Chapter 6
Kinaumagahan nag-aya si Trek at Jack na magbasketball silang magpipinsan. Ako naman iniisip ko kung anong gagawin ngayong araw, pina-plano ko din kasing magswimming kaso mga bandang hapon pa iyon dahil ang ganitong orad ay masiyadong mainit at masakit sa balat ang sikat ng araw. Stallix's hometown which is Caligtan Province is one of the Beautiful tourist spot in the Philippines dahil na sa napakagandang karagatan na meroon ang Caligtan, ang kaso nga lang hindi lahat ng mga tourista ay allowed dito... mahigpit kasi ang seguridad sa Caligtan na hindi naman na nakakapagtaka dahil ito ang hometown ng pamilyang Stallix.
“How about you, Avs?” baling sa akin ni Calder.
They we're all looking at me as they wait for my answer.
I stared at them blankly. Hindi ko pa naiisip kung ano ang plano ko ngayong araw kaya nagkibit-balikat ako.
“Well she can watch us while we're playing. Isa pa mas gaganahan si kuya Ryx kung nandoon si Avresia.” nakangising suhestyon ni Trek. Trek is Ryx's younger brother. Magkamukha ang dalawang magkapatid iyon nga lang mas manly at matured ang pangangatawan ni Ryx kaysa sa kapatid.
“Oh, ayon naman pala! After the game we could take a rest tapos maligo na tayo sa dagat?” suhestyon naman ni Jack.
“Sige! Si Avs na lang ang hinihintay. Ano ang desisyon mo?” sinabi ni Ephraim at sabay lingon sa akin.
Tipid akong napangiti at tumango. “That's good. Iniisip ko din na magswimming mamayang hapon kaya....okay ako sa plano niyo.” nakangiti kong sagot pagkatapos ay tumayo na at nauna nang lumabas.
Ilang kilometro lang ang layo ng court sa mansion ng Stallix kaya naman hindi na kami nag-abalang magdala ng sasakyan at sa halip ay nilakad na lang namin ang papunta doon.
Nang makarating kami sa court medyo madaming tao na ikinapagtaka ko. Nang makita ng mga babae sila Ryx agad namang nagsi-tilian ang mga ito na nasa bleachers. Tapos ang limang lalaki na nasa ring ay napatingin na sa gawi namin.
Ryx lead me to the first row of the bleachers.
“Dito ka lang kapag time out at tapos na ang laro, rito kita babalikan.” bilin niya. Nilapag niya ang dala-dalang bag sa gilid ng upuan ko.
Hinimas niya ang balikat ko at bahagya pang kumunot ang noo. Parang may gustong sabihin pero sa huli ay bumuntong hininga na lang siya at bumalik na kila Trek. Ako naman ay napagpasyahan na lang na umupo at binalewala ang bulong-bulungan ng mga tao sa paligid lalo na ng mga babae. Pero nagulat ako ng patakbong bumalik si Ryx sa akin kaya naman awtomatiko akong napatayo.
“B-bakit?” tanong ko sa kaniya.
Hindi siya sumagot, matagal at mariin niya lang akong pinakatitigan bago ang sumunod na ginawa ay nakapagpabigla sa akin.
Hinalikan nanaman niya ko sa noo... huling beses niyang ginawa iyon ay noong grumaduate ako ng college pagkatapos noon ay hindi na kami madalas magkita at naging busy na din kami sa sariling buhay na meroon kami.
“I just need it.” he smirked at me, hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya. Iyon bang ginawa niyang paghalik saakin sa noo?
He left me doumbfounded habang nakita ko naman sila Jack na nakangisi at iiling-iling sa amin at nang makalapit na sakanila si Ryx nakita kong kinantyawan nila ito samantalang hindi naman kumibo si Ryx at nagsimula na ang laro nila. Hindi ko alam kung laro pa ba ang tawag doon... halos lamunin na kasi nila ang mga kalaban sa court.
Nang huling laban na nagulat na lang ang lahat ng magka-initan si Ryx at ang isang player ng kabilang team sa basketball court.
“f**k you! Pipili ka ng babaeng babastusin, gago!” Ryx growled. Galit na galit ito, kita ko ang ugat nito sa leeg na nanggagalaiti habang hawak-hawak ang kwelyo ng damit ng lalaki na hindi makapalag kay Ryx dahil dehado ito sa pangangatawan.
Tumayo na din ako at binitbit ang bag ni Ryx at balak sanang umawat pero biglang sumulpot sa harap ko si Trek.
“Avs.” hinarang ako ni Trek kaya natigilan ako at nilingon siya. “Dito ka lang baka mapano ka pag lumapit ka roon.”
Hindi na ko nagpumilit pa na makalapit kay Ryx at tumango na lang kay Trek. Wala din naman akong magagawa kung lalapit ako doon.
“I’ll make sure you will regret it if you ever stare at her like that.” Mas lumapit si Ryx sa lalaki at tinapatan ang titig nito tila nagbababala.”I’ll f*****g mess with you until you regret meeting me.” I couldn’t hear what Ryx told the man, pero kita ko ang takot sa mga mata ng kausap ni Ryx at ang paglunok nito. Pagkatapos pabalyang binitawan ni Ryx ang kwelyo ng lalaki at lumingon sa kung saan, mabilis na nagpalinga-linga ng hindi makita ang hinahanap niya.
“Kuya!” tawag ni Trek sa kaniya.
Lumingon si Ryx kay Trek at bumaba ang tingin nito sa akin at tsaka naglakad papunta sa amin.
“Uuwe na tayo.” he said coldly at kinuha ang bag na hawak ko.
Tahimik kaming naglalakad ni Ryx pabalik sa mansion at sa tuwing napapagawi ang tingin ko sa kaniya nakikita ko ang galit niya na hindi pa din humuhupa. Iniisip ko tuloy kung ano ba ang ikinagalit niya? Ano kaya ang pinag-awayan nila sa court kanina? Was it because of the game?
“Damn!” huminto siya at salubong ang kilay na hinarap ako.
“Bakit kasi nagmodel ka pa!” badtrip niyang reklamo.
Napanganga ako.” Huh? Ano bang nangyayari?” naguguluhan kong tanong, nabibigla sa kaniya.
“That asshole! He's fantasizing you in front of me!” he said, gritting his teeth.
Natigilan ako...unang pumasok sa isip ko nagagalit siya dahil sa akin? At huli ko nang naisip na nabastos ako doon ng wala akong kamalay-malay.
“Ryx! Avresia!” gulat na tawag sa amin ni tita Rea. Marahas na lumingon si Ryx kay tita Rea halatang hindi pa din humuhupa ang galit na nararamdaman. “Tapos na agad ang laro? Asan sila Trek? “ tanong ni tita Rea kay Ryx.
“Ah nai—“
“Naiwan, ma. May tinuturuan lang ng leksyon.” putol ni Ryx sa sasabihin ko. Saglit niya kong sinulyapan bago ibinalik muli ang tingin kay tita Rea.
“Ano nanaman ang ginawa niyong gulo doon, Ryx?” masungit na tanong ni tita Rea sa anak.
“I teach them not to mess with my girl, ma.” diretso at seryosong sagot naman ni Ryx.
Pagkatapos ay bumaling sa akin si tita Rea sa nag-aalala nitong mukha. “What happened, Avresia? May nangyari ba sa iyo? What did they do?” sunod-sunod niyang tanong sa akin.
Napangiwi naman ako doon dahil sa kahit na ako ay hindi ko din naman alam na nabastos na pala ako doon habang walang kamalay-malay na nakaupo at nanunuod.
“Let's just not talk about it, ma. Pumasok na tayo sa loob.” si Ryx ang sumagot.
“Ano 'yong naririnig ko?” mula sa b****a ng mansion ay lumbas si tito Ryder.”Hun, bakit bigla kang nawala? Pag gising ko wala ka na sa tabi ko. “ may bahid ng pagtatampo sa tono ni tito Ryder, natawa lang doon si tita Rea pero hindi sumagot.
“And as for you young man. Asan ang kapatid at mga pinsan mo?” salubong ang kilay na tanong ni tito Ryder kay Ryx na alam ko na kung saan nagmana ng kasungitan si Ryx.
“Nako! Ryd, ang anak mo napaaway pa sa basketball court.” naiiling na balita ni tita Rea kay tito Ryder.
“Napaaway?” kunot-noong ulit ni tito Ryder sa sinabi ni tita Rea.”What happened?” baling naman ni tito Ryder kay Ryx.
Mariing pinakatitigan ni tito Ryder si Ryx bago ilang saglit pa ay ngumisi.
“Who's the lucky bastard?” tanong ni tito Ryder kay Ryx na parang proud pa sa ginawa ng anak.
Marahang hinampas naman ni tita Rea si tito Ryder sa braso.”Sige! Hoy, Ryder Stallix! Baka nakakalimutan mo hindi ka na bata! Huwag ka ng makisali sa ganyan, kokonsintihin mo pa e.” saway ni tita Rea.
Am I the only one clueless here?
“What, hun? Tinatanong ko lang kung sino? Stallix is a Stallix, hun. If they messes with our girl then they're messing with the whole clan.” makahulugang sabi ni tito Ryder sa asawa.
“Let's go.” hindi na iyon pinansin pa ni Ryx at hinila na ako papasok sa loob.
“I'll take a shower and then we'll go to beach.” hindi na niya hinintay ang sagot ko at dumiretso na sa taas.
“Avs, si kuya?” si Trek na kapapasok lang kasama sila Jack, Calder at Ephraim.
“Nasa taas.” sagot ko.
Tumango ito bago umakyat silang lahat sa taas.
“Hayaan mo na ang limang 'yon. May mga pinagmanahan talaga.” iling ni tita Rea.
“She's too precious for Ryx to react that way. Idedeny pa, kitang kita naman.” tito Ryder laughed.
We are all heading to the beach, Jack already booked a cottage for the six of us. Hindi na kami kumuha ng kwarto sa Demoure Hotel & Restaurant since we could always drive a few miles back to Stallix's mansion.
Pagkababa namin sa sasakyan saktong baba din noong mga lalaki na nakalaban nila kanina sa basketball.
Nakita kong may mga pasa at may mga benda ang mukha ng ibang lalaki. Mabilis din nilang naiiwas ang tingin sa amin, lalo na kay Ryx.
Si Ryx naman ay parang walang pakialam sa nasa harap namin ngayon. Dire-diretso lang siyang naglakad.
“Avresia...” he called.
“H-huh?” I gulped.
“Let's go.”
Habang naglalakad kami papunta sa cottage ay halos malusaw ang lima sa mga tingin ng babae dito. Well this is their hometown they're quite famous here. Sino ba naman ang aayaw sakanila? Wala pa kong nakilalang babae na tinanggihan ang mga Stallix. They always get what they want…I guess.
That's why I'm wondering why Calder's wife left him? Kawawa tuloy ang bata, ang anak nila ang nagsusuffer. But I don't want to interfere with their own life. I'm sure Calder know what he's doing.
“Sana isanama natin si Lolea dito.” sabi ko pagkatapos kong malibot ang buong tanawin, lalo na ang napakagandang karagatan ng Caligtan. It was a clear water, kitang-kita mo ang ilalim ng dagat pero kung mararating mo ang gitna o ang bahagi ng dagat na malalim...makikita mo ang asul na asul na kulay ng tubig. Mula dito ay tanaw na tanaw ko ang dagat, may mga iilang naliligo pero ang iba ay umahon na at nagtatagal ang mga tingin sa cottage namin.
Nagbukas ng beer si Calder. “Well... sawa na si Lolea dito.”
Tumango na lang ako at naupo na.
“At hindi ka din makakapagenjoy kung andito ang batang makulit na 'yon. “ si Ephraim. “Alam mo naman maka-tita Avresia 'yon e.” dagdag niya pa.
Tinawana ko na lamang ang sinabi ni Ephraim.
“Umorder na ako ng pagkain, specially for you, Avs. Alam mo namang may magagalit dito pag nagutuman ka.” si Jack na parang nagpapasaring sa kung sino.
Beer lang kasi ang mayroon sa lamesa namin, they brought the beer from the mansion to here.
“Val...” napabaling ako kay Ryx. Nakita kong may kausap ito sa telepono.
Val?
“Nakarinig ka lang ng pangalan ng babae nalukot na agad 'yang mukha mo, Avs. “ puna ni Trek.
“H-huh?” wala ang atensyon ko sa kanila kundi na kay Ryx na ngayon ay lumabas ng cottage at lumayo ng kaunti saamin. Tinatanaw niya ang dagat habang may mukhang importante silang pinaguusapan ni Valerie. At anong importante naman iyon? They're over, tapos na sila. Kailangan pa bang nagcocommunicate sila?
Ang tagal nilang dalawa na nag-usap sa telepono. Nakarating na ang order na pagkain ni Jack pero hindi pa din nakakabalik sa cottage si Ryx, nawala na din siya kanina sa puwesto niya.
Kumunot ang noo ko ng may matanaw ako...
“Si Valerie ba 'yon?” turo ni Ephraim na mukhang nakita din ang nakita ko.
Nakasimangot akong kumuha ng club house sandwich na nasa plato. Nang makadating ang dalawa sa cottage sinalubong sila ng kantyawan ng magpipinsan.
Nahihiyang ngumiti si Valerie na malayo sa totoong ugali niya. Marunong pala siyang mahiya? I tried to act like normal pero hindi ko alam kung bakit nabibitter ako pag nakikita ko siya.
Nang mapadako ang tingin ni Valerie sa akin ay tinaasan niya ko ng kilay na hindi naman ata napansin ng iba... ako lang.
“Val, upo ka.” sabi ni Ephraim.
“Thanks.” maarteng sabi ni Valerie at naupo na.
“Anong ginagawa niyan dito?” bulong sa akin ni Trek.
Nagulat naman ako at napalingon sa kaniya. Sa paraan ng pagkakasabi niya ay parang hindi niya gusto ang presensiya ng babae rito.
“Hindi pa din nagbabago ang babaeng iyan. Nakita kong tinarayan ka niya, Avs.” pasimple niyang sinabi.
“Oy kayong dalawa!” turo sa amin ni Jack. “Anong pinagbubulungan niyo diyan?” tanong niya.
Inakbayan ako ni Trek at ngumisi kay Jack. “Sasamahan ko lang magswimming si Avs.”
Nang makalabas kami ng cottage ay narinig ko ang pagtawa ni Trek sa tabi ko.
“Selos ka noh?” he said, teasingly.
“H-huh?”
He laugh.”Avs, obvious e. Kilala ka na namin, hindi ka magaling magpanggap. It was like you're made to be just natural.”
Napailing na lang ako at hindi na sumagot.
“Miss!”
“Miss!”
Napahinto kami at napalingon sa likuran then I saw two boys, tumatakbo sila papunta saamin ni Trek.
“I'm sorry, pero kanina ka pa kasi namin napapansin. If I am not mistaken are you Avresia Hidalgo?” I saw hope in his eyes. Bumaba ang tingin ko sa hawak nitong magazine na mukha ko ang cover.
He's a fan.
I smiled and nodded slowly. “Yes.”
“Wow! I—uh...ahm...I'm...I'm really a fan. P-puwede bang pa-autograph?” he could’nt even uttered the words properly, he's nervous.
“Sure!” I nodded sweetly.
Mabilis niyang inilahad sa akin ang magazine at ang pentouch. Mahina akong natawa habang nakatingin sa lalaki, hindi naman siya ready nito?
Pagkatapos kong pirmahan ang magazine, nanatili siyang nakatulala sa akin. At imbis na mailang sa paninitig niya sa akin ay natawa ako.
“Ah...here. “ isinoli ko ang magazine at ang pentouch para namang nabigla at natauhan siya dahil doon.
“T-thank you. Sorry, sobrang hindi ko lang 'to inaasahan... na makikita kita. Ang totoo plano ko sanang lumuwas sa siyudad para makita ka ng personal kaso hindi pa kaya ng budget.”
“Well...I guess you don't need to do that.” marahan kong sabi.
Wala sa sarili siyang tumango saakin habang titig na titig pa rin siya saakin.”O-oo...t-tama.” he chuckled nervously. “P-uwede bang payakap?” nahihiya niyang tanong.
Napatingin ako kay Trek bago tumango sa lalaki.
I saw how gentleman he is when he hugged me. Walang halong malisya o tsansing ang pagyakap niya sa akin.
“Thank you!” he exclaimed happily.
“Thank you too. And, Im sorry but... what's your name?” tanong ko.
“Pete.” medyo gulat niyang sagot marahil dahil iyon sa tinanong ko ang pangalan niya.
“Ah... well it was nice meeting you, Pete.” sabi ko sa kaniya at sabay ngiti.
Tumango siya at nanatili pa ring nakatingin saakin hanggang sa mukhang ang kasama na nito ang nahiya sa reaction ng kaibigan at hinila na siya papalayo saamin.
Napatingin ako sa buhanginan ng mabasa ng tubig ang paa ko. I suddenly smiled excitedly.
Hinubad ko ang suot kong white t-shirt at ang short na maong, lumantad ang kulay itim kong two piece. At pagkatapos ay lumusong na ko sa tubig. I totally forgot Trek’s presence.
“I told you she's really Avresia Hidalgo!”
“Siya si Avresia Hidalgo, nagpa-autograph sa kaniya si Pete. Nakita ko!”
“Grabe siya talaga 'yan! Ang ganda niya talaga sa personal.”
“Para siyang anghel! At tignan mo naman ang kutis niya!”
“Grabe! Nakakahiya namang magtwo piece sa harap ni Avresia.”
Hindi ko na pinansin ang mga naririnig kong bulungan at nilusong ang gitnang bahagi ng dagat, ang lamig ng tubig ang sarap sa pakiramdam. Agad na nawala sa isip ko ang nangyari kanina.
Hindi talaga ako nagsisi na pinagpalit ko ang trabaho ko kahit saglit para lang makapunta dito.
These past few days, my job stresses me so much. Masiyado kasing busy ang schedule ko at halos wala ng pahinga.
Lumangoy pa ko ng mga ilang minuto hanggang sa marinig kong tinatawag na ni Trek ang pangalan ko.
“Avs! Umahon kana muna diyan.”
Lumangoy ako pabalik at pag-ahon ko ay inabutan niya agad ako ng bathrobe.
“Bakit?” tanong ko. Umihip ang hangin kaya naman napayakap ako sa sarili dahil sa lamig.
“Balik muna tayo sa cottage.” He said.
Tumango ako at nagsimula na kaming maglakad pabalik at ng medyo malapit na kami sa cottage ay hindi ko inaasahan ang biglang pagsugod sa akin ni Valerie.
"You!” galit na dinuro ako ni Valerie.” Kahit kelan talaga ay malandi ka!” nakalmot ako ni Valerie bago tuluyan siyang nailayo sa akin ni Trek.
“f**k!” mahinang mura ni Trek na narinig ko naman kaya napatingin ako sa kaniya.
Tumingin din siya sa akin na para bang nagtatanong kung ayos lang ako habang hawak-hawak niya ang nagwawalang si Valerie.
“Are you okay, Avs?” nag-aalala niyang tanong saakin.
“O-oo.” tumatangong sagot ko ng makabawi na sa pagkakabigla.
Pabalya niyang ibinigay si Valerie kay Ryx na kakalabas lang ng cottage para umawat din.
“You're bleeding.” puna ni Trek sa braso ko.
Napatingin naman ako sa braso ko na nagdudugo nga!
“Ayos lang.”
Nawala na sa paningin namin si Valerie at si Ryx. Nagpaalam naman ako na manghihingi ng first aid sa Demoure Hotel & Restaurant. Sigurado namang meron sila for emergency diba?
“Samahan na kita?” presinta nilang lahat tapos ay napatingin sila sa isa't isa.
Bahagya naman akong natawa bago napailing.”Kaya ko na.” sabi ko sa kanila at tuluyan nang umalis.
Pagkapasok ko sa Demoure Hotel & Restaurant ay magalang akong binati ng guard at nagulat pa ko nang salubungin ako ng manager ng hotel.
“Miss Avresia?” she sounded surprised.”Do you need anything?” tanong niya.
“Ah. Actually magtatanong sana ako kung may first aid kayo dito?”
Agad siyang tumango sa akin. “Yes, Miss.” Maya-maya pa ay may tinawag siyang isang lalaki at inutusan na kuhanin ang first aid kit.
”Saglit lang po, Miss Avresia.” nakangiting muling bumaling saakin ang mananger.
Ngumiti naman ako pabalik dito.
“Avresia Hidalgo?”
Pareho kaming napalingon sa may-ari ng boses na nanggaling sa likuran ko.
A woman in her mid 40's greeted me with a smile tapos ay bineso ako nito.
"Kaya naman pala umuwi ang pamangkin ko. It's because you're here!" nakangiting sinabi nito sa akin.
Napabaling naman ako sa lalaking katabi niya.
“Avs!” he grinned at me.
Now I remember his name is Jackson Demoure. Bakit hindi ko agad naisip iyon kaya pala kanina palang ay pamilyar na ang pangalan ng hotel at restaurant dito.
“Wow. What a small word.” dagdag niya pa.
“Stalker ka talaga!” pabirong sabi ko sa kaniya at mahinang sinuntok ang dibdib niya.
Nakasuot siya ng white tshirt at broad short.
“Coincidence.” he grinned.
“Coincidence your face, Jackson.” sabi ko sabay irap sa kaniya.
“Okay! Okay. I asked your manager.” pagsuko niya habang tumatawa.
“Hija,” kuha naman ng ginang na kasama ni Jackson sa atensyon ko. “ If it’s not too much to ask, gusto ko sanang kunin kayong dalawa ni Jackson as the new faces of Demoure Hotel & Restaurant is that okay with you? I mean magbabayad ako ng doble since nakabakasyon ka.”
“Come on, tita. Nagrerelax si Avs I don't want to disturb her on her vacation.” si Jackson ang sumagot.
Napailing naman ako. “Ayos lang po. Um...just inform me kung kelan ang shoot? I guess I'll contact my manager and update her.”
Bumaling ako kay Jackson.
“You sure?” tanong niya sa akin.
"Yeah. Hindi naman hassle." Tumango ako.
“Great ! It's settled then, Thank you. Maiwan ko muna kayong dalawa anyway, saang room ka nakacheck in, hija? Sagot ko na ang pananatili mo dito sa hotel.”
“Ah. Actually I'm staying at Stallix's Mansion.” nakita kong natigilan ito pero agad ding napatango.
“Magkakilala pala kayo ng mga Stallix.” She said.
Nang mawala na ito sa paningin namin ay tsaka naman dumating ang lalaki na may dalang first aid kit.
“What happened?” kunot-noong tanong ni Jackson at lumapit sa akin.
“Ah. Wala nakalmot lang.” sagot ko at tinanggap ang first aid kit ng iabot iyon sa akin ng lalaki.
“Ako na.” inagaw iyon sa akin ni Jackson at dinala ako sa arriving area ng Demoure at pinaupo doon.
“Nakalmot? Bakit? Sino? I'll make sure na hindi na siya makakatungtong dito.” seryosong sabi niya.
“Hindi na. Ayos na, Jackson.” marahang sagot ko sa kaniya.
Pagkatapos niyang gamutin ang sugat ko ay niyaya niya kong maglakad-lakad. Hindi naman ako nakatanggi dahil nahila na niya ko palabas.
“So you're with that guy, huh?” biglang baling niya saakin.
Bago pa ko makasagot isang kamay na ang humablot saakin papalayo kay Jackson.
“Yes, she's with me. Is there a problem with that, Demoure?” malamig na tanong ni Ryx sa kaniya.
Nagkibit-balikat si Jackson at sinalubong ang tingin ni Ryx sa kaniya.”Wala naman, dude. Pero kung ikaw ang kasama niya sana naman ingatan mo si Avresia huwag mong hayaang masaktan.” Makahulugang sinabi niya kay Ryx.
Ryx jaw clenched.