Chapter 7

1483 Words
Chapter 7 Bago pa magkagulo ulit ay pumagitna na ko sa kanilang dalawa at inawat sila. “Ryx, Jackson, tama na yan.” Hinawakan ko ang braso ni Ryx at napatingin naman siya doon pagkatapos ay sumulyap ako kay Jackson na nakatitig din sa kamay kong nakahawak sa braso ni Ryx. ”We'll see each other again, Jackson sa shoot. Ryx let's go.” hinila ko na si Ryx papalayo doon. Blanko ang mukha nito habang naglalakad kami pabalik sa cottage.  “Asan si Valerie?” tanong ko. Bumaling siya sa akin. Saglit niya kong pinakatitigan bago nagsalita.”Pinaalis ko na.” Napatango-tango ako. Then he sigh.”I'm sorry. Masakit pa ba?” he asked worriedly. Sinundan ko ang tinitignan niya at iyon ang braso ko na kinalmot kanina ni Valerie. May band-aid na iyon ngayon. “Okay na. Ayos lang. Hindi naman malala e.” sagot ko. Nang makabalik kami sa cottage ay lahat sila nakatingin saamin. “Bakit ang tagal niyo?” tanong agad ni Jack. “Ayos kana ba, Avs?” tanong naman ni Calder. “Pinaalis mo na ba si Valerie, kuya?” tanong naman ni Trek. “What happened to the two of you?” tanong naman ni Ephraim. Hindi sila sinagot ni Ryx at dumiretso sa loob at kasama akong tinangay papasok sa cottage. Sa tingin ko wala siyang balak sagutin ang mga tinatanong ng mga pinsan niya sa kaniya. Napaupo ako ng umupo si Ryx samantalang pasipol-sipol lang ang mga pinsan niya at ang kapatid niya. Nang gumabi na ay napagdesisyunan na naming umuwi. Lalo na nang tumawag si tita Rea at sinasabing hinahanap na ko ni Lolea. “Tita Avs!” agad na bungad sa akin ni Lolea ng makauwi kami, mugto ang mata niya nang nakita ko.”When I wake up you're not here anymore I thought you already leave.” she reasoned out, pouting. “I'm sorry, lollipop.” Napanguso ako at nanggigil na kinurot ang matambok na pisngi ng bata. “Ah. Ako ang daddy noh?” pabirong singit sa amin ni Calder.”Nagseselos na talaga ako kay tita Avs mo.” dagdag pa nito. Parehas naman kaming napatingin sa kaniya ni Lolea at sa kaniya naman nagpakarga ang bata. Pagkatapos ay nawala na sa paningin namin si Calder at si Lolea. “I'm sorry, Avs. Kinailangan niyo pang umuwi bigla.” lapit sa akin ni tita Rea. Napatango ako. “It's fine, tita Rea. Naenjoy ko naman atsaka balak na po talaga naming umuwi kanina nasaktuhan lang na tumawag din po kayo.” paliwanag ko. “May shoot po kasi ako bukas.” dagdag ko pa. “Shoot? Work? I thought nagleave ka for a vacation?” nagtataka niyang tanong. “Uhm. Yeah, kaya lang po hindi ko naman mahindi-an ang nagrequest. It was the owner of Demoure Hotel & Restaurant. Kilala ko po kasi ang pamangkin nito.” I answered. Tita Rea looks at me amazed.”Wow. That's great! I mean Demoure is one of the elites here in Caligtan. So you know Crisanta’s nephew, is that it, hija?” “Ah, opo. Si Jackson Demoure my co-model, tita niya po ang may-ari ng Demoure.” sagot ko. Again, napatango nanaman si tita Rea pero this time hindi na siya nagtanong pa tungkol doon. “Kumain na ba kayo ng hapunan? Ang tito Ryd niyo lumuwas ng Manila. Biglaan.” Napatango kaming lahat. “Are you sure you're accepting that offer?” nagulat ako ng biglang sumulpot sa tabi ko si Ryx. “Ah. Y-yeah. Why?” Nag-isang linya ang labi niya.”I just don't like that guy.” masungit niyang sagot. Napatango ako at sa hindi malamang dahilan ay napangiti ako. “Don't worry.” tinapik ko ang balikat niya.”Jackson is a professional model. Isa pa hindi niya ko nililigawan. Trabaho lang iyon.” I assured him. Kita ko sa mata niya ang pagtutol kaya nagulat ako ng tumango siya sa akin. “Can I come with you?” he asked. “Saan?” nalilito kong tanong. “Sa work mo.” he answered casually. Kahit naweweirduhan ay pumayag ako. Kinabukasan ay nagulat ako ng sunduin ako ni Jackson sa mansion ng mga Stallix. Nakaparada ang sasakyan niya sa labas ng gate at sakto namang lumabas na kami ni Ry at nakasalubong siya. “Jackson, anong ginagawa mo dito?” gulat kong tanong. “I am about to fetch you.” sagot niya. “Ah. Kasi...” napabaling ako kay Ryx. “Ryx will drive me off to Demoure.” Matagal bago siya nakaimik at sa huli ay tumango na lamang. “Well, I guess I'll see you in Demoure then.” Jackson smiled and left. “Asshole.” rinig kong pasimpleng sinabi ni Ryx. “Ryx?” natatawa kong tawag sa kaniya. “What?” kunot-noo siyang bumaling sa akin. “Wala. Let's go. Andoon na ang manager ko.” sabi ko at sabay iling. “Hanggang kelan 'yang trabaho mo sa mga Demoure?” tanong niya habang nagmamaneho. “Hmm...isang araw lang ang photoshoot.” Sagot ko. “Sure ka ba na sasamahan mo ako? Baka mainip ka lang doon?" humarap na ko sa kaniya. Umiling siya at sumulyap sa akin. Nang makarating kami ay agad akong sinalubong ng manager ko saglit pa itong natigilan ng makita si Ryx na kasama kong dumating. “Jowa mo?” usisa niya sa akin habang nakatingin kay Ryx na seryoso lang sa tabi ko na nakamasid. “Baka.” natatawang sagot ko sa kaniya. Napailing na lang siya at sinamahan na kami sa loob. Minake-upan ako pagkatapos ay binihisan ng two piece na kulay asul na may design na pang Hawaiian style. Nakalugay din ang buhok ko at nang ready na ang parehas na model ay nagsimula na kami sa shoot. We were about to start the shoot pero tinawag ako ni Ryx kaya naman nagpaalam muna ako saglit. “Bakit?” tanong ko nang makalapit na sa kaniya. Natulala ako ng halikan niya ko sa noo, ilang minuto din akong nakatanga sa harapan niya hanggang sa tinawag ako ni Jackson. Mukha itong iritado habang nakatingin kay Ryx pero hindi ko na iyon pinansin at nagsimula na ang photoshoot. Si Amanda ang photographer at napapailing ako dahil mukhang distracted siya sa presence ni Ryx. 10 shots and we're finally done. Saglit lang ang photoshoot dahil hindi naman nahirapan si Amanda sa pag kuha ng mga magagandang litrato sa amin ni Jackson. “Siguradong pagkakaguluhan ang Demoure pag nalaman nilang ikaw ang endorser dito.” komento ni Amanda sa akin habang may sinusupil na ngiti sa labi. “Pero you know what, Avs mukhang may chemistry din kayo ni Mr. Ryx Stallix.” lahat kami ay napabaling kay Ryx na parang model na nageendorse ng kape habang sumisimsim sa hawak nitong tasa. Nasa veranda kami at ang ganda ng tanawin dito. “Huwag mo ng subukan, Amanda. Hindi mo mapapapayag si Ryx.” iling ko ng muli akong magbaling ng tingin kay Amanda. “Hindi naman ako ang pipilit e,” nakangisi niyang sabi. “Ikaw.” dagdag niya pa. “No way! Hindi gusto ni Ryx ang mga ganito, Amanda.” umiling ako. “Well...soon.” iyon na lamang ang sinabi ni Amanda. “So, paano kayo nagkakilala ni Ryx Stallix, Avs?” talagang hindi kami tatantanan ni Amanda. “Well...long story.” I laughed. “Jowa mo yan noh?” malisosyong tanong niya pa. Halos mabilaukan naman ako sa prangkahang tanong ni Amanda lalo na sa harap ng maraming tao. Nakita ko na pati ang manager ko at si Jackson ay puno ng kuryosidad na bumaling sa akin at naghihintay ng isasagot ko. “Hindi.”umiiling na sagot ko. “E ano?” usisa ni Amanda. “What’s your relationship with Mr. Ryx Stallix?” “Soon.” nagulat ako ng si Ryx ang sumagot. Hindi ko alam na nakikinig pala siya sa usapan naming. Nakakahiya! Kanina pa ba siya nakikinig? Tumingin siya sa akin at mukhang wala ng planong dugtungan ang sinabi kanina. “Pupunta ako sa bayan. Sasama ka?” tanong niya sa akin. “Sige.” Akmang tatayo na kaming pareho ng magsalita si Jackson. “Can you stay a little bit longer, Avs?” tanong niya. Nakita kong napalunok si Amanda at nag-iwas ng tingin sa amin, ang manager ko naman ay parang wala nang naririnig. What's wrong with them? “She's done here. Tapos na ang trabaho niyo.” si Ryx ang sumagot. Ang lamig ng boses at tila nagwawarning ang tono. Hinawakan ni Ryx ang baywang ko at iginiya na.” Let's go.” tulad dati ay hindi nanaman ako nakapag-paalam kila Amanda. I'll just text them later. “Hindi ba puwedeng mag-iba ka ng partner sa mga photoshoot niyo?” “Huh?” “Damn. Nevermind.” he looks like frustrated about something. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD