Chapter 29 “Ilan ang score mo, Avresia?” Linda asked me and smiled. Kababalik lang ng test paper sa amin. Napalingon naman ako sa kaniya. Matataas ang mga marka ko sa lahat ng exam ko, ito na ang huling exam paper na bumalik sa akin. Ryx helped me to study every night before the exam's day. Magaling itong magturo kaya madali kong naintindihan kahit na iyong mga subject na nahihirapan ako sa ekswelahan ay madali lang na naipaliwanag ni Ryx sa akin. “Ah----" before I could finish, teacher Daisy announce the list of the students who got highest score. Hindi ako pabor sa ganoon pero hindi naman ako puwedeng umapila kay teacher Daisy na huwag na lang ibroadcast ang mga score namin lalo na at mukhang excited ang mga kaklase ko na malaman kung sino-sino ang mga nakakuha ng highest score.

