PATRICIA LIANNE -
Pagkagising ko ay tulad ng nakasanayan ko na ay sa banyo agad ako dumeretso at naligo. Pag kabihis ko ay kinuha ko na ang bag ko at bumaba. Ibinaba ko ang bag ko sa sofa at dumeretso sa kusina para maabutanv nag hahanda na ng almusal si mama
"Good morning ma."Pag malambing ko kay mama nang yakapin ko s'ya mula sa likod
"Ay, ang panganay ko talaga, sige na maupo kana para makakain ka na."
Tumango ako at umupo na.
"Hindi pa ba gising si Andrew?" Tuloy ko sa bunso kong kapatid
"Nag bibihis na 'yon. Ang papa mo naman ay pumasok na ng trabaho.. Pero pinapasabi n'ya na mag iingat ka at mahal na mahal niya nya."Paliwanag ni mama dahil alam niyang sunod kong hahanapin si papa
Si Papa ay isang security guard sa isang company. Minsan ay rumaraket pa s'ya pag may ibang trabaho pa. Dahil hindi naman sapat ang sweldo niya. Naawa na nga ako sa kanila ni mama dahil sa pagtatrabaho para lang kapag aral kami kaya pinipilit kong makatuloy sa gastusin. Nag wo-working student ako.
Ngumiti ako.
"Si papa talaga, mahal na mahal ko rin po s'ya ma, kayong tatlo ng kapatid ko."
Kahit yakap lang ang pamumuhay namin ay nag papasalamat parin ako dahil sila ang naging pamilya ko.
Nag umpisa na akong kumain at dahil sa ang sarap mg luto ni mama ay halos lamon na ang nagawa ko. Nasa ganoong sitwasyon ako ng
"Hi po."
Awtomatikong nabalin ako para makita ang isang lalaking naka ngiti mula sa'kin
Halos lumuwa ang mata ko dahil ng mapagtanto abg itsura ko sa paningin niya.
Dali-dali akong inabutan ni mama ng tubig ng mabulunan ako
"Dahan-dahan lang kasi anak, kung kumain ka kasi ay akala mo'y maubusan ka." Hinahaplod ni mama ang likod ko.
"H-Hindi ma noh. A-Ang konti ko lang kaya kumain."Pasimpleng ibinalik ko ang ibang hotdog sa pinggan na pinaglaguan nito kanina bago nakangiting humarap kay Kervin.
Tch. Ba't kasi walang katok-katok. Nakakahiya, nakita nya kong lumamon.
"K-Kervin? B-bakit ka andito?"
Lumapit ako sa kanya.
"Sorry kung pumasok na ako, naka bukas kasi yung pinto."
"Okay, lang bakit ka nga pala andito? "
"Actually, I went here to see you--I mean for what was happened yesterday remember, I left you with Andrei kahit na sinabi ko nang sabay tayo uuwi."
Pasimple ako nangiti dahil pakiramdam ko ay ang special ko sa kanya kahit pa ganito naman talaga s'ya noon pa.
"Ah. 'Yon ba, nako! wala 'yon."napapakamot na sagot ko.
"Nak! Boyfriend mo? Gwapo ah."
Itinaas pa ni mama ang dalawang hinlalaki n'ya
" Ma?!! " Suway ko kay mama bago nahihiyang bumalin kay Kervin
"Sorry ah. "
"Okay lang."Natatawang sagot n'ya.
"Teka, nag almusal ka na ba? "
"Actually hindi pa nga eh."Ngumusi itong humawak sa tyan n'ya. Nangiti ako sa itsura niya
"Tara. "Hila ko sa kanya papaupo sa lamesa.
Ako ang nag handa ng pinggan n'ya sakto ang pag baba ni Andrew.
"Ate sino 'yan boyfriend mo? " Bungad na turo nya kay Kervin.
Nangiwi ako dahil ako ang nahihiya.
Ang totoo'y kilala naman talaga nila noon pa si Kervin. Palagi rin s'ya dito noon at alam rin ng pamilya ko na gusto ko s'ya. Inaasar lang talaga nila ako.
Ewan ko ba ba't hindi sineseryo iyon ni Kervin. Ni hindi niya naiisip na baka talagang gusto ko nga s'ya.
"Oh. Andrew lumalaki tayo ah. "puri ni Kervin.
"Talaga kuya?"
Paninigurado n'ya nang makaupo sa tabi niya
"Oo. baka magulat nalang ako, mas matangkad kana pala sa'kin." mahagyang ginulo ni Kervin ang buhok ng kapatid ko.
"Ano, Kervin. Okay ba luto ko?" Tanong ni mama ng makaupo narin.
"Ay! Opo tita. Sobrang sarap n'yo po talaga mag luto, Namiss ko 'to." sumubo pa s'ya pag kasabi 'yon.
"Basta dalaw kalang dito pag namimiss mo luto ko ah." Natutuwang aya ni mama
Ngumiti ito.
"Opo tita."
Natutuwa akong makitang close si Kervin sa pamilya ko. Kahit pa isang taon namin s'yang hindi nakakasama.
Alam rin naman kasi namin ang buhay ni Kervin. Mayaman nga s'ya ay hindi naman masaya ang pamilya niya. Nakaraang taon lang ng mag divorced and magulang niya dahil doon sa insidenteng ikinamatay ng kapatid niyang si Kayllen.
Si Kervin ay sobrang close sa bunso niyang kapatid. Ang totoo'y iyon na nga lang ang magiging dahilan ng magulang nila para mag sama pa.
At ngayon ngang wala na s'ya ay tuluyan na ngang nag hiwalay ang magulang niya.
Alam ko kahit ngumingiti at tumatawa s'ya ngayon ay hindi parin s'ya totoong nakaka recover sa pag kamatay ng kapatid niya.
Pag katapos namin kumain ay isinabay kami ni Kervin. Una naming ihinatid si Andrew sa school n'ya. Si Andrew kasi ay grade 5 pa lamang.
Pinark na ni Kervin ang kotse pag karating namin sa parking lot ng University
Pag kalabas ko ay kung mamalasin nga naman ay mukha ng mokong na si Andrei ang nakita ko. Halos kasunod lang namin s'yang nag park dahil kakalabas lang rin niya.
Napukaw ng sasakyan nya ang atensyon ko dahil sa disenyo nitong may demon na may pakpak na lang angel. Aaminin kong ang astig ng kotse niya.
Nairap ako ng maisip na kahit na simpleng black jacket at white plane v-neck lang ang suot nya ay lumulutang ang kakisigan n'ya. Lalo pa ng hubarin n'ya na ang suot ng shade.
Nagulat ako nang bigla s'yang tumingin sa'kin at ngumiti.
Naiwas ko ang paningin ko. Gusto n'ya ba talagang ipa-salvage ako ng mga babaeng naniniwalang perfect s'ya?
Nang makalabas na si Kevin ay dali-dali akong lumapit sa kanya at sabay na kaming nag lakad papunta sa room.
Pag karating naman namin doon ay kaunti palang ang estudyante dahil maaga pa naman. Nag kwentuhan lang kami ni Kervin. At habang nag kukwento nga kami ay nakita ko ang pag pasok ni Andrei sa gikid ng mata ko. Alam kong maraming babaeng nakasunod sa kanya dahil sa ingay nila. Nakakarindi!
Nasa ganoong sitwasyon lang kami ng bigla ay tumunog ang phone ni Kervin.
"Teka lang ah. I just need to answer this phone call." Tumango at tumayo na nga s'ya at lumabas.
Ibabalin ko nalang sana ang paningin ko sa bintana nang makaramdam ako na may tumabi sa'kin. Agad na lumingon ako para tignan iyon na sana ay hindi ko nalang pala ginagawa. Nairap ako sa kawalan ng makita ang pag mumukha nya.
"Bakit ang sungit mo sa personal Patreng, Nginitian kita kanina pero ini-snob mo lang ako. "May paawa effect ang tono niya pero talaga nangingibabaw anv kayabangan.
At kelan n'ya ba titigilan ang pav tatawag sa'kin ng 'Patreng ?
"Ano nanaman ba? " Tamad na tanong ko.
Sarcastic na ngumiti s'ya
"Nothing... I just want to hear your voice or to see your face closer if you don't mind."
Agad na inilayo ko ang mukha ko ng bigla ay ilapit n'ya ang mukha n'ya sa'kin
Hindi ko magawang ibalin sa iba ang paningin ko dahil alam ko namang kahit saan ako tumingin ay may babae dito sa room ang makikita ko na nanlilisik ang mata sa'kin
"Aalis kaba jan, O gusto mong tajakan kita." Hindi ko na mapigilan ang naiinis na tono ko.
Ayoko lang talaga sa mga preskong kagaya niya. Feeling n'ya ba talaga ay napakagwapo n'ya, gwapo nga s'ya! Agh!
"Bakit ang violent mo, Ganyan ka ba talaga?"
Oo pag sayo lang!
"Ikaw. Ganyan kaba talaga, Papansin?" Inis na singhal ko.
"Actually, hindi naman talaga ako papansin 'E. Kaso nga lang, Nakilala kita."Ngisi n'ya
Saglit na na blangko ako. Hindi ko kasi naiintindihan ang ibig n'yang sabihin.
"Hindi mo naintindihan yung sinabi ko noh, Okay lang alam ko namang mababa talaga yang I.Q mo." Sambit n'ya bago isinandal ang kamay sa sandalan.
Pag sinapak ko ba ' to, mananahimik na s'ya. Naman oh.
"Alam mo ang cute mo, cute mong sapakin."Sarcastic akong ngumiti. Ang totoo'y sa loob loob ko ay gusto ko na s'yang sapakin!
"You know soon, You will going to be mine." Deretso syang nakatingin sa mga mata ko. Pakiramdam ko ay bigla akong nabingi matapos marinig iyon.
Nakarinig ako ng mga bulungan sa paligid pero hindi ko iyon pinansin.
Namalayan ko nalang na tumayo na pala si Andrei at bumalik sa upuan nya.
Nang tumingin ako sa may pinto ay laking gulat ko ng makita si Kervin na nakatayo doon. Tapos na s'ya sa pakikipag-usap sa phone. s**t!
Kanina pa ba s'ya jan? Narinig n'ya kaya si Andrei?
Ngumiti ito bago lumapit at tumabi na sa'kin
Hindi ito nag salita pa ng makatabi na sa'kin tanging sa harap nalang s'ya naka tuon. Aawang pa sana ang bibig ko para mag salita ng dumating na si Sir.
Pag ka dismissal ay kasabay ko na si Kervin palabas ng building. Mabuti nalang at hindi na ako kinulit pa ng moko na si Andrei.
"Lianne, pwede ba 'kong makikain ulit sa inyo? Dun nalang ako mag di-dinner wala din naman si mom sa bahay 'E." Pag papaalam nito habang palakad kami.
Ngumiti ako.
"Oo naman, ikaw pa. Ang lakas mo kaya kay mama."
Ginantihan nya ang ngiti ko.
"Hi Kervin, Hi Patricia!"
Awtomatikong nahinto kami sa pag lalakad ng biglang sulpot ng isang babaeng nakangiti sa'min ngayon.
Ang ganda niya. Seryoso sobrang ganda niya.
Pero kilala nya ako?
"Oh! Desiree, you're two days absent." Bumalin ako kay Kervin ng sabihin nya iyon.
"I know, don't remind it." Pakunwaring naikot pa ang mata n'ya ng humampas sa hangin pero ngumiti ulit
"..By the way, Sama ka samin--sa party promise it's gonna be fun! You too, Patricia. I want to see you there." Nagitla ako ng hawakan niya ang kamay ko. Ang lambot ng kamay nya jusko nakakahiya, hinawakan nya pa kamay oo.hinawakan nya dalawang kamay ko
"Nako, inuman lang naman yun. Wag na. "Napapakamot ulo na sagot ni Kervin.
"No, I won't accept that, hindi pwedeng mag No. Gosh Kervin It's just a party and besides minsan lang naman 'to. Pleassseee"
Nag paawa s'ya kay Kervin. Nangiti ako dahil likas na ata sa babaeng 'to ang pagiging maganda.
"Tch. Sige sasama ako kung sasama 'to si Lianne. "Tapik nito sa balikat ko. Doon ako tinignan ni Desiree at inilipat sa'kin ang pag papaawa n'ya. Magkadikit pa ang mga palad n'ya.
"S-Sige."
Nahihiyang sagot ko, wala rin naman akong choice dahil ang hirap tumanggi.
"Really?! Yeheyy!!"
Naawang ang bibig ko ng bigla ay yakaoin nya ako. Hindi naman nag tagal 'yon at kumalas rin s'ya.
"Okay, eto yung address, Don't be late."
Sa'kin n'ya inabot iyong maliit na card na nag lalaman ng detalye ng lugar.
Nag taka ako dahil sa'kin n'ya iyon inabot na para bang para sa'kin dapat talaga iyon, na ako at hindi si Kervin ang dapat na makapunta.
"Sige see you, bye." Masayang kumaway ito bago umalis at sumakay sa isang kotse
Nag lakad na ulit kami ni Kervin
"Pano n'ya kaya ako nakilala? "Takang tanong ko ng mag umpisa na ulit kaming mag lakad.
"Nagulat nga din ako nung tinawag ka n'ya 'E. Pagkakakilala ko kasi kay Desiree ay bihira lang 'yon kumilala ng tao at pili lang kinakaibigan nya."Paliwanag n'ya. Tatango-tango nalang ako.
"Eh ikaw ba, Pa'no kayo nagkilala?"
Ngumiti ito pero hindi nakaligtas sakit ang saglit na pagkawala ng tamis ng ngiti niya.
"She's one of my old friend."
Sagot n'ya.
"Sila ni Bernard, boyfriend n'ya. "Dugtong pa niya sa kanyang malungkot na tono.
"Ah. "
Tipid na sagot ko.
"Mabait iyong mga 'yon. Pag nakilala mo na sila."Tatango-tango na naman ako. Kahit na ngayon ay napapaisip ako. Parang may bagay na hindi nasasabi sa'kin si Kervin.
Parang sa likod ng masayang pag kukwento n'ya tungkol sa mga ito ay may nag tatagong lihim at pait doon.
Ano kaya iyon?
- THIRD PERSON -
Pag kauwi ng binatang si Andrei ay pabatong ibinaba niya ang bag nya sa couch at umupo doon bago ipinatong ang paa sa lamesa.
Kinuha niya ang kanyang phone mula sa bulsa at may idinial doon..
Binasa niya na muna ang pangalan ng taong tinatawagan niya habang patuloy na nag riring iyon.
Itinapat n'ya na ang phone tainga n'ya ng sumagot na ito.
'Hello?'
'Oh nagawa mo naba pinapagawa ko? '
Deretsong tanong nito.
'Talagang ganyan bungad mo? Tumawag kalang ba because of that? ' Reklamo ng boses ng babae sa kabilang linya.
'Oo, ano pa bang gusto mo?'
'Tss ikaw talaga... Oo nagawa ko na ho, master. ' Sarcastic na sagot nito na ikinangiti ng binata.
'Really? Good.'
'Ano ba kasing balak mo, Mag paparty ka pa just for her? '
'Basta, just don't ask.'
'I know you, Andrei. Siguro may gusto ka sa babaeng 'yon noh? Hhmm maganda naman s'ya. Gusto ko s'ya maka close actually.'Masayang saad nito.
'Siguro nga gusto ko s'ya. Sige bye na.'
Ibinaba na nito ang tawag at basta nalang binato ang phone sa lamesa.
Nag karoon ng tuwa ang binata sa magandang balitang nalaman.
"...If I can't win her heart by doing stupid things, then I'll just take it by force." Nakangising sambit n'ya.