Alas-singko ng hapon andito ngayon sa airport sila Cham at Ellsworth, hinihintay ang pagdating ng magulang ng binata. Hindi naman mapakali si Cham sa dahil ilang minuto na lang ay makikita na niya ang parents nito. Narinig na nila ang hudyat mula sa screen sa waiting area na lumapag na ang eroplano na galing California. “Andyan na sila baby” sambit ni Ellsworth. Hinawakan niya ang kamay ni Cham at nagtungo sila sa may arrival area. Ílang saglit lang ay namataan na ni Ellsworth ang mga magulang niya. Nakangiting kumaway ang mga ito sa kanila. “Iho kamusta na?” bungad ng Daddy nito. Magiliw naman niyang tinapunan ng ngiti si Cham. “I’m doing good Dad, by the way si Cham po ang fiancée ko.” Pagpapakilala nito. “Hi Iha nice to finally meet you. You look great together Ells” puna ng Mommy

