Pleading "Grabe, miss na miss ko 'to!" tuwang-tuwa na saad ko at nagsawsaw ng nilagang hilaw na saging sa bagoong. Sinubo ko 'yon nang buo habang nakatitig kay Rigor. Bigla ay nabilaukan siya. "Dahan-dahan!" saad ni Ina at tinapik-tapik ang likod ni Rigor. Inabot niya ang baso na may tubig habang umuubo at uminom doon. He glared at me. I innocently stared at him. Inismiran niya ako. "Aba! Ang sungit mo!" singhal ko sa kaniya. "Lucieta! Nagtatalsikan sa amin pagkain na nasa bunganga mo!" saway sa akin ni Ina. "Sorry," saad ko at lumabi saka pinanlakihan ng mata si Rigor. He rolled his eyes to me. Ang sungit talaga! Anong problema nito? Inulit ko 'yon at sumubo ng buo na saging. Napaubo ulit siya. Natawa ako at nagtalsikan ulit ang kinakain ko kaya nahampas ako ni Ina. "Ang dugyot m

