Madaling araw na ng dalhin si Austin sa private room. Dahil hindi pwede ang maraming bisita ay ako at si Jonah ang naiwan sa ospital. Labag man sa loob ni Zeke na umalis ay umuwi muna siya dahil nandun pa sa bahay si Cornellia. Babalik nalamang daw siya mamaya. Si Gloryvale naman ay bibisita rin mamaya. Habang kinukumutan ko si Austin na ngayon ay tulog na ay ramdam ko ang dalawang matang kanina pa ako pinapanuod. Hindi naman siya nag sasalita at wala rin akong balak kausapin siya. "Good night baby. Get well soon po." I kissed Austin on his cheek before I sit on the couch. I heard him sigh before he went out of the room. Hindi rin naman siya nag tagal sa labas at bumalik na may dalang dalawang Grande size coffee at inabot sa'kin ang isa bago naupo sa tabi ko. "Salamat." "No problem."

