Nagpatiuna nang lumabas si Jen sa cottage nila habang siya naman ay sinisiguro muna na nakalock ang pintuan niya bago ito sinundan. Nang makalapit siya sa kaibigan ay bahagya siyang nagpalinga-linga sa buong paligid. Bawat sulok maging ang mga tao sa paligid nila ay pasimple niyang tiningnan. Marahil napansin iyon ni Jen kaya maagap siya nitong kinalabit.
"Alam mo may napapansin ako sa'yo, bakit kapag lalabas tayo kulang na lang kapkapan mo ang mga tao sa paligid natin. Masyado kang observant sa paligid at sa mga tao, bakit ka ganyan? I'm curious, to be honest."
Nginitian niya ito ng bahagya saka sumagot. "Wala namang masama sa ganoong gawain hindi ba? You're just being aware with your surrounding, not a crime though. Isa pa human instinct natin ang bagay na 'yan lalo na kung nasa ibang lugar tayo."
"Well, hindi naman masama pero nakakailang minsan. Para ka kasing pulis minsan. Masyadong mapanuri at mapagmatyag."
"Akala ko ba dadalhin mo ako sa bar? Let's go! Hindi 'yung kung anu-ano ang napapansin mo sa'kin!" yakag niya sabay hila sa kaibigan. Kung may isa man siyang bagay na natutunan sa dati niyang trabaho iyon ay maging alerto sa paligid. Nakagawian na niya na magmasid palagi lalo na kapag nasa public places siya. Lahat ng tao sa paligid niya, mga ginagawa nito, mga kilos, maging ang mga titig ay sinusuri niya. Mahirap na. Baka masalisihan siya at may kalaban na pala. Alam niyang tinapos na niya ang samahan na binuo ni Yelena at malayo na siya sa panganib. Pero mas mabuti pa rin ang nag-iingat lalo na at kasama niya ang kaibigan.
"Here we are! Siguradong makakalimutan mong maging malungkot dahil ngayong gabi ay magpapakalunod tayo sa alak!" excited na sambit sa kanya ni Jen pagkarating nila sa hindi kalakihang bar.
"Ano'ng magpapakalunod, kailangan nating magtira pang-uwi! Grabe ka, nakalimutan mo yatang wala tayo sa pinas!" maagap niyang sita sa kaibigan.
"Don't kill the fun, Jera!" sagot nito sabay kindat sa kanya. Hinila siya nito kaagad nang makakita ito ng bakanteng lamesa. Habang nag oorder ang kaibigan ay muli na naman niyang iginala ang paningin. Maraming tao sa bar na iyon at iba't-ibang lahi ang mga ito. Lahat ng mga iyon ay pawang mga nakangiti at naghahalakhakan na waring walang mga problemang dinadala sa buhay. Bakit kaya ganoon ano? Palaging sinasabi ng iba na ang pag-inom ng alak ay isa sa mabisang paraan para makalimot. Kaya ba kapag nalalasing ang isang tao ay nagiging bungisngis na ang mga ito at wala ng ibang alam kundi tumawa?
"Cheers, Jera! Unang tagay pantanggal tamlay at umay sa buhay!" bungisngis ni Jen. Ito na mismo ang nagsalin ng alak sa baso niya at iniabot na lang sa kanya. Hinayaan niya ang kaibigan na mag order ng mga kakailanganin nila. Iyon ang usapan nila bago sila umalis. Si Jen ang bahala sa pag order ng maiinom at makakain at siya naman ang bahala sa bill.
"Cheers!" sagot niya. Ininom niya ang alak na ibinigay ng kaibigan. Bottoms up! Bahagya siyang napangiwi nang gumuhit sa lalamunan niya ang init at pait ng alak na iyon. Ang unang tagay na iyon ay nasundan pa ng ilang beses sa pagdaan ng oras. Dinig na niya ang bahagyang paglakas ng boses ni Jen. Alam niyang tinamaan na ito. Nagsimula na siyang itrick ang kaibigan. Hindi na niya iniinom ang mga ibinibigay nitong alak sa kanya. She needs to stay sane lalo na at nagpapakalasing na ang kasama. Hindi pwede na parehas silang wasted lalo na at mga babae pa sila. Hinayaan niya na lang si Jen na sulitin ang gabing iyon. Habang nakikipagsayawan ito sa iba ay maingat niya itong sinusundan ng tingin. Jen is so vulnerable at that moment. Literal na inosente at walang muwang na ang panganib ay nagmumula sa kahit saan at anumang oras.
"I'm back my friend!" nakangising sambit ni Jen. Pasuray-suray pa itong lumapit sa table nila. Kakagaling lang nito sa pakikipagsayaw sa gitna.
"Lasing ka na, magpahinga ka muna, Jen." Suhestiyon niya rito habang inaalalayan na maupo nang maayos.
"Kaya nga tayo nandito para magpakalasing, 'di ba?" anito.
"Ikaw talaga sabi ko naman sa'yo, magtira ka nang pang-uwi. Hindi kita kayang pasanin, I am warning you." Aniya sa kaibigan bago naupo sa pwesto niya. Napapailing na lang siya nang makita ang panghihina ni Jen dala ng kalasingan.
"Excuse me ladies, would you like to join our table?" anang baritonong tinig sa gilid niya. Kaagad siyang lumingon at tiningnan ang lalaki. Mukha itong latino sa hitsura nito, gwapo rin ito. Malaking bulas rin ang lalaki. "We've notice that you're just two enjoying the night. My friends and I would like to offer you and your friend our company. It will be fun, I promise!" ngisi nito.
"Sorry, but we're not here for company. My friend and I loves to stay with each other. But thanks for the offer. Much appreciated!" sagot niya kasabay ng simpleng pagngiti.
"Aren't you afraid with just two of you enjoying around? My friends are nice and we don't bite for sure. No reason to be scared because we're a good guy." Pagpipilit nito.
"Hey Jackson, actually I can bite harder but depends on them if they let me!" sigaw ng isang lalaki na sa tingin niya ay kasamahan ng lalaki na kaharap niya.
"Hey, you! Get out! Don't bother us. We're not interested with your company!" angil ni Jen. Siguro ay nagpanting ang tenga ng kaibigan sa sinabi ng kasamahan ni Jackson.
Mukhang napahiya si Jackson dahil mabilis itong naglakad papalayo sa kanila nang magtaas ng boses si Jen.
"Don't come back, okay!" ani muli ni Jen.
"Sshh! Huwag ka nang sumigaw." Awat niya sa kaibigan.
Hinabol niya ng tingin ang lalaki at nang makabalik ito sa grupo ay napansin niyang nagbulong-bulungan ang mga ito habang panakang lumilingon sa kanila. She can sense that something is off. Pasimple niyang ibinulsa ang namataan niyang kutsilyo sa may table nila. She didn't bring any weapon and she might be needing it later.
"Mga gago kasi, me nalalaman pang yaya sa atin, mukha ba tayong uhaw sa boys?" ani Jen. Muli itong tumungga ng alak at iginala ang paningin. "Hahanapan sana kita ng magiging boyfriend kaso mukhang walang papasa sa'yo rito kaya hindi na ako nagtangka." Dugtong nito.
"Siguro kailangan na nating umuwi, Jen..." aniya sa kaibigan. Lumalalim na rin ang gabi at nag-aalala siya sa lagay nito.
"Hmm, mamaya na kaunti. Hindi pa natin ubos ang inorder natin." Tanggi ng kaibigan. "Promise pag naubos na natin 'yan, uuwi na tayo. We couldn't afford to waste anything we paid lalo na at hindi naman mura ang mga 'to," giit nito.
Sinunod niya ang gusto ni Jen, ngunit hindi na siya nagtangkang uminom pa. Bagkus ay binantayan niya ang kilos ng grupo ni Jackson. Bandang ala una ng madaling araw nang magpasya ang mga ito na umalis. Nakita niya pa ang pagsulyap ng mga ito sa kanila nang mapadaan sa gawi nila.
"This is not good." Bulong niya sa sarili.