Message Nagising ako na masama ang pakiramdam. Wala na akong katabi. Agad akong tumakbo sa comfort room at nagsuka kahit wala ako halos ilabas. Hinang-hina akong humawak sa sink at pinagmasdan ang sarili sa salamin. My physical appearance is getting worse. Pero maganda pa rin ako. Hinaplos ko ang tiyan at bumaba ang tingin doon. Impis pa rin. Napangiti ako. "Huwag mo masyado pahirapan ang Mama, baby, ha?" bulong ko. Hinang-hina ako dahil sa morning sickness at malamang ay dahil na rin sa epekto ng cancer. Pero kakayanin ko 'to. Determinado ako na kakayanin ko ang lahat ng 'to. Pero kung pwede lang matupad ang hiling ko ay gugustuhin ko na pwedeng mabuhay ang baby ko kahit wala siya sa katawan ko. Lalo na sa sitwasyon na mayroon ako. Ang hirap dahil baka hindi ko kayanin tapos maaga ako

