Chapter 5

1689 Words
Chapter 5 My eyes widens when I realize that someone took a picture of us. No! No! At this rate I can’t afford to get link with Ryx Stallix again. We've seen at the runaway event of the Imperial Entertainment last week. And again the paparazzi took a pictures of me getting inside the car of Ryx the other day. Siguradong mainit ang mga mata sa amin ng mga reporters at paparazzi. That would be too much too handle. Hindi ko pa nga alam kung anong isasagot ko tungkol sa relasyon na meroon kami ni Ryx. Mabilis kong hinanap ang kumuha ng litrato sa amin. Isang matangkad na lalaki na nakacap ang lumapit sa amin ni Ryx, nang hinubad niya ang suot na cap ay tumambad sa amin ang gwapong mukha nito. J-Jack Andres!? “Hey, Ryx!” Jack Andres grinned. Lumapit ito kay Ryx at inapiran ang pinsan. “Look at her face, takot na takot masiyado para namang nakakainsulto yan sa'ming mga Stallix. Our name brings pride and wealth I'm pretty much sure lahat ng babae gugustuhing madawit sa amin.” mayabang niyang sabi at sinundan pa iyon ng nakakalokong tawa. “Jackass!” Ryx murmured. “Woah! Woah! Jack Andres, Ryx.” pagtatama nito sa pangalan niya sabay ngisi. Sa isang iglap mabilis na napunta sa kamay ni Ryx ang hawak kani-kanina lang na cellphone ni Jack. Hindi na nabigla doon si Jack para bang inaasahan na niya iyon na masasalo ni Ryx ang inihagis niyang cellphone dito, ngumiti lang siya kay Ryx at hindi na pumalag pa. Ilang saglit ay inihagis pabalik ni Ryx ang cellphone ni Jack, alertong nasalo naman iyon ni ng lalaki. “It's already deleted. Happy? “ malamig na baling sa akin ni Ryx. Wala sa sarling nakagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko. Pakiramdam ko nagalit siya sa akin. Did I offended him? But he should understand that it would make both of our life complicated. But he did say that he will court me. Aish! Tungkol sa bagay na iyon hindi ko pa siya natatanong ulit kung seryoso ba siya sa sinabi. “Well I guess I'll go ahead,” napalingon ako kay Jack. Tinanguan niya si Ryx bago bumaling sa akin. “Ngayon na lang kita nakita ulit, Avresia. I've heard you're staying at Ryx's place.” Napatango ako sa sinabi ni Jack.  Ngingiti-ngiti itong tumango pabalik sa akin at tsaka tuluyan ng sumakay sa motor niya. “Siya nga pala!” tawag niya kaya napalingon ako. Nakasakay na ito sa motor niya ngayon. ”Ryx is right. Magkakain ka, Avs nangangayayat ka e. Ayaw ng ganyan ni Ryx, sige ka ikaw din.” he said, grinning. Pagkatapos ay mabilis na pinaharurot paalis ang motor niya. Nagulat ako ng biglang takpan ni Ryx ang ilong ko. His hand is so big and manly. I feel something…maybe a spark? “Mausok. He's really a stupid.” aniya. At saka iginiya na ako papasok sa loob ng restaurant. I was stunned when a waitress lead us to his reservation. So he made a reservation. “Just wait for a minute, Sir...Ma'am. Ipapaserve na po namin ang pagkain. Excuse us.” magalang na sabi ng waiter sa amin na ikinatango ko naman. “Ipapaserve? Wow. So hindi ka lang pala nakapagpareserve? Nakapagorder ka na din ng pagkain natin?” hindi mapigilang puna ko. Hindi siya nagsalita at tinaasan lang ako ng kilay. Sungit! Then he glanced at me. “Ako na ang pumili, it looks like you're starving yourself just to get that body.” “Excuse me!” pataray kong sinabi. “I'm not. Hindi lang talaga ako mabilis tumaba.” depensa ko na mukhang hindi naman niya pinaniwalaan. I should recommend this restaurant, mabilis magtrabaho ang mga tao dito. “Thank you.” nakangiti kong sabi sa waiter na nagserve ng pagkain namin. Hindi lang mabilis, masarap din ang pagkain. “You don't need to do that.” sabi ni Ryx pagkaalis ng waiter. Nilingon ko siya. “Do what?” nagtataka kong tanong. “Smiling.” tipid niyang sagot. Tinawanan ko naman siya na parang nahihibang na siya.”Why not?” “He's doing that because we're going to pay him. It's his job. “ He said a little bit...distant. Hindi na lang ako kumibo, I know Ryx hindi siya nagpapatalo. Pagkatapos naming kumain hindi na din kami nagtagal pa sa restaurant we both suggested na bumiyahe na para makarating ng maaga at makapagpahinga na. Habang nasa biyahe kami tumunog ang cellphone ni Ryx, kinuha niya iyon mula sa bulsa ng pantalon niya at ini-abot sa akin. Kunot-noo ko naman iyong tinignan pagkatapos ay nag-angat ng tingin sa mukha niya. “Answer it, I'm driving.” he said in a matter of fact tone. Dahil walang magawa at tama siya, kinuha ko na lang 'yon at sinagot ang tawag gaya ng utos niya. “Hello.” bungad ko sa kabilang linya. “Who are you b***h?” boses palang kilala ko na kung sino ang nasa kabilang linya. Valerie. I sighed. His crazy ex-girlfriend. Hanggang ngayon ba ay umaaligid-aligid pa din si Valerie sa kaniya? Sinulyapan ko si Ryx na nakatingin din pala sa akin. Nag-aalangan ako kung magpapakilala pa ako o kung sasabihing nagmamaneho si Ryx. I guess hindi pa siya nakakamove on kay Ryx kahit ilang taon na ang dumaan na hiwalay na sila ng lalaki. Binabakuran niya pa din si Ryx sa ibang babae kahit wala naman na sila. She's crazy. I remembered 3 years ago we had a fight because she suddenly attacked me. Hindi ako nakapalag dahil public places iyon at ng mga panahon na iyon nagsisimula pa lang ako sa pagmomodelo ko I can't ruin my reputation just for a crazy b***h like her. Hindi ako nakaganti but it was a relief that Ryx broke up with her after that incident. Pakiramdam ko tuloy ay nakaganti na din ako sa babae. I don't really like her from the start at alam ko naman na ganoon din ang babae sa akin, palaging mainit ang ulo niya sa akin at pinanlilisikan ako ng mga mata pag nakikita ako kahit na wala naman akong ginagawang masama sa kaniya. Sa huli sinabi ko na lang na nagmamaneho pa si Ryx kaya hindi niya ito makakausap. “He's driving.” I said, emotionless. “b***h! I don't care if he's driving. I'm asking you! Who are you!” pahisteryang tanong ni Valerie. Wala pa din talagang pinagbago ang babaeng 'to. Ryx handed out his hand kaya naman kibit-balikat kong ibinagay pabalik ang cellphone niya sa kaniya. “Stop it, Valerie.” Ryx said sternly. ”We're done 3 years ago. Stop calling her a b***h. We'll talk about that later.” pagkasabi niya noon ay pinatay na ang tawag at inilagay sa dash board ang cellphone. “Naghiwalay na kayo but you're still communicating with each other?” hindi mapigilang tanong ko sa kaniya. Sinulyapan niya ako pero hindi siya sumagot. Buong biyahe naging tahimik na kami pagkatapos niyang hindi sagutin ang tanong ko. Hindi din naman kasi pala kibo si Ryx e, maliban na lang kung negosyo ang pinaguusapan. “Tito Avs! Tito Ryx!” Lolea happily welcome us with a hug. Anak siya ni Calder ang pinakamatanda sa magpipinsan at kapatid naman ni Jack. Ah, finally! We're here! Caligtan. “Lolea, baka hindi na makahinga ang tita Avresia mo niyan.” biro niya sa anak niya at kinarga ito. Nakangusong tumingin naman si Lolea sa ama. “I just missed them so much po. Hindi ko na nakikita si tito Ryx dito tapos si tita Avs sa tv na lang.” she reasoned out which I find it cute kaya naman pinisil ko ang pisngi nito at tinawanan. “I'm sorry lollipop.” I always called her 'lollipop' actually dalawa kami ni Ryx na tumatawag sa kaniya ng ganoon. “And because of that para naman makabawi si tita at tito we buy you...” mula sa likod ay inilabas ko ang nakatagong lollipop sa kamay ko. Her eyes widened in surprised, her eyes we're glittering as she looks at the lollipop. “Spoiled ka talaga sa tito Ryx at tita Avresia mo.” komento ni Calder na tinawanan ko lang. Excited na nagpababa si Lolea sa ama niya at kinuha ang lollipop sa kamay ko. “Thank you tito Ryx and tita Avresia. You two look cute together. Sana po ako pa din ang baby niyo pag nagkaroon na kayo ng sariling baby.” may lungkot sa boses nito. Samantalang gulat naman ako sa sinabi ng bata at nagpapalit-palit ng tingin kay Lolea at kay Ryx. I suddenly feel pressured... Bukod pa doon is Lolea shipping us? Ryx and Me? No way! “Oh, Avs! Bakit bigla atang nalukot 'yang mukha mo?” puna ni Calder sa akin na ikinalingon ko naman. “Ah....well... that's impossible.” pahayag ko. “Bakit, tita Avresia...” nagtatanong na tumitig si Lolea sa akin. “Ayaw mo ba kay tito Ryx?” inosenteng tanong ni Lolea sa akin. Natigilan ako doon at hindi nakasagot... “Lolea, let Avs and Ryx rest. Pagod ang mga 'yan galing sa biyahe.” nakangiting sabi ni Calder sa anak niya. Nang marinig ko ang boses ni Calder doon lang ako nabalik sa realidad.  Dumiretso na kami sa loob at naabutan ang lahat doon, kami na lang pala ang kulang. “Andito na pala ang love birds e. “ anunsyo ni Ephraim. Nagtawanan ang lahat bago pinaulanan kami ng mga nanunuksong tingin. Nilapitan ko naman si tita Rea at tito Ryder. Tita Rea hugged me so tight same as tito Ryder. “Nako wag kayong ganyan marupok si Ryx!” gatong ni Jack sa tawanan kaya naman mas lalong nabuhay ang tawanan sa loob ng mansion ng mga Stallix.  Habang nagtatawanan at nagkakaasaran sila, ang diwa ko naman ay nagbabalik tanaw sa nakaraan hindi ko maiwasang isipin na minsan ko na naging ideal boyfriend ang isang katulad ni Ryx despite his ruthless attitude...looking back before I realized I only had one crush... and it was Ryx...siya lang...siya lang ang pumasa. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD