Trouble

1201 Words
Lupaypay na si Jen nang mag decide siyang umuwi na. Kahit ano'ng awat niya sa kaibigan kanina ay hindi ito nagpatinag. Hinayaan niya na lang ito sa gusto nito, siniguro na lang niya na hindi na siya iinom kahit pa bigyan siya nito nang bigyan ng alak. Nanatili siyang alerto. Hindi pa rin siya mapakali sa kakaisip sa grupo ni Jackson. Iba ang pakiramdam niya at alam niyang hindi siya nagkakamali sa pang amoy. May nag-aabang na panganib sa kanila paglabas. Nagbayad muna siya at nang matapos ay binalingan na niya ang lasing na kaibigan. "Tara na, Jen..." akay niya sa kaibigan. Halos hindi na ito makatayo sa kalasingan kaya wala siyang choice kung hindi pasanin ito. Palibhasa ay 4'9 lang si Jen at siya naman ay 5'8 at malaking bulas kaya hindi siya nahirapan na bitbitin ito. Ininda niya na lang ang pagtitinginan ng mga tao sa kanila maging ang pagngiti at pagkamangha ng iilan sa pambihira niyang lakas. Hindi naman gano'n kalayo ang tinutuluyan nila ng kaibigan kaya hindi siya masyadong mahihirapan. Hindi pa man siya tuluyang nakakalayo sa bar ay narinig na niya ang ilang mga yabag mula sa kanyang likuran. Pinakiramdaman niya iyon at kung hindi siya nagkakamali ay hindi lang iisa ang naglalakad sa bandang likuran niya. Nakakarinig din siya ng ugong ng sasakyan. Napailing siya. Hindi pa man siya lumilingon ay alam na niyang grupo iyon nila Jackson. Mukhang lokal na residente ang grupo ng mga ito at hindi kagaya nila na turista. Hindi nga siya nagkamali sa iniisip niya kanina. These idiots wants trouble! "Hey miss, need a lift?" anang tinig. May isang kotse rin na marahang umaandar sa gilid niya. "No, thanks!" maiksi niyang sagot habang patuloy na naglalakad. Naging mas mailap ang mga mata niya dahil paparating na sila sa parte ng kalsada kung saan medyo madilim na. Dinig niya ang pagtatawanan at kantiyawan ng mga ito. "Don't you think it's rude to say no to a gentleman next to you who's been so kind and thoughtful? He just want to help you with this poor thing!" ani Jackson sabay hampas sa puwetan ni Jen. Mahimbing na ang tulog ni Jen at hindi nito alam ang nangyayari. "Keep your hands on yourself, Jackson! I bet your parents didn't tell you to stop poking your nose to somebody else's business specially when you're not being asked." Walang gatol niyang sambit. "Whoa! Look at you! You're amazing! Such a woman in character! I like that!" nakangising sagot nito. sabay hampas muli sa puwetan ng kaibigan. Huminto siya sa paglalakad at matalim itong tinitigan. "I am warning you and your friends. Stay away from me. I don't want trouble. I just want to go home in peace. Leave us alone!" matigas niyang babala sa mga ito. Imbes na makinig ay naramdaman niya na lang ang pagpalibot sa kanya ng grupo ng mga kalalakihan. Pinatay na rin ng driver ng kotse ang makina nito at bumaba. May dala pa itong baseball bat. "Look, we just want to make friends with you. I think it's not a bad thing, we're just being friendly, why can't you do the same?" sabad ng isang lalaki. Humugot ng marahas na paghinga ang dalaga. Sa tantiya niya ay hindi talaga siya tatantanan ng grupo ng mga ito. Namataan niya sa hindi kalayuan ang wooden bench at maingat siyang naglakad papalapit doon. Maingat niyang ibinaba ang kaibigan at binalingan ang kalalakihan na sumunod pa rin sa kanya. "What do you want? Trouble? I told you to step back, don't tell me I didn't warn you!" aniya habang nag-uunat ng mga muscles. Medyo matagal na rin siyang hindi napapasabak sa laban pero kung iyon ang hinihingi ng mga lalaking ito ay hindi niya ito uurungan. Kanina niya pa napansin na walang cctv sa lugar na iyon. Whatever happens, walang makakaalam unless ang mga ito mismo ang kumanta. Bagay na hindi gagawin ng mga ito dahil ito ang mga nag provoke sa kanya. Akala yata ng mga ito ay isa lang siya sa mga naïve na turista na kaya nilang sindakin ngunit nagkakamali ang mga ito. "Feisty! I love that!" nakangising wika ni Jackson. Sinenyasan nito ang mga kasama at sa isang iglap lang ay napalibutan siya ng mga ito. "Cut the talking!" hamon niya sa mga ito sabay senyas sa mga ito na sumugod na. Sabay-sabay ang mga ito na sinugod siya ngunit wala ni isa sa mga ito ang nakahawak sa kanya. Tadyak, sipa at suntok ang ginawa niya at sa sobrang bilis niya ay hindi nakaporma ang mga ito kahit ang ilan sa mga lalaki ay may dalang sandata. Lupaypay ang mga ito at ang ilan ay nawalan na ng malay matapos niyang mapuruhan. She knows her advantage and her foe doesn't. "Damn!" hintakot na sambit ni Jackson nang makita nito na bagsak na ang mga kasama at ito na lang ang natitira. Ngumisi si Jera sa nakitang takot sa mga mata ni Jackson. "Scared enough to run?" patuyang baling niya rito. Unti-unti siyang humakbang papalapit dito habang ang binata naman ay umaatras. "I told you not to bother us but you didn't listen... I warned you, remember?" dagdag niya. "Don't come near me you jerk!" angil nito sa kanya. Naglabas ito ng baril mula sa bulsa nito ngunit base sa kilos nito ay hindi ito maalam sa paggamit ng baril dahil mali ang paghandle nito sa armas. "That's not the right way to hold a gun, honey!" patuyang sambit niya. "f**k off or I'll shoot!" babala nito sa kanya. Mula sa likod ng bulsa niya ay kinuha niya ang ibinulsang patalim mula sa bar. She can strike anytime she likes because Jackson isn't stable. He was scared and trembling with fear. Hindi siguro nito inaasahan ang mga sumunod na pangyayari. "Here's a word for you, never underestimate a person you barely knew unless you're ready with the consequences." Aniya. Muli niyang tiningnan ang nanginginig nitong mga kamay at sing bilis ng kidlat na naitapon niya rito ang kutsilyong hawak. Napahiyaw ito ng tumama ang kutsilyo sa mga daliri nito sanhi upang mabitawan nito ang baril. Sinamantala niya iyon para sugurin ang lalaki at bigyan ito ng suntok. Ihe-headlock niya pa sana ito ngunit biglang may nagsalita muli sa dilim. "That's enough! You already overpowered these boys. I think you're not ready for the jailtime if you killed them." Anang baritonong tinig. Dahil sa narinig ay binitawan niya si Jackson dahilan upang mapaatras ito papalayo sa kanya. "f*****g immigrants!" angil nito bago kumaripas ng takbo. Maging ang ilan nitong kasamahan ay nagsitakbo na rin papalayo habang ang wala pang malay ay naiwan na nakahandusay pa rin sa lupa. "Sorry for what they did to you and your friend. Actually, they're already in and out of jail for causing trouble to our tourists but I guess they never learned their lesson at all." Muling wika ng estranghero. Pilit na inaaninag ni Jera ang mukha ng lalaki ngunit nanatili ito sa madilim na bahagi kaya hindi niya makita ang hitsura nito. "I hope they learned it now." Aniya. Hindi niya mawari ngunit may dalang kakaibang pakiramdam sa kanya nang marinig ang boses ng lalaki. Hindi niya alam kung ano ang bagay na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD