Chapter 15 Kalalabas ko lang ng banyo ng tumunog ang cellphone ko. Nang lumapit ako sa bedside table kung saan nakalagay ang cellphone ko nakita kong si Jackson ang tumatawag doon. “Hello, Jackson?” “Avresia,” he sounds delighted when he heard my voice. “Bumalik ka daw ng Manila? Bakit hindi mo sinabi? Sana ay sabay na tayong bumiyahe pabalik diyaan.” “Ah, sorry. Biglaan kasi ang pagbalik ko dito sa Manila pero uuwi din ako diyan sa Caligtan ngayong araw.” I said. “Ganoon ba.” Saglit na tumahimik sa kabilang linya hanggang sa magsalita ulit si Jackson. “Ah, siya nga pala, Avs iniimbitahan ka ni tita sa bahay, ngayon sana kaya lang ay wala ka naman dito sa Caligtan kaya bukas na lang. Are you free tomorrow, lunch time?” “Ah,” napalingon ako sa pinto ng may kumatok doon. Sigurad

