Chapter 20

3490 Words
Louie's POV Mula nang umalis kami ng bahay nila Loe, nakangiti lang ako. I can help but to smile, sinong hindi?! Kasama ko lang naman yung dalawang mahalaga at mahal ko sa buhay ko. "Nakatulog na si Jash," rinig kong saad ng maganda kong katabi kaya napasulyap ako sa kanya tapos tumingin sa likod. Paano hindi makakatulog yan. Ang aga nagising n'yan. Ginising pa ko n'yan para daw may kiss kami pareho sa mama n'ya. Sinusuportahan ako ng anak ko sa kalandian ko sa Mama n'ya. "Yaan mo na. Malayo layo pa naman tayo. Ikaw? Gusto mo matulog? I'll wake you up if we're already there," saad ko sa kanya. "Nah! I'm good. Hindi naman ako inaantok. Para din may kausap ka baka ikaw ang makatulog," saad n'ya kaya naman sinulyapan ko ulit s'ya at hinawakan ang kamay. "I love you, Loe. And by the way ang ganda mo." Nakatitig na sabi ko. Red light kaya pwede ko s'yang tignan. Ngumiti lang s'ya sakin but I know in her mind she's saying 'i love you too.' I know that smile. Pero totoo yun, ang ganda niya talaga ngayon. Simple lang yung ganda ni Lorraine, kasi hindi naman s'ya gaano nag aayos. Ang pinaka ayos na n'ya lipstick and kilay tapos okay na s'ya dun. Nung nakita ko siya kanina na nakasuot ng maxi dress na mid length ang haba. Wow! She's beautiful! Kaya kahit si Gelo kanina napanganga nung nakita yung kapatid n'ya kasi minsan lang namin s'yang makitang mag dress, mali! Ngayon lang namin s'ya nakitang mag suot ng dress. "Thank you, Lou! Gwapo mo din today!" saad n'ya tapos tumingin sa harap. "Green na, Lou!" saad n'ya kaya tumingin na ko sa kalsada. "Today lang? Grabe ka talaga," saad ko sa kan'ya. Natawa naman s'ya at ang sarap sa tenga nun. Ghad! Why I'm so in love with this woman!?! Hindi ako nagrereklamo kasi gustong gusto ko. "Sorry na! Everyday naman. Mas lang today. Okay na? Satisfied?" saad n'ya sakin kaya natawa din ako kasi parang pilit lang e. "Sige, okay na yun kahit halatang pilit," saad ko kaya mas natawa s'ya. "Don't get mad na. Gwapo ka nga everyday!" saad n'ya na parang s'yang iritable pero natawa "Oo na. Naniniwala na," balik ko sa kan'ya, pinisil n'ya lang naman yung kamay ko dahil magkahawak pa din naman kami ng kamay. "Ahm! Mabait si Ate Nat," saad n'ya bigla kaya sinulyapan ko s'ya. "Yeah, she is. Hindi kagaya ng ugali ng Mama n'ya," saad ko. "I wanna be friends with her. Mamaya chichikahin ko yun. Kayo muna bantay sa mga bata. Aawra kami nila Ate at Leah. Okay?" turan n'ya at alam kong nakangiti s'ya. "Tss.. ayusin mo yang awra awra nyo, Lorraine ah. Siguraduhin mo lang na hindi ako o kami mapapaaway dyan," saad ko kaya natawa s'ya. "Hey! What I mean is magpipicture taking kami! I'm the photographer and they are my subject. Kung ano ano iniisip mo," saad n'ya habang nilalaro yung daliri ko. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong meron kami. Gustong gusto kong linawin sa kanya pero naguguluhan ako. Kasi minsan, she's sweet, caring and aggressive but sometimes I feel like she's pushing me back and asking me to wait. So I don't know how to clear things out. Katulad ngayon, I hold her hands and she didn't take it from me, pinag lalaruan n'ya pa yung kamay ko. We're both comfortable with each others hand. "Okay okay. We'll take care of the kids," saad ko na lang. "Picture din tayong tatlo nila Jash. Pwede ba?" tanong ko sa kanya. "Oo naman. I would love to," saad n'ya pag sulyap ko sa kan'ya nakangiti siyang nakatingin sakin. Ngumiti na lang din ako sa kanya at tumingin ulit sa harap. 2hrs and half ang travel namin tapos nakarating na din kami sa resort na pags-stayan namin. Ginising na ni Loe si Jash at tuwang tuwa naman ang bata nang nalaman na nakarating na kami. "Eomma! jigeum nagado doelkkayo? naneun badaleulbogo sip-eo! (Mama! Can I get out now? I want to see the sea!)" excited na tili n'ya. Excited yan kasi nagkorean bigla. Tumingin naman ako kay Loe kasi hindi ko maintindihan yung sinabi niya. . Hindi ako marunong nun. "Jash! Wag kang magkorean! Hindi naiintindihan ni Papa," saad ni Loe. I love it when she's calling me papa. "Later na tayo lalabas pag sinabi na ni Tito Liam," dagdag n'ya pa. "Sorry, Papa" saad lang ni Jash at ngumiti. "It's okay baby. I know you're too excited," saad ko na lang. Habang inaayos pa ni Master Liam ang aming entrance and cottage nagkwentuhan lang kaming tatlo at nag asaran. Pinagtripan lang namin yung mama namin. Sarap sa feeling that I'm talking to these two people I treasure the most. Iniimagine ko lang to dati pero eto na ngayon. Kaya kung panaginip man 'to. Dito na lang ako. Ayoko nang magising but I know and I'm happy because this is not a dream. Ilang minuto din kaming nag antay ng kumatok si Liam sa kotse. "Tara na! Iwan nyo na muna yung ibang gamit nyo dito. Dun tayo sa dagat," saad n'ya kaya naman yung isa agad nang sumama kay Liam. Natatawa lang kami pareho kay Jash dahil kahit anong pigil ng mama n'ya sa kan'ya, hala sige pa din. "Ang kulit," saad na lang ni Loe. "Sus! Mana lang naman sayo yan. Makulit ka din," saad ko kaya sinamaan n'ya ko ng tingin habang kinukuha namin yung duffle bag sa compartment ng kotse. "At least sakin, hindi sayo na nasa loob ang kulo," saad n'ya kaya natawa ako bigla. "Tahimik kuno pero nasa loob ang kalandian. Naku Louie-tots!" dagdag n'ya pa. "Okay! Buti na lang sayo nag mana," pagsuko kong tugon. "Akin na. Ako na magbubuhat," saad ko sabay kuha ng duffle bag nila ni Jash tapos inakbayan s'ya. Wala naman siyang ginawa. Nag simula na kaming lumakad at kita namin si Leah at Ate Myla na hinahabol yung dalawang bata. Nagkasundo pa yung dalawa sa kakulitan. Nakita din namin si Van na kinukuha yung bag na dala ni Nat. Kaya itong akbay ko nagtanong na. "May something sila?" tanong n'ya sakin. "Hindi ko alam pero si Van type n'ya si Nat. Noon pa yan, ewan ko kung anong nangyayari," saad ko. Totoo yun 'di ko alam kung anong nangyayari. Basta parang ang pagkaka kwento ni Van, nagtanong s'ya kaya Nat kung pwede siyang manligaw pero hindi n'ya kinuwento kung natuloy. "Hm! Chichikahin ko talaga si Ate Nat," saad n'ya kaya ngumiti ako at mas inilapit s'ya sakin. Nagulat naman ako kasi yung isang kamay n'ya yumakap sa bewang ko. Hay! Lorraine! Ano bang gagawin ko?! You're giving me assumption na tayo na ulit but there's no clarification! Argh! "Okay! Ako na bahala sa anak natin," saad ko at hindi ko napigilan hindi s'ya halikan sa tuktok ng ulo n'ya. "Hoy! Lovebirds! Pwedeng maghiwalay muna kayo dito! Aba naman!" saad ni syempre! Sino pa bang inggitero kong kaibigan. Si Kiefer 'the financer' Martinez lang naman! 'Di ko s'ya pinansin pero tinaasan ko lang s'ya ng gitnang daliri kaya natawa sila Gelo. Nung nakasabay na namin sila Van at Natalie. Bumulong saglit sakin si Loe. "Papansinin n'ya ba ko kung sasabayan ko s'yang maglakad?" tanong niya sakin. "Oo naman, gusto mo siyang sabayan?" tanong ko kaya tumango s'ya. Binitawan ko naman siya at ganun din s'ya sakin tas unti unting lumapit kay Natalie kaya ang kasabay ko na sila Gelo. Nakita ko naman na nag uusap sila kaya kampante na kong okay s'ya. "Bagay talaga kay Javi ang pagiging doctor, napakahospitable nyang tao. Making sure that no one is not comfortable," saad ni Liam. Kahit kasi kaibigan na namin si Nat, iba pa din yung closeness namin kay Loe. Lalo na lahat kami lalaki, tapos ex wife ko pa s'ya so medyo awkward pa s'ya. Nararamdaman ni Lorraine yun kaya ayan at s'ya na nag lumapit. Nakatingin lang kami sa kanila habang papunta sa cottage namin. Nakikita namin na nagkakangitian at tawanan na silang dalawa kaya alam kong komportable na si Nat kay Lorraine. Nakarating kami ng cottage at ibinaba ang mga gamit namin si Loe at Nat ayun at pinuntahan na yung apat para magpicture, kami namang lima naupo at tinanaw sila. "Gelo! Sabihin mong may beer kang dala," saad ni Van sa kanya. "Meron. Mawawala pa ba yun? Mamayang gabi natin inumin. Dun tayo sa kwarto nila Louie. Ay wait! Nandun si Jash. Baka bigla akong sipain ni Javi!" saad ni Gelo habang natawa. "Dun na lang sa kwarto natin o kaya pagtulog na yung mga bata para kasama sila Leah, Nat at Javi," saad ni Kiefer. "Papainumin mo si Javi. Wag oy!" saad ko at kinunutan siya ng noo. "Minsan lang eh! Painumin mo na," saad ni Kiefer. Mahabang deskusyon ang nangyari bago ako napapayag. Ayokong painumin si Loe kasi baka maamoy ni Jash. Magulat s'ya ang mama n'ya nag iinum pala! Atska nagiging wild si Loe pag nakakainum ng beer. Proven and tested ko na yun. Bumalik yung anim at magka kausap na ngayon yung tatlong girls habang si Ate Myla kasa-kasama yung dalawang bata. Umupo sa tabi ko yung dalawang mahal ko. Syempre gitna ang bata. Tapos sila Nat naman, dun sa may kila Van naka upo. "Papa, It's so nice here! Mama took a lot of photos of us. Wala nga lang s'yang picture because she's the one who took the photos," saad ni Jash kaya tinignan ko si Loe at mukha naman okay lang sa kanya. Hilig n'ya ang photography kaso nga lang mas pinursue n'ya ang Medicine dahil mas kailangan daw namin yun. "Mama is okay with that. She likes taking photos and others," saad ko naman kay Jash. "Oh! Tara langoy!" saad ni Van kaya yung dalawang bata na kakapahinga pa lang na excite! "Let's go, Tito Van!" sigaw ni Jash. "Sama kami, Tito Van!" sigaw din ni Nalia. "Excited ang mga bata! Magpalit muna at mag lagay ng sunblock! Eto si Jash maputi magiging tan to," saad ni Liam. Oo nga 'no?! Mamumula mula 'to mamaya. Si Nalia kasi medyo morena. "Wait! Kumain na ba kayong dalawang kids?" tanong ni Loe kay Nalia at Jash. "Yeah! Nalia! You didn't eat breakfast because you're too excited," saad ni Natalie kaya napanguso bigla si Nalia. "Si Jash konti lang kinain niya kanina," saad ni Gelo. Kaya sabay kaming napatingin kay Jash na nakangiwi ng ngiti! Bistado kang bata ka. Yari ka sa Mama mo! Javi's POV Nakatingin lang kami pareho ni Louie kay Jash na nakangiwi ng ngiti. Magaling talaga! "May sandwich akong ginawa dito. Kainin nyo munang dalawang bagets bago kayo mag swimming," saad ni Leah. "Hindi kaya kita pagswimmingin," bulong ko kay Jash na narinig ng papa niya kaya tumawa nang malakas. "Love! Tinatakot mo yung bata!" saway n'ya sakin habang natawa. "Sige na, anak. Kain ka na muna ng sandwich na gawa ni Ate Leah tapos saka maligo," saad ng papa nya. Umirap lang naman ako kaya kinurot ako ni Louie nang mahina sa tagiliran. Tinignan ko siya pero pinanlakihan lang ako ng mata. Ngumuso lang ako at kumuha na din ng sandwich. After namin kumain. 'Ska ko binihisan si Jash kasi si Leah sinamahan si Ate Myla, magbibihis din daw. Sinuotan ko lang siya ng rashguard tapos short. Tapos nilagyan ng sunblock. Dahil nga dagat mamumula to mamaya. May private pool din yung hotel para yun sa mga nakacheck in pwede kaming pumunta dun pero mas feel daw nila ang dagat. Nagbihis na din si Kuya Van at Kuya Liam. Kaming lima, hindi pa. Well! Huhubarin ko lang naman tong damit ko tapos pwede na kong maligo. Niyaya na naman nung dalawang kuya ang bagets kaya ayun at tumakbo ng mabilis. "Tara Javi at Nat! Sulong!" yaya ni Kuya Kiefer. "Intayin ko si Leah. Sabay na kaming tatlo. Sundan mo na yun Kuya Kie!" saad ko. "Oo nga, Kiefer. Antayin na lang namin si Leah at Ate Myla," saad naman ni Ate Nat. "Okies! Sabi nyo e. Kayong dalawa? Maliligo kayo? O baka kakapit ka lang dyan kay Javi, Louie!" saad n'ya kay Louie na nakayakap sakin. "Paki mo," saad n'ya lang kaya natawa kami pare-pareho. "Maligo ka na dun. Daming kuda!" Natatawang nag hubad si Kuya Kiefer ng t-shirt n'ya tapos ipinatong sa bag n'ya ska naghubad ng cotton pants n'ya. Oww! Meron na pala s'yang short na panligo dun. After n'yang tupiin. 'Ska s'ya pumunta sa apat at nakigulo dun. "Naiingit ako bigla," saad ni Ate Nat kaya natawa ako. "Ako din ih. Ang tagal ni Leah at Ate Myla," saad ko habang umaayos ng upo. Buti nga at binitawan na ko ni Louie, nakahawak na lang siya sa bewang ko. "Maliligo ka, Lou?" tanong ko sa kanya. "Yeah, mamaya. Maglalagay ka ng sunblock?" tanong n'ya sakin. Tumango naman ako tapos kinuha yung sunblock. Ganun na din yung ginawa ni Ate Nat. Sakto naman habang nag lalagay kami. Dumating si Leah at Ate Myla. Si Ate Myla punta na din dun sa tubig at nakigulo. Nagtawanan naman kami ng makita namin biglang hinila ni Kuya Kiefer si Ate Myla papuntang malalim habang si Ate naman sigaw nang sigaw. . After kong maglagay ng sunblock. Unti unti kong hinubad yung dress ko. Nauna nang maghubad sila Ate Nat at Leah. Maganda ang katawan pareho. Si Ate Nat mukhang sanay na mag2 piece, si Leah naman katulad ko nakabeach short din s'ya. Nang mahubad ko na bigla naman akong nakarinig ng mura sa likod ko kaya tinignan ko si Louie. "Oh fck!" saad n'ya na nakatingin sa taas. "Hoy! Anyare sayo?" nagtatakang tanong ko at kinalabit pa s'ya. "Ganyan talaga suot mo?" tanong niya ng ibaba niya yung tingin niya sakin. Kumunot naman bigla yung noo ko. "Yes, lagyan mo ko sunblock sa likod," saad ko at Ibinigay sa kanya yun. Wala naman siyang nagawa kun'di lagyan ako. Wala namang masama sa suot ko. I'm wearing army green 2 piece bikini tapos pinatungan ko lang ng beach short. "Javi, ingat ah! Baka mapaaway si Louie sayo." paalala ni Kuya pero parang nang aasar. "Subukan lang nila!" saad nitong isa. "At ikaw?! Wag mo ng tanggalin yang short mo," saad n'ya kaya naman tumango lang ako. Sabay na kaming nagpunta tatlo nung natapos na kami. "Pinayagan ka ni Louie, magsuot n'yan?!" Byungad ni Kuya Kiefer sakin. "Yep!" saad ko tas sumisid na pailalim. Marunong naman akong lumangoy. Sumunod naman din agad samin si Louie at Kuya. Tanaw namin yung mga gamit namin kaya okay lang. Nasa medyo malalim kaming parte nila Louie, Kuya, Kuya Van, Ate Nat at Leah pati si Kuya Liam. Si Ate Myla at Kuya Kiefer naman nandun at binabantayan yung mga bata. Ayaw lumusong ni Ate Leah sa malalim dahil takot. Si Kuya Kie naman s'ya na daw bahala sa bata. Sawa na daw s'ya sa tibig dahil lagi s'ya sa dagat. Layag pa! Napaigtad naman ako ng may biglang humatak ng paa ko pailalim. Pagtingin ko si Louie! Hayop! "Sira ulo!" natatawang singhal ko sa kanya ng makaahon kaming dalawa. Natatawa lang naman s'ya. "Leah, umiinom ka naman 'di ba?" tanong ni Kuya kay Leah. Mukhang nahiya si Leah kaya ako sumagot. "Drunken Master kaya yan si Leah," saad ko na ikinatawa ni Leah sabay saboy sakin ng tubig. Isang taon ang tanda sakin ni Leah kaya parang naging Ate ate ko na siya pero more on best friend, s'ya lang ang kausap at kakwentuhan ko sa bahay nila papa noon e. Kaya kaibigan ang turing ko sa kan'ya kahit taga alaga s'ya ni Jash. "Hoy! Baka isipin nila tomador ako! Loko to!" saad n'ya kaya mas natawa ako! Kasi yung mga mukha nila Kuya hindi maipinta sa sinabi n'ya. "Sabi sa inyo drunken master yan e," saad ko bago lumusong dahil susugod si Leah. Nakarinig lang naman ako ng tawa galing sa kanila. After ng asaran portion namin ni Leah. Sinabi lang ni Kuya na iinom daw mamaya sa may pool. Pwede naman daw basta nakacheck in. Dun muna kami sa pool mamayang gabi pero bukas dito kami sa dagat. After nun nagdecide kami na bumalik na yun nga lang hinatak ako ni Louie at sinabing magstay muna kaming dalawa dito. So we stay for a while. Habang nakayakap sya sakin. "Ang sexy mo, Loe," saad n'ya. Sus! s'ya nga itong hot e! Pakita abs! May abs si Louie akala nyo ba?! Pero hindi s'ya macho. Sakto lang yung katawan n'ya. Mala'oppa ganern! Lahat naman sila. Sanay na lang akong nakikita silang walang shirt kasi since nagcollege ako lagi na sila sa bahay natambay. Nakita ko na yang katawan nila Kuya Kiefer pero ngayon ko lang naisip. Nagsimula ko lang makita yung katawan ni Louie nung may nangyayari samin pero noon hindi. He never remove his shirt. Sa bahay, unless siguro nasa kwarto sila pero hindi ko pa nga nakikita yung katawan n'ya. Nung may nangyari na lang samin. "Tss.. Ikaw nga nakabalandara yung abs mo dyan! Pinagtitinginan kayo nila Kuya ng mga babae dun," saad ko sabay turo dun sa mga girls na nakatigin kanina sa kanila. Natawa lang s'ya tas lumublob dahil nga nakayakap s'ya sa likod ko. Kasama ako sa paglublob n'ya. Pagbitaw n'ya sabay na kaming lumangoy papuntang mababaw. Pag ahon namin naglakad kaming papuntang cottage na nakahawak s'ya sa bewang ko. Pagdating namin, kumakain sila ng chips kaya naman nakikuha din kami. Habang nakain nagulat naman ako nang biglang may nagsuot ng dress ko sakin. Si Louie! Nakatshirt na s'ya. Hinayaan ko na lang s'ya sa trip n'ya. Sila Kuya naman natatawa lang sa ginagawa n'ya. Umupo ako sa tabi nila Leah at Ate Nat. Umiwas muna ko kay Louie. Magkasama naman kami mamaya. yung dalawang bagets katabi ni Kuya Van na nakain din. "Let's take a photos later," saad ko sa kanilang dalawa. "Sure. Wait! Photographer ka? I thought you want to be a doctor?" tanong ni Ate Nat. "No, photography is my hobby. At first yun talaga gusto ko but something important came so I decided to take and pursue meds. Nag aantay na lang din ako ng PLE para maging official physician," tugon ko. "Oww... Anong major mo?" tanong n'ya ulit. Buti nga madaling makapalagayan si Ate Nat ng loob. Mabait nga s'ya! "Neurosurgeon po. Kaya unti na lang po yung utak ko puro sabaw na," nakangiting biro ko naman sa kan'ya na ikinatawa nilang lahat. "Why you choose Neurologist or Neurosurgeon? Sabi mahirap yun. You're smart kasi nakaya mo," saad n'ya sabay subo ng chips. "Yun po yung pinili ko kasi nung nakilala ko po tong mga 'to," saad ko sabay turo kila Kuya. "Puro po may mga ubo sa utak kaya sabi ko sila una kong ooperahan at aalisin ko yung plema sa utak nila. Kawawa naman. Lalo na 'to!" saad ko at turo kay Louie na nakataas ang kilay. Natawa naman sila Ate at nagkanda samid samid pa. "Tawang tawa, Nat? Happy ka sa part na yun?" pagtataray ni Kuya Kiefer na mas ikinatawa namin. "Ikaw, Javi ah! Grabe ka samin. Si Louie lang may ubo sa utak dito," saad n'ya kaya naman kung walang bata minura na s'ya ng sobrang tagos sa buto ni Louie. Nagkwentuhan lang kami bago nagdecide na mag ihaw na ng mga inihanda nilang food. I just took my camera and take some photos together with Ate Nat and Leah. Maganda yung resort na napili nila. Madaming puno kaya mahangin at hindi maalinsangan.. Naglakad lakad lang kami, pose dito, pose dun. Habang maglalakad napaigtad naman kami ng bigla may nagsalita. "Alone?" Turan nung nagsalita kaya bigla akong napalingon sa gilid ko. Hindi lang pala s'ya isa. Tatlo sila. Galing! "No. We're with our family," saad ko at naglakad ulit para kumuha ng litrato. Pero naramdan naming nakasunod pa din sila kaya naman tumingin ako sa kanila. At tinaasan sila ng kilay. "Can you take a photo of us together with the two girls. Will pay you, girls. If you want, we can be friends too," saad nung nasa gitnang lalaki habang nakangisi tapos kumindat sakin. Yuck! "Sa iba na lang. Kaya lubayan nyo na kami. Thank you," saad ni Leah pero parang wala silang narinig at lumapit pa samin. "We want to be friends with you, girls. I'm Isaac, his Chase and this is Chester. Kayo pakilala naman kayo. We can also have a drink later night," nakangising sabi nung lalaki nasa kaliwa tapos kumindat na naman. Yuck! Para silang mga aso! "Nat, Javi and Leah. Okay na ba? pwede na kaming dumaan? kasi hinahanap na kami panigurado," saad ni Ate Nat. Kaya mas ngumisi yung lalaki. magsasalita pa sana sila ng biglang may dumaan sa gitna nila kaya napamura sila. "fck!" saad nung lalaki sa gitna at tinignan si Louie nang masama, si Louie naman tinignan lang s'ya ng usual look ni Louie. Nakikita ko sa kanya ang supladong Louie na una kong nakita. Ang gwapo! Ang hot! -----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD