4 Years After... "Hurry up Amber. Male-late na tayo." "Ito na nga nagmamadali na eh." Nang maisuot ko na ang sapatos ko ay agad akong nag tungo sa pintuan kasunod ni Zeke. Matapos naming makalabas ng bahay ay sumakay na kami sa nakaparada niyang kotse sa labas. "Nasa sayo yung invitation diba?" "Oo nasa bag na." "Good." Family day ngayon sa school ni Austin kaya naman nag mamadali kami ni Zeke. Nauna na si Austin at si Cornellia sa school dahil may final rehearsal pa raw at mag susuot pa ng costume. "By the way Amber, tumawag kanina si Atty. Dionisio." Napahinto ako sa pag lalagay ng hikaw at hinarap si Zeke ng marinig ang pangalan ng abogado namin. Seryoso lang siyang nakatingin sa harap habang nag mamaneho. "Anong sabi niya?" "We need to go back to the Philippines." "Kailan

