TBT 08

4414 Words
08 ~•~•~•~•~•~ Nasa baba na silang lahat nang bumaba kami ni kiro. Tinulak pa niya si anakin na tatabi sana sa akin. Iritable ko silang tinignan na dalawa. Hindi ako pinansin ni kiro na ngumiti pa kila mama at bumati ng magandang umaga. Lakas. "Nakatulog ba kayo ng maayos?" Tanong ni papa. "Opo. Pasensya na po sa istorbo." Magalang na sagot ni kiro. "Nakuu! Ayos lang." Pinanliitan ko ng mata si mama. "Sige na. Kain na." Tahimik kami habang kumakain at walang sumubok na tapusin ang katahimikan na yon. Pasimple ko pang tinignan ang cellphone ni mama nang tumunog yon. Sumeryoso ang mukha nya at tinanguan si papa. Nagtaka ako pero hindi na ako nag-tanong pa. Nakakapagtaka ang mga kinikilos nila para bang may masamang nangyari at nagmamadali silang umalis na dalawa. Pinaalalahanan lang ako ni mama na bantayan ko si calla at sunduin pauwi. Pag-sara ng pinto ay nagkatinginan pa kami ni calla, kahit sya ay naguguluhan din. "Hindi ako makakasabay pumasok.." nilingon ko naman si kiro na nakatitig sa pagkain nya na wala pang masyadong bawas. "Why? Uuwi ka na naman sainyo?" Ngumiti lang sya. "Mauuna na ako." Nangunot ang noo ko. Pagtayo nya ay sumunod agad ako sa likod nya. Isinuksok ko pa sa bulsa ko ang pareho kong kamay at tahimik na inihatid sya sa labas ng pinto. Umiwas ako ng tingin nang lumingon sya sa akin. Hinawakan nya lang ako sa ulo at kumaway bago umalis. ---- Hindi makapaniwala si police officer ferrera sa nakikita nya. Puno ng mga walang buhay na tao ang pinaghihinalaan nila na kuta ng mga taong nagpapasahan ng droga. Mukhang nagkainitan pa dahil may mga basyo pa ng baril ang nakakalat sa sahig at may iilang poste ang may tama ng bala at mayroon din na mga sachet na pinaghihinalaan na droga ang nasa bulsa ng mga lalaki. "Kung ibalik mo na lang kaya?" Nilingon nya ang asawa. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. "Hindi pwede. Ipinagkatiwala 'to sa atin." Giit niya. "Hindi mo ba iniisip yung mga bata?? Uunahin mo pa ba yang dignidad mo kesa sa mga anak mo? Buntis ka pa." Natigilan ang ginang. Tama ang sinabi ng asawa nya na dapat muna nyang isipin ang mga anak bago ang sarili niya. Pero kung ibabalik nya ito ay lalo lang din sila mapapahamak. "Natatakot ako.... Paano kaya kung ipadala natin sila kila yumi?" Bumuntong hininga ang kanyang asawa. Hindi na rin nya alam ang gagawin. Kung ipapadala nga ang dalawang bata sa kapatid niya na dating sundalo ay siguradong ligtas ang dalawa. Pero papayag kaya ang mga anak nila na umalis na wala sila? Lalo lang lumalala ang lahat. Hindi nya alam kung anong gagawin, hindi na rin nya makontak pa ang dating kliyente na nag-abot sa kanya ng isang 100 carat blue diamond. Ang huling sinabi lang nito bago mawala ay itago nya yon at hintayin ang may-ari na magpakilalang anak nito. Sa loob ng 15 years ay ngayon lang may naghanap sa bagay na yon pero hindi nila magawang ilabas dahil wala namang lumalapit sa kanila. "Officer ferrera... Dumating na po si Mr. Lopez." Nagkatinginan pa ang mag-asawa. Si Mr.Lopez kasi ang nagmamay-ari ng lugar na iyon. May lahi itong espanol sa tantya ng mag asawa ay mas bata lang ito ng ilang taon sa kanila at hindi naman sila nagkamali doon. Binura ng mag-asawa ang emosyon sa kanilang mga mukha nang makita ang isang matangkad na lalaki, matalim at kulay asul nitong mga mata ang sumalubong sa kanila. "Mr. Lopez... Alam nyo ba ang gulong nangyari dito? May natagpuan din kaming mga droga at basyo ng baril sa paligid." Saad ng detective na kasama nila. Umangat ang gilid ng labi ng lalaki. Hindi nya alam na tatanungin pa sya gayong halata naman ang sagot. "Why am I here if I know??" Nanunuyang tanong nya pabalik. "Look Mr. Detective. Nagpunta ako dito at pinapunta ko kayo dito para malaman kung paano nakapasok yan sa lugar ko without myself knowing." Iritableng dagdag nya. Pasimple namang iginala ng mag-asawa ang paningin sa paligid. May iilang cctv silang namataan pero halatang hindi na gumagana o kung meron man na ayos pa ay hindi na sakop ang lugar ng pinangyarihan ng gulo. "I have so many things to do. You know how busy I am. Don't ask anything so stupid to lose my temper." Banta nya. Natigilan ang detective at niluwagan pa ang suot na kurbata. Halatang natakot. "Bakit yung cctv nyo dito ay sira at luma? Tapos yung sa labas ay mukhang bago pa at parang kapapalit lang?" Tumalim ang tingin ni Mr. Lopez kay Mr. Ferrera. Natatawa na lang sa isip si Mr. Ferrera dahil sa inaasta ng lalaki sa harap nya. Kung makatingin kasi ito ay parang may nasabi syang mali. "Why?" Hinawakan sya sa balikat ng asawa at iniusog sa likuran nito. Kung sasagot pa ang asawa nya ay paniguradong malaking gulo gayong lima pa lang silang nasa lugar na yon at ang natitira ay tauhan na ni lopez. Kung may gagawin o sasabihin silang mali ay sa huli paniguradong hindi sila aabot ng buhay sa kanilang mga pamilya. Iniisip pa lang nya na ganon ang mangyayari ay kinakabahan na sya. Kahit na isa silang pulis, detective, lawyer, o kung ano pa ang propesyon nila ay wala silang palag kapag pera na ang nakalahad. "Pasensya na Mr. Lopez...." "Bakit may kasama kayong lawyer dito?" Nagsalubong ang makapal nitong kilay sa mag-asawa. "Mr. Ferrera, pwede na po kayong umalis." Saad ng detective. "Okay. Aalis na ko. Text mo ko kung anong oras kita susunduin." Mahinang utas pa nito sa asawa na tinanguan lang sya. Bago umalis ay iginala pa nya ang paningin sa kabuoan ng lugar. Nakakapagtaka talaga na ang mga bala ng baril ay galing din sa mga baril na nasa tagiliran ng mga tauhan nya. Sabi kasi ng iba sa kanila na may sumugod daw na hindi kilalang mga tao at pinagbabaril sila kaya lumaban ang iba at nasawi. Bakit parang napaka-t*nga naman ni Mr. Lopez? Alam nya na may darating na pulis pero hindi nya hinayaan na palitan ang mga ebidensya. Sa totoo lang ay madali lang sa kanya yon pero hindi nya ginawa. Ano ba ang gusto nyang mangyari? Kung pinagtanggol lang nila ang sarili nila bakit wala akong mahanap na ginamit na baril? Puro bala lang ang nasa sahig at walang baril. Buntong hiningang sumakay sya sasakyan nya. Sandali pa niyang nilingon ang pwesto ng asawa na nakikipag-usap kay Mr. Lopez. Hindi pa man naayos ang gulo sa blue diamond ay may panibago na naman. -------- Habol hininga si kiro habang nagtatago sa pamilyar na babaeng nakatayo ngayon sa harap ng kanyang ama. Gustuhin man nya na makausap ito ngayon at sabihin na sa iba na lang ipahawak ang kaso ay hindi nya magawa. Hindi tamang nandito ang magulang ni cali. Hindi ligtas sa lugar na'to hindi sila ligtas hangga't nasa paligid ang ama nya. "Kiro." Napapitlag sya ng makita ang ama na nakatayo na sa harap nya. Dumako pa ang paningin nya sa ina ni caliber na nakakunot ang noo. Kung mag papahalata ako na kilala ko sya ay lalo lang sila mapapahamak. "Pa.." walang emosyong aniya. "Hindi ba't sinabi ko na sa bahay ka dumeretso." Umiwas sya ng tingin. "Mr. Lopez." Sabay pa nilang nilingon ang police officer na may maliit na ngiti sa labi. Pinakatitigan sya ni kiro na para bang sinasabi ng tingin na yon na 'wag syang umasta na magkakilala sila. Nakuha naman ng babae ang senyas na yon. "Anak mo?" Hinawakan ng babae si kiro sa ulo at bahagyang ginulo ang buhok nito. "No." "Really? He really looks like you." Umiwas ng tingin ang ama ni kiro. Kahit anong sabihin ng ibang tao na magkamukha sila ay hindi maalis sa utak nya na baka hindi sa kanya ang binatang nakatayo sa harap nya. Hindi nya mapigilan na maghinala gayong kamukha din nya ang kapatid na nagtaksil sa kanya. "Pati ba personal na buhay ko ay uungkatin nyo?" Natigilan ang officer sa malamig na boses ni Mr. Lopez. "Sorry." "Just do your f*cking works and get the hell outta here." Hindi na nakapalag pa si kiro ng hablutin sya ng ama sa braso at marahas na pinasok sa isang kwarto na puno ng mga papeles. Hindi rin sya pinagbigyan pa na mag-salita dahil lumapat na sa pisngi nya ang mabigat na palad ng ama. "Why don't you call your mom to pick you up here?!" "Yeah. If I know where she is...I wouldn't stay here and got beaten by you!" Mariin ang pagbanggit nya sa bawat salita. Matinding inis at galit ang namumuo sa loob nya at habang tumatagal na magkasama sila ay mas lalong lumalalim yon. "B*astard!!" Naulit pa ng ilang beses ang pagsampal na nauwi sa pag-suntok ang ginawa ng kanya ng ama. Hindi nya mawari kung bakit ba ang init init ng ulo sa kanya ng ama. Bakit hindi sya matanggap nito? Gayong pina-DNA sya at lumabas na ama nga nya talaga ang lalaking na nanakit sa kanya ngayon. Hindi nya alam kung bakit kailangan nyang mag-hirap at mag-tiis sa kamay ng sariling ama. Napasalampak sya sa sahig. Hindi na bago sa kanya ang ganitong senaryo na nararanasan ni hindi na nga sya makaramdam pa ng sakit tila ba namamanhid na sya. "It's all your mom's fault. She slept with my brother then left after you were born." Umangat ang tingin ni kiro sa amang nakatalikod sa kanya. "Sure, iisipin mo na maliit na bagay lang yon... Pero binigay ko lahat sa mama mo. Tapos ang ibinalik lang nya sa akin ay sama ng loob?" Lumapat ang paningin ni kiro sa kisame na sira na ang pintura. Hinihintay pa nya ang iba pang sasabihin ng kanyang ama, may hinihintay sya na sasabihin nito pero hindi nya mawari kung ano yon. Sa ngayon ang gusto nya lang ay makita si cali at sumabay sa kanya sa pag-pasok at pag-uwi. Gusto nyang mamuhay ng maayos at wala masyadong iniisip pero bakit parang ang hirap makuha ng bagay na yon. Bakit kailangan ako ang mag-hirap sa kasalanan na ginawa ni mama? Bakit ako ang nandito at hindi sya? Nakalimutan nya na ba na may anak sya na kailangan sya? "P-pa..." Napangiwi pa sya dahil sa sobrang sakit ng kanyang mukha. "Why don't you just kill me?... You know I don't deserve this kind of pain.. lagi mong sinasabi na kasalanan ko o ni mama... Wala ka bang kasalanan? Why'd you always act like an innocent kid?" Bago pa nya malingon ang ama ay nasampal na sya nito. Nanuot sa buong kalamnan nya ang sakit non. Natulala pa sya sa dugong umaagos galing sa kanyang labi. Sobrang talim ng tingin sa kanya ng kanyang ama pero hindi na nya magawa pang matakot nasanay na sya sa ganong tingin, nasanay na sya sa pangmamaliit sa kanya. "Kung may pagpipilian lang ako ay hindi ko hihilingin na mabuhay!" Sigaw nya sa ama. "Just find the godd*mn diamond, kiro. Then after that malaya ka na. Then finally you can go wherever you want to go." Natatawang tumango tango si kiro. "Ano bang meron ang diamond na yon?" Hindi nakasagot ang ama. Ang lalim ng iniisip nito at ang kaninang seryosong mukha ay mas naging nakakatakot pa. "It's not like you to treasure and being sentimental to the things in your hand. So, ano ba ang meron sa bato na yon?" "Someday you'll get realize what I treasure the most." Naitakip na lang ni kiro ang braso sa kanyang namamaga na mata. "Mr. Lopez..." Mahinang utas nya. "I hope if that day comes... I will not be able to see your face or got beaten by you." Dagdag pa nya. Silence..... "Mr. lopez may balita na po kami kung na saan ang blue diamond." Napalingon si kiro sa lalaking bagong pasok. "Okay." Hindi na sya tinignan pa ng ama. Pinanood nya kung paano mag sara ang pinto. Cali.. Will i be able to see you again? Bakit pakiramdam ko ay hindi na kita makikita ulit? Nanghihina syang umayos ng upo at kinuha ang tumutunog na cellphone sa kanyang bulsa. Nag-flash doon ang natutulog na litrato ni caliber. Sinubukan nya pang ayusin ang boses bago iyon sagutin. Tahimik ang kabilang linya at ganon din sya. [Bakit hindi ka pumasok?] "Miss mo agad ako?" Biro nya. Napakagat pa sya sa labi ng masanggi ang sariling sugat. [F*ck you!!] Natawa sya sandali at tumahimik na. Nanahimik ulit ang paligid pero ang katahimikan na ito ay hindi nakakailang para sa kanilang dalawa. "Can i see you?" [Hm.] "Let's meet after a week?" [What?!] "Haha see you." Huminga sya ng malalim. Hindi na dapat nya dinidikitan si caliber ngayon. Kapag nalaman ng papa nya ang ginagawa nya ay hindi lang sya ang mahihirapan sa huli. Marahan nyang binuksan ang pinto ng kwarto at lumabas. Napalingon pa sa kanya ang mga ibang tauhan ng kanyang ama pero walang nangahas na dumulog ng tulong. "Psst " Humawak sya sa pader at nilingon ang sumisitsit. Si Mr. Pascua, matagal ng tauhan yon ng kanyang ama sa pagkaka-alala nya 8 years old palang sya ng makilala ito. "Halika dito." Mariing tawag sa kanya. 35 years old palang si Mr. Pascua pero namumuti na ang ibang hibla ng kanyang buhok. Malakas, matapang at may kakulitan din ito pero hindi maitatanggi na mabuti naman itong tao. Madalas sya noon na kasama ni kiro na pumunta sa ilog malapit sa kanilang dating bahay. Doon kasi ay tahimik at malayo sa mapanakit na kamay ng kanyang ama. "Sinaktan ka na naman?" Mapait syang tumawa sa tanong na iyon. "Hindi ka na naman makakapasok niyan." Hinawakan sya nito sa ulo. "Kakausapin k---" "Don't. Hayaan mo sya." Napabuga na lang ng hangin ang lalaki. "Kapag nakisali ka ay ikaw naman ang pagiinitan nya. Nasanay na rin naman ako kaya ayos lang sa akin." "No. Hindi ko na kayang manood. Gusto mo na bang umalis dito?" Nagkatitigan silang dalawa. Parehong malungkot ang itsura. "Yes." "Then sumama ka sa akin mamaya." Napaiwas ng tingin si kiro. "Saan?" "Malalaman mo rin. 'wag ka na mag dala ng damit." Tumango si kiro. "May pupuntahan lang ako saglit." Tumango naman si Mr. Pascua. Matapos nyang linisin ang sugat sa mukha ay sabay silang nagtungo kung na saan ang ama nya. "Pupunta akong school." Aniya. Dumako pa ang mga mata ni kiro sa ina ni cali na nagulat pa sa itsura nya pero agad din naman bumawi ng tipid na ngiti. "Ihatid mo sya." Bahagyang yumukod si pascua sa sinabi ng amo. Malapit na sila sa sasakyan ng may humawak sa kanya sa balikat. Humahangos ito dahil sa ginawang paghabol sa kanila. "Anong problema?" Singit ni Mr. Pascua. "N-nothing." Napatitig pa si officer ferrera kay kiro. Marami syang gustong itanong sa bata pero hindi nya magawa. Hindi nya maisip na ganito pala ang klase ng pamumuhay ng kaibigan ng kanyang anak. Gusto nyang tumulong pero hindi alam kung paanong tulong ang maibibigay nya. "Officer be careful." Walang emosyon na sabi ni kiro. Pagsakay sa sasakyan ay nakita nya pa ang babaeng nakatayo at nakatingin sa kanila paalis. "Kailangan mo ba ng uniform?" "Mm." Dumaan muna sila sa bahay na tinitirhan nya para kumuha ng uniform na kanyang susuotin. Kakatapos lang ng break nila kaya paniguradong umpisa na ng klase. Gusto ko lang magpaalam sa kanya. Gusto ko lang sya makita dahil baka matagalan pa bago kami mag-kita ulit. Ayaw ko man umalis ay hindi ko na kaya pang-magtiis. Sana lang ay makita pa kita wala na akong pakealam kung gaano katagal yon basta makita lang kita. Hinarang pa sila ng guard. Medyo natagalan pa nga dahil kinausap pa iyon ni pascua. Wala ng mga estudyante sa paligid, sobrang tahimik. "Sasamahan na kita." Hindi na umangal pa si kiro. Sumilip sya sa may pinto nang makita siya ni cali ay sinabihan nya ito na sumunod sa kanya. "Hintayin mo ako dito." Kaswal na sabi nya sa kasama. "Kiro." Tawag sa kanya ni cali. Hindi sya lumingon at basta nalang pumasok sa loob ng comport room. Naupo pa sya sa tuyong sink at hinintay ang pag-pasok ng lalaki. "Anong nangyari?" Bungad na tanong nito. Ngumiti siya at sinenyasan na isara ang pinto. "Aalis ako.." "What?! Saan ka pupunta?" Tumayo si kiro at agad na niyakap si cali na natigilan pa. Iniisip na naman nya na nasisiraan na naman ng bait ang lalaking kaharap. Nauul*l na naman. Sabi nya sa kanyang isip bago gumanti ng yakap. "Mag-iingat ka." Tumango si cali. "Ikaw ang dapat na mag-ingat. Bumalik ka dito at babanatan pa kita." Tumawa si kiro. Nag-usap pa sila saglit tungkol sa schedule ng mga game practice nila. Hindi na rin inungkat pa ni cali kung saan nga ba pupunta si kiro o anong nangyayari sa buhay nito at kung bakit puno sya ng sugat sa mukha. Kung hindi pa nya kayang mag-sabi ay hindi nya ito pipilitin. Natigil lang sila sa pag-uusap ng may kumatok na sa pinto. "Aalis na ako." Napakurap-kurap si cali at tumango. Naunang lumabas si kiro na sinundan lang nya ng tingin. Natulala pa sya ng ilang sandali sa sahig bago maisipan na bumalik sa kanilang classroom. Nagtataka ang tingin ng teacher sa kanya dahil kanina pa sya wala tapos nang bumalik ay tulala naman. "Are you okay?" Kalabit sa kanya ni nayah. Natulala pa sya kung saan sumilip si kiro kanina. "Ano bang problema ng taong yon?" Tanong nya sa hangin. "Cali?" Napasubsob sya sa desk at pumikit. Parang mas naging tahimik pa ang araw nya ngayon kesa noon. Para bang naninibago sya, para bang hindi na sya sanay gayong ilang linggo nya nga hindi nakita si kiro noon. This time ilang linggo ka na naman ba mawawala? Tapos na ang klase nila at pauwi na rin sya kasabay ang kapatid na babae. Nagtataka pa silang pareho ng may mga nagtatakbuhan papalabas ng compound. Bumalatay ang takot sa mukha ni cali ng makakita ng malaking usok na kanina ay wala pa naman. "Cali! Yung bahay nyo nasusunog!" Sigaw ng kapitbahay nila. "Dito ka lang!" Sabi nya sa kapatid na nagsisimula naman na matakot. Hinubad nya ang suot na bag at pinahawak sa kapatid bago tumakbo papunta sa bahay nila na nilalapa na ng malaking apoy. "Mabuti nalang at hiwa-hiwalay ang bahay dito. Nakuu!" Sabi ng isa sa kapitbahay nila na tumutulong sa pag-apula. "May casualty sa loob!" Nanlaki ang mata ni cali. Imposibleng may tao doon dahil nasa trabaho ang mga magulang nya at kasama naman nya ang kanyang kapatid. Dinadagungdong ang kanyang dibdib sa sobrang takot. Hindi pa sya sigurado kung sino ang nasa loob at wala sin syang pinaghihinaalan kung sino iyon. Ilang minuto pa ang lumipas bago dumating ang kanyang ama na hawak si calla sa braso humahangos ito. Namumula at namamaga pa ang mga mata nito na halata na kakatapos lang umiyak. "Pa.." halos bulong na tawag nya sa ama. Nanlaki pa ang mata ng ama niya ng subukan nitong hawiin ang mga bumbero para pumasok sa loob. "Pa! Delikado!!" Pigil niya sa ama na umiiyak na naman. "Bitawan mo ako!! Nasa loob ang mama at ang kapatid mo!" Sigaw nito. Tila nanlamig naman si cali at parang pinagbagsakan ng mundo dahil sa narinig. Imposible! Paanong nasa loob si mama? Nasa trabaho sya hindi ba? "Nagbibiro ka lang di ba?!" Kinakabahan pa na tumawa si cali kahit sa loob nya ay hindi na sya mapakali. "Caliber! Ang mama mo nasa loob!" Ulit ng kanyang ama. Para bang nabibingi sya. Binitawan nya ang ama na pinipigilan na ng mga pulis. Kita nya sa parehong mata ang malaking apoy na umuupos sa bahay nila. Hindi na sya makapag-isip pa ng tama puno ng bulungan, sigaw at tunog ng mga sasakyan ang labas masok sa kanyang tainga. "Pa.. Paanong nasa loob si mama?" Mahina pero sapat na para marinig ng ama nya. Niyakap sila nito ng kapatid nya na umiiyak na rin. Wala syang nakuhang sagot siguro ay mamaya na nya ito kukulitin para magsabi ng totoo. Bakit alam nya na nasa loob si mama? No, hindi pa kami sigurado! Hindi pa. Hangga't hindi ko nakikita ang sinasabi ni papa na tao sa loob na si mama ay hindi ako maniniwala. Malamang ay nagkakamali lang sila. Tama, nagkakamali lang sila. Buhay pa si mama at mamaya lang rin ay pupunta na sya dito. "K-kuya..?" Nilingon nya ang kapatid na umiiyak. "S-si mam--" He cuts her words. "No." Simpleng sagot nya. Niyakap nya ang kapatid at hinahagod ang likod nito. Paulit-ulit pa nyang kinukumbinsi ang sarili na nagkakamali ang mga tao sa paligid nya. Huminga sya ng malalim at pinakalma ang sarili, umaasa na sana ay mali lang sila. Kasi kung mangyayari yon ay hindi na nya alam pa ang gagawin. Hindi nya kayang mawalan ng pamilya. Natatakot sya para sa sarili at sa ama't kapatid niya. Mahal na mahal ni papa si mama ang lagi nya pang sinasabi kapag nag-aaway sila ay "Paano kami kung aalis ka?" Tama nga naman si papa. Paano kami mama kung wala ka? Sainyo kami kumukuha ng lakas ni calla. "Pa... Hindi si mama yon." Sabi ni cali na nasa mababang boses. Hindi sumagot ang ama nya. Natulala na lang rin ito sa apoy na unti-unting naaapula ng mga bumbero. Ang bahay nila kung saan puno ng mga magagandang alaala ay tuluyan ng naging abo. Ilang oras pa bago humupa ang malakas na apoy ay nailabas na sa bahay nila ang sinasabing casualty. Halos manlambot sya sa singsing na nahulog sa sunog na kamay ng biktima. Gumulong pa ito palapit sa paa ng kanyang ama. Umalingawngaw sa buong paligid ang hinagpis ng kanyang ama at hagulhol ng kanyang kapatid. Gusto nyang umiyak pero walang luhang lumalabas sa kanyang mata. Sa isang iglap ay bumalik sa alaala nya ang higpit ng yakap ng ina at maganda nitong boses at ngiti. Nanlulumo sya at pakiramdaman na masusuka pa dahil sa nararamdaman. Nabigla pa sya sa pamilyar na kamay na kumabig sa kanyang balikat para yakapin sya. "Huussh. Please 'wag mong kimkimin yung sakit." Ani ng malambing na boses. Nag-umpisang tumulo ang kanyang luha at mahigpit na niyakap ang taong nasa harapan nya. Napahagulhol sya at pilit na sinasabi sa isip na hindi pa sigurado gayong may ebidensya na. "Umiyak ka lang." Takot na takot sya at hindi pa rin naniniwala sa mga nangyayari. Bakit parang kanina lang ay kasama ka pa namin. Bakit naging ganito?! Natutulala sya at naguguluhan. Paulit-ulit na tina-tanong ang sarili kung paano nangyari ang mga bagay na yon sa kanyang ina? Bakit sa dinamirami ng tao sa buong mundo ay ang ina pa nya ang nawala at namatay sa kahindik-hindik na paraan. Kung hindi ko ba pinigilan si papa ay maililigtas nya kaya si mama? Makakasama pa kaya namin si mama ngayon? Kung hindi ba ako nakisali ay ligtas sya? Kasalanan ko ba kung bakit pinigilan ko si papa na iligtas si mama? "Cali! Cali, kumalma ka." Nabalik sya sa ulirat ng may mahinang tapik syang naramdaman sa kanyang pisngi. "Ms. Lim?" Napapikit pa sya ng punasan ng babae ang kanyang mata na walang tigil sa paglabas ng luha. "Wala kang kasalanan. Kung hindi mo pinigilan ang papa mo ay isa rin sya sa lalamunin ng apoy." Natulala si cali sa mukha nya bago mapayuko. Hindi na nga nya napansin na nasa isang bench na pala sila malayo sa bahay nila. "Paano kung buhay pa si mama at humihingi ng tulong kanina habang pinipigilan ko si papa? Paano kung maililigtas pa pala sya kung hindi..." "Hey! Listen. Kailangan ka ng kapatid at papa mo ngayon. Kung pati ikaw ay malulugmok paano na sila?" Natauhan naman si cali sa sinabi ni nayah. Tumango sya at pinunasan ang mata na naguumpisa na naman lumuha. Napatingin pa sya sa relong suot. "3:15 am na?" Parang kanina lang ay 6:30 palang ng gabi. Ilang oras ba akong nawala sa sarili at umabot ng madaling araw bago ako bumalik sa dati? "Ihahatid na kita kung nasaan ang papa mo." Hindi sumagot si cali. May huminto pang puting sasakyan sa kanilang harapan. Wala na syang lakas pa para umangal kaya sumakay na din sya doon. Tinatambol ang puso nya dahil sa kaba. Hindi nya alam kung papaano haharapin ang ama at kapatid nya. Natatakot sya na sa oras na mag-kita sila ay mawala sya sa sarili. Natulala si cali sa harap ng hospital kung nasaan ang pamilya nya. Napahakbang pa sya paatras ng salubungin sya ng yakap ng kapatid nya. Humahagulhol pa rin ito. Nataranta pa sya ng mawalan itong malay mismo sa braso nya. Labis labis na kaba syang pumasok sa loob ng hospital nakasunod pa rin sa likod nya si nayah. "Tulungan nyo ang kapatid ko." Sigaw ni cali. May lumapit naman sa kanyang nurse at sinabihan na ihiga si calla sa bakanteng kama. Tinawagan pa nya ang ama na nasa loob din ng hospital. Hindi ito sumasagot. "Nurse may dinala po ba ditong ferrera?" Tanong nya sa nurse. "Ahh, yung biktima po ng sunog?" Tumango naman si cali. "Ako na hahanap sa papa mo. Dito ka na lang kailangan ka ng kapatid mo." Napalingon sya kay nayah ng tapikin sya nito sa balikat bago umalis. Nanginginig pa rin ang kanyang kamay at hindi pa rin humuhupa ang takot sa loob nya. Hindi sya pwede maging mahina tulad nga ng sinabi ni nayah ay kailangan pa sya ng kapatid at ama nya. "Ano pong pangalan ng pasyente at kaano ano po kayo?" Tanong sa kanya ng isang nurse. "Chrysan Alley Ferrera, kapatid nya po ako." Tumango ang nurse. "Pangalan po sir?" "Caliber Ferrera." Naglakad si cali palapit sa kapatid at hinaplos ang nakakunot na noo ng kapatid. "I'm so sorry." Bulong nya. Natigilan sya ng may malamig na bote ng tubig ang dumampi sa kanyang pisngi. Pilit ang ngiti ni anakin at gio sa kanya, si ali naman ay napaiwas lang ng tingin mga bagong gising pa ang kanilang itsura na obvious na nagmadali pang puntahan sya. Luminga pa sya sa paligid nagbabakasaling kasama nila si kiro pero wala ito. Naalala nyang umalis na nga pala sya at hindi na sya sigurado kung makakabalik pa yon. "Sorry, ngayon lang kami..." Sabi ni anakin. Umiling si cali. Napabuga na lang ng malalim si cali ng yakapin sya ng tatlo nyang kaibigan. Hindi na sya makaiyak pa para bang natuyo na ang kanyang luha at napagod na ang mga mata. ~°~°~°~°~°~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD