Isang araw na ang nakalipas ng madischarge si Austin mula sa ospital. Mabuti nalang at okay ang results niya at wala namang major injury siyang natamo. Pero major awkwardness naman at pagkainis ang naramdaman ko sa ama niya at ngayon ay kinakabahan ako dahil pupunta sila ni Gloryvale rito sa bahay. Babalik na raw kasi sila ng Pilipinas bukas kaya gusto niya raw makasama ang anak niya bago umuwi. Dahil kailangan ni Austin mag pahinga muna kaya pumayag kami ni Zeke na dumalaw nalang siya rito kesa sa labas pa sila magkita. Kasalukuyang nag peprepare ako ng lulutuin ng tumunog ang doorbell. "They're here." Pumasok ng kusina si Zeke at kita ko sa mukha niya ang pag aalinlangan kaya pansamantala akong lumapit sakaniya. "Are you okay?" "I'll be fine Amber. For you and for Austin." "I'm sor

