Patungo na kami ngayon sa sementeryo kung saan ililibing ang dad ni Jonah. Kasama namin sa kotse si Aunt Betty at Jekyll. Kanina pa dumadaloy ang luha ni Aunt Betty kaya naman nakayakap lamang si Jekyll sa mama niya. Si Jonah naman ay nasa harapan katabi ng driver. Pagkarating namin sa sementeryo ay inalalayan ako ni Jonah at nag lakad na kami papunta sa chapel ng sementeryo para sa misa. Habang nag mimisa ay hindi maiwasan na lumalabas paminsan minsa si Jonah para siguraduhin ang kaligtasan namin. Palibot ng security team ang perimeter ng chapel kaya naman kahit papano ay panatag kami na walang mangyayari sa'min masama. Matapos ang misa ay hinatid na sa huling hantungan si Mr. Jonathan Clemente. Nagbigay muna sila Aunt Betty, Jekyll, at Jonah ng kanilang huling mensahe para sa yumaong pa

