TBT 07

3377 Words
07 ~•~•~•~•~•~ Noong unang araw ay pumayag sila mama na mag-barbeque kami, sama sama pa kaming pumunta sa bayan para bumili ng mga kailangan at pagkain namin sa loob ng tatlong araw. Sa sumunod na araw ay naligo kami sa dagat, may nakasalubong pa sila mama na kakilala. Doon ko lang natitigan ang tyan ni mama na may maliit na umbok. Sa huling gabi namin ay sa hotel na kami natulog. Mas dumarami na rin ang tao mabuti na lang nang pumunta kami dito ay hindi pa maraming tao kaya na enjoy namin ang dagat. Ang balak pa nga ni papa ay magtagal pa kami ng tatlong araw doon. Kaso ay nagrereklamo na si calla dahil may exam sya at malaking kawalan daw sa grades nya. Nakangiti habang naiiling na lang si mama kay calla. Kahit ako ay gusto pa sana manatili doon pero hindi rin pwede dahil may game practice pa kami sa tuesday. "Dumaan muna tayo sa bayan para bumili ng pasalubong." Tumango kami ni calla. Nang makarating sa bayan ay nag-paiwan si papa sa sasakyan. Ang pinabili ko kay mama ay puro pagkain si calla naman ay mga manika na 5 inch ang laki, anim na pirasong ganon pero iba't ibang design. Bumili din si mama ng 2 galloon of ice cream at cone. Nagulat pa si papa ng makita ang mga hawak namin. "Wow, parang kulang pa yan." Aniya. Natawa si calla. Inilagay ko lang sa likod ng sasakyan ang pinamili namin. Habang nasa byahe ay busy si mama na kumain ng ice cream. Nag-hati sila ni calla sa chocolate flavor kami naman ni papa ay sa rocky road. Naagaw ko pa ang pansin nila ng tumunog ang cellphone ko. Nagflash doon ang mukha ni kiro noong nakaraan pa 'to tawag nang tawag. "Boyfrie--" "What?!! No!.." nanliit ang mata ni mama sa sinabi ko. Lalaki ako tapos boyfriend? Ano bang pinagsasabi nila? Tsk. Pinatayan ko ng tawag si kiro. Nagpop pa ang mukha nya sa chat head ng messenger ko. Nililingon na rin ako ni papa sa rearview mirror si calla naman ay sumisilip na sa cellphone ko. Sa pagkairita ko ay pinatay ko nalang ang cellphone ko. Napaiwas pa sila ng tingin sa akin. "Told ya!" Sabi ni calla kay mama. Sumimangot ako at tumingin na lang sa labas ng bintana. Ano na naman kaya ang kailangan non? May gana pa syang tumawag sa akin ha! Tibay! Umangat ang tingin ko sa langit na makulimlim maya maya lang ay bumuhos na ang malakas na ulan. Malapit na rin naman kami sa compound. "Pa, sandali." Hawak ko kay papa sa balikat nya. Nagtaka pa sya pero hininto rin naman nya. Kinuha ko ang jacket ko at patakbong lumabas ng sasakyan. Bakas sa mukha nya ang gulat sa pag-sulpot ko. Basang basa na sya at halatang nilalamig na rin. Ipinatong ko sa ulo nya ang jacket ko. Akma ko syang hihilain nang yumakap sya. Nanginginig ang katawan nya. "What the!" Inilayo ko sya sa akin at hinila papasok sa loob ng sasakyan. Nagulat pa si mama at papa sa kanya. "Baka lagnatin ka." Umusog ng kaunti si calla na kumukuha pa ng pamunas sa likod. "Bakit nag-paulan ka?" Tanong ni papa. "Saan ka ba galing?" "Kay mama po tito." Nanginginig na sagot ni anakin. Natahimik kami. Hindi nya close ang mama nya kaya kapag nagpupunta sya doon ay para lang bisitahin ang kapatid nyang lalaki. Pareho sila ng sitwasyon ni kiro... Alam ni papa at mama ang bagay na yon kay anakin dahil bata pa kami ay kasa-kasama ko na siya. Nang dumating kami sa bahay ay inasikaso sya agad ni mama. Nag-bihis lang ako ng hoodies na bili sa akin ni calla noon ganon din sila mama at papa. Nagluto pa si papa ng champorado na request ni calla. Naka-sandal ako sa pinto ng kwarto ko habang pinapanood sya na mag-punas ng buhok. Nahihiyang ngumiti sya sa akin. "Anakin, bumaba ka dito papatuyuin ko buhok mo." Sabi ni mama. Umusog ako ng kaunti para makadaan sya. Sakto namang kakatapos lang ni mama na iblower ang buhok ni calla. Naglakad ako papunta sa kusina para tignan ang ginagawa ni papa. Tumabi ako sa kanya at sinilip ang kumukulo na niluluto nya. Umakbay sya sa akin at ginulo ang buhok ko. "Mahal, si cali basa pa yung buhok!" Sigaw nya. "Hoy, caliber!" Tinawanan ako ni papa. Mag-kaugali talaga sila ni calla. "Opo." Nakangusong bumalik ako sa sala kung na saan yung tatlo. Umupo ako sa sofa na kaharap lang nila mama. Napaiwas pa ng tingin sa akin si anakin. Nagsi-self pity ba sya kanina? Depress depress-an ba sya para mag-lakad sa ulanan? Tingin ba nya sa sarili nya ay nasa isa syang cliche soap opera? "Halika dito, cali." Tsaka lang ako tumayo ng umalis si anakin sa harapan ko. Nanulis pa ang nguso ko ng humagikhik si calla. Alam nya kasi na ayaw na ayaw ko na binoblower ang buhok ko. "Baka sipunin ka. Ngayon lang naman." Sabi ni mama na niyakap pa ako mula sa likod. "Anakin, dito ka nalang matulog." Napalingon pa sya sa akin. "Okay po." Matapos iblower ni mama ang buhok ko ay sakto naman na natapos si papa sa pagluluto. Nagorder nalang si mama ng magiging hapunan namin dahil tinatamad na daw syang mag-luto. Habang kumakain ay binuksan ko uli ang cellphone ko. Sunod sunod pa ang pag-tunog non kaya napalingon pa silang apat sa akin. 38 text messages, 10 missed calls Galing kay ali, gio at anakin yung ibang text and the rest ay kay kiro na. Napa-poker face nalang ako ng tumatawag na naman sya. "Kanina pa yan. Bakit hindi mo nalang sagutin?" Tinanguan ko si papa. Inilapag ko sa mesa ang kinakain ko at tumayo na. Ramdam ko pa ang pag-sunod ng mga tingin nila sa akin. "Oh?" [Hi.] "May ginagawa ako. Kung wala kang sasabihin ibaba ko na." [Sandali...] Nagsalubong agad ang kilay ko ng mag open cam sya. Nasa labas sya ng bahay nya at naninigarilyo. Madilim kaya hindi ko maaninang ang mukha nya. "Ibaba ko na." Hindi ko na hinintay na sumagot sya. Bumalik ako sa kusina at nagpatuloy sa pagkain. Tahimik silang lahat na para bang nakikiramdam lang. "Aakyat na ako ma." Tumango si mama sa akin. Dumeretso agad ako sa study table ko para tignan kung ayos na ba lahat ng assignment na isinend nila sa gc. May ilan pa akong sinagutan bago mahiga sa kama. "Cali.." nilingon ko si anakin na nakasilip sa pintuan. "Pasok." Umayos ako ng upo. Sya naman ay nanatiling nakatayo sa harap ko. Napakamot pa ako sa kilay ko ng tumatawag na naman si kiro sa messenger. "Nauul*l na naman to.." bulong ko. Hindi ko sinagot yon. Nag-chat pa sya na sagutin ko daw pero hindi ko ginawa. "Sino yan?" Tanong ni anakin. Hinarap ko naman sa kanya ang cellphone ko na may mukha ni kiro na tumatawag. "Close kayo no?" Sarkastiko akong tumawa. Close his a*s. "Sagutin mo?" Umiling ako. "Manti-trip lang yan." Natawa sya. "Ako sasagot?" Ngumisi sya. Bago pa ako humindi ay nahablot na nya at sinagot. Video call yon. Kumaway pa sya sa camera. Nawala ang ngiti ni kiro ng makita ang mukha ni anakin na malawak ang pagkakangiti sa kanya. Humiga na lang ako sa kama nagulat pa ako ng iharap sa akin ni anakin ang camera. "Tsk." Nginiwian ko si kiro. Walang nag-salita sa aming tatlo. Hindi tumagal ng dalawang minuto ang tawag, na si anakin na mismo ang nag-patay. "Kailan pa nakauwi yan?" Tanong ko. Tumabi sa akin si anakin na kinakalkal pa ang cellphone ko. Wala akong p*rn kung yon ang hinahanap nya. "Nung friday pa." Kaya pala nakapagparamdam na sya noon sa gc. Ano bang trip non sa buhay? "Nagkagulo pa nga sa school. Dumating yung papa nya." Napalingon ako kay anakin na nagulat pa. "B-bakit? Anong ginawa ng papa nya don?" "Binugbog sya. Buti nga at may guard na dumating e. Hindi pala sya anak ng tinuturing nyang papa." Hinablot ko ang cellphone ko kay anakin. Hindi na nag-chat si kiro pero online pa rin naman sya. Sinubukan ko syang tawagan ng dalawang beses pero hindi nya sinasagot. "Saan ka pupunta?" Pigil sa akin ni anakin. "Dyan lang. Pasabi nalang kay mama na lumabas lang ako sandali." Hinablot ko ang kamay ko. Tumila naman na ang ulan kaya tinakbo ko na hanggang sa labas ng compound. "Para!" Harang ko sa isang tricycle. Nag-pahatid lang ako hanggang sa may highway para pumara ng taxi. Mahigit sampung minuto pa akong nag-hintay doon bago may huminto sa harap ko. Naguumpisa na namang umulan. Hinarang pa kami ng guard sa village nila kiro mabuti nalang at namukhaan nila ako kaya pinapasok na kami. Tinawagan ko pa sya ulit bago mag doorbell. Hindi sya sumasagot. Online pa rin sya pero hindi nya siniseen ang mga chats ko. Umuwi nalang kaya ako? Inabot ko ang sarahan ng gate nya, bukas yon. Sinubukan ko ring buksan yung pinto ng bahay pero naka-lock. Pumunta ako sa likod ng bahay nya. Sumimangot ako ng makitang bukas yung back door at ang ilaw. Nakasanayan na nito na hindi mag sara ng pinto. "Kiro." Tawag ko bago pumasok. Napahawak pa ako sa pinto dahil sa gulat sa kanya. Nakatayo sya sa tapat ng lababo. Hindi nya ako pinansin patuloy lang sya sa pagkalkal sa mga drawer. "Kiro." Dumako ang paningin ko sa mesa nya na may mga nakapatong na pagkain galing sa fast food. Hindi marunong magluto. "Ho--" Nagulat pa ako sa paghila nya sa kamay ko. Humarap sya sa akin. Kitang-kita ang pasa nya sa gilid at ilalim ng mata. Tinulak ko sya at mabilis na umupo sa silya. Natawa pa sya sa ginawa ko. Ramdam na ramdam ko ang panlalamig ng paa at kamay ko. "Bakit hindi ka mag-aral mag-luto?" "Marunong ako." Nilingon ko sya. Hawak-hawak nya ang sariling labi habang nakangisi sa akin. Nade-demonyo na naman 'to. Nagpanic pa ako nang mag-lakad sya palapit sa akin. "Put*ng*na mo! D'yan ka lang!" Tumaas ang parehong kilay nya at mukhang nasisiyahan sa nakikita. "Kapag lumapit ka u-uuwi ako!" "Chill! Kukuha lang ako tubig e." Nginuso pa nya ang lagayan ng baso sa likod ko. "Tsk." Umayos ako ng upo. "M-marunong ka naman pala mag-luto bakit ka pa bumibili ng ganito?" "Ako lang naman mag-isa." Hindi ako sumagot. Tama nga naman. Pero masama rin kasi na puro nalang pagkain sa labas ang kinakain. Pinasadahan ko pa ang mga binili nya puro burger at fries. Hindi ako concern. Nagsasabi lang ako ng totoo na masama ang puro order na pagkain. Napaupo ako ng tuwid nang hawakan nya ako sa balikat. Ilang beses akong napalunok ng sariling laway nang dumausdos ang braso nya sa balikat ko. "Bakit magkasama kayo?" Humaplos sa leeg ko ang mainit na hininga nya. "N-nino?" "Wow... Bakit magkasama kayo??" Mariin na ulit nya. "N-nadaanan namin sya kanina.." Bakit pakiramdam ko kailangan kong ipaliwanag sa kanya lahat?! "So, doon sya matutulog sainyo?" Hinawakan ko ang braso nya para tanggalin . "Oo.." Tinabig nya ang kamay ko. Hinawakan pa nya ako sa panga at pilit na inilingon sa kanya. "Nasasaktan ako!" Padarag kong tinanggal ang kamay nya. Dumeretso sya ng tayo at walang emosyong nakatingin sa akin. Tumayo na rin ako at lumipat ng pwesto malayo sa kanya. "Mukhang maayos ka naman. Aalis na ako." "Babalikan mo sya?" "Ano?!" "Hindi ka lang tanga, bingi ka pa." Nag-pintig ang tainga ko sa sinabi nya. Gusto ko syang sugurin pero alam ko naman na sa huli ako pa rin ang talo. "Bahala ka kung anong isipin mo. Utak mo naman yan." Tumaas ang kilay nya. "Umupo ka." "What?! Sino ka para utusan ako?!" Hindi nya ako pinansin. "Hindi kita inuutusan. Gusto ko lang na maupo ka." Inis naman akong naupo sa malapit na silya sa akin. Naupo rin sya sa harap ko ipinatong pa nya ang baba sa kamay nya at tinignan ako. "Gusto kong pumunta sainyo." Kaswal na sabi nya "Bakit ka pupunta don?!" "Bakit sya pwede? Tapos ako hindi??" Hindi mawala ang pagkasalubong ng kilay ko. Mas nastress pa ako sa isang 'to kesa sa school. "Wala akong sinabi!" Tumango sya. "Dito ka nalang matulog." "What? No!" "Hindi mo ba ako namiss??" "Kilabutan ka!" Umirap sya. "Bakit sa iba ang bait mo? Tapos sakin lagi kang galit." Huminga ako ng malalim. "Tss. B-bukas pumunta ka sa bahay..." Inilayo ko ang tingin ko. Nanayo pa ang balahibo ko sa katawan nang mabilis syang tumayo at kabigin ako para halikan. Hinawakan ko sya sa balikat at itinutulak palayo. Nahihirapan akong huminga!! Hinihingal ako nang bitawan nya. Dapat talaga kapag magkikita kami nito ay sa maraming tao! "Hey.." Nabibiglang napatayo ako at napaatras muntik pa akong matumba dahil sa upuan sa likod ko mabuti nalang at nakahawak ako sa mesa. Hindi ko sya napansin na lumapit! Inabot nya ang kamay ko at inilagay sa leeg nya. Naging alerto ako nang hahalikan nya dapat ako sa leeg. "'W-wag m-mahihirapan na naman akong itago..." "Okay!" Ipinasok nya sa loob ng damit ko ang kamay nya. Dinadampian nya lang ako ng halik sa pisngi at labi. "I owe you an apology.." bulong nya sa akin. "Saan?" "Hindi ako nakapag-paalam." Natahimik ako. Niyakap nya ako ng mahigpit. He kissed my lips once more before letting me go. "O-okay ka lang ba?" Tanong ko. "Much better." Nakangiti na naman sya. "Dito ka matutulog? O sainyo tayo matutulog?" Nagusot ang mukha ko sa tanong nya. "Kailangan kong umuwi." Maaga kasing aalis sila mama bukas para sa trabaho hindi ko pwedeng iwan si calla kay anakin. Hindi sa wala akong tiwala sa dalawa, ayaw ko lang talaga na maiwan si calla sa bahay. "Kukuha lang ako ng damit ko." Napaismid pa ako. "Sino nagsabi na kasama ka?" Nawala ang ngiti nya. "Iiwan mo ako dito??... Hindi ka aalis kapag hindi ako kasama." "Oo na. Bilisan mo. Inaantok na ako." Sabi ko na lang. Pushy. Tinext ko pa muna si mama at sinabi na may kasama ako pauwi. Nagtanong pa sya kung sino yon, pero hindi ko na sya nireplyan. Malawak pa ang pagkakangiti ni kiro nang lumabas sya ng kwarto. Maliit na bag ang nakasukbit sa likod nya. Bitbit din nya ang bag sa school para daw hindi na sya uuwi pa dito. "Tara na." Hatak nya sa akin palabas ng bahay. Sa backdoor na kami dumaan. Pinapanood ko lang sya na isara ang pinto at gate ng bahay nya. Nangingiwi pa ako ng masigla nyang binabati yung mga guard na halatang nagtataka pa. Nauul*l na e. S'ya rin ang pumara ng taxi na sasakyan namin. Hindi mawala ang ngiti nya sa labi hanggang makarating kami sa bahay. Ako na ang nahihiya sa driver ng taxi at sa mga nakakasalubong namin dahil sa kanya. Mala-anghel ang mukha pero demonyo ang pag-uugali. Hindi na ako mag tataka kung tatanda 'to mag-isa. Binuksan ko ang gate at naunang pumasok sa loob ng bahay. Nagulat pa sila mama sa pag-sulpot ko. "Na saan na ang ka--" galak na galak na sumunod sa akin si kiro. Nang-aasar pa ang ngiti nila mama. "Jowa mo?" Tanong ni mama. "Opo!" Siniko ko pa si kiro na nakaiwas pa. "No, ma... Si kiro nga pala." Pumorma ng "oh" ang bibig nila. "Hi po, mr & mrs ferrera" magalang na bati ni kiro. "Hello. Tita nalang masyado kang formal." Nag-ngitian pa sila. Napalingon pa ako kay calla nang tumayo ito at nag-lahad ng kamay kila mama at papa. Nataranta naman si mama at pilit na ibinababa ang kamay ni calla. Kahit si papa ay hinihila na rin paupo si calla pero hindi sya nagpapahila. "Nanalo ako. Sabi ko sainyo e, may isang aamin at may isang tatanggi." Napaawang ang bibig ko. Nahihiya naman na tumawa sila papa. Wow! Pinagpustahan pa kami! Talaga bang pulis at lawyer ang mga magulang ko O hindi?! "K-kumain muna kayo. Nagluto ako kasi sabi mo may kasama ka pauwi. Nilaga yon. Papatay na lang ng kalan." Kumaway lang si kiro sa kanila habang nakangiti. Napaayos sya ng tindig at umakbay sa akin nang makasalubong namin si anakin nang papasok kami ng kusina. "Sya yung pinuntahan mo?" Tanong ni anakin. "Bakit bawal?" Singit ni kiro. "Manahimik ka hindi ikaw ang kausap." Sabi ko. Ngumuso naman sya. "Bukas nalang tayo mag-usap." Hinila ko si kiro sa damit. Nagpapalitan pa sila ni anakin ng masasamang tingin. "Umupo ka." Turo ko kay kiro ng upuan sa tabi nya. Sumunod naman sya. "Hey." Nilingon ko si anakin na umupo sa harap ni kiro. "Sandukan mo rin ako. Thanks." Hindi ko na sila pinansin. Inilapag ko sa mesa ang kanin at ang ulam, kinuhaan ko rin sila ng plato bago ako maupo. "Baka magkatuluyan kayo nyan. Kumain na kayo." Sabay pa silang nabulunan sa sinabi ko. Titig na titig kasi sila sa isa't isa. Ako ang unang natapos at umalis sa mesa. Naabutan ko pa sila mama na nanunuod ng tv. Akala ko ba may mga pasok 'to? "Si kiro sa kwarto mo na patulugin." Tumango lang ako. Nilingon ko pa sila anakin. "Balikan mo yung dalawa do'n." Ngumuso ako sa sinabi ni papa. Pumihit ako patalikod at tamad na bumalik sa loob ng kusina. Napakurap-kurap pa ako ng pareho na silang nakatayo at may hawak na tinidor. Umayos ng tayo si anakin nang makita nya ako. "Tapos na ba kayo kumain?" Sabay silang tumango. Lumapit ako sa mesa at inayos ang mga kalat nila. Nag-hugas na rin ako ng plato bago sila senyasan na lumabas na. "Anakin, tignan mo yung kwarto mo. Kung okay na ba yon, inayos ko kasi." Ngumiti si anakin at tumango. Kinuha ko ang gamit ni kiro na nakalagay sa sofa. Nakasunod lang sya sa akin paakyat kung na saan ang kwarto ko. May kalakihan naman ang kama ko kaya kasya kami 'wag lang sya gumawa ng kalokohan kasi sa labas ko talaga sya patutulugin. Nauna na akong humiga. Tinalukuran ko rin sya. Hindi ko na alam kung anong oras sya tumabi sa akin o natulog dahil nang magising ako ay nakapulupot na ang braso nya sa bandang tyan ko at nakasuksok sa likod ko ang mukha nya. "Ang luwag luwag ng kama." Tulak ko sa kanya. Namilog pa ang mata ko ng makitang pumasok si mama sa loob ng kwarto. Nanliit ang mata nya at may nakakaasar na ngiti sa labi. Nasipa ko tuloy si kiro na naalimpungatan pa ata. "Ano ba." Aniya habang ginugusot ang parehong mata. Wala na sa pintuan si mama. Napasinghap pa ako nang hawakan ako ni kiro sa panga at iharap sa kanya. Namumungay ang kanyang mga mata at may maliit na ngiti sa labi. "Tsk. Mauna ka ng maligo." Tapik ko sa kamay nya. "Kiss.." Nandidiring tinignan ko sya. "Kilabutan ka." Tumayo ako at lumabas na ng kwarto. Nakasalubong ko pa si calla na halatang kagigising lang rin. "Namumula ka dyan, kuya." "W-what?! Anong namumula!" Naiiritang pinasadahan nya ang kabuuhan ko. "Ang ingay nyo naman. 4 am palang." Humihikab na sabi ni papa. Kumunot pa ang kilay nya nang makita ako. "May sakit ka? Namumula ka." "Told ya." "Wala..!" Umakbay si papa sa amin ni calla at iginaya kami pababa. Naabutan pa namin si mama na nagluluto ng almusal at ng babaunin namin. Mangha pa kaming nakatingin sa anim na lunch box ni mama sa mesa. Minsan lang sya mag-effort ng ganito. "Wow! My." Yumakap si calla sa bewang ni mama. "Para sa atin 'to." Naupo ako sa isang silya. "Gising na ba yung boyfriend mo, caliber?" Nilingon pa nila akong lahat. "Straight ako mama." "Straight like an octagon?" Natawa sila sa sinabi ni calla. Humalukipkip ako sa sulok. "Hindi straight yon, calla." "Exactly!" "In denial" sabay na sabi nila mama at papa. Padabog naman akong tumayo. Nakakaasar. Pag-balik ko sa kwarto ay nakaayos na si kiro pero hindi sya naka-uniform. Simpleng white t-shirt, at pants ang suot nya. Lumapit sya sa akin at yumakap. "M-maliligo pa ako.." "Okay!" Dali-dali kong kinuha ang tuwalya ko at dumeretso sa banyo. Napabuga ako ng hangin at tinignan ang sarili sa salamin. Napahawak pa ako sa bibig ko. Hindi pa sana ako kikilos kaso ay kumakatok na si kiro. Tinatawag na daw kami ni mama sa baba. ~°~°~°~°~°~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD