Kabanata 5:Party

1590 Words
- PATRICIA LIANNE - Ngayon ay nasa harap ako ng isang bahay--mansion na pala ito sa sobrang laki. Dito kasi ako inibana ng taxi na sinakyan ko. Hindi ko magawang pumasok at tanging sa gilid lang nakatayo. May mga ilang tao na ang tulad ko ay casual ang suot ang pinag kaiba lang siguro ay ang mga damit na suot nila ay branded at ang mamahal hindi tulad sa'kin na kung saang bangketa lang nabili sa pinaka murang presyong tinawaran ko pa. Hindi ko maiwasang makaramdam ng ilang at hiya sa twing mapapatingin sa'kin ang mga tao bago pumasok. Ang suot kong damit agad ang napupukaw ng atensyon nila na para bang may mali dito. Damit rin naman ito gaya ng kanila. Tsk Ilang beses akong luminga sa phone ko dahil kanina pa hindi man lang nag tetext si Kervin. Luminga muli ako sa mansion. Sobrang yaman siguro talaga ng taong nakatira rito. Nasa ganoon akong sitwasyon ng tumunog na nga ang phone ko. Dali dali ko iyong kinuha at nangiti ng makita ang text ni Kervin. Nakangiti ko iyong biniksan ' Patty I'm sorry I can't go with you. Si dad kasi eh nag ka problema sa business namin he needs me I'm so sorry, pakasaya ka nalang jan.' Bigla nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan ng lungkot Napabuga ako ng malamig at malungkot na hangin mula sa bibig ko. Ang daya naman ni Kervin. Pa'no ako papasok doon sa loob kung wala naman s'ya. Pipihit nalang sana ako para umalis nalang ng "Patricia!!" Awtomatikong nahinto ako ng marinig ang isang pamilyar na boses at pag lingon ko ay Si Desiree nga. Tumakbo ito papalapit sa'kin. Namangha ako sa ganda niya kahit pa sa simpleng Long sleeves dress niya. May pearl headband rin s'yang suot na lalong nag paganda sa mukha n'ya. Bigla tuloy ay nahiya ako sa suot ko lalo pa ng tumingin na s'ya rito. "Omg ano 'yang suot mo?" Turo nito sa suot ko. Naiyuko ko ang mukha ko. Sabi ko nga eh hindi 'to maganda. "You were so pretty! I must say." Masayang puri nito bago saglit na nginitian ako. Naawang ko ang suot ko. Ako, maganda? Ganito pala pakiramdam ng mapuri ka ng mas maganda pa sa'yo. "Let's go. " Nabigla ako ng hawakan nya ang kamay ko. "Hah? Ah-ano hindi na pala ako tutuloy jan. Baka ma O.P lang ako eh." "No. Hindi yon mangyayari trust me. I'm here ano kaba." Masayang tugon nito at wala na nga akong nagawa ng hilain n'ya ako. Pag pasok namin sa loob ay hindi ko maiwasang mamangha sa kapaligiran. Iba talaga ang mga mayayaman kung mag pa-party. Doon ko nakita ang iba't ibang uri ng taong sigurado akong ni hindi manlang alam ang sarilang kakapusan. Oo, tila ako pang ata ang naimbitahang walang pera dito. Hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya sa twing may ilang napapalingon sa'min. Bakas sa mga mata nila ang panunuya at pag tataka kung bakit ako ang kasama ni Desiree. Nakahinga rin naman ako ng sa wakas ay nakarating na kami sa garden. Dito kasi ay kakaunti nalang ang tao. Nang may dumaang waiter na nag dadala ng wine ay kumuha si Desiree ng para sa'min. "Oh! Patricia don't drink too much okay?"Paalala nito sa'kin pag kaabot ng white wine Nasa ganoon kaming sitwasyon ng bigla ay may nag tilian galing sa loob. "Hay nako! eto na s'ya. "Rinig kong bulong ni Desiree bago pumihit paharap doon sa loob. Haharap nalang sana ako ng biglang mapabalik ng pag harap ko ay unang mukhang nakita ko ay pag mumukha ng taong pinakaayaw ko. Si Andrei Kiyen! May kasama itong lalaking naka akbay sa kanya. Ngayon pala ay alam ko nang sipa ang dahilan ng tilian. Pasimple akong sumisilip sa kanila habang nanatiling naka talikod. Pilit ko pang itinatago ang mukha ko sa likod ni Desiree para hindi nya ako makita. "Why, Patricia. May problema ba?" Tanong nito ng mahalata ako. "Ah.. Kasi... Kaaway ko 'yon eh.. " "Ha, Who?" "Yon oh." Turo ko sa direksyon nila Andrei. "What? Kaaway mo boyfriend ko?" Gulat na saad nito saglit ako natigilan dahil yung kasama ni Andrei pala ang naturo ko. Si Bernard Iyon pala ang boyfriend n'ya. "Huh? H-hindi s'ya yung tinutukoy ko si--" "Hi babe.... " Hindi ko na nagawang tapusin ang sinasabi ko dahil andito na pala sila sa harap namin. "Oh. Babe what tooks you so long? I've been waited for you. "Yakap nito sa braso ni Bernard Wala na akong choice kundi ang humarap narin. "Sorry. Ito kasi si Andrei nag papogi pa." Natatawang turo nito Kumalas Na sila sa pagyayakapan "Ay. I've forgot! Babe this my new friend Patricia....Patricia meet my Boyfriend Bernard. "Inintroduce kami ni Desiree "Patricia?" Pag uulit nito sa pangalan ko atsaka bumalin kay Andrei na nakatingin lang sa'kin. Nakita ko itong nangisi bago inilahad ang kamay sa'kin kinuha ko naman iyon. "Let's go. Lets drink. Sayang yung party "Iritableng aya nito na nag paunang nag lakad. Umupi na kami sa isang table dito na pahugis letter C ang design ng couch. Doon naka lagay ang iba't ibang klase ng alak. "Try this one." Aboy n'ya sa'kin ng isang hindi pamilyar na baso ng alak pero mukhang nakakatak dahil sa kulay nitong asul. Dahil sa mangha ay walang ano-anoy nilagok ko iyon para mangiwi ng maramdaman ang kaunting pait na nakikipag laban sa tamis na lalong nag papasarap dito. Naawang ang bibig ko dahil ng ilapag ko ang basong hawak ko ay saakin pala nakatingin ang tatlo. Nakaramdam ako ng ilang na nawala rin ng makitang ngumiti sa'kin si Desiree. Nakita ko ang pag bukas ni Andrei ng isang bote ng beer sa latang baldeng puno ng yelo sa lamesa. Nakita ko si Andrei na nag bukas ng bote ng beer "Oh." Abot n'ya nu'n sa'kin. Hindi ko alam na para sa'kin pala iyon. "Sana hindi mo na'ko pinag buksan. Kaya ko naman."Ngwing kuha ko naman. Hindi ko talaga alam kung paano akong nakapasok dito at kasama ang feeling perfect na'to. "I know, gusto ko lang." Sagot n'ya bago kumindat sa'kin. Kelan ba n'ya titigilan ang pag kindat sa harap ko? Nag tagal ako du'n habang patuloy lang na nakikinig sa pag kukwentuhan nila. Pa minsan'y nag Tatanong ang pag kasintahan sa'kin pero tipif na sagot lang ang isinasagot ko lalo pa't hindi naman ako komportable sa kanila. Wala akong ginawa kundi ang lumagok sa boteng hawak ko habang pinapanood sipang mag usap. Maya maya nakita kong may binulong si Andrei kay Bernard Tumango naman si Bernard at tumayo "Ah babe. Labas muna tayo tara." Biglang aya at hawak nito sa kamay ni Desiree. “Hah? What about Patricia? ”Baling n'ya sa'kin “Andrei is here, babe.” Sagot naman nito saka ngumiti. “Ah okay.” Tumayo na ito “Hoy Andrei. 'Wag mong iiwan itong si Patricia ah...”May pag babanta sa tono niya na ngumuso pa atsak ngumiti sa'kin. Gumapang ang kamay ni Bernard sa likod nya saka sila kumaway at umalis. Saan naman kaya sila pupunta? Iniwan nalang nila ako dito kasama ang letseng lalaking 'to? Nakangiwi akong bumalin sa kanya at inis na tinungga ang bote. Ang totoo'y nararamdaman ko na ang impluwensya ng alak sa katawan ko. Hindi naman ako sanay uminom pero dahil kasama ko s'ya at naiinis akong makita ang mukha n'ya ay sa alak nalang ako tumutuon. “Pa'no yan, dalawa nalang tayo? ” Malagkit ang mga tingin at ngiti niya. Hindi ko nalang s'ya sinagot at piniling ibalin ang atensyon sa iba. “Aren't you going to speak?” Napa buga nalang ako at hindi parin s'ya sinagot. “Aren't you really going to talk to me?” Napairap nalang ako sa kawalan at saka tutunggain na sana muli ang hawak kong bote ng bigla ay namalayan ko nalang ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko dahilan para matigil ko ang ginagawa ko. Aaminin kong saglit na tumigil ang t***k ng puso ko sa ganoong sitwasyon lalo pa't talagang nakakapang akit ang tingin niya. “Stop drinking and look at me instead.” Ngumisi s'ya. Ilang segundo ata ang binilang ng pag titinginan namin. Nang matauhan ako ay mabilis ko s'yang itinulak palayo sakin. Wala naman sa kanya iyon at natawa pa. "Ano ba! Kanina pa ako nag titimpi ah! Bakit kaba kasi andito!" Inis na sigaw ko. At iyon na naman ang ngisi n'yang kinaiinisan ko. Kung hindi lang talagang kasalanang patayin ka. "Of course, I should be here, This is where I live, This is my house. "Preskong sumandal ito atsaka mahagyang kinamot ang kilay gamit ang daliri habang ako ay nakaawang ang bibig. Inilibot ko pa ang paningin ko sa maingay at maiilaw na paligid. Dito pala s'ya nakatira? Sa maliking mansion na'to? Tch. Tumayo na ko para aalis na sana ng dahil narin sa kalasingan ay kamuntikan na akong matumba. Mabuti nalang at naging maagao s'ya para saluin ako. Napakagat pa ako sa pang ibabang labi lo ng maramdaman ang kamy nya sa bewan ko. Buti nalang naalalayan agad ako ni Andrei at inupo nya ulit ako sa couch "Ano, lasing ka na noh?" Agad na inalis ko ang pag kakahawak nya sa'kin at bumalik sa pag kakaupo. "Hindi pa noh. " "I don't believe you, You're drunk."Natatawang sagot n'ya "Hindi pa nga sabi! " Sa inis ay napakuha na naman ako ng bote ng alak at ininom iyon. Bakit ba kasi napunta pa ako sa sitwasyon na'to? Hindi nakaligtas sa'kin ang pag ngiti niya. Tch Nakakaasar talaga s'ya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD