kape ko ay pumanhik na ako sa kwarto ko at nahiga.
Kinabukasan ay maaga akong nagising kasabayan ko lang bumaba si anakin. Wala kaming pansinan at hindi na rin ako nag-abala pa na kausapin sya.
Sinama rin kami ni manang sa farm na pinupuntahan nya. Sakay sakay kami ng truck mahigit 30 minutes din ang byahe papunta sa lugar na iyon.
Nadaanan pa namin ang tent ng mga lalaking humarang sa amin noon. Lumingon sila sa gawi namin at sandaling natigil sa pagt-training.
Nakita ko rin si kuya rhys na may hawak na maliit na patpat at tila may ginuguhit sa buhangin.
"Manang! Dalhan mo kami prutas dito ha!!" Sigaw ng isa sa kanila. Kumaway naman si manang.
"Yan ba manang yung anak ni sir carlo?" Biglang tanong ng isang lalaki na kasabay namin.
Hindi sumagot si manang at hindi na rin ako nag-abala na sumabat sa kanila. Umangat ang paningin ko kay anakin na seryosong nakatingin sa akin.
Pag-dating namin sa farm ay sinalubong agad kami ng mga kaibigan ni manang lahat sila ay nakangiti at magalang na bumati.
"Napaka-gwapo naman nitong mga binata na ito.."
"Kayo ba ay mga may gerlpren na?"
Naiilang na umiling ako. Nagulat pa ako ng pigilan ni anakin ang isang matandang lalaki na hahawak sana sa mukha ko.
"Sorry, but please don't touch him." Natakot naman ang matanda at tumango-tango. "Nag-sign ako ng contract kay tita ayumi... Bilang Bodyguard." Kumunot ang noo ko.
"What?!"
Umalis na ang mga matanda na nasa harap namin kahit si manang ay nag-punta na sa isang puno ng orange sa hindi kalayuan.
"Hindi ako propesyonal pero tutulungan naman daw nya ako matuto para mabantayan ka." Napakamot nalang ako sa noo ko.
"Hindi ko kailangan ng bodyguard!"
"Kahit si calla ay kinuhaan din ni tita ng dalawang bodyguard..."
Napangiwi na lang ako at hindi na kinuswestyon ang gusto nila. Sa ngayon ay sumasailalim si calla sa psychotherapy kaya hindi ko sya pwedeng abalahin sa ngayon.
"Anakin, hijo." Humarap kami kay manang. "Pwede mo ba kaming tulungan sa pagbubuhat ng mga prutas paakyat sa truck?" Ngumiti si anakin.
"Cali, dito ka lang." Umismid ako.
Ano ako bata?
Hinayaan ko silang umalis. Ako naman ay nag-pasya na mag-ikot-ikot sa mga puno ng iba't ibang prutas. Minsan ay inaabutan pa nila ako ng mga nakabalat na o kaya ay hiwa na na prutas.
"Model ka ba hijo?"
Naupo ako sa tabi ng matandang babae na kumakain ng tanghalian nya. Sumubo naman ako ng mangga na medyo hilaw pa.
Ang asim!
"H-hindi po."
"Artista?"
"Hindi rin po...."
"My shota ka ba?"
"Wala po."
Inusog nya ang bote ng bagoong sa akin. Nangiti naman ako dahil mukhang masarap iyon.
"Salamat."
"Gusto mo pa? Magbabalat pa ako." Mabait na tanong ng isa pang matanda sa harap ko. Dalawa ang kumakain ng tanghalian at ang isa naman ay nagbabalat ng mangga.
"Nakuu! Baka sumakit ang tyan mo ha." Sabi ng isa sa kanila na naghuhugas na ng kamay sa gripo.
"May allergy ka ba hijo?" Tanong naman ng isa na naglalakad papunta sa lalaking naghuhugas.
"Wala po."
Nakahinga sila ng maluwag. Nag-pilit ako ng ngiti at tumuloy sa pagkain ng mangga. May apat na sawsawan silang inihanda sa harap ko ang una ay bagoong, toyo, asukal at asin na may sili.
Pakiramdam ko ay sasakit nga ang tyan ko nito mamaya.
Naupo sila sa harap ko at kumain din. Pare-pareho pang nagusot ang mukha namin dahil sa sobrang asim ng mangga.
"Cali." Agaw pansin na tawag sa akin ni anakin. Bagong damit na rin ang suot nya at mukhang naligo pa.
"Mangga?" Alok ng matanda.
"Ah, hahaha. Hindi po."
Kumuha ako ng mangga sa plato at sinawsaw iyon sa asin bago isubo. Kain lang ako nang kain hanggang mag-sawa ako.
Napansin ko pa ang pasimpleng pag-layo ni anakin ng plato ng mangga sa akin.
"Uuwi na tayo."
"'kay."
Magalang akong nag-paalam sa mga matatanda bago kami tumalikod. Marahas akong napabuga ng hangin. Nauna kaming bumalik ni anakin sa mansion ni tita. Si manang naman ay nag-paiwan pa dahil may pupuntahan pa daw sya.
Wala rin si tita sa bahay ang sabi ay may inaayos daw ito na problema sa trabaho nya kaya baka sa susunod pa na araw pa ang uwi nito.
Umakyat muna ako sa kwarto para maligo at mag-palit ng damit. Pag-baba ko ay ako pa lang ang tao sa kusina. Nakahanda na rin sa mesa ang mga pagkain namin
Siguro mamaya matapos kumain ay sasama na lang ako pabalik sa farm. Ang sabi kasi ni manang ay kailangan nya ng tulong ni anakin, ayaw kong maiwan dito at tumulala.
"Nabigyan na namin ng pagkain si miss calla." Sabi ng isang maid.
"Thanks."
Buong mag-hapon ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang panoorin sila na mag-trabaho. Gustuhin ko man na tumulong ay hindi ako pinapayagan.
Nang linggo ay pumunta kami sa libing ni mama. Walang imik si calla habang pinapanood si mama na ibaba sa paglilibingan nya. Hindi sya umiyak at ganon din ako
Hindi ko alam kung ilang oras ang lumipas at hindi ko pa rin hinihiwalayan ng tingin ang kinalalagyan ni mama.
"Hey....."
Nilingon ko kung saan nanggaling ang boses. Hindi sya pamilyar sa akin. nagkatinginan pa ang mga gwardya na kasama ko bago tumango at umalis.
".....Cousin."
Binalik ko ang tingin sa puntod ni mama.
S'ya ba yung sinasabi ni tito xander? Laxus ba yon? Hindi ko kasi maalala ang pangalan na sinabi nya.
"Lexus levitrei." Tinignan ko ulit sya.
"Caliber..." Pakilala ko bago abutin ang kamay nya na nakalahad.
"Si kuya laxus ay sumabay kila tito carlo pabalik." Hindi ako sumagot.
Isinuksok ko sa bulsa ko ang kamay ko at muling iniiwas ang aking mata. Sa totoo lang ay hindi ako komportable sa presensya nya parang katulad ni kiro ay takaw din ito sa gulo.
Bahagya pa akong nagulat nang tumunog ang cellphone ko.
Speaking of the devil.
"Excuse me..." Tumaas ang parehong kilay ni lexus at ngumiti.
"Go on... Don't mind me." Tumango ako.
"Oh?"
[Where are you?]
"None of your business."
[Rude~]
"F*ck off." I hung up.
Nilingon ko ulit si lexus na nagpipigil pa ng tawa. Bakit ba nandito pa 'to? Nauna na kasing bumalik sila papa sa bahay ni tita, ako naman ay dadaan pa muna sa school para kunin ang mga gamit ko sa locker at mga naiwan ko sa ilalim ng desk.
"Sinabihan ako ni kuya na bantayan ka." Sabi nya bago pa ako makapagtanong.
"Hindi ako bata." Iritadong saad ko. Ngumuso sya at nagkibit-balikat.
"Yeah..."
May binubulong pa sya pero hindi ko na pinansin. Pag-dating namin sa sasakyan ay naroon na lahat ng bodyguard na iniwan ni papa sa bilang ko ay nasa lima ito at lahat ay naka-formal attire.
"Saan tayo?" Tanong ni lexus habang nasa byahe.
"School..."
Umayos ako ng upo at tinitigan sya. Hindi sya kamukha ni tita o ni tito, ampon ba 'to?
May highlights ang buhok, may piercing at mukhang kasama pa sa gang ang isang 'to. Kung pagtatabihin sila ni kiro ay pareho silang magmumukhang iba't ibang flavor ng icing.
"W-why?"
Napakurap-kurap ako. "Ah."
*Brzzz* *Brzzz*
Pareho kaming napalingon ulit sa hawak kong cellphone na nagv-vibrate. Nag-flash na naman ang mukha doon ni kiro. Ilang beses pa syang tumawag pero kahit isa ay wala akong sinagot.
"Ako na ang sasama sa kanya." Sabi ni lexus habang pinapaalis ang mga bodyguard na nakasunod sa likod namin.
"Baby!"
Natigilan ako. Hindi ko pa nalilingon kung sino iyon ay kilala ko na. Sa gulat ay hinila ko sa damit si lexus at tumakbo nang mabilis. Nagulat pa sya pero hindi na umangal pa.
"Haa!... Sino yon?..." Hinihingal na tanong nya. Sumenyas ako na manahimik sya bago sumilip sa pinagtataguan namin.
Wala masyadong tao sa school kaya maraming pagta-taguan. Napasinghap ako nang makita syang prenteng naglalakad papunta sa dereksyon namin.
"Sino yan?" Tanong ulit ni lexus.
"Baliw yan."
Akala ko ba hindi matagal sya mawawala?! Wala pang isang bwan ha! Bakit nandito ka na naman at ginugulo ako!.
"He's calling out your name..."
Napasalampak ako sa sahig na puno ng alikabok. Si lexus naman ay napatakip sa kanyang ilong.
"May allergies ako!" Mariing bulong nya.
Doon lang ako napaharap sa kanya. Namumula at mukhang nangangati na nga sya. Sa taranta ko ay agad akong napatayo at hinila sya palabas.
Kabado pa akong napaharap sa likod ko nang may masanggi ako. Masama ang tingin nya sa amin.
"Y-yung gamot ko nasa sasakyan."
Hindi na ako nag-dalawang isip na takbuhin ang daan papunta sa parking lot. Nakasalubong ko pa ang dalawang bodyguards.
"Yung gamot ni lexus! Bilis!" Natataranta na sigaw ko. Kumilos naman sila agad para kuhain iyon.
Hindi naman siguro sya mamamatay hindi ba? Pero kung sakali na mamatay sya ay saan ko itatago ang katawan nya?!
Pagka-abot pa lang sa akin ng gamot at mineral water ay tumakbo na ulit ako pabalik. Natigilan pa ako dahil hawak na ni kiro sa kwelyo si lexus na pulang pula na ang mukha.
"Bullsh*t!! Anong ginagawa mo?! Pinsan ko yan." Tulak ko sa kanya.
Umiwas sya ng tingin. Dali dali ko namang itinayo si lexus para makainom na ng gamot.
Pareho silang tahimik habang papunta kami sa locker. Sinabihan ko na sya na mag-hintay na lang sa infirmary para mabantayan sya ng nurse pero hindi sya pumayag.
Sinilip ko si kiro na walang imik. Hindi ko rin naman sya matanong kung anong problema dahil hindi nya ako pinapansin para namang anlaki ng kasalanan ko sa isang 'to.
"Sino yan?" Bulong sa akin ni lexus. Hindi na sya gaanong namumula mukhang humuhupa na yung allergies nya.
"Classmate." Tumango-tango sya.
Hindi naman marami ang gamit ko. Ang kadalasang iniiwan ko nga lang dito ay yung mga libro ko na para sa ibang subjects at yung baseball gloves at bat.
Natulala ako sa pangalan ko na nakalagay sa pinto ng locker ko. Sumenyas ako kay lexus para makauwi na kami. Bukas ang umpisa ng pasok ko sa bagong school kaya dapat maaga akong makauwi ngayon.
"Aalis na kami." Sabi ko kay kiro na nakatayo lang sa isang sulok. Hindi sya umimik kaya sumakay na ako sa sasakyan.
"Nagd-date kayo?" Nagusot ang noo ko.
"No."
"Good."
At the end hindi ko natanong o nakausap si kiro. Siguro mamaya ay tatawag na lang ako kung bakit nasa school sya kanina. Hindi ko alam ang problema nya sa buhay at wala rin naman akong balak mang-himasok pa sa gulo nya pero sana kung wala syang mapag-sabihan ay tawagan nya agad ako.
~•~•~•~•~•~