Pagkatapos kong maihatid si Tokyo sa airport ay dumiretso ako sa pinaka malapit na supermart para makapamili ng pandagdag stocks sa condo. Pero laking dismaya ko nalamang na halos sa labas na ang pila ng napuntahan ko. Nag libot pa ako pero ganun din ang sitwasyon kaya naman ang bagsak ko convenience store. Dahil medyo mas mahal sa convenience store kaya naman limitado lang ang nabili ko. Sinabayan ko na rin mag padala ng pera kila mama para makabili sila ng kakailanganin din nila. Matapos kong makapamili at makapag padala ay umuwi na ako. Medyo natagalan pa nga bago ako nakauwi dahil sa traffic. Di naman ako nag mamadali dahil medyo matagal din siguro akong hindi muna makakalabas. Habang nag aantay bigla nalamang tumunog ako cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at nakita ko ang pangalan ni Rhem.
"Hello Rhem, bakit?"
"Asan ka?"
"Dito sa EDSA. Stuck sa traffic. Bakit?"
"Ganun ba? Nandito kasi ako ngayon sa club. Pinatawagan ka ni boss kasi nag release na ng sahod for this month. Hindi na idinaan sa ATM kasi mas kailangan daw natin ngayon ng pera."
"Talaga? Salamat naman kung ganun. Sige, uuwi muna ako saglit tapos punta ako riyan."
"Sige, antayin na kita. Sabay na tayong kumuha."
Naku, pano ba 'to? Hindi naman ako makaalis kaagad dito dahil walang space para mag maneuver. Mag aalas sinko na ng hapon bago ako tuluyang nakaalis sa traffic at natahak ang daan pauwi sa condo. Kakain lang ako ng saglit at mag papalit ng damit. Kanina pa kumakalam ang sikmura ko, hindi ko lang napagtuonan ng pansin masyado dahil sa mga pangyayari ngayong araw. Pagkatapos kong mag park ng sasakyan ay dali dali akong dumiretso ng elevator at pinindot ang 10th floor kung saan ang unit ni Tokyo. Pag kalabas ko ng elevator ay kamuntik na akong umatras dahil nasa labas ng unit si Jonah. Anong ginagawa nito rito? Huli na para bumaba ulit ako dahil nakita niya na ako kaya naman tumayo siya mula sa pag kaka-upo sa sahig.
"Anong ginagawa mo rito?"
"I came to pick you up."
"Haah? Bakit?"
"You'll be staying with me while we're still in lockdown. Don't worry, alam 'to ni Tokyo. Nagkausap kami kanina."
Ano? Panong nag kausap sila kanina? Galing din ba siya sa airport? At kailan pa sila naging close ni Tokyo? Hmm.. Baka niloloko lang ako nito.
"No. Okay lang ako. Dito lang ako. Thank you."
"You're welcome but you are coming with me whether you like it or you like it."
"Hindi nga. Dito lang ako. Umuwi ka na."
Tinalikuran ko na siya pero nagulat nalamang ako ng bigla niya akong hinila pabalik at isinabit sakaniyang kanang balikat. Nag t**i-tili ako pero wala man lang gustong sumaklolo sa'kin.
"Ibaba mo ako Jonah!"
"Hindi ka sasama diba?"
Nag lakad siya papuntang elevator habang ako trying my best na maka baba.
"Oo na. Sasama na ako. Ibaba mo na ako."
Nang marinig na niya ang magic words saka niya lamang ako ibinaba pero tumakbo ako agad pabalik sa unit. Dali dali kong hinalungkat ang bag ko para makuha ang key card pero naabutan niya ako at nacorner sa pinto. Ihinarap niya rin ako sakaniya at nilagay niya ang kaniyang kaliwang kamay sa gilid ko at lumapit. Teka.. Familiar 'tong posisyon naming 'to. s**t! Kaya naman tinakpan ko kaagad ang bibig ko na ikinakunot lalo ng noo niya.
"What the hell are you doing?"
Hindi. Hindi ako mag sasalita. Baka kung ano namang gawin sa'kin nito. Napaka unpredictable na ng lalaking 'to kaya better be safe than never. Nakita ko ang pag buntong hininga niya kaya dumistansya siya ng konti. Konti lang naman pero corner niya pa rin ako.
"Bakit ayaw mong sumama? Natatakot ka ba sa'kin?"
"Huh? Ako matatakot sa'yo? Nag papatawa ka ba?"
He smirked while looking at me then I notice his gaze travels from my eyes to my lips. Tatakpan ko na naman sana ang bibig ko pero pinigilan niya ang kamay ko. To my stupidity also, I unconsciously bit my lower lip. His eyebrows furrowed then he gulped. Natigil lang siya sa pag titig sa mga labi ko ng bumukas ang elevator at niluwa ang isa sa kapit bahay namin ni Tokyo. Pinukol kami ng makahulugang tingin ng kapit bahay namin kaya naman naitulak ko si Jonah at inayos ang pagkakatayo ko. Inantay muna namin makapasok din ito bago itinuloy namin ang pag uusap.
"So.. Listen, kung di ka sasama sa'kin then you leave me no choice but to stay here with you. Sinabi sa'kin ni Tokyo na di siya mapapanatag na mag isa ka lang dito and same goes with me. Diba sabi ko sa'yo na akong bahala sa'yo. Is it that hard to believe Amber?"
Nagkatitigan ulit kami pero this time ako ang unang nag baba. Di ko alam ang isasagot ko sakaniya.
"Amber, I'm talking to you."
"Ang daming nangyayari sa buhay ko ngayon Jonah. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Tapos pini-pressure mo pa ako."
"'Yan ba ang iniisip mo? Hindi ko naman sinasadya na mapressure ka. Gusto ko lang makatulong."
"Alam ko at salamat. Pero kasi.. you were gone for how many years then now, you are asking me to stay with you? It's not that simple especially wala na tayo. Hindi mo na dapat ako pinagtutuonan ng pansin."
Nanaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Tiningnan ko siya at nakita kong kinuyom niya ang kaniyang mga kamay at ipinikit ang kaniyang mga mata. Sa tingin ko wala na kaming dapat pag usapan pa. Nasabi ko na ang kailangan kong sabihin kaya naman ako na ulit ang bumasag sa katahimikan.
"Umuwi ka na Jonah."
"No."
"Ba't ang kulit mo? Jonah naman, wag mo na hayaang magalit pa ako sa'yo."
"And I don't care if you get angry with me if that'll make you come with me. I understand your point and I deserve your hatred. But please Amber, we're all in a difficult situation now. This pandemic is not a joke. At least do it for Tokyo. We just want you to be safe."
Nakikita ko sa mata niya ang sincerity sa pakiusap niya kaso nag didilim ang paningin ko. Paunti unti nawawala si Jonah at ang huling naalala ko nalamang ay tinatawag niya ang pangalan ko.
-----------------------------------------
Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar kaya bumangon kaagad ako at baka nakidnap na ako pero bakit ang ganda naman ata ng kwartong 'to para sa kidnap-an. Dahil bigla akong bumangon kaya naman nakaramdam ulit ako ng pagkahilo, napilitan tuloy akong mahiga ulit.
"Teka."
Bigla akong kinabahan kaya naman tiningnan ko agad ang suot ko. Laking pasasalamat ko nalamang na suot ko pa rin ang dati kong damit. Ano nga ba ang nangyari? Ang alam ko kausap ko si Jonah pero bigla akong nawalan ng malay. Nasa gitna ako ng pag iisip ng may biglang nag bukas ng pinto.
"Gising ka na po pala Ma'am Amber."
Nakita ko ang isang babae na sa tingin ko 18 years old palamang. May dala rin itong tray na may lamang pagkain at inumin. Hindi pa man nakakalapit ng tuluyan sa'kin ang babae pero amoy na amoy ko na ang dala niya kaya naman hindi ko maiwasang matakam.
"Masama pa rin po ba pakiramdam niyo Ma'am? Teka, tawagin ko po yung doctor niyo bago umalis."
"Ay wag na. Okay lang ako."
"Sigurado po ba kayo?"
"Oo, okay lang ako."
"Sige po. Kain na po kayo."
Nilagay ng babae ang tray sa hindi kalayuang coffee table. Pumasok din siya sa isang kwarto at pag labas ay may dala ng tsinelas at inilapag sa sahig.
"Kung may kailangan po kayo tawagan niyo lang po ako gamit 'yang telepono."
"Teka.. Naguguluhan ako. Asan ba ako?"
"Nandito po sa bahay ni Sir Jonah."
"Pano ako napunta rito?"
Ikinuwento sa'kin ng babae na wala raw akong malay ng makita nilang buhat-buhat ni Jonah. Si Jonah rin ang nagdala sa'kin sa kwartong ito at lahat sila ay nataranta dahil sa maraming utos ng kanilang amo kanina.
Naputol lang ang pag kukwento ng babae ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Jonah. Kaya nag paalam na muna ang babae at iniwan kaming dalawa.
"How are you feeling?"
"Medyo okay na."
Hindi ako makatingin sakaniya. Nahihiya ako sa nangyari. Napansin kong kinuha niya ang tray at lumapit sa'kin. Naupo siya sa harap ko at prinepare niya rin ang kakainin ko kaya naman pinigilan ko siya.
"Ako na niyan."
"Ako na. Nanghihina ka pa."
Kita ko ang pagbuntong hininga niya saka kumuha ng kanin at ulam para isubo sa'kin.
"Open your mouth."
"Pero.."
"Amber naman. Wag ng matigas ang ulo. Hindi ka na nga kumain buong araw kaya ka tuloy nahimatay. Now, open your mouth or else I'll open it myself."
Binukas ko kaagad ang bibig ko kaya naisubo niya ang pagkain. Ngumiti rin siya sa'kin at kumuha ng sabaw para ipahigop sa'kin.
"Good girl."