“Ate pahingi naman ako tubig” utos ni Cham, napaupo siya ng bigla siyang nahilo. “Eto oh? Ano ba nararamdaman mo?” nag-aalalang tanong ni Ading pagkatapos iabot ang isang basong tubig. “Nahihilo ako ate ang init kasi. Kanina pa kasi ako ikot ng ikot naglilinis ako ng bahay.” Paliwanag ni Cham, kakauwi lang din kasi ng dalawang kapatid galing sa trabaho. Dalawang araw na lang ay kasal na niya kaya simula ngayon ay nakaleave na siya para makapagpahinga. Hindi muna siya natutulog kina Ellsworth, since malapit na naman ang kasal hihintayin na lang nila ito para legal na talaga ang pagtulog ni Cham sa bahay ng kasintahan at nahihiya din siya sa parents nito. Since doon sila lumalagi simula ng dumating sila dito sa Pilipinas. “Mahihilo ka talaga niyan grabe linis ng bahay oh. Buong araw mo y

