Leaving I just hugged him even with a lot of question in my mind. Ang tagal niyang kumalma at umiiyak siya. Hindi ko talaga kaya na makita siyang ganito. He always looks strong and stiff. Kaya kapag ganito ay para siyang naguguho at ang sakit lalo na ako ang dahilan. Pinalis ko ang mga luha niya. Namumula pa rin ang kaniyang mga mata dahil sa pag-iyak kanina. Lalo akong nalungkot nang mapagtanto na nalalapit na ang pagkawala ko tapos maiiwan ko siyang ganito... "Rigor, anong nangyari?" mahinahon kong tanong. He shut his eyes tightly and clenched his jaw. Pagmulat niya ay nariyan na naman ang madalas niyang hitsura. Matapang, matatag at tila 'di mabubuwag ng kahit sino. Kahit sino makakita sa kaniya ay 'di maiisip na pwede siyang umiyak. Tanging ako lang ang nakaaalam ng mga oras ng kah

