06
~•~•~•~•~•~
Marahan kong iminulat ang parehong mata. Napangiwi pa ako sa sakit ng katawan na parang daig ko pa ang nabugbog. Nang dumako ang paningin ko sa labas ay madilim pa.
Nasapo ko ang ulo ko bago maisipang tumayo. 4:30 palang ng umaga nang makatanggap na ako ng text galing kay mama na pinapauwi na ako.
Magpa-paalam na sana ako kay kiro kaso ay wala na sya. Bukas na rin ang pinto ng kwarto, sira ang pihitan.
Saan naman nag-punta 'yon?
Wala sya sa sala, sa labas o sa kusina. Sinubukan ko syang tawagan pero nakapatay ang cellphone nya. May napansin pa akong maliit na papel na nakadikit sa ref.
Hey, umalis ako. Pa-lock na lang ng pinto pag-alis mo.
Thanks.
Umawang ang labi ko at hindi makapaniwalang nilukot ang papel na yon.
G*go ba sya?! Tinakbuhan ba ako ng tang*nang yon?!.
Inis na inis ako hanggang makauwi sa bahay. Naabutan ko pa si calla na naga-almusal sa sala. Nag-salubong ang kilay nya at itinuro ang leeg ko.
"Kumain ka lang dyan." Tumango naman sya sa takot.
Nang makapasok sa kwarto ko ay hinagis ko ang bag ko sa kama.
Hay*p!
Hindi ko alam kung bakit galit na galit ako sa lalaking yon. Pero may karapatan akong magalit! R*pe yon diba? Pero puma...yag ako... Ah!! Basta wala talagang pagsisidlan pa ang nararamdaman kong inis at galit sa kanya.
"K-kuya?" Huminga ako ng malalim.
"Bakit calla?"
"Sasabay sana ako papasok. Nasira kasi yung bike ko."
"Okay. Hintayin mo 'ko maliligo lang ako."
"'kay."
Kinalma ko muna ang sarili bago pumasok sa cr. Nakita ko pa ang sariling katawan sa salamin na puno ng mga kiss mark na pulang pula at ang iba ay nagkukulay violet pa.
Pati sa binti, tagiliran ay meron din ako. Mabuti na lang at hindi kita ang iba pero yung sa batok at leeg ko ay hindi na kayang takpan pa ng uniform.
Pilit kong winawaksi sa utak ko ang nangyari kagabi. Nababaliw na rin ba ako kaya pumayag ako sa nangyari na yon?! Anong pumasok sa utak ko at hindi ko na nagawang umapela!
Pero umapela ako noong una! S'ya yung hindi nagpapigil!
Sinulyapan ko pa ang pulsuhan ko nang makitang may bakas din doon ng pagkakakatali sa akin.
Demonyo.
Marahas akong napabuga ng hangin bago lumabas sa banyo. Naghanap pa ako ng bandage na ipangtatakip ko sana sa leeg at balikat ko.
"Calla."
"Kuya?"
"M-may con--yung parang cream?" Mukha namang na gets na ang tinutukoy ko.
"Yari ka kay mama kapag nakita nya yan. Sa akin ay wala lang pero panigurado kay mama ay hindi okay yan." Napanguso ako.
Tama rin naman sya sa sinabi nya baka mabugbog pa ako ni mama kung saan ko nakuha 'to lalo na at kapwa lalaki ko rin ang may gawa.
Naiisip ko pa lang ang mangyayari kapag nalaman ni mama ay sumasakit na ang ulo ko. Hindi ko lang alam kung ano ang magiging itsura ni papa kung malaman din nya. Mabubugbog kaya ako??
Pero hindi ako gae!
"Ako na mag lalagay." Tumango ako.
Pinaupo pa ako ni calla sa sofa. Tumingala din ako nang umpisahan na nya ang paglalagay non sa leeg ko. Pati ang mukha ko ay nilagyan din nya para daw mag-pantay ang kulay.
Akala ko ay tapos na pero naglabas pa sya ng isang bagay na parang lipstick. Umiwas naman ako ng plano nyang ilapat sa labi ko yon.
"A-anong gagawin mo?"
"Uh, lipbalm 'to nanunuyo tapos... maga... kasi yung labi mo. Maganda 'to kuya." Ngiting ngiti pa sya. Hindi na ako umangal pa ng lagyan nya ako non. "Stay hydrated." Tinapik nya ako sa balikat.
Sinilip ko ang sarili ko sa salamin nang matapos kami. Hindi na nga halata yung mga pula-pula ang agaw pansin nalang ay yung bandage na nakalapat sa leeg at batok ko. Tinulungan din ako takpan ni calla yung pulsuhan ko.
"Masochist ka ba?" Nasamid ako sa sariling laway dahil sa tanong nyang iyon. "So bottom ka?" Sinamaan ko sya ng tingin pero hindi nya ako pinansin.
Ang hayop ng kiro na 'yon ang hilig mangagat dati ba syang aso?
"Tara na, kuya!" Tinanguan ko si calla.
Sinigurado ko munang nakalock ang pinto, bintana at gate bago kami umalis.
Sa likod ko sya pinaupo. Kinuha ko ang bag nya at isinukbit yon sa harapan ko.
"Kuya..."
"Hm?"
"Narinig ko sila mama. Aalis daw si papa papuntang laguna next week. Nandon daw kasi ang isang client nya."
Hindi ako nakasagot. Kung sa laguna pupunta si papa e di ibig sabihin ay matatagalan sya sa pag-uwi? Madalas kasi na kapag sa malayo ang trabaho nya ay inaabot sya ng 2 to 3 weeks bago umuwi. Hindi naman na bago sa amin 'yon pero kasi napansin ko lang nitong mga nakaraang araw ay hindi mapakali si mama o kaya naman ay lagi nyang hinahanap si papa.
"Pumayag si mama?"
"Yep. Uuwi din daw agad si papa, baka nga hindi na daw abutin ng dalawang linggo sya d'on."
"Mabuti naman."
Nang makarating kami sa school ay inihatid ko muna sya sa classroom nya. Marami syang kaibigan na sumalubong sa kanya.
"Sunduin mo ako mamaya ha?!" Tumango ako.
"Makinig ka sa teacher mo ha?" Ngumiti sya bago kumindat at mag-thumbs up.
Naririnig ko pa ang mga tanungan ng mga kaklase nya tungkol sa akin pero ni isa sa mga yon ay wala syang sinagot tanging tawa lang.
"Cali!" Hindi ko pinansin yung tumawag. "Alam mo ba, nag file ng leave of absence si kiro." Nilingon ko si gio.
"Bakit?"
"Ayaw sabihin ng mga teacher e. Nakasalubong ko sya kanina ang dami nyang bantay." Nangunot ang noo ko. "Hindi ko nga nagawang lumapit o kahit batiin sya e."
"Na saan na sya?" Nagkibit balikat lang sya.
"May sumundo kanina sa kanya."
Hindi na ako nag-tanong pa. Pag-dating namin sa classroom ay nakatingin na silang lahat sa akin. Naupo ako sa upuan ko at nagkalumbaba.
"Good morning." Bati sa akin ni nayah.
"Morning." May inilahad syang sandwich and cookies.
"Gawa ko yan." Ngiting aniya.
Sakto hindi pa ako kumakain!
"Thanks."
Ngumiti lang sya bago maupo sa upuan sa likuran ko. Isang kagat palang ang nagagawa ko ng pumasok na ang teacher namin sa first subject.
Ibinalik ko iyon sa pagkakabalot. Nilingon ko si nayah na nakangiti sa akin. Kahit papaano ay hindi na sya naiilang o kaya ay nahihiya.
"Thank you." Tumango sya.
"Sabay tayo mag-lunch mamaya?" Nagulat ako sa tanong nya pero agad din namang nakabawi.
"Sure."
"Mr.ferrera, mamaya na kayo mag lovey dovey ni ms.lim"
Napaayos naman ako sa pagkakaupo dahil sa sinabi ni ma'am. Nakangisi pa sya sa akin.
"Absent lang si lopez e." Dagdag nya.
Hampasin ko kaya 'to ng upuan sa mukha?
Walang umimik sa mga kaklase ko. Takot sigurong masaktan. Sinamaan ko ng tingin si miss na mukha namang natakot kaya naitikom nalang nya ang kanyang bibig.
Kunwari syang umubo bago mag-patuloy sa pagtuturo nag-patest din sya matapos. Sa mga sumunod pang subject ay naging ganon din.
Magtuturo at magpapa-quiz sa huli. May nabubukod tangi lang talaga na teacher na quiz muna bago mag turo.
Ng lunch break ay kasama ko si nayah sa cafeteria, sumabay din sila gio, ali at anakin sa amin. Nakasalubong pa namin sila dash at eli na nagpapalingalinga sa loob. Naghahanap ata ng pupwestuhan.
Nakikitawa pa ako sa kalokohan nila gio hanggang matapos ang break. Ang balak nila na pumunta sa bahay ni kiro ay hindi natuloy dahil sa biglaang pag-alis ni kiro na kahit isa sa amin ay walang nakakaalam kung saan sya nag punta. Matapos ang klase ay sinundo ko si calla na balak daw manood sa practice namin.
"Next week na ang laro nyo laban sa kabilang school." Sabi ni coach.
"Sino ba ang nag-hamon coach?" Bagot na tanong ni cian.
"Team captain nila. Galingan nyo! Ipakita nyo sa kanila kung sino ang binangga nila." Sabay sabay naman kaming sumagot ng "Yes! Coach!"
"Marami din tayong game practice laban pa rin sa mga kabilang school para sa paghahanda sa sport fest."
"Matagal pa naman yung sport fest coach." Saad ni brian.
"Kahit na. Marami talagang naghahanda ngayon kasi graduating tayo. May mga representative ang iba't ibang college school ang manonood sa araw na yon." Pasaring na saad ni ms.manager.
Tama naman sya. Marami talagang magseseryoso kahit na practice lang para maging angat sila at bigyan na pagkakataon makapili ng school.
Parang bihira nga ang may mga baseball sport sa college university ngayon e. Kadalasan ay mapipilitan pang pumunta sa ibang bansa para lang mapagpatuloy ang paglalaro.
Wala naman akong balak ipursue ang sarili ko na maglaro hanggang makatapos ng college. Sapat na sa akin na makalaro hanggang college then after that maghahanap na ako nag trabaho na kikita ako ng malaking halaga.
"May school ka na ba na napili para sa college?" Nilingon ko si anakin.
"Wala pa. Ikaw ba?" Nagkibit balikat sya. Undecided pa nga rin ako para sa course na kukunin ko.
Wala naman akong balak na mag pulis o mag law tulad nila mama at papa. Wala rin akong balak na magdoctor o mag engineering tulad nila ali, gio at anakin.
Gusto ko nga sana mag arki ang kaso naman ay hirap ako mag manage ng oras ko para sa school at sa sports. Pero pagiisipan ko pa rin.
"Okay guys! 50 push ups and 15 laps! Paikot sa field ha!" Sigaw ni ms.manager.
Sinamaan pa nya ng tingin ang mga nagrereklamo. Nag-stretching muna ang lahat exempted pa rin ako sa practice dahil sa mga galos ko. Biruin mo yun mas nangingibabaw pa yung mga ginawa ni kiro sa katawan ko kesa sa bugbog ni gallio.
Nilingon ko si calla na nakikipag-kwentuhan sa mga kasama nyang kaklase.
------
Angkas-angkas ko si calla sa bike ko pauwi. Ganon din ang nangyari sa mga sumunod pang araw. Ng sabado ay pinaayos na ni mama ang bike nya. Hapon na nang inihatid namin si papa sa airport papuntang laguna.
Kinagabihan ay nag-aya si mama sa park na pinuntahan ko noon. Dumaan din kami sa tindahan ni manong cotton candy.
"Hello, nay." Kaway ko sa pinagbilhan ko dati ng keychain na gamit na ni calla, yung headband naman ay hindi ko alam kung saan ko naiwala o baka naiwan ko sa bahay ni kiro.
Nanood pa kami sa bandang tumutugtog. Tinanong ko pa si calla kung anong title non.
"Everything I was.."
"Sino kumanta?"
"Yung version na kinakanta nila is yung sa nightcore." Tumango tango ako.
Ala-una ng umuwi kami sa bahay. Si mama na dumeretso na agad sa kwarto nila para makapagpahinga at kami naman ni calla ay tumambay pa sa kusina at kumain ng chips.
"Kuya, hindi ka na nawawala bigla ha." Puna nya.
"Uh, hahaha."
Ilang araw ko na ring hindi nakikita si kiro. Mas naging maayos nga ang mga araw ko nang mawala sya pero hindi ko pa rin maiwasan na magtanong kung sino yung mga kasama nya at sumundo sa kanya tulad nang sinabi ni gio.
Kapag ba nag-kita ulit kami ay puro sugat na naman ba sya? Bakit ba ang dami nyang issue sa buhay?
Napabuntong-hininga na lang ako sa sariling naiisip. Hindi kami naging maayos pero hindi ibig sabihin non ay hihilingin ko na mamatay nga talaga sya.
Well, not yet. Hindi ko pa sya nasasaktan dahil sa ginawa nya sa akin.
Hindi talaga mapanatag ang loob ko sa hindi ko malamang dahilan pakiramdan ko ay may malaki syang problema at wala syang mapagsabihan kaya kinikimkim na lang nya.
Wala naman akong magagawa kung ayaw nyang mag sabi ang kaya ko lang gawin ay maupo sa isang tabi at hintayin sya na mag-kusa.
Nag-kwento pa si calla ng mga bagay bagay bago sya mag-pasya na matulog na. Ako naman ay pumanhik na rin sa kwarto ko para mag scroll sa socmed habang nakahiga.
Wala pa rin kaming balita kay kiro simula nang umalis sya. Pinatawagan pa nga sya sa akin ni coach pero hindi sya sumasagot o kaya ay nakapatay ang cellphone nya.
Nung lunes ay naghanda na kami para sa laban ng team namin. Hindi ako pinasali ni coach bilang punishment. Pero ayos lang dahil naituro ko naman kila dash ang mga dapat na ituro at kahit na wala ako sa laro ay nagagawa ko naman mapanood sila at masigurong may improvement.
First to third innings ay lamang ang kalaban at nang-aasar pa. Sinasabihan na rin kami ng captain nila na ipasok na ako sa laro pero hindi pumayag si coach.
Masyadong mayayabang.
Hindi rin naman ako nag-pumilit. Tumawag ang kabilang team ng time out nakangisi pa sila sa amin habang naguusap-usap.
"Tama na yan, castillo, mag-seryoso na kayo sa paglalaro." Natawa naman si anakin.
Nagulat pa yung limang baguhan. Akala ba nila na hahayaan nila anakin na matalo ang team?
Sumandal ako sa bleachers. Ang team namin ang hitter, si dash.
"Asuncion! Yung tinuro ko sayo." Sigaw ko. Tumango sya sa akin.
Natamaan naman nya ang bola at mabilis na tumakbo papunta sa first base. Nag-thumbs up ako.
Naging maayos ang sumunod na innings at kami ang naging lamang at nanalo sa huli. Sunod sunod na rin kasi ang home run namin. Inasar pa ni gio yung kalaban na halata namang napipikon. Hinila tuloy sya ni ali papunta sa pwesto ko.
"Nice game." Sulpot ng coach nila sa harap ng coach namin.
Ganyan ang napapala ng mga mayayabang. Nag-paalam na ang kabilang team saktong breaktime na rin kaya marami ang tumitigil para tignan kami.
Bakit pa ako pinatawag dito. Hindi naman pala ako paglalaruin kahit isang inning.
"Una na ko sa cafeteria." Tapik ko sa balikat ni anakin. Tumango sya.
"Ilibre mo ako. Sabi ko sayo mananalo tayo e." Aniya. Natatawang tumango ako.
Alam ko naman na mananalo kami. Halatang puro yabang lang kasi ang kalaban.
"Cali!" Kinawayan ko si nayah.
"Sabay ka na samin mag-lunch." Tumango sya. "Nagpapalit pa ng damit sila castillo e."
Sabay kaming pumasok sa caf at pumila sa counter para bumili ng pagkain. Nagtanong pa kami kung ano yung mga bagong tinda nila.
"Gusto ko pa naman manood kanina kaso hindi pwede." Aniya.
"Naging maayos naman ang laro..."
"Nakapag-laro ka??" Natatawang umiling ako.
Nakapag-kwentuhan pa kami tungkol sa iba't ibang bagay bago dumating ang buong team namin. Tumabi si ms.manager kay nayah.
"Wow. Ferrera. Si castillo lang talaga binilhan mo?? Paano kami??" Nagdadabog pa si gio. Binatukan naman siya ni ali.
Para talagang mga bata.
"Hi, ms.lim." bati ni ms.manger kay nayah na ngumiti naman. "Kayo ba nitong si ferrera??" Panunukso nya.
Namula naman si nayah. Nagsilingunan sila sa akin kaya umiling ako.
"Bawal yan. Akin yan e." Nagusot ang mukha ko sa sinabi ni anakin.
G*go.
Nagkatuksuhan pa sila at kadalasan na ako at si anakin ang pinupuntirya. Biruan lang naman yon kaya hindi ko na pinagaksayahan pa ng oras at nakisali na lang.
"Team pa rin naman tayo kahit mag-jowa na ang iba sainyo." Nakangusong sabi ni cian habang nakatingin kila ali at gio.
Akala ko talaga gustong-gusto nya si calla kaya hindi ko inaasahan na magiging sila ni ali. Wala namang problema sa akin kung sino ang gusto nya, kung saan masaya ang mga kaibigan ko ay doon ako.
"Kuya." Nilingon ko si calla na nakatayo sa gilid ko. Natigilan si gio sa pakikipagharutan kay ali na sumama naman ang itsura.
Oww! Away!
"Bakit?"
"Pahingi ako ng p---"
Gio cut her words. "Ito oh." Abot nya ng pagkain nya kay calla.
"Gio." Nagbabantang tawag ni ali sa kanya. Mukha namang natauhan sya.
Inabutan ko lang ng pera si calla para makaalis na. Bigla tuloy naging tahimik sa mesa namin. Nagulat pa kami ng tumayo si ali at umalis. Napayuko nalang si gio.
"Gio, sundan mo." Sabay pa namin na sabi ni ms.manager.
Napabuntong hininga sya bago tumayo at patakbong umalis.
Tapos na ang break pero si gio lang ang bumalik mukhang pag-tapos ng lunch break ay pag-tapos din sa relasyon nila ha.
Hindi man lang ba sila tatagal ng ilang linggo? Free trial lang ba sila?
Tapos na ang klase ng bumalik si ali para kunin ang bag nya. Hindi nya kami nilingon at basta nalang na umalis.
Tinapik ko sa likod si gio na nakayuko. Prente pa akong nag-lakad papunta sa building nila calla para sana sunduin sya. Kumaway pa sya sa akin at patakbong lumapit.
"Una na ako ha!" Sigaw nya sa mga kaklase nya.
Paguwi sa bahay ay naligo lang ako bago maupo sa study table ko. Seryosong sinasagutan ko ang mga assignment na binigay sa amin.
Sa sumunod pa na dalawang linggo ay naging maayos ang buhay ko dahil walang peste na gumugulo sa akin. Umuwi na rin si papa at kumuha ng one week day off.
Sya ang nagluluto sa amin ng almusal, naghahatid sa school at sumusundo kay calla. Minsan ay nanunuod pa sila sa practice namin para hintayin ako.
Si mama naman ay nag day off din ng three days sa trabaho nya. Kami ni calla ay hindi na rin muna pumasok ng friday dahil nag-book si papa ng three days vacation sa isang beach.
Naiiling pa ako sa mga chats ni gio sa gc ng team namin. Nakikisabay din naman ang mga kasamahan namin.
(GC KA SOHO)
Giovanni the great
~Pasalubong!!
Anakin Castillo
~Bilhan mo kami ng mga pasalubong!
Ali
~Gusto ko yung matamis.
Dash Asuncion
~kahit ano sa akin
Coach
~Kahit ano rin sa akin. Pero sana chocolate.
Caliber
~Hindi ako sa abroad nag-punta mga t*nga.
Coach
~Sinong t*nga, ferrera?
Caliber
~Sila coach.
Giovanni the great
~Basta pasalubong ng buong team ha.
Anakin Castillo
~Oo nga!
Kiro Lopez
~Yung akin naman kukunin ko pag-uwi mo.
Anakin Castillo
~Akin si cali kasi besfren ko yan.
Kiro Lopez
~Mamatay na nagtanong :)
Nagsalubong ang kilay ko ng makita ang pangalan ni kiro doon. Weeks syang walang paramdam at noong nakaraang araw lang sya tumawag ng isang beses matapos non ay wala na tapos aasta sya na parang mag-kaibigan kami?
Asa.
Napasimangot ako sa kakapalan ng mga mukha nila. Ang iba pa sa team ay sumusulsol pa na damihan daw. Hindi na ako nag-seen dahil baka may mag-away pa sa chat o kaya ay may idagdag pa sila.
Naisipan ko na iignore message nalang yung gc dahil nagkakagulo na ang mga sira*lo.
Tanghali na ng dumating kami sa resort. Wala masyadong tao doon at malinaw din ang tubig. Tinulungan ko pa si papa na dalhin ang bag namin.
"Bakit dala mo yung bag mo sa school??" Tanong ko kay calla.
"May exam kami sa monday, 50 items."
Wow! Nakakahiyang dumikit dito masyadong focus sa pagaaral.
Ginulo ko ang buhok nya bago sya akbayan. Tsaka ko lang sya binitawan ng nasa loob na kami ng bahay na nirentahan ni papa ng 3 days.
May maliit na kusina, banyo at dalawang kwarto doon. Si mama at calla ang mag-kasama at kami naman dalawa ni papa sa isa pa.
"Ma, pasalubong daw nila coach." Tumango si mama. Niyakap sya ni papa at hinalikan sa labi.
"Wow, sa harap ko pa talaga?" Sabi ko. Natawa silang dalawa. Sinenyasan pa ako ni papa na umalis kaya sumunod nalang ako.
"Mamaya na kayo mag-swimming. Mag-pahinga muna kayo." Pahabol na sabi ni mama.
Naupo ako sa tabi ni calla na nakaupo sa tapat ng pinto habang umiinom ng milkshake na binili ni mama kanina.
"Mag barbeque kaya tayo mamayang gabi?" Tanong ko. Nilingon nya ako at tumango tango.
Sumandal sya sa akin. Napahikab pa kaming pareho.
"Sabi ni mama malapit lang daw 'to sa bayan. Ayain natin sila don bago tayo umuwi." Inakbayan ko si calla.
"Gusto ko pa naman bumili ng pasalubong sa mga kaklase ko." Aniya. Ginulo ko ang buhok nya.
Bakit parang required na dapat may pasalubong kami pauwi?
Ilang minuto pa kami nanatili sa labas bago pumasok. Nasaktuhan pa namin si mama na nagluluto habang nakayakap sa likod nya si papa.
"Get a room guys." Pasinghal na saad ni calla. Tumawa naman si papa.
"Si mama mo kasi pinaglilihian ako."
Nagkatinginan kami ni calla sa sinabi ni papa. Pigil na pigil sya sa pag-ngiti at marahan pang tumango para kumpirmahin ang nasa utak namin.
"One month pregnant si mama nyo." Anunsyo ni papa. Ngumiti si mama sa amin.
Wow nakabuo pa sila?! I mean yeah, pwede naman... Kaya pala ang ingay nila kapag gabi.
"Noong nakaraang linggo pa nya alam tapos kagabi lang nya sinabi." Nagsusumbong ang tono ng boses ni papa habang nakanguso sa amin.
"Congrats, guys!"
Lumapit pa kami ni calla sa kanila at yumakap ng mahigpit. Akala ko ay ayos na ang lahat pero hindi.
"Ma, si kuya... Gae." Inis kong nilingon si calla na nakangiti lang.
Bumitaw si papa at mama sa akin. Hindi ako nakasagot o nakapag-protesta dahil sa tingin nila. Hinawakan ni mama ang mukha ko si papa naman ay umakbay sa akin.
"Tanggap ka namin." Ngiting sabi nila. Napaismid ako.
"I-i'm not...gay." nakangusong sabi ko.
Ginulo ni papa ang buhok ko at halikan ako sa sintido. Hindi sila naniniwala. Mukha ba akong bakla sa paningin nila?!
Ipipilit ko pa sana na hindi nga ako baliko ang kaso ay hinila na ako ni mama paupo sa isang silya. Sinamaan ko ng tingin si calla na ngumiti lang sa akin.
Bumuntong hininga ako. Disappointed ako! I feel betrayed.
"Hintayin nyo nalang matatapos na akong mag-luto." Sabi ni mama na nakangiti.
Bumalik pa si papa sa pagkakayakap kay mama. Nakita ko pa kung paano tapikin ni mama ang kamay ni papa.
"Nakita mo yon? Mapanakit talaga 'tong mama nyo." Naiiling na lang ako kay papa.
Sana ay humaba ang oras o kaya ay hindi na matapos ang araw na ito.
~°~°~°~°~°~