The Queen Revenge
"Chesca, gising na may pasok kapa" bungad ng kanilang ina sa pangalawang anak
"Good Morning mga anak" bati ng kanilang ina sa tatlo niyang anak na kakababa lang
"Ma kailangan ko pala ng pera sa friday may gala kami ng mga kaklase ko eh" sabi ng panganay na anak
"titingnan ko anak kong may pera ako" nanay
"ma siguraduhin mo kailangan nandun ako sa friday" panganay na anak
"kuya wag mo naman e pressure si nanay alam mo naman na ang hirap kumita ng pera ngayon lalo na't si mama lang ang naghahanap buhay" Beatrix
"hoy beatrix manahimik, hindi kita kinakausap" panganay na anak
"oy oy ang aga aga nagtatalo na agad kayo, kumain nalang kayo at pumasok may exam pa kayo" nanay
"tsssk" panganay na anak at padabog na umalis sa hapag kainan
"wag muna lang pansinin ang iyong kuya ha" nanay
"ang aga aga nagpapabebe ka nanaman trix kay mama" bungad ng pangalawang anak
"wag muna lang sila pansinin ate trix" pag papakalma ng bunsong kapatid ni beatrix sa kanya
"sanay naman na ako les" sabi ni beatrix habang naka patong ang kamay sa ulo ng bunsong niyang kapatid
"alis na kami ma" sabay sabay na pag papaalam ng apat na magkakapatid
Beatrix POV
hay ito nanaman
"hoy!!"
"ay kabayo" nagulat ako ng sigawan ako ng ate ko sa mukha
"bawas bawasan mo yang pagpapabebe mo kay mama" sabi ni ate, habang sinasabi niya iyan iniikot ikot ko ang aking mata sapag ka irita
"aba't tinataray tarayan muna ako ngayon.." akmang sasabunutan niya na ako ng hilahin siya ni kuya
"che tama nayan, wag munang aksayahan ang oras mo dyan sa pabida at panget nayan" naka ngiting sabi ni kuya
'aba nakakarami na kayo ah, tsaka mas maganda ako dyan' sinabi kulang yan sa isip ko. Subrang naiirita na ako sa kanilang dalawa halos araw araw nalang nila ako ginaganito. Hindi lang ako lumalaban habaan kuraw kasi ang pasensiya ko sabi ni mama.
"wag muna lang sila ate pansinin naiinggit lang yan sayo, mas maganda kapa nga kay ate chesca eh" sabi ng bunso kong kapatid
napangiti ako sa sinabi niya hay buti nalang at may kapatid ako na nag checheer up sakin kaya lab na lab kuyan eh' sabi ko sa isip ko
inakbayan ko ang bunso kong kapatid at nauna na kaming naglakad sa dalawang panget este sa kuya at ate namin hehe
nagpaalam na kami sa isat isa ng bunso kong kapatid.
oh nakalimutan ko magpakilala
let me introduce myself I'm Beatrix Torres 19 year's old, 3rd year college at Reign University i'm one of outstanding student in this university (kaya galit na galit din sakin yung dalawang kong kapatid, hindi ko alam dapat nga matuwa sila kasi may kapatid silang kasing ganda at talino ko char hahaha) they call me queen beatrix (bakit? ganda ka gurl?) I am also the muse of this University (tatlo kaming pinag pipilian nun na maging muse at ang ate kudun ang isa nagalit siya lalo sakin ng natalo ko siya sinasabi ko naman na sasabihin ko nalang sa head teacher na siya nalang maging muse pero nagalit pa siya sakin) hindi porket muse at outstanding ako maayos na trato nila sakin. Mas gugustuhin kupang maging normal student nalang kaysa maging center od attraction. Ang daming babae at lalake ang gustong manakit sakin pwede naman kasi nila akong kausapin kong ano problema nila pero ayaw nila mas gusto nila ang na guidance kami.
"trix.... tulala ka nanaman nandito na tayo sa room" sigaw ng maingay kuna kaibigan
"sino nanaman yang inisip mo?" dugtong naman ng chismosa kong kaibigan
"sino agad? diba pwedeng ano ang inisip ko" sabi ko naman
"wehhh... maniwala.. si chester lab yan nohh" dugtong pa ng bakla kong kaibigan
"hay nako tigilan niyo nga ako, tsaka wala akong pakialam dun kay chester" sabi ko naman
"sus kunyare kapa" sabay sabay na sabi nilang tatlo
"Class take your seat" teacher
at nag start na kami ng klase
"blahh..balahhh.."
papakilala ko nalang muna mga kaibigan ko na kaklase kudin
'yung maingay na kaibigan ko siya si Hashlyn Solem A.K.A Hash, 19 years old, pang anim sa pinaka mayaman dito sa school. Magaling siya kumanta at mag guitara'
'chismosa kong kaibigan, siya si Kathlyn Melendez A.K.A kath, 20 years old, pang apat sa pinaka mayaman sa school. Magaling siya sumayaw at kumata'
'at ang bakla kong kaibigan siya si Edward Hoven sa umaga at Edelyn Hoven sa gabi hahaha, pang 9 na mayaman sa school. Magaling siya umarte at sumayaw'
ang swerte ko kasi may kaibigan ako na katulad ni...
"hooyyy trixxxx..."
"ay kabayong panget" bigla akong napasigaw ng sigawan ako ng tatlo kong kaibigan
"hahahahahahahaha" tawa nilang tatlo, hay nako swerte ngaba talaga ako sa mga kaibigan ko?
"ang sarap mo gulatin trix hahahaha" natatawang sabi ni hash
"tigilan niyo nga ako kanina pa kayo eh" sabi ko
lumabas na ako ng room at dumiritsyo sa cafeteria. Iniwan kuna silang tatlo tawa ng tawa padin sila eh. Nag lagay ako ng earphone at pumila para makabili ng pagkain at ng ako na ang susunod may biglang tumulak sakin at natumba ako. Tumingin ako sa paligid diko napansin na wala na pala yung mga estudyanteng nakapila sa likod ko.
"Ano bang problema..." diko natuloy sasabihin ko ng ilapit ng isang lalake ang ang kanyang mukha sa mukha ko. atras ako ng atras lapit naman siya ng lapit hanggang sa masandal na ako sa pader na malapit sa basurahan at kunti nalang mag kikiss na kami kaya tinulak ko siya ng buong lakas.
"hoy chester, kong nagugutom kana magsabi ka nalang ng maayos hindi yung manunulak ka ng babae. Kalalake mong tao ganyan ka kong umasta. bakla ka siguro nohhh" pagalit kong sabi
"anong sabi mo" cheater akmang e lalapit niya nanaman ang mukha niya sa mukha ko ng may nahawakan akong balat ng saging sa basurahan. kinuha ko ito at nginudngod sa labi niya at tumakbo ako ng mabilis.
"WHAAAA.... HOY BABAE BUMALIK KA DITO KUNDI..." hindi kuna pinaringgan pa ang sasabihin niya dumiritsyo nalang ako sa tambayan namin.
"Hayy.. diman lang ako nakakuha ng pagkain ko. nagugutom na ako ehh.. nakakabwesit kasi yung chester nayun kala niya hindi ko siya papatulan.. chheee HINDI AKO NATATAKOT SA.....Wahhhhhhh" napahiga ako sa damuhan sa subrang gulat
"hahahahhahahaha" tawa nanaman nilang tatlo
bwesit talaga ang mga tohh ang hilig mang gulat. ikaw ba naman na nag eemote sa harap ng puno tas biglang may lumitaw na tatlong ulo sa likod ng punong kahoy.
"grabe trix subrang angas mo talaga, akalain mo nagawa mo yun kay chester ang pangalawa sa pinaka mayaman dito sa school" sabi ni kath
"aba e gustong e lapit ang mukha niya sa mukha ko tapos ang lapit pa ng labi niya pano pag makuha niya ang first kiss ko swerte naman ata niya" sabi ko naman
"teka trix parang mali, diba dapat ikaw swerte kasi sa dinami dami ng lalake si papa chester ang makakakuha ng first kiss mo" dugtong naman ni bakla
"hoyy bakla kong ikaw patay na patay dun sa bakulaw na yun ako hindi, kinamumuhian kupa iyon kasi ang sama ng ugali niya" pagmamatapang ko naman
"sayang naman trix. Kunting kunti nalang eh lalapat nayung lips ninyong dalawa, sana pumikit kana lang at ninamnam ang labi ni BABY CHESTERRRR" sabi ni hash habang iniimagine ang pakikipag halikan. nakapikit at naka nguso pa talaga siya
"hoy hoy tigilan mo nga yang imagination mo hash kadiri... tsaka teka nga kaibigan kuba talaga kayong dalawa at gustong gusto ninyo yung ginawa sakin ni chester... haler tinulak niya po ako ohh.. nagkasugat pa ako sa ginawa niya" sabay pakita ko ng tuhod ko namay sugat
"dimo nalang sana pinatulan trix alam mo naman ang ginagawa nila sa mga bumabangga sa kanila" sabi ni kath
"hindi ko napigilan sarili ko eh.. nag iinit talaga dugo ko pag nakikita ko yang bakulaw nayan, tsaka ayuko naman makuha niya first kiss ko" sabi ko
"Bes e handa mo nalang sarili mo bukas, may delubyong darating sayo" sabi ni edward habang pinapat ang likod ko
"Condolence bes" dugtong naman ni hash habang nagpupunas kunyare ng luha
"hoy kayong dalawa tumigil na nga kayo hindi kayo nakakatilong eh" pagpapatigil sa kanila ni kath
"ano na gagawin ko kath?" nakasimangot na sabi ko
"lumipat ng school" nagulat kami sa sinabi ni hash kaya binatukan namin siyang tatlo
"aray naman" sabi ni hash habang naka hawak sa kanyang batok
"manahimik kana ngalang hash kong wala kang masasabing matino" sabi ni kath
"bakit maganda naman sugestion ko ah" sabi ni hash at binatukan naman siya ng dalawa
"aba nakakarami na kayong dalawa ah" sabi ni hash. napatayo siya at akmang babatukan niya ang dalawa
"hash tahimik nag iisip kami" pagpapatigil ko kay hash
"tsk" sabi ni hash at padabog na umupo
"wag na muna tayo pumasok, siguradong hahanapin ka ni chester" kath
"uuwi nalang muna ako" sabi ko
"sa bahay na muna tayo, magpapahanda ako para naman makapag isip tayo ng maayos" hash
"Tara tara....nagugutom nadin kasi ako eh" nakangiti kong sabi
"basta talaga pagkain ang pag usapan tuwang tuwa si trix eh pati problema nawawala" sabi ni bakla
"psst" paninita ko kay bakla namay masamang tingin. napakapit naman siya sa braso ko at niyakap niya ako
Nasa harap na kami ng gate nag aanatay ng sundo ni hash. Tumingin ako sa likod ko at nakita ko ang mga kaibigan ni chester. napalaki ang mata ko ng tumingin sila sa direksyon namin
"Si..si..sila chester papunta satin" kinakabahan kong sabi
"ano gagawin natin" dugtong naman ni bakla
"sakay bilis" sabi naman ni hash
at dali dali kaming sumakay nakita ko naman na tumatakbo ang tatlong kaibigan ni chester
"bilisan mo kuya" pagmamadali ni hash
"shit.. makakaganti din ako sayong babae ka" sigaw na sabi ni chester
"hay buti nalang nakatakas tayo" sabi ni hash
"ngayon lang, pano bukas?" sabi ni bakla
"wag na muna natin yang isipin" dugtong naman ni kath
after 10minutes nakarating na kami sa bahay nila hash
Kahit na pang anim na mayaman sa school namin si Hash ang laki laki padin ng bahay nila. Ano pa kaya ang bahay nila chester pangalawa sa pinaka mayaman sa school. Iniisip ko palang kong anong gagawin sakin nun kinakabahan na ako eh.. last time pa naman nung may babaeng bumangga sa kanila pinahirapan nila at lumipat pa ng school sa subrang takot. Hay nako.. Beatrix Torres ano bang gulo ang pinasok mo nakakaasar..
"upo muna kayo papakuha kulang ang pagkain" sabi ni hash
kumain lang kami at nag kwentuhan ng mga kabataan namin. halos mag papast 8 na ng napansin namin ang oras. hinahatid na kami ngayon ni hash at ako ang pinaka huli kasi ako ang may malayo at maliit na bahay sa aming magkakaibigan.
"bye Trix, wag muna munang isipin si chester wag ka mag alala nandito kaming mga kaibigan mo tutulungan at aalalayan ka namin kong ano man ang ipapagawa sayo ni chester" sabi ni hash
"thank you hash, kahit minsan din pala may magagandang lumalabas sa bunganga mo" sabi ko at napatawa kaming dalawa
" haha basta para sayo trix" sabi niya. sabay yakap sa akin
"bye, ingat ka" sabi ko at kumaway nasa papaalis na sasakyan ni hash
pumasok na ako sa bahay at nakita ko sa lamesa si mama na nag aantay sakin
"anak, but ngayon kalang, saan kaba nanggaling?" pag aalala ni mama
"galing po ako sa kaibigan ko ma, gumawa lang po kami ng peoject namin" pagsisinungaling ko
"next time anak kong gagabihin ka ng uwi mag text ka ha" sabi ulit ni mama
"opo ma, mag tetext po ako, sorry kong pinag alala kupa kayo" sabi ko
"hay nakong bata ka, kumain kana ba?" mama
"opo pa tapos na po. magpapahinga napo ako" sabi ko
"sige anak, good night na" sabi ni mama sabay kiss sa pisngi ko
"good night din ma" sabi ko at kiss sa pisngi ni mama
paakyat na ako sa kwarto ko ng biglang magsalita si ate chesca sa gilid ko
"kala mo diko nakita ang pag papapansin mo kay chester ha.. malandi ka talagang babae ka" sabi niya sabag padabog na pumasok sa kwarto niya
pumasok nalang din ako sa kwarto ko. Wala man lang siyang pakialam sa ginawa sakin ng chester nayun. ate ba talaga kita
nag bihis at nag linis nalang ako ng katawan at ginamot ang sugat ko. humiga na muna ako at nag isip kong anong gagawin ko bukas hanggang sa naka tulog ako kakaisip.