Chapter 17 Bumalik na sa states sila tita Rea at tito Ryder dahil andoon kasi ang empire ng mga Stallix. Doon unang tinatag ang unang kastillo ng mga Stallix. At ang ama ni tito Ryder ang namamahala doon kaya lang noong mamatay ito ay siya na ang pumalit dito at namamahala ngayon sa Empire Stallix kaya sa states na sila nanirahan tatlong taon na ang nakalipas. Umuuwi-uwi naman sila dito para bisitahin ang mga anak nila na piniling dito manirahan sa pilipinas at para magbakasyon. Pero paminsan-minsan sila Ryx ang pumupunta sa states at dumadalaw kila tita Rea. Since ang magpipinsang Stallix ay pare-parehong lisensyadong engineer naging madali sakanilang pamahalaan ang kompanya ng Stallix na itinatag naman dito sa pilipinas. At sa sumunod na araw ay bumalik na din ako sa Manila. "Ang gan

