09
~•~•~•~•~•~
Nang magising ang kapatid nya ay umiyak na naman agad ito. Kinailangan pang turukan ng pampakalma ng nurse para lang maiwasan ang pagwawala.
Dumating ang papa nya kasama si nayah tulala ito at pawang wala sa sarili. Hinabilin muna nya sa mga kaibigan ang kapatid at ama bago lumabas para makausap ang doctor.
May naiwan din na pulis sa loob para kausapin at tanungin ang ama nya.
Nanlulumo sya habang sinasabi ng doctor na nagkaroon ng trauma ang kanyang kapatid at iba pa pero hindi na nya napagtuonan ng pansin.
Nakatulala sya sa kapatid na mahimbing ang pagkakatulog at ama na walang kibo. Paano ang masayang pamilya nya nauwi sa ganito?
"Cali..." Napapitlag pa sya dahil sa boses ni nayah.
Lahat sila ay hindi nakapasok ng araw na yon. Pinapaalis na nga nya ang mga kaibigan pero ayaw pumayag.
"Kumain na muna kayo." Alok ni nayah sa bitbit na mga pagkain. Hindi sya sumagot kaya nauna ng pumasok ang babae sa kwarto kung nasaan ang lahat.
"Mauuna na po kami, Mr. Ferrera" sabi ng isang pulis.
Sobrang tahimik ng paligid nila, nabasag lang ang katahimikan na 'yon dahil sa malambing na boses ng babae. Inilagay nito sa maliit na mesa ang bitbit na pagkain para ihanda.
"Caliber. Mag-usap tayo." Tumango si cali sa ama.
Nakasunod lang sya dito papunta sa hagdan ng hospital paakyat sa rooftop. Walang imik si cali at ganon rin ang ama nya nang makarating sila sa taas.
Pasalampak pang naupo sa sahig ang ama at tumingala sa madilim na kalangitan, nagbabadyang umulan.
"Si mama ba yung..." Nagpilit ng ngiti ang ama.
"Madalas kaming tumambay ng mama mo sa rooftop ng school dati.... Alam mo bang tinuruan nya pa akong mandukot ng wallet noon?" Natatawang kwento ng kanyang ama pero bagama't nakangiti sya ay hindi pa rin maalis ang pait sa kanyang boses. "Nasa ganyang edad kami nang magkakilala dahil napaaway ang mama mo noon..." Nagpilit din ng ngiti si cali bago tumabi sa ama.
"Tinulu--"
"Nope. Kasama ako sa bubugbog sana sa kanya. Biruin mo nga naman ako pa ang nabugbog nya..." Bahagyang natawa si cali.
Knowing mom marunong iyon ng taekwondo at jiujitsu kaya kawawa talaga ang mga nakakalaban ni mama. Naikwento na ni mama ito noon pero iba pa rin pala kapag sa ama mo na narinig.
"Pangalawang beses na pagkikita namin yon... Ang una ay noong nasa classroom ako at dumaan sya... Magandang babae pero mayabang." Bumaba ang tingin ni kiro sa sapatos na suot nya.
Hindi pa rin pala sya nakakapagpalit ng damit.
"Matapos ng insidente nang bugbugan ay lagi ko na syang nakikita... Nagulat pa nga ako noon dahil lagi syang dumidikit sa akin. Crush ako ng mama mo noon e gwapo daw kasi ako." Iling iling nalang si cali sa kayabangan na sinabi ng ama. Umihip naman ang malakas na hangin sabay pa silang napapikit at dinama ang malamig na hangin na dumadampi sa kanilang pisngi.
"Hindi ko alam na lahat ng mga alaala ay mananatili pero sya ay hindi... Ang araw na masaya syang papasok sa school para bwesitin ako.. Hanggang mag-college kami ay hindi na talaga kami mapaghiwalay." Lumayo ang tingin ni cali dahil sa hikbi ng ama.
Ayaw nyang nakikita na ganito kalugmok ang ama nya. Mas masakit at mas mahirap.
"Pareho namin nakuha ang mga propesyon na pinangarap namin at naikasal sa malaking simbahan at biniyayaan ng dalawang anak na magiging tatlo sana k-kung...." Umakbay si cali sa ama at marahan na inalo ito.
"P-pa.. paano mo nalaman na nasa loob si mama?" Seryosong tanong ni caliber sa ama.
"May nagtext sa aking litrato ng mama mo..." Inilabas ng ama nya ang cellphone at ipinakita sa anak ang litrato ng asawa na nakatali at may tama ng baril sa dibdib, wala ng buhay. Hubo't hubad din ito na halatang ginahasa pa ng mga tar*ntado. Blurred ang litrato pero sapat na para maaninag ang tao sa litrato.
Nanginginig ang kamay ni caliber sa galit sa kung sino man ang gumawa sa masayahin nyang ina. Ang kalmado nyang itsura ay unti-unting napalitan ng matapang na expression.
"Sino ang may gawa sa kanya nito?" Mariing tanong ni cali.
Nagtaka pa si cali ng may ilabas na bato ang ama sa suot nitong damit.
Diamond?
"Dahil dito..." Pasimpleng ipinasok ng ama ang bagay na yon sa bulsa nya. "Kapag naging ayos si calla ay dalhin mo sya sa tita mo. Doon muna kayo. Maliwanag ba?" Naguguluhan ang itsura ni cali sa sinasabi ng ama.
"Paano ka?"
"Kailangan kong hanapin kung sino ang gumawa non sa mama mo."
"Sasama ako!"
"No. Kailangan ka ni calla."
"Kailangan ka namin!"
"Kailangan din ng hustisya ng mama mo. Cali, please lang. Sundin mo muna ako. Babalik ako." Hindi sya makatingin sa ama. "Hindi pa rin tapos ang imbestigasyon kaya kailangan pa ako dito."
"Ipaliwanag mo sa akin ang nangyayari papa." Marahas na napabuntong hininga ang ama. Alam nya na hindi matatahimik ang anak hangga't wala itong nakakalap na sagot sa mga bagay-bagay.
"5 years old ka lang noon ng mag palipat lipat tayo ng baha---"
"5? Hindi ba 8 years old ako noon?" Natigilan ang ama.
Hinawakan sya nito sa ulo at mapait na napangiti sa anak.
"7 years old ka nang magkaroon ng trauma dahilan para mabura ang iba sa alaala mo... Sabi ng doctor ay dahil daw sa trauma at stress yon, akala namin after a month ay babalik din ang mga alaala mo kapag gumaling ka na pero hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari, pero sana ay hindi mo na maalala pa ang lahat na kinalimutan mo." Kumunot ang noo ni cali sa sinabi ng ama. Wala talaga syang naaalala sa mga sinasabi nito at imbis na malinawan ay lalo lang syang naguguluhan.
Tumango nalang si cali at hindi na nagtanong. Para bang puro kalokohan ang nangyayari sa buhay nya.
"A year ago bago ka mawalan ng alaala ay may... Ay may naging kliyente ako, sa bilang ko pa noon ay pang lima sya...." Ngumiti pa ang ama nya sa hangin. "Binubugbog sya ng asawa nya... Pero wala syang balak mag-sampa ng kaso kasi hindi din naman daw mananalo."
"Sya ba ang nagbigay nitong diamond?" Tumango ang ama ni cali.
"Ang sabi nya ay marami daw maghahanap sa diamond na yan. Marami naman talaga 100 carat yan e. Yan ang madalas pagtalunan namin ng mama mo." Ngumiti ang ama nya.
Naalala naman ni cali na madalas nga nyang marinig na nagtatalo ang mga magulang dahil sa isang bagay.
"Gusto kong ibalik yan dahil napapahamak na tayo. Pero 'yang mama mo ayaw, ang tigas ng ulo."
Dahil sa diamond na 'to? Dahil dito kaya namatay si mama?
"Hindi ko alam kung paano nila nalaman na nasa amin yan.. Pero kung ibabalik natin yan ngayon ay mapapahamak tayo siguradong hindi nila tayo iiwang buhay. Kaya hangga't maaari ay ingatan mo yan at si calla."
Hinawakan ni cali ang diamond na nasa loob ng kanyang bulsa. Kinakabahan sya para sa kanilang mag-anak.
Sabay pa silang napa-igtad dahil sa gulat nang kumalampag ang pinto at iluwa non si anakin.
"Cali! Tito! May mga lalaki sa baba. Hinahanap kayo." Humahangos na saad ni anakin.
Bakas ang takot sa mukha ng ama. Bago pa makapagtanong kung na saan si calla ay nag-salita na ulit si anakin.
"Pinaalis ko na sila." Lumapit pa ito sa railings ng rooftop at tinuro ang mga kaibigan na papasakay ng sasakyan bitbit si calla. "Nakasalubong sila nila gio kanina, pinaguusapan kayo. Mga armado ang mga lalaking yan kung hindi pa tayo aalis ngayon ay mapapahamak tayo."
Tumango na lang sila cali bago pumunta sa likod na bahagi ng rooftop. May isang hagdan doon pababa na ginagamit lang incase of emergency. Naunang bumaba si anakin na binabantayan naman ang paligid.
"Sabi ko ay mag-hintay sila sa atin sa may highway."
Napatahimik na lang silang tatlo nang may dumaan na limang armadong lalaki. Lahat ito ay naka-civillan at maaangas ang itsura.
Kung lalaban silang tatlo ay hindi sila mananalo. Armado ang mga lalaki at hindi basta-basta.
Nadamay pa tuloy ang mga kaibigan nya dahil sa kanila pero laking pasasalamat nya at malakas ang pakiramdam ni anakin sa mga taong nakapaligid sa kanya. Alam nya kung sino ang pagkakatiwalaan at ang hindi.
"Tara na." Bulong ng ama nya. Nauna itong tumakbo papunta sa isang bahay. Luminga pa sila at sinigurado na walang nag-aabang bago sila pumasok sa loob ng eskinita at tumakbo ng mabilis papalayo.
[Hello? Anakin, na saan na kayo?] Boses ni ali ang nasa kabilang linya.
"On the way na. May mga pulis ba dyan?"
[Oo.]
"'Wag kayong lalayo sa mga pulis. Maliwanag ba?"
[Okay, okay, bilisan nyo na.]
Wala silang tigil sa pag-takbo nang mabilis. Papalabas na sila ng highway nang may makasalubong silang mga pulis na papuntang hospital dahil nagkakagulo.
Sa hindi kalayuan ay nakatayo si gio at kumakaway sa kanila. Hinihingal pa na sumakay ang tatlo sa loob ng sasakyan.
--------
Madilim na pero hindi pa kami nakakarating sa bahay nila tita. Tumawag na rin ang mga kaibigan ko sa mga magulang nila na hindi sila makakauwi.
"Ms. Lim? Wala ka bang tatawagan sa inyo?" Mapait na ngumiti si nayah.
"Wala...." Nasa mababang tinig na sagot nya. Natahimik ang loob ng sasakyan. ".....Mag-isa lang ako sa bahay."
Hindi ko naisip na mag-isa lang pala sya sa bahay. Kahit kasi sa school ay wala syang mga kaibigan. Napansin ko yon kaya madalas kapag nakikita ko sya ay inaaya ko agad na sumabay sya sa amin.
"Ms. Lim, cheer up! Kasama mo naman kami." Ngiting saad ni gio.
"Thanks." Ngumiti sya.
"Sasabay ka ba sa kanila pabalik bukas?" Tanong ko. "Kakaumpisa pa lang ng school year kaya baka magpa-transfer na lang ako dito..." Tumahimik na naman.
Napag-usapan na namin 'to ni papa na kapag na kay tita na kami ay magpapatransfer na lang ako at si calla. Hindi na kami ligtas pa kung saan kami nakatira dati.
"M-mag-transfer din ako." Mabilis na sagot ni nayah. Lahat naman kami nagulat sa sinabi nya.
"Woah. Wait.... Iiwan mo yung team?" Baling na tanong sa akin ni ali. Hindi ako nakasagot agad kasi kung ako ay ayaw kong iwan ang baseball pero wala akong pagpipilian.
"Yeah, i guess."
"I'll also stay here." Nilingon ko si anakin. "Nakita ako ng isang lalaki kanina kaya kung babalik ako ay baka madamay pa ang kapatid at mga magulang ko." Mahinang sabi nya.
"So.. Dalawa lang kami ni ali ang uuwi?" Tanong ni gio, walang sumagot.
Nilingon ko si papa na malalim ang iniisip.
Iniliko nya ang sasakyan papasok sa isang village, nagtanong pa ang guard pero nang makita sya nito ay pinapasok din kami kaagad.
"Ayos lang ba sa mga magulang niyo na mag-transfer? And besides hindi na dapat kayo dumidikit sa amin dahil lalo lang kayo mapapahamak. I suggest na umuwi na lang kayong apat." Seryosong saad ni papa.
"Yeah, I think about it thrice and my answer still the same." Nayah says without hesitation. "Wala namang mawawala sa akin. I wanna stay here where caliber is. I want to stay by his side." Nilingon ko sya. Talaga ngang seryoso syang manatili dito at sa tingin ko ay walang makakapagpabago pa ng isip nya.
Sigh. "Staying with me can cause you harm... But if you truly sure about that... Then I guess I have nothing to do with it." Napalunok pa sya at mukhang kinabahan sa sinabi ko. "You should think again about it." Nagpilit sya ng ngiti at umiling.
"No one can change my mind, cali. Kung masasaktan ako habang kasama ka ay open arms kong tatanggapin yon." Nasapo ko na lang ang batok ko.
"It's between life and death situation, Ms. Lim."
"Yeah. Don't worry, I won't burden your way." Tumango na lang ako.
Napabuga nalang ng hangin si papa. Napalingon pa kami kay anakin na ngumiti sa akin at tumango.
"I want to stay here too."
"Thank you."
Natulala ako sa labas ng bintana ng sasakyan. Nasa dulong bahagi na kami ng village kung saan puro abandonadong bahay na ang naroroon, hindi tulad sa mga nadaanan namin na medyo masigla pa at may mga tao, dito ay puro puno at malawak na field na lang ang nakikita.
Madilim na rin kaya hindi ko maaninag pa ang dinadaanan namin. Nilingon ko si papa sa rearview mirror.
"You can sleep, pa. Ako na ang magd-drive." Ngumiti sya tapos ay umiling.
"Hindi mo naman alam ang daan e." Napabusangot na lang ako.
Hindi pa nga pala ako nakakapunta dito, pero pamilyar sa akin ang lugar at daan. Napasandal na lang ako sa bintana.
"Saan ibuburol si mama?"
Silence....
"Doon sa lugar natin, naroon lahat ng mga kaibigan at kakilala nya." Tumango ako. "Pwede naman kayong pumunta pero siguro kapag huling lamay o libing na lang... I'm so sorry, cali." Malungkot ang boses nya habang sinasabi ang mga salitang yon hindi ko tuloy mapigilan na maawa kay papa.
Gustong umiyak para sa kanya pero hindi pa ito ang tamang oras para maging mahina. Kailangan ako ni calla at papa.
"I hope everything will be okay." Mahinang utas ko. "What about calla? Kailangan nya ng therapy." Nilingon ko si calla na natutulog habang nakasandal kay nayah.
"Yeah. Pag-uusapan namin yan ng tita mo." Tumahimik ako.
Lumingon ako sa harap ng may makita na liwanag. May nakaharang sa daraanan namin na mga armadong lalaki. Itinutok pa nito ang baril sa sasakyan namin kaya hindi ko maiwasan na kabahan.
Hinawakan ko sa kamay si calla nang ibaba ni papa ang salamin ng sasakyan at sumenyas. Sa isang iglap ay bumukas lahat ng ilaw at ibinaba ang mga hawak nilang baril.
"Mr. Ferrera." Tumango si papa.
Sumilip pa ako sa likod namin at doon ko lang napansin na may mga nakasunod din palang sasakyan sa likod namin nila papa.
"Si Ayumi?"
"Nasa loob po hinihintay kayo at ang mga bata." Walang emosyong saad ng lalaki tumingin pa ito sa akin bago ibalik kay papa at bahagyang yumuko.
"S-sino yon, pa?" Tanong ko nang makaalis na kami sa harap ng nakakatakot na lalaki.
"Tauhan ni ayumi, si rhys." Huminga ako ng malalim.
Bakit ang dami namang bantay ni tita? Wala pa man kami sa bahay nya ay marami na agad sumalubong sa amin.
Natulala pa ako sa harapan namin na iniilawan ng mga light post. May ilaw naman pala pero hindi nila sinisindihan kanina? Wow.
"Nakita ko na ba dati si tita?" Umiling si papa.
"Nakaraang taon lang sya umuwi dito sa pilipinas. Simula ng mag-retire sya ay sa ibang bansa na sya tumira kasama ang asawa at tatlo mong pinsan."
Hindi ko pa pala sya nakikita? Hindi na ako nagtataka pa kung bakit sa mga reunion ay lagi syang laman ng tsismis ng mga pinsan nila papa.
Kapag wala ka talaga sa isang event ng pamilya ay hindi kataka-taka na ikaw ang pulutan nila sa mga kwento.
Hindi rin nawawala ang mga toxic na kamag-anak. Sa side ni papa ay sila tito at papa lang ang matitino, mabuti nga at hindi sila binubully ng mga kamag-anak namin dahil napakapikunin din nila tulad ko.
Sa side naman ni mama ay lahat ay maayos kapag may isang hindi umattend ay matataranta na sila at mag-aalala. Mababait ang kamag-anak ni mama na talagang ikinatutuwa ko.
Hindi sila pumapayag na mapag-iwanan ka. Nakakalungkot lang dahil ang ugali daw na namana namin ni calla ay sa side ni papa, yun ang sabi ni mama.
"Nandito na tayo." Sabi ni papa na nag-padilat sa tatlo.
Tinapik pa ni ali ang pisngi ni gio. Iritable ang tingin ni ali sa kanya at pasimpleng tinulak pa nakasandal kasi sa kanya.
Natatawang naiiling na lang ako. Hindi pa rin siguro sila nag-kakaayos.
Nauna silang bumaba bago ako sumunod habang bitbit si calla na wala pa ring malay.
Nakasunod lang kaming lahat sa likod ni papa. May nadaanan pa kaming maliit na fountain sa kaliwang bahagi ng mansion.
"Yaman naman ng tita mo." Bulong ni gio.
Pinagmasdan ko pa ang paligid na may sapat na ilaw para makita ang magagandang desenyo. Pag-pasok sa loob ay naka-abang na sa amin na may katandaan na maid.
Kung ano ang ikinaganda sa labas ay mas lalo na sa loob. Nilingon ko pa si nayah at gio na humawak sa damit ko.
"Baka may mabasag kami." Bulong nila.
"Manang, pasamahan po si cali sa guest room." Saad ng isang boses.
Nag-lalakad ito palapit sa amin habang nakahawak ang kamay sa kanyang baba at may ngisi sa labi. Maganda itong babae sa tingin ko nga ay nasa 30 pa lang ito.
"Cali, sige na." Tinanguan ko si papa.
Sinundan ko yung matandang babae paakyat sa second floor ng mansion nila. Marami pa kaming nadaanan na kwarto bago huminto sa bandang gitna.
Pare-pareho lang ang mga desenyo ng pinto. Nauna syang pumasok at binuksan ang pinto ako naman ay hindi gumalaw kung saan ako nakatayo. Pasimple ko pang iginala ang paningin ko.
Pamilyar talaga sa akin ang lugar na ito pero hindi pa naman ako nakakapunta dito sabi ni papa.
"Sir, ihiga nyo na lang po sya dito." Aniya habang pinapagpagan ang kama.
Naglakad ako palapit at maingat kong ibinaba si calla at hinalikan sa noo. Sana ay gumaling sya agad dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung mananatili syang ganito.
"Tara na po sa baba." Ngumiti ako.
"Kamukha mo ang iyong ina." Bumagsak ang tingin ko sa nilalakaran namin.
"You know her?"
"Mm. Maging matapang ka ha, alagaan mo ang kapatid at papa mo." Tinapik nya ako sa balikat.
Nasa dining hall na silang lahat pero wala si papa at yung magandang babae kanina. Naupo ako sa gitna nila anakin at nayah.
Punong-puno ang malaking mesa ng pagkain pero hindi ko magawang matakam o magutom. Inilabas ko pa ang cellphone ko at parang tangang naghihintay ng mensahe.
Bakit walang paramdam ang isang 'yon?
"Bakit hindi pa kayo kumain?" Tanong ni papa. Nakasunod sa kanya yung magandang babae tumingin ito sa akin at ngumiti.
"Go on."
Buntong hiningang tinago ko ulit ang cellphone na hawak at sinubukan na ituon ang atensyon sa pagkain.
Lahat ay masasarap at perpekto ang pagkakaluto. Muli kong iginala ang paningin habang ngumunguya. Si tita lang ba ang nandito? Sobrang laki ng bahay na ito para sa kanya lang.
"So dalawa ang uuwi bukas?... By the way thank you sa pagbabantay sa kuya at mga pamangkin ko." Nakangiting saad ni tita.
"Wala po 'yon!" Masigla na sabi ni gio.
"May gusto pa ba kayo? Sabihin nyo lang."
"Cake!!" Nahihiyang nilingon ko si gio. Tumawa naman si tita nang batukan ni ali si gio.
Lumipat ang paningin ko sa pagkain na nakahanda. Wala talaga akong gana at mas gugustuhin ko na lang matulog.
Paulit-ulit pa rin sa utak ko ang itsura ni mama habang ipinapasok sya sa ambulansya. Paano ko haharapin si calla kapag nagising na sya? Paano ko sasagutin ang mga ibabato nyang tanong? Alam kong nakita nya rin ang nangyari at nagaalala ako para sa kanya..
"Tulala ka?" Biglang tanong ni nayah sa akin.
Nag-pilit akong tumawa lahat ng paningin nila ay naka-pokus sa akin at nanunuri. Kahit si papa ay nag-aalala rin ang itsura at mapait na napangiti.
"Ehem, pupunta dito sila Clyde at chester." Nanatili akong nakayuko habang nagsasalita si tita. "Sa susunod na linggo naman babalik ang asawa at mga anak ko."
Maingat kong hiniwa ang karne na nasa plato ko at isinubo. Umangat pa ang kilay ko dahil kay nayah na naglalagay ng mga pagkain sa plato ko.
"You should eat more." Aniya.
Hindi na ako umangal kahit wala naman talaga akong gana. Hindi ko naman pwede na ibalik iyon at baka maoffend sya.
"The both of you should stay here na lang. Maraming kwarto dito."
"A-ah, thank you po. Pero nasa iisang village lang naman po yung bahay ni papa." Nag-aalangan na saad ni nayah. "Pero thank you po sa alok nyo.."
"Can i stay here? Sorry po sa istorbo." Magalang na tanong ni anakin. Natawa naman si tita.
Nang maubos ko ang pagkain sa plato ko ay maingat na inihawi naman ni nayah yon at pinalitan ng panibagong plato na may laman na desserts.
"I can handle my self." Mahinang utas ko.
"I know but still i want to do this." Hindi na ako sumagot.
Matapos kumain ay naunang pinaakyat ni tita sila anakin sa magiging kwarto nila. Ako at si papa naman ay sumunod kay tita papasok sa isang kwarto, mini bar daw ni tito.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga alak na simula sa mahina hanggang matapang na alcohol. Iba't ibang brand ang mga iyon at lahat ay mamahalin. Natulala pa ako sa isang shelf na kulang kulang ang mga naka-display.
"Halika dito, cali." Walang imik na lumapit at naupo naman ako sa tabi ni papa.
Nakaharap sa amin ang laptop ni tita ka-video call niya si tito. Sandali pa kaming nagkatitigan. Hindi sya nakangiti at hindi rin naman nakasimangot, formal na formal ito na parang ka-business lang ang kaharap nya.
Dati ko ng nakita si tito noong dinalaw niya kami nila papa. Hindi kasama si tita dahil nasa isang misyon daw sya ng araw na iyon.
"Xander."
Banggit ni papa sa pangalan ni tito. Umiwas ako ng tingin. Ngumiti si tita sa akin may hawak itong baso ng alak nang makita nyang nakatingin ako doon ay agad nya akong sinalinan.
"Thank you." She patted my head.
"May hinala ba kayo kung sino ang may gawa?"
"Yeah, isang tao lang."
Nakuha nila papa ang atensyon ko. Parehong seryoso ang mga mukha.
"Let's talk about it when i get there. Caliber.."
"Tito?"
"Uuwi din dyan ang tatlong pinsan mo, ipinaayos ko na ang pag-transfer mo at ni calla." Kaswal na sabi ni tito.
"Hey bastard. Isabay mo na rin ang pag-transfer ng dalawang kaibigan ni caliber." Ngumuso si tito. Pasimple pa syang naubo nang makitang nakakunot ang noo ko sakanya.
"Send me the names." Kumalumbaba si tita.
"Yeah."
May inabot sa aking notebook si tita at pinasulat doon ang pangalan ni anakin at nayah.
Muli pang nag-usap sila papa at tito habang ako naman ay umiinom ng alak na sinasalin ni tita sa baso ko. Sinasaway na sya ni papa pero hindi pa rin sya nakikinig.
"Let him drink." Dinig kong sabi ni tito. "Caliber." Nilingon ko si tito.
"Yes, tito?"
"Gusto mo bang matuto humawak ng baril?" Napakurap-kurap ako at hindi makapaniwalang tinanguan sya.
"Sasabihan ko si laxus na turuan ka." Alinlangan naman na um-oo ako.
"Thank you, tito." Hinarap ko si tita. "Thank you po." Ngumiti naman sya at ginulo ang buhok ko.
Saktong 3:19 am na ako nakapunta sa kwarto na pinahiram sa akin ni tita. Ako lang mag-isa ang naroroon kaya hindi na ako nag-abalang mag-ayos. Ipinatong ko pa ang braso sa noo ko at tumulala sa kisame.
Kung sino man ang gumawa kay mama no'n ay hinding hindi ko sya mapapatawad.
Marahas akong napabuga ng hangin at tumagilid ng higa bago ipikit ang aking mga mata.
~°~°~°~°~°~