
Great love and true friendship are the most powerful things in the world. Hindi kailan man mabibili o mananakaw ng kahit na sinong tao. Kailangan paghirapan at paglaanan ng puso at isip.
Ngunit sa kaso nina Quest, Aria at Aia ay susubukin ang katatagan ng pagkakaibigan at pagmamahalan.
Sa pag-alis ng isa ay mabubuo naman ang istorya ng dalawa pa. Ngunit sa muling pagbabalik niya ay unti-unting mauubos ang mga pahina. Mabubuo ang pighati, sakit at pagkawasak.
Sa pagbabalik ng isang tao mula sa nakaraan ay malalaman na ang taong dapat na sisihin sa pagkawasak ng lahat: ang nanloko, ang nagkulang o ang nagbabalik?

