Chapter 19

2466 Words
Javi's POV "Ano na? Tuloy ba tayo next week? Papabook na ko. Sagot ko na yung room natin," saad ni Kuya Kiefer habang nakaupo at umiinom ng beer n'ya. Nandito kasi sila para mag sleepover, dahil mga wala pasok bukas. Kaming anim na lang ang gising at umiinom ng beer. Sila lang pala kasi ayaw ni Kuya at Louie na uminom ako. May na at nag uusap usap sila kung tuloy ba yung outing na plinano nila. "Tuloy natin kasi may layag ka na next month. Sayang din libre mo," saad ni Kuya Liam. "Sige! Bukas papareserve na ako ng room. Ilang araw tayo? At ilan tayo?" tanong naman nung manlilibre. "Si Javi, Jash at Louie. Magsasarili ng kwarto yan kaya hayaan nyo na si Papa Louie dun. Bali, tayong apat, si Leah at Ate Myla. Anim lang," saad naman ni Kuya. Pag kasabi n'ya na magsasarili kami ng kwarto tumingin ako kay Louie. "Magsasarili tayo ng kwarto? Bakit?" tanong ko sa kan'ya kaya naagaw ko yung atensyon nila. Nakikinig lang kasi ako at hindi nagsasalita. "Yeah! Sama tayong tatlo nila Jash. Why?" tanong n'ya sakin nang nakataas ang kilay. "Wala lang. Ikaw sasagot nun? Wala akong pang ambag, Louie-tots!" saad ko at nakarinig ako ng mahinang tawa kila Kuya. "Oo naman. Atska presensya mo lang sa kwarto, okay nang ambag yun," saad nya kaya bigla ko siyang nahampas. Ang manyak kasi! "Ano'ng presensya sa kwarto?! Manyak nito!" singhal ko sa kanya. Bigla naman siyang napaharap at napaayos ng upo dahil sa paghampas ko sa kanya. Mas lumakas naman yung tawa nila Kuya sa usapan namin. "Wala akong ibig sabihin dun! Dun ba sa kwarto na ibobook ko para satin nila Jash yung tinutukoy ko. Green minded!" singhal n'ya din sakin. Bigla naman akong nahiya at napakagat ng labi. "Kasi naman! Ewan ko sayo," saad ko sa kanya at sumandal ulit sa upuan. "Tsk! Pahiya ka lang," saad n'ya tas sumandal din sa upuan. "Ang cute nyo talagang dalawa mula noon hanggang ngayon. Anyway yayain ba natin si Nat? Kung okay lang naman sayo," saad ni Kuya Van na tinuro pa si Louie. "Actually sasuggest ko nga sana para naman makapag enjoy yung dalawang yun," saad ni Louie tas tumingin sakin. "Okay lang ba sayo?" tanong n'ya kaya napatingin ako sa kan'ya. "Ahm. Hindi naman n'ya ko aawayin kasi inagaw kita sa kanya 'di ba?" tanong ko pero agad din nagexplain kasi yung mga itsura nila. "I mean kasi pinakilala ko si Jash na anak mo. Hay! Bahala na nga! Okay lang naman sakin. I want to meet her too eh.," saad ko "Wala ka naman ngang inagaw. Kulit!" rinig kong sabi ni Louie. "Sama na natin sila Nalia," saad n'ya at biglang hawak sa bewang ko at hinila ako palapit sa kan'ya. "Sige! Tutal 8 na tayo, hindi kasama yung pamilya. Apat apat na lang sa kwarto. yung apat na babae tapos tayong apat. Ano? Okay ba? 2 beds yung kunin ko," saad ni financer. Nagtanguan naman sila tapos nag usap sa magiging ambag nung iba. Ako? Wala! Nakikinig lang, habang hinahalik halikan ni Louie yung balikat ko. Natapos yung pag uusap namin at nagpasya nang matulog. Kaya naman umakyat na kami. Nakaakbay sa akin si Louie samantalang yung apat nag uusap pa din. 2 nights and 3 days kami doon sa resort na napagpasyahan nilang pagstayan namin. May kanya-kanya na silang toka para sa outing nakin at ako? Ako ang magdadala ng camera! Ayun lang ang nakaatas sakin. Nang makarating kami sa kwarto namin, nagpaalam na kami sa isa't isa. "Good night sa inyo. Mamaya na ulit tayo mag usap about sa outing, tulog na kayo!" saad ko sa kanila "Good night, Javi!" Sabay sabay na sabi nila kaya natawa ako. Pumasok na kaming dalawa sa kwarto at humiga. "Okay lang ba talaga sayo na kasama si Nat?" tanong n'ya sakin habang nararamdaman ko yung yakap n'ya. "Yeah, 'di ba sabi ko sayo gusto ko s'ya mameet. Kaya okay lang sakin. I bet she's a good woman," saad ko at yumakap na din kay Jash. "Okay! Good night. I love you, Loe," saad n'ya pero hindi ko nagawang sumagot dahil alam ko pag sinagot ko ang i love you n'ya. Tapos na ang pagtitimpi ko. "Good night, Louie." 'Di naman s'ya sumagot pero naramdaman ko yung kamay n'ya na mas hinapit ako. 'Di kalaunan nakatulog na din ako. ----------------- "Kanino palang kotse gagamitin natin bukas?" tanong ko kay Louie habang inaayos yung mga gamit namin ni Jash sa duffle bag ko. Bukas na kasi yung outing namin. "Tayong tatlo nila Jash sa kotse ko. Tapos si Kiefer, Leah at Ate Myla ata sa kotse ni Gelo tas si Nat, Nalia at Liam sa kotse ni Van, s'ya kasi magsusundo dun sa dalawa," saad n'ya habang nakaupo sa kama at pinapanuod ako sa ginagawa ko. "Hm. Dun na tayo magkikita kita?" tanong ko ulit. "Hindi, sabay sabay tayo. Dadaan muna sila dito. Hindi halatang excited ka, Loe," saad n'ya at pagtingin ko nakangiti ang loko! "Excited talaga ako kasi ngayon lang ako ulit makapag bakasyon after ng pag aaral ko ng med and I'm also excited for Jash," saad ko at naupo sa tabi n'ya na s'yang akbay naman agad sakin. At hinila ako para humalik, mabilis lang naman yun. "Tsk! Halik nang halik eh!" inis na usal ko sa kan'ya na ikinatawa n'ya. "Sorry, I can't help it. I love you," saad n'ya pero ngumiti lang ako kaya bigla n'ya kong niyakap sa likod. "I can't wait to hear your 'i love you too' again, Lorraine," saad n'ya at mas humigpit ang yakap. Hinawakan ko lang yung kamay n'ya at sumandal sa kan'ya. Matagal kaming nasa ganong posisyon nang pumasok si Jash kaya napatingin kami sa kanya. Bigla naman s'yang tumakbo palapit samin, umupo paharap sakin kaya nakayakap kami ni Louie pareho sa kanya. "I love you Mama and Papa!" saad ni Jash kaya natawa kami pareho ni Louie. "I love you too, baby," saad ko sa kanya. "Mahal ko din kayong dalawa ni Mama, Jashua," saad naman ni Louie. Kung kanina kaming dalawa lang ngayon pati si Jash kaya naman nung may kumatok, walang gustong magbukas samin ng pinto kaya sumigaw na lang ako. "Javi, Louie, ali- gusto ko lang naman iconfirm ang alis natin bat kayo nang iingit!" saad ni Kuya Kiefer habang salubong ang kilay. Tinawanan lang namin s'ya pati si Jash. "Alis tayo ng 6:30 bukas. Para maaga pa tayo makapunta dun," saad n'ya tas akmang isasara na n'ya yung pinto pero nagsalita pa s'ya. "Sweet nyong tatlo dyan. Kasalan na n'yan!" saad n'ya tapos umalis na. Kasalan?! Label muna! Charot! "Tara na at ituloy na ang pagliligpit natin tapos magpahinga na tayo ang maagang magising bukas may kiss kay Mama," saad ko habang natawa. yung dalawa naman sabay na humiga at pumikit. Kaya mas natawa ako. "Hoy! Mag ligpit muna tayo. Help me!" singhal ko sa kanila pero yung dalawa hindi natinag at walang tumayo. Kaya naman para makahiga na din ako. Inayos ko na lang yung ibang gamit at nilagay sa pang isahang sofa tapos nahiga na din. "Good night Mama. I love you," saad ni Jash at yumakap. "I love you too.. tulog na ata ang papa mo. Napagod," saad ko dahil hindi nagsasalita yung isa pero joke lang pala kasi yumakap sa'min bigla. "Mahal na mahal ko kayong dalawa. Tulog na" malambing na sabi n'ya. Kinabukasan, nagising akong wala ng tao sa tabi ko. Ah! Mukhang maaga talaga sila nagising dalawa! Bumangon na lang ako at tinignan yung oras, 5:30am na. Panigurado gising na sila Ate Myla at nag peprepare na. Naghilamos na lang ako at inayos yung damit na isusuot namin pareho. I will wear a white maxi dress na pang beach na binili namin ni Leah nung nakaraan. Binilhan ko din s'ya sabi ko aawra kami pareho. "Good morning Mama! Kiss namin ni Papa? Both of us wake up early than you," bati ni Jash nang makababa ako. "Oo na. Madaya kayong dalawa ah," saad ko at kiniss si Jash sa pisngi. Tapos tumingin kay Louie na nakangisi. "Tss!" saad ko sa kanya at lumapit "Ayoko sa pisngi.. Gusto ko sa lips," saad n'ya kaya sinamaan ko s'ya ng tingin. "Choosy ka pa! Ikaw na nga ang ikikiss!" saad ko at humalik sa pisngi n'ya. "Lagay mo na yung mga gamit natin sa kotse mo. We'll help you," saad ko at ngumiti habang s'ya nakasimangot. "Ang agang harutan naman n'yan," natatawang komento ni Kuya Liam. Kaya napatingin kami sa kan'ya at kakapasok n'ya lang kasama sila Kuya Kiefer at Kuya. "Si Louie kasi!" natatawang sabi ko tapos tumingin ulit kay Louie. "Tara na, Lou.." yaya ko. "Oo na. Eto na," saad n'ya at naglakad ng nakabusangot. "Kain na kayo, Kuya. Sunod kami. Lagay lang namin yung gamit sa kotse," saad ko tapos sumunod kay Louie. "Sabayan mo na sila Tito, Jash." Inilagay na nga namin yung gamit tapos kumain, ilang oras lang din inilalagay na yung ibang gamit na dadalhin at inaantay na lang sila Kuya Van dahil sinundo daw yung ex-wife ni Louie. Ako naman nag aayos pa ng aking sarili. Nung naramdaman kong okay na ako. Lumabas na ko ng kwarto at bumaba. Habang pababa ako, naririnig ko na yung boses ni Kuya Van sa baba kaya siguro andito na yung ex-wife ni Louie. Kinakabahan ako! Sumilip muna ko ng unti para makita sila. Nang may nakita akong babaeng kausap nila Kuya. Kinabahan ako bigla. Maganda at medyo matangkad. She's wearing a blue summer dress and flip-flops. Mukha din sexy. Para naman akong nahiya sa suot ko. Alam ko namang maganda ang katawan ko pero parang wala akong laban. Bakit nakikipaglaban ba ko? Hindi naman ha. Nag iisip pa ko nang tawagin ako bigla ni Jash. "Mama!" tawag n'ya kaya yung mga nag uusap usap nabaling sakin yung atensyon. Ngumiti lang ako kay Jash na minsan masarap batukan. Joke! Mahal ko 'to. 'Di naman ako makatingin dun sa grupo nila Kuya kasi mahihiya talaga ako. Nawala yung aawra kami ni Leah. Oh! Speaking of Leah! Nasaan si Leah?! Kaya naman bigla akong napalibot yung tingin sa iba. "Nasaan si Leah?" tanong ko kila Kuya na nakatingin sakin pero hindi nila ko sinagot. "Hoy! Nasaan si Leah?!" "Nandun pa sa kwarto nila nag bibihis pa." sagot ni Kuya Liam na nakatingin pa din sakin. "Okay! Mukha kayong tanga!" saad ko at bumalik yung atensyon kay Jash na nakangiti din sakin. Tapos kinuha ko yung kamay n'ya at naglakad papalapit kila Kuya. "Ganda natin today, Javi! Ay mali! Everyday pala pero mas gumanda ka today! Iba din!" asar ni Kuya Kiefer ng matapos silang tumitig sakin. "Baliw!" saad ko at akmang babatuhin s'ya ng kung ano. "Hoy, Javielle Lorraine?! Kailan ka pa nagsuot ng gan'yan?!" saad naman ni Kuya. "Nung nasa Korea. Pag nagpupunta kami nila Papa sa Jeju or sa mga beach dun. 'di ba Jash?" sagot ko kay Kuya. "Ganun din si Leah. Nakasummer dress din yun," saad ko at tumabi na kami ni Jash kay Kuya. "Oww.. So ibig sabihin nakaswimsuit ka din?" tanong ni Kuya Kiefer habang nakatingin kay Louie. Tumango lang ako sa tanong n'ya. "Patay kang Louie ka! Humanda ka na! Hindi ka namin tutulungan pag napaaway ka sa mga lalaki dun!" saad n'ya kay Louie na nakatingin sakin. 'Di ko na lang pinansin yung mga sinabi ni Kuya Kiefer at yung tawanan nila pero napatingin ako dun sa babaeng may hawak hawak na batang babae. "Hi," bati ko sa kan'ya kaya tumigil sila sa kakatawa at naramdaman ko yung presens'ya ni Louie sa likod ko. "Hi, Natalie. Nat na lang. You're Javi right? Gumanda ka lalo. The first and last time I saw you was your despidida," saad nung Natalie. "Ahm yeah. That was 6 years ago. Javi. Nice to meet you, ahm... Ate Nat? Ate ba? Sorry," nakangiting sabi ko. "Yeah, it's okay to call me Ate. Since same age lang kami nila Van. Nice to meet you too. Ow.. by the way, this Nalia. My daughter," saad n'ya at pakilala n'ya kay Nalia na nasa tabi n'ya. Babati na sana ako kaso naunahan ako ng anak ko kaya napatingin ako sa kan'ya at sa ama n'ya. "Hi Nalia. You look beautiful today," saad n'ya "Thank you, Jash. You too, you look good," saad naman ni Nalia, si Jash naman kumindat lang. Nagtawanan naman yung mga Kuya pati si Ate Nat. Ako, nakataas ang kilay ko sa ama n'ya. "Mana sayo yung anak mo!" saad ko sa kan'ya na nakapulupot na ang braso sa bewang ko. "Sakin? Hindi ako nagturo dyan. Si Kiefer yun. Bakit ako? Bait bait ko," saad n'ya kaya hinarap ko s'ya bigla. "Ano?! Tigilan mo ko, Lorraine. Hahalikan kita." natatawang banta n'ya kaya bumalik na lang ako sa pakikipag usap kay Ate Nat. "Hi Nalia. I'm ahm.... Ano ba? Tita or Ate? . Help!" saad ko kila Kuya. "Nalia, she's Tita Javi, Jash's Mommy," pakilala ni Louie sakin pero parang na hurt ako dun pero naalala ko wala nga pala kaming label kaya tama lang. "Hi po Tita Javi. I'm Nalia Klarence Hilton," pakilala n'ya kaya napangiti ako. "Hi Nalia. Ang cute! Pwede kitang ampunin. Joke lang!" saad ko at tumingin pa kay Ate Nat. "Gusto mo ba ng baby girl? Pwe-" pinutol ko na yung sasabihin ni Louie dahil kaman'yakan na naman n'ya yan. "Kama-" pinutol ko yung sinasabi ni Louie at pinutol naman ako ni Jash "Yes, Papa! I want a baby sister!!" saad ni Jash ngumiwi lang ako pero sila Kuya natawa kasi excited na excited s'ya. Wala pa kaming label ng tatay mo?! Baby sister! "Gagawan natin ng paraan, Jash. After ng PLE ni Mama," saad naman nitong isa kaya hinampas ko s'ya. Sila Kuya naman tawa lang nang tawa. Sasagot sana ko kaso biglang dumating na sila Leah at suot n'ya yung binili namin. "Kita na lang tayo dun," saad ni Kuya Van habang pinagbubukasan sila Ate Nat ng pinto. "Sige, Ingat," saad ni Louie habang pinag bubuksan naman ako ng pinto. "Ingat kayo, Kuya," saad ko lang sa kanila bago ako pumasok. Umikot na din si Louie papuntang driver seat, nakipag usap lang s'ya saglit kila Kuya tapos pumasok na din. "Okay na kayo? Okay ka lang dyan, baby?" tanong n'ya kay Jash na nasa likod. "Yes Papa!" excited na sabi ni Jash. Kaya nilingon ko s'ya at ngumiti. "Ikaw? Seatbelt mo?" tanong naman sa'kin ni Louie. "All set! Let's go!" saad ko at tinignan n'ya lang kaming dalawa ni Jash saka ngumiti. "Dream come true!" masayang sabi n'ya tapos sinundan na yung kotse nila Kuya. Ngumiti lang din ako tapos tinignan si Jash na nakasmile din. Ako din! Dream come true to. Minsan kong pinangarap na sana makumpleto kaming tatlo kaya masaya sa pakiramdam. -------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD