Chapter 18

1890 Words
Javi's POV It's been a week simula noong araw na nagkakilala ung mag ama, simula nung nagkaroon kami ng pag uusap ni Louie about sa nangyari sa aming dalawa, simula noong nalaman namin na mahal pa namin ang isa't isa. Isang linggo na din nung hinalikan ako ni Louie. After ng halik na 'yun, hindi na ulit nasundan. Bumalik lang s'ya ng bahay after ng site visit n'ya. Nilaro si Jash, pinatulog at sinabing 1 week s'ya sa Pangasinan because of his work. Well! Okay lang naman sakin, pero kay Jash nung una hindi. Umiyak siya nung nalaman niyang hindi sila magkikita ng papa n'ya ng 1 week. Kaya naman yung isa hirap na hirap umalis noong madaling araw dahil ayaw na umiyak si Jash pero anong magagawa namin, it's his work. "Mama, can we call Papa? I miss him na po," malungkot na saad ni Jash. Napabuntong hininga naman ako bago ibaling sa kan'ya ung tingin ko. "Anak, kakatawag lang natin kay Papa last 3 hours ago," saad ko at narinig kong natawa si Leah. Oo! Last 3 hours ago! Dahil gusto n'ya kausap lagi ung papa n'ya. Okay lang naman daw saad ni Louie pero hindi pwede sakin 'yun, may work ang Papa n'ya dun kaya hindi pwedeng istorbohin. "Don't worry, Jash. Uuwi na papa mo bukas. Dito daw s'ya matutulog sabi n'ya, wag mo na guluhin si Mama mo. Nagrereview," saad ni Leah habang tinutulungan s'yang magdikit ng kung ano. "Ate Leah's right. Uuwi na din naman bukas si Papa kaya wag ka nang malungkot and mamaya na ulit tayo tumawag kay Papa," saad ko at tumayo para lumapit sa kanya. Niyakap ko lang s'ya para hindi na malungkot. Yumakap na lang din sya sakin at sinubsub ung mukha sa balikat ko. Tumunog naman yung phone ko hudyat na may tumatawag. Kaya kumalas kaming dalawa, pagkuha ko ng phone ko natawa naman ako. Ung anak pinipigilan ko, etong ama ang hindi mapigilan. "Jash, si Papa natawag," nakangiting saad ko kaya nagmadali naman itong isa habang nakangiti. Pagkasagot na pakasagot ng tawag. Bumati agad si Jash sa papa nya. "Papa! I miss you po," bungad ni Jash kay Louie. [Aw.. I miss you too, baby] balik naman nung isa, naka'on ung loudspeaker kaya naririnig ko. "Uwi ka na po bukas, Papa? Dito ka po de-deretso?" tanong niya sa papa n'ya. Nakikinig lang naman ako sa usapan nila. [Yes, baby. Talagang binibilang mo kung ilang days wala si Papa ah. Dyan ako diretso but I guess I'll be late, kasi nasa malayo si Papa kaya you will see me when you wake up] saad naman ng papa n'ya. "I'll wait for you na lang po," saad ni Jash [Hm.. okay. What are you doing?] tanong ni Louie at sinagot naman ni Jash at humaba ang usap nila habang ako ay nakikinig lang at nagrereview ng mga lalabas sa exam ko sa october. Lumipas ang mahigit kalahating oras at sa wakas nagkaroon din ng paalamanan. Hindi naman ako nagagalit o nagtatampo. Masaya nga ako e. At least I know Louie loves my son, ay! Our son pala. "Bye, Papa! Take care po. I love you," paalam ni Jash. [Thank you, Jash. You too, take care and I love you too] paalam naman ni Louie tapos inabot na sakin ni Jash kaya inilapag ko na lang sa side ko. Limang minuto ang lumipas halos mahulog ako sa upuan nang biglang magsalita si Louie sa kabila. Hindi pa pala pinatay! Ang tagal nang nakalapag sa tabi ko. [Loe] Ayun lang ung sabi n'ya. Mababang boses pa! Kainis! Tinawanan lang naman ako ni Leah at nang magaling kong anak! "Jash! I thought you already ended the call! Hindi pa pala. Nagulat ako!" saad ko kay Jash na tumatawa lang. "Sorry, Ma" saad n'ya at tumawa at binalik ung atensyon n'ya sa ginagawa n'ya. Ako naman kinuha ko ung phone ko at pinatay ung loudspeaker bago sumagot. "Hm? Bakit?" bati ko kay Louie. [Wala bang 'I miss you' dyan? Tss... Kumusta ka?] tanong niya sakin. Napairap naman ako bigla hindi ko pa nalilimutan ung halik na ginawa n'ya sakin tapos pagbalik niya parang walang nangyari. "Okay lang. Nagrereview," sagot ko at ewan ko bakit s'ya tumawa. [Nagtatampo ka sakin 'no? I know that tone of yours] natatawang balik n'ya sakin. "Tss! Ewan ko sayo!" saad ko tas pinatay ung tawag. Bwisit! Mang aasar pa! Alam naman pala n'ya! Lumipas ang araw na yun at ilang beses din silang mag usap ng papa n'ya... Hindi na ko nakikisali dahil wala naman akong sasabihin pero sa totoo lang. Namimiss ko din naman si Louie. Bwisit lang ako kasi.. Hinalikan n'ya ko tapos parang wala lang ung ginawa n'ya. Ni hindi man lang nag explain or binigyang linaw ung ginawa niya. Ganyan na naman siya katulad noon na hahalikan ako tapos wala man lang sasabihin. Kinabukasan mas nauna pa saking nagising si Jash. Excited sa pagdating ng papa nya. Nakwento nga ni Kuya na dahil tulog pa ko, sa kanya si Jash nag request na tawagan ung papa n'ya na ginawa naman ni Kuya. Pinagbake pa ko ni Jash ng cookies para daw pag dating mamaya ni Louie ipapatikim n'ya daw. Sinunod ko naman dahil masaya siyang antayin ang papa n'ya. Ayun nga lang, sumapit na ang gabi at wala pa din si Louie. Kasi naman! Malayo ang Manila sa Pangasinan! Trapik pa! Paano kung nasa dulo pa ung site nila. 10pm na at oras ng magpahinga ni Jash dahil ayokong napupuyat s'ya lalo na ang bata n'ya pa. Pero kanina ko pa s'ya niyayaya, ayaw n'ya pa matulog. He insists na aantayin n'ya si papa n'ya kaya naman nanuod na lang kami ng movie sa netflix. Ilang minuto lang nakatulog na s'ya habang nakaunan sa hita ko. See! Inaantok na eh! "Tulog na yan?" tanong ni Kuya nang lapitan ako. "Opo, antok naman na s'ya kanina pa gusto lang talaga antayin ung papa n'ya," saad ko. "Nasaan na daw ba si Louie? Dito ba dederetso yun?" tanong ni Kuya sakin tapos naupo sa armrest ng couch. "Nasa byahe pa siya kanina nung tumawag si Jash at opo, dito daw sya dederetso. Nilambing ng anak nya eh." saad ko at hinimas ung buhok ni Jash. "Hm.. Akin na at iakyat ko na yan. Bukas na lang sila magkita ng papa niya. Ikaw?" tanong n'ya sakin sabay lipat sa harap ni Jash para buhatin. "Ako na po mag antay kay Louie. Pahinga ka na rin, Kuya. Alam ko namang pagod ka baka din parating na yun," saad ko at inalalayan s'ya para maayos na mabuhat si Jash. "Okay. Good night" paalam n'ya lang tapos umakyat na. Ako naman ipinagpatuloy ang panonood ng movie pero unti unti din pumikit ang mata ko at nakatulog. Gelo's POV Nakaharap ako sa phone ko nang biglang tumawag si Louie. Bakit sakin 'to tumatawag? "Bakit sakin ka natawag?" agad nabungad ko sa kanya nang sagutin ko ung tawag. [Kasi alam kong gising ka pa. I'm here outside your house and Loe's not answering her phone. Ayokong magdoorbell dahil baka magising naman ung ibang tao] mahabang paliwanag n'ya. "Daming sinabi! 'Di na lang sinabing namiss mo ko! Eto na pababa na!" pang aasar ko sa kanya. [G*go! Asawa at anak ko ang namiss ko. Hindi ikaw! Pero sabihin mo lang kung namiss mo ko. Pwede naman kita ikiss sa pwet!] sagot n'ya. Ang lakas talaga mangarap nito! Anong asawa?! "Hoy! Hindi mo pa asawa ang kapatid ko! Wala pa nga kayong label ulit eh! Namiss kita, kiss mo nga ako sa a-" naputol na ung sasabihin ko dahil sumagot na siya agad! [Kadiri ka! Hayop ang ptcha! Maghanap ka na ng jowa para s'ya na kikiss dyan! Hayop to! Atska dun din naman kami pupunta kaya hayaan mo na! Buksan mo na nga at malamok dito oy!] saad n'ya at pinatay ang tawag. Naiiling na lang akong natawa sa sinabi niya. Pagbaba ko nakita ko ung kapatid kong nakahiga sa couch at mahimbing na ang tulog. hula ko na makakatulog din to e, napapagod 'to sa pagrereview at pagbabasa ng mga libro n'ya. Pumunta muna ko ng labas para pagbuksan ung kupal kong kaibigan. Pagbukas ko ng gate, nakita ko s'yang nakasandal sa kotse n'ya at bitbit ung duffle bag n'ya. Nung nakita n'ya ko naglakad na agad papasok. "Ung mga mag aantay daw sayo, nandun at mahimbing na ang tulog," saad ko sa kanya at inilock na ung gate. "Sabi ko na makakatulog yun e. Kahit sanay magpuyat yun hindi rin maiiwasan na makatulog agad dahil sa pagod e" saad naman n'ya at sumabay na maglakad sakin. Pagpasok namin agad naman n'yang nilapitan si Javi tapos hinimas ung pisngi 'ska dinampian ng halik sa noo. Ako naman sumandal sa pader at nag cross arm. "Ano na bang relasyon nyong dalawa?" tanong ko sa kanya, tumingin naman s'ya sakin dahil sa tanong ko. "Hindi ko alam. Minsan nagiging sweet kami sa isa't isa, minsan casual lang. Minsan inaaway ako. Ewan ko," nakangiting saad n'ya habang kumakamot sa batok n'ya. Napailing na lang ako. Alam ko naman ung gustong mangyari ni Louie. He wants them to be official but I guess si Javi ang iniisip niya. "Bakit hindi mo linawin sa kanya kung anong gusto mong mangyari? Kunwari ka pa. Gusto mo naman nang ibahay ung kapatid ko," natatawang saad ko kaya natawa din s'ya pero mahina lang. "Kung ako lang ang masusunod, noong araw na ipinakilala ako nito kay Jash, inuwi ko na sila pero mabuti na din na hindi ko ginawa un. Noong gabi na nag usap kami ni Loe, bumaba ung tingin niya sa sarili niya. She wants to prove something and I want to support her decision. At least alam kong mahal niya pa din ako." seryosong saad n'ya habang nakatingin kay Javi. Tumango tango lang ako dahil alam ko ung sinasabi n'yang bumaba ung tingin ni Javi sa sarili n'ya, saksi ako dun. Sandali kaming natahimik at hindi nag salita. Bago ko binasag yun. "Akyat mo na yan sa kwarto nyo at para makapag pahinga ka na din," utos ko at umayos na ng tayo at naglakad na paakyat. Nakita ko naman na inayos n'ya ung pagkakabitbit n'ya sa bag n'ya tapos inunti unting buhatin si Javi. Naglakad na din s'ya paakyat, dahil huminto ako nagkasabay kami pero pinauna ko na s'ya dahil may bitbit s'yang Javi. Naalala ko din na hindi niya mabubuksan ung pinto ng kwarto nila kaya naman ako na nagbukas nang tumapat kami sa kwarto nila. Pero nagsalita s'ya bago s'ya makapasok. "Ikaw? Sinabi mo na ba ung nangyayari sayo sa kanya? You know that she will be more worried pag pinatagal mo pa," saad n'ya lang. "I know but I don't want to distract her. Hayaan mo muna s'yang makapagfocus sa exam n'ya. Please! Wag mo munang sasabihin," saad ko at tinignan s'ya nang seryoso. "Hindi naman kita pangungunahan sa desisyon mo. Suportahan kita! Basta pag may nangyari, tawagan mo ko," saad n'ya habang nakatingin din sakin ng seryoso. "Sige na. Magpahinga ka na. Good night 'tol," saad n'ya at pumasok na ng tuluyan. Ganun din naman ang ginawa ko at humiga na. I know Javi will be very sad if she finds out the truth late but if I will tell her now, she will be distracted kaya ayoko munang sabihin sa kan'ya. ------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD