Kabanata 29

3723 Words

Hold on Kapag gusto mo bumagal ang oras ay lalo itong bibilis. Kung ano kasi ang gustong-gusto natin ay madalas, iyon pa ang hindi pwede. Iyon ang ipagkakait sa atin. Bakit kaya gano'n? Siguro ay para mas pahalagahan pa natin ang mga oras na 'di natin pinapansin. Iyong mga minuto na ating hinayaan at wala sa isip na pinakawalan. Pinalampas na walang ginawa na makabuluhan. "Anak, pumunta na tayo ng hospital..." bulong ni Ina. Umiling ako at nginitian siya. Hinawakan niya ang noo ko at leeg. Her eyes are full of sadness. "Ang taas ng lagnat mo," dagdag pa niya. Bakas ang labis na pag-aalala sa kaniyang mukha. "Ayos lang po ako, Ina," saad ko at ngumiti nang bahagya para kumalma siya kahit papaano. Bumuntong-hininga siya at tumayo. Matagal niya akong tinitigan. Tila sinisigurado na okay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD