One month had passed when Cham said yes to Ellsworth’s wedding proposal. Napili kasi ni Ellsworth na ikasal na sila sa lalong madaling panahon. Palapit na ng palapit ang araw ng kasal nila dalawang lingo na lang ang hihintayin. “Totoo ba yun na uuwi na dito ang parents ni Ellsworth?” usisa ni Mylez. “Oo Ate kinakabahan nga ako eh. Sabay daw darating yung parents niya dito sa makalawa. Natatakot ako.” nakapalumbaba sa mesa na sabi ni Cham. Kasalukuyang nagaalmusal silang tatlong magkakapatid nakaleave ngayon si Cham pupunta kasi sila sa Tagaytay ni Ellsworth para tignan ang suggested place ng wedding coordinator nila kung saan gaganapin ang reception. Sa Tagaytay din kasi gagawin ang nalalapit na kasal nila. Dito naisipan kasi ni Ellsworth gawin ito dahil dito nagsimula ang maramdaman ni

