Chapter 28 Abala ako sa pagsasagot ng mga assignments ko at pagrereview dahil malapit na ang final exam namin. Hindi na din kami nagkikita ni Linda ng uwian nitong mga nakaraang araw dahil inilalaan namin ang oras sa pagrereview para sa nalalapit na pagsusulit namin. Sa susunod na enrollment ay grade 4 na ako. “Avresia,” Napatuwid ako ng marinig ko ang boses ni Ryx. Hindi ko namalayan na nakalapit na ito sa akin at nakatitig sa mukha ko. Base sa ayos nito, kararating palang nito sa mansion. Nakasukbit pa ang bag niya sa likuran niya. Palagi kaming madalas na magkasama ni Ryx pero kahit na ganoon ang takot at kaba na nararamdaman ko sa tuwing malapit at magkasama kami ni Ryx ay hindi nawala. Mas lalo pa iyong lumalala. Pakiramda ko ay mapupugto na ang hininga ko dahil sa pagpipigil nun

