Chapter 16 Nang bumalik kami sa Caligtan ay bandang hapon na. Tita Rea and tito Ryder visited a friend kaya nang dumating kami sa mansion ay hindi namin sila naabutan. Calder and Lolea went out together with Magnolia. Si Jack naman ay nasa bahay nila. Ganoon din si Ephraim at tanging si Trek lang ang naabutan namin sa mansion ng dumating kami ni Ryx. “Kuya, Avs,” he greeted and smile a bit. “You guys are back. Akala ko ay mamaya pa ang uwi niyo.” Tumango ako at saka ngumiti. Bumaling siya kay Ryx na tumango lamang sa kaniya. “Magpapahanda ako ng meryenda para sa inyo.” Pagkatapos ay umalis ito at nagtungo siguro sa kusina. Kami naman ni Ryx ay umupo sa sofa para magpahinga. After we leave his place he was quiet on our trip back here to Caligtan. I wonder what is he thinking right

