Lunes ngayon pero nag decide si Jonah na mag stay muna siya sa bahay nayong araw kaya naman heto ako abala sa pag luluto ng pananghalian namin. Nahirapan pa ako kumbinsihin ang mga tao rito na ako ang mag luluto dahil nga hindi ko naman daw kailangan mag luto, kaya na nila.
"Ang bango Ate."
"Salamat Maya. Tikman mo nga kung okay na."
Kumuha ako ng kutsara at pinatikim kay Maya ang niluto kong sinigang na baboy.
"Ang sarap ate. Parang mapaparami ang kanin ko mamaya."
"Eh di kailangan ko pala mag saing ulit kung mapaparami ka."
"Ako nalang ate."
Nakakatuwa talaga 'to si Maya. Kakamiss tuloy ang pamilya ko sa probinsya. Madalas naman kami mag kausap nila Mama, Papa, pati na rin ng mga kapatid ko at sa awa naman ng Diyos, okay lang sila. Wala raw silang problema sa pagkain dahil nga sa pinadala ni Jonah noon. Siguro pwede na kaming mag usap sa mga bagay bagay na kailangan kong malaman lalo na sa nabanggit ni Gloryvale tungkol sa ex-wife niya. Hindi na ako nakapag tanong pa noon kay Gloryvale dahil kaagad bumalik si Jonah dala ang dokumentong kailangan ni Gloryvale.
"Okay na po Ma'am Amber yung fruit salad. Nailagay ko na sa ref."
"Salamat Aling Mylene. Tawagin niyo na po sila Mang Errol para sabay sabay na tayong kumain."
"Nakakahiya naman po Ma'am kung sasabay kami."
"Si Aling Mylene naman, wag na po kayong mahiya. Sabay sabay na po tayo. The more the merrier nga diba."
Ngumiti si Aling Mylene at tinawag na nga sila Mang Errol pati mga security guards dito sa bahay. Habang abala ako sa pag luluto bigla nalamang nay yumakap sa'kin mula likod kaya naman narinig ko ang mahihinang tawa ni Maya.
"Oy Jonah, anong ginagawa mo rito?"
"Masama bang manuod sa'yo habang nag luluto?"
"Hindi. Pero bakit may payakap ka pang nalalaman?"
"Ang sungit mo naman."
Lumayo naman kaagad si Jonah kaya hinarap ko siya. He's pouting and again, he looks cute.
"Baka Sir Jonah may period si Ate Amber."
"Possible."
"Oy wala ako ngayon ah."
Speaking of period, hindi pa ako dinadatnan. May pag babago ba sa cycle kapag nakipag.. Ano.. Basta. Gumamit naman si Jonah ng condom nung una namin..
"Hey Amber, what's wrong?"
Bigla kong nabitawan ang hawak kong pang sandok ng maalala ko yung pangalawa namin. Gumamit ba siya nun?
"A-ano, wala. Dumulas lang sa kamay ko."
"Oh. Okay."
Pinagmasdan niya ako ng maigi kaya naman itinuon ko nalang ulit ang atensyon ko sa pag luluto habang nag uusap naman si Maya at Jonah sa may counter.
"Why are you calling Amber Ate?"
"Sorry po si Sir Jonah. Hindi ko na po tuloy siya tatawaging Ate."
"No. What I mean is bakit ang tawag mo sakaniya Ate samantalang sa'kin Sir pa rin?"
"Po? Okay lang po sa'yo tawagin kong Oppa?"
"No, not that. Kuya. Just call me Kuya instead of Sir. Nakakatanda ang Sir."
"Talaga po? Sige po Kuya Jonah."
"Much better."
"Oh Kuya, tulungan mo na ako rito. Mag sandok ka na ng kanin para makakain na tayo."
"Excuse me Maya ah, tawag na ako ng Ate mong masungit."
"Anong sabi mo Clemente?"
"Wala po Misis."
Agad naman lumapit si Jonah at ngumit saglit bago sinunod ang utos ko. Si Maya naman halos mapunit na ang mga labi sa sobrang lawak ng ngiti.
"Misis ka riyan."
"Well, sooner or later I'm not the only Clemente in this house babe."
Kumindat siya sa'kin bago nag tungo sa dining area dala ang sinandok niyang kanin. s**t! Pati ata labi ko parang mapupunit na rin. Kasalanan 'to ni Jonah. Nagsandok na rin ako ng ulam namin at tinulungan ako ni Maya. Pagkatapos ay sumunod na rin kami sa dining area. Andito na pala ang lahat at kausap naman ni Jonah ang kaniyang mga security guards. Si Aling Mylene naman ay inaayos ang mga kubyertos.
"Where are you going?"
"Mag papalit lang ako ng damit."
"Okay. Mamimiss kita."
"O.A."
Ano ba naman Jonah. Kitang kita ko na nakangiti ang lahat na nandito sa loob ng dining area at nag titinginan din. Nahihiya tuloy ako kaya naman nag madali na akong pumunta sa kwarto ko.
Napili kong isuot ang isang spaghetti strap dress na kulay baby pink na tinernuhan ko ng white sandals. Nag ponytail din ako para hindi kalat ang buhok ko habang kumakain. Nang satisfied na ako sa itsura ko ay nag spray muna ako ng pabango bago bumaba. Muntik pa akong mahulog sa hagdan dahil bigla nalamang nag dilim ang paningin ko pero mabilis lang naman. Baka dahil sa gutom kaya kailangan ko ng kumain. Pag pasok ko sa dining area ay lahat napatingin sa'kin. Si Jonah naman halos hindi kumukurap.
"Kain na tayo."
Nagpunta ako sa right side ng kabisera kung saan nakaupo si Jonah. Kailangan ko pang ulitin ang sinabi ko sapagkat parang ayaw pa nilang kumain kaya naman kaniya kaniya na silang kumuha ng pagkain. Tiningnan ko naman si Jonah na nakatitig pa rin sa'kin.
"Ayaw mo pa bang kumain?"
"Parang iba kasi ang gusto kong kainin ngayon."
Nginitian ko lang siya at nag simulang ikuha siya ng kanin pero lumapit siya sa'kin at may ibinulong na ikinabilis ng t***k ng puso ko.
"I want to peel that dress of yours right now. Do you know that?"
"Babe, ang pasaway ah. Mamaya."
Kumindat ako sakaniya at nginitian niya nalang ako ng nakakaloko. Nag dasal muna kami na pinangunahan ni Mang Errol bago kami nag simulang kumain. Habang kumakain ay panay ang sulyap namin sa isa't isa ni Jonah sabay ngingiti kapag nagkakahulihan kami. Pagkatapos naming kumain ay inilabas naman namin ni Aling Mylene ang fruit salad para pang himagas.
"Anong gusto niyong miryenda Aling Mylene?"
"Ay naku Ma'am Amber. Ako na po ang bahala riyan. Kayo na nga nag luto ngayong pananghalian at saka hindi kita pag lulutuin na ganiyan ang ayos mo."
"Oo ate, ang ganda ganda mo Ate. Para kang prinsesa sa ayos mo ngayon kaya naman hindi na maputol putol ang titig ni Kuya Jonah sa'yo tulad ngayon."
Nilingon ko si Jonah na nakatingin nga pero nag iwas naman kaagad sabay subo ng fruit salad niya kaya nag katawanan kaming tatlo nila Aling Mylene at Maya.
Matapos ang masayang pananghalian ay dinala ako ni Jonah sa isang kwarto na nasa tapat lang ng swimming pool. Napapansin ko na itong kwartong ito pero hindi naman ako pumapasok. Ngayon palang.
"This is your space. I know you haven't been here 'cause you don't stroll that much inside the house so I thought I'll be the one showing you this instead."
Gulat nalamang ako ng makita ko kung ano ang nasa loob.
"May bar ka rito?"
"Mini bar. Hindi bar."
"Mini na ito sa lagay na 'to?"
Unbelievable. Iginala ko ang paningin ko sa loob at nakita kong may iba't ibang klase ng alak dito, may billiard table, table football, jukebox, at iba't ibang klase rin ng vintage vinyl records.
"Konti lang talaga ang alak dito pero nang malaman kong bartender ka kaya pinadagdagan ko. Yung design naman I can talk to the interior designer and ask him to redesign this room if you want. Habang binubuo kasi itong bahay sabi ko gusto ko classic or vintage itong space na 'to."
"No, okay na 'to. I love it. Are you sure na sa'kin na 'to?"
"Yes. Sure I can mix chemicals but when it comes to drinks I leave it to the expert."
Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili kong hindi maiyak kaya naman lumapit kaagad sa'kin si Jonah sabay yakap.
"Babe, why are you crying? I thought you love it?"
"Ikaw kasi eh. Kung ano anong binibigay mo sa'kin. Salamat Jonah. Maraming salamat talaga."
"You're welcome. Anything for you so hush now."
Pinunasan niya ang mga mga mata ko saka hinalikan niya ako ng mabilis.
"So.. Since we're here. Gloryvale told me that Ghosting is one of the best cocktails he has ever tasted."
"Talaga? Salamat kamo."
"Nakakainis nga eh."
"Bakit naman?"
"Naunahan niya ako makatikim ng signature drink mo. Dapat ako. Hindi siya."
Nag pout na naman siya. Ang cute. Ang cute cute talaga kaya kinurot ko tuloy ang pisngi niya kaya napa aray siya.
"What was that for?"
"Ang cute mo eh."
"Hmp! So are you just gonna pinch my cheek or will you make the Ghosting for me?"
"I'll make you one of course pero not the Ghosting. I'll make something new for you."
"Really?"
He's really unpredictable. Kanina nag tataray ngayon naman parang bata kaya naman pumunta na ako sa mga alak at sumunod naman siya.
"In one condition though."
"What is it?"
"I want you to be honest with me Jonah. Did you marry someone in the UK that's why you left?"
Kung kanina lang ay nakangiti siya ngayon ay nag laho nalamang ito at biglang sumeryoso ang mukha. Pero ang pag kaseryoso ng mukha niya ay parang may halong galit at takot o trauma?