Chapter 4
Hindi pa 'man ako nakakaupo ng tuluyan ay agad ng nagring ang cellphone ko sa ibabaw ng table ng Vanity Mirror.
"Kukunin ko lang ang lunch mo, Avs. " paalam ng manager ko sa akin. Nilingon ko ito at tinanguan.
Pagkatapos binalik ko ang tingin sa nagriring na cellphone ko.
"Tita Rea!" pinasigla ko ang boses ko kahit na pagod na ako sa dami ng schedule ko ngayong araw. Since tita Rea and tito Ryder is in states minsan na lang ito tumawag sa akin at sa sobrang busy na schedule ko hindi ko nasasagot minsan ang mga tawag nito sa akin.
"Avresia," rinig kong tawag niya mula sa kabilang linya."I'm expecting you to be back in Caligtan. You'll be celebrating your birthday here next month, right? I miss you, hija. Sa sobrang pagkamiss ko nga sa iyo ay napaaga ang flight namin ni tito Ryder mo."
"You're back, tita Rea? Wait. Are you in Caligtan now?" I asked in shock and excitement.
"Oo, Avs. Ryx called me last week. Nasabi niya sa akin na uuwi ka sa Caligtan para sa birthday mo at doon gaganapin ang selebrasyon. Nang marinig ko iyon ay sinabi ko kay Ryder na magpabook agad ng plain ticket para makauwi. I guess I get too excited. It's been awhile, hija. And I also heard you two are living in one roof. Mabuti naman. Akala ko matatagalan pa ang paglipat mo diyaan sa bahay ni Ryx." she answered.
"Ah, that..." I chuckled awkwardly.
It's been one week since I stayed in Ryx's place. Hindi pa din ako nasasanay na sa iisang bahay lang kami umuuwi ni Ryx but I think I can still manage up to now. Speaking of that, nabanggit din kaya ni Ryx ang nangyari kaya lumipat ako sa bahay niya?
"Opo. I've been staying at his place for a week now." nahihiyang sagot ko.
Narinig ko namang tumawa sa kabilang linya si tita Rea
"That's great to hear, Avs. And I'll be expecting you here. Kailan ba ang balik niyo ni Ryx dito sa Caligtan?" she asked.
Hindi pa namin napag-usapan ang tungkol doon ni Ryx at sa tingin ko ay mukhang busy din sa trabaho ang lalaki.
"Hindi pa po namin napag-uusapan ni Ryx, tita." I answered honestly." Pero po ngayon na alam kong nakauwi na kayo diyaan sa Caligtan baka po this week din ay bibiyahe kami pauwi ng Caligtan. I'll just have to finish the rest of my project first before I take my vacation leave."
"Ganoon ba, hija. Okay. I'll see you here then."
"Yes, tita." I said politely.
"At bago ko makalimutan bumili ako ng maraming pasalubong para sa iyo. And also, hija could you sign the magazine where your face is the cover that I brought yesterday?" humagikhik ng tawa si tita Rea.
Napangiti naman ako." Sure, tita. No problem." tumatangong sagot ko.
"Thank you, hija. Mag-iingat kayo sa biyahe niyo ni Ryx. And please tell me when will you arrive here. Para maipaghanda ko kayo ng makakain pag-uwi niyo."
"Sige po, tita."
"I'll hang up this call baka nakakaistorbo na ako sa'yo?"
"Hindi naman po. Nagpapahinga po ako ngayon at katatapos lang po magshooting for some commercial brand."
"Really? Then I'm looking forward to it." tila excited ang tono ng boses na sinabi ni tita Rea.
"Sige po."
Looks like I have to postponed some of my projects early so I can go to Caligtan this week. I wonder if what's Ryx schedule and plan? Sabay ba kaming uuwi ng Caligtan o mauuna ako?
We were in the middle of talking when my manager returned.
"Avs! Ito na...as always....ang paborito mo." Inilapag nito ang paper bag na may tatak ng logo ng Mcdo. Tinignan ko ito at ngumiti sakanya I also mouthed 'Thank you' tumango lang ito at hindi na nagsalita pagkatapos ay umalis na.
"Hindi ka pa kumakain? Please huwag mo naman sana pababayaan ang kalusugan mo. I'll end this call now and go eat lunch, Avresia."
"Late na po kasi natapos ang shooting, tita kaya ngayon lang po ako makakakain. Mabuti nga po natapos na din e kasi mukhang mapapaaga ang biyahe ko pauwi sa Caligtan."
"Okay but be sure to take good care of yourself, Avresia." nag-aalalang bilin nito.
"Opo, tita. Thank you but please don't worry too much for me."
"Hindi naman maiiwasan iyon. Anyway, sige na tama na itong usapan natin at sa susunod na lang tayo magkamustahan kapag nakauwi na kayo dito sa Caligtan. I'll end this call so you can eat lunch, Avresia."
"Okay po, tita Rea."
We said our goodbye and tita Rea ended the call.
Aftee kong kumain nagfreshen-up ako at inayusan ulit for the last shoot. One more shoot and I can go back home. I'll text Ryx later. Alam na kaya niyang nakauwi na sa Caligtan sila tita Rea?
"You're really such a natural in this one, Avresia. It seems like you were born for this... in this kind of field. " puri ng baklang photographer sa akin.
"Hey! Hey! Syempre hindi magiging natural yan kung hindi ako ang kasama ni Avresia. " pagmamayabang ni Jackson at umakbay pa sa akin sabay nakangising lumingon sa photographer.
Si Jackson ang madalas na katambal ko sa mga photoshoot. Halos dalawang taon na din kaming pinapair up ng mga fans at ng mga boss ng mga naging project namin. Kung sa showbiz "love team"ang tawag sa amin. Palagi kasi kaming nirerequest na dalawa sa mga projects and shoots. Para na nga kaming kambal e, hindi kasama ang isa kung wala ang isa. It's like we're a package deal.
So far Jackson accompany is good... masaya naman siya katrabaho at talagang professional. Well he's been here in this field for 7 years samantalang 4 na taon palang ako sa ganitong trabaho.
"Okay one more shots then we'll pack up everything from here. " anunsyo ng photographer sa amin.
Tumango kaming parehas ni Jackson bago bumalik na ulit sa mini stage na sinet up para sa pictorial namin.
"Jackson put your hands in Avresia's waist pagkatapos ay ipatong mo ang baba mo sa balikat niya." utos ng photographer. Kaagad namang sinunod iyon ni Jackson na nakatayo sa likod ko.
"And Avresia..."tawag sa akin ng Photographer. Nilingon ko ito at hinintay ang sasabihin sa akin.
He smiled."You look natural on that... I love you, girl." malanding kumindat sa akin ang baklang photographer at saka nagsimula ng kuhanan kami ng litrato.
"Done!"
"Great job to the two of you. Kaya naman gustong-gusto ko kayong dalawa ang kinukuhanan e... paano wala ng maraming retakes. The two of you come out in the camera so natural. Specially you, Avresia. " puri ni Amanda.
"Nako naman, Amanda! Nakakarami ka naman na ng pambobola saakin. " nangingiti kong sinabi.
Ngumuso siya at tinaasan ako ng kilay. "Pambobola my dear? You know I'm not used to that." he shooked his head. "Alam mong prangka ako, Avresia. Kung ayaw ko sa modelo ko hindi ako nakikipagplastikan. That's why I chose this projects kaysa sa Italy diba? It's because you're my favorite model."
I chuckled softly. "Well I'm really flattered with that, Amanda. Next time I'll treat the two of you dinner, but for tonight pass na muna ako. Kayong dalawa na lang ni Jackson ang magdinner." nakakaloko kong tinignan si Amanda. He have a huge crush on Jackson eversince.
Namula naman ang pisngi ni Amanda bago pinaningkitan naman ako ng mata ni Jackson na halatang hindi nito nagugustuhan ang panunukso na ginagawa ko sa kanilang dalawa ni Amanda.
"Where are you going? Ihahatid na kita?" presinta niya.
Speaking of that...pinagawa ko nga pala ang sasakyan ko dahil naflatan ako kanina.
"No. Kukunin ko na lang sa repair shop ang sasakyan ko. "
Hanggang makababa kami ng Imperial Entertainment ay hindi ako tinantanan ni Jackson sa kakakulit na siya na lang ang maghahatid sa akin.
"Come on, Avresia. Magcocommute ka? Mahahassle ka pa. And where is your manager?" tanong niya.
"Pinauwi ko na ng maaga. Nagkaroon ng problema sakanila at isa pa bukas ay mawawala ako hanggang isang linggo siguro." I told them.
He raised an eyebrow. "And where are you going?" gusto kong matawa sa reaction niya.
"Saan ka pupunta? Unwind? Sabagay you need that anyway...aba sunod-sunod naman kasi ang mga project mo at halos isubsob mo na ang sarili mo sa trabaho. Go and take a break... unwind. " tango ni Amanda sa akin.
"Edi hayaan mo na kong ihatid ka... matagal-tagal ka din namang mawawala e." Pamimilit ni Jackson.
"No need. I'm here. " isang baritonong boses at matipunong katawan ang humarang sa gitna namin ni Jackson. He was facing Jackson kaya naman ang nakikita ko lang ngayon ay ang malapad nitong balikat at likod.
His wearing a black t-shirt and a faded jeans.
Nakita ko ang itsura ni Amanda, parang naghugis puso ang mata nito at laglag ang panga sa lalaking nasa harapan nito ngayon.
"And who are you?" tanong ni Jackson.
Right. This is the first time that Jackson met Ryx Stallix.
"Ryx Stallix." malamig na sagot ni Ryx. Tapos ay humarap naman ito sa akin at kinuha ang bag ko.
"Let's go." sa pagkakabigla ay hindi na ko nakapagsalita pero bago ako tuluyang makasakay sa sasakyan niya nakita ko ang nakangising mukha ni Amanda at ang nagtatakang mukha ni Jackson.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko ng makabawi ako sa pagkabigla.
"Sinundo ka." tipid niyang sagot.
"Oh. Good timing. Tumawag sa akin si tita Rea nandoon na ra——"
"I know. She called me." He interrupted me.
Napanguso naman ako sa ginawa niyang iyon.
"W-why did you stop?" nagtatakang tanong ko ng bigla niyang itabi at ihinto ang sasakyan.
Kunot-noo niya akong nilingon at bumaba ang tingin niya sa dibdib ko.
"W-What?" napayakap naman ako sa sarili ko at nangaakusa siyang tinitigan."Bakit ganyan ka makatingin?"
Tinitigan niya ako na parang nahihibang na ako at tsaka napailing-iling.
"Wear your damn seatbelts woman." palatak niya sa akin.
Napanganga naman ako sa sinabi niya at bumaba ang tingin ko sa seatbelt na hindi ko pala naikabit. Dali-dali at namumula ang pisngi kong ikinabit ang seatbelt.
"O-okay na." I said.
Tumango siya at pinaandar na ulit ang sasakyan.
"Tinatanong ako ni tita kung kelan tayo uuwi sa Caligtan? Well my schedule is clear now kaya sa tingin ko ay bukas puwede na akong bumiyahe pauwi sa Caligtan. How about you?" I asked him.
"I'm just waiting for you." sagot niya at sumulyap sa akin." We'll go back together...tomorrow."
Napatango na lang ako at hindi na umimik pa.
Like yesterday and the other day it was like a routine that Ryx is always the one who cooked dinner for the both of us. Gusto ko mang tumulong e bilang lang ang mga ulam na kaya kong lutuin. I didn't really learn to cook well.
So just like the usual, pinanuod ko lang na magluto hanggang sa matapos si Ryx. And after that I presented to prepare the table at pumayag naman siya.
We are eating in silence when he speak.
"That guy,"
Napa-angat ako ng tingin sa kaniya." Huh? Sino?" tanong ko.
"That guy I met earlier." he said.
Si Jackson?
"Si Jackson? Why? What about him?" sunod-sunod kong tanong.
"He likes you." muntik na akong mabulunan sa sinabi niya.
"Ano?" I faked a laugh."That's impossible." umiiling na dagdag ko pa.
"And why is that impossible?" he asked, raising a brow.
"Because," I paused." I'm not his type?" patanong na sagot ko.
At mukha namang hindi siya naniwala doon.
"He's just a friend and a co-model, okay. Mabait namaan si Jackson."
"You like him?"
"Syempre gusto ko siya. He's a funny and nice friend of mine, Ryx although may pagkahambog nga lang minsan pero okay naman siya."
"At hindi kayo bagay." he commented.
"What?"
"You heard me." masungit na sinabi niya at nagpatuloy na sa pagkain na para bang wala na akong balak kausapin pa.
What happened to him?