Kanina pa ako hindi makatulog at pagulong gulong lamang dito sa kama. Nakakain na ako, nakaligo't nakapag palit na rin ng damit pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Mag a-alas dos na ng umaga kaya napag pasyahan kong lumabas at uminom ng gatas. Baka sakaling makatulog na ako kapag nalagyan ng maligamgam ang sikmura ko.
Dahan dahan akong lumabas ng kwartong tinutuluyan ko. As much as possible ayaw kong makalikha ng ingay. Madilim na rito sa loob pero maliwanag naman sa labas kaya nakikita ko pa rin ang dinadaanan ko.
"Naliligaw na ata ako."
Sampong minuto na akong nag lilibot pero di ko mahagilap kung saan ang kusina. Bahay ba talaga 'to o palasyo? Patuloy pa ako sa pag lalakad hanggang sa may nakita akong isang pintuan na pinag mumulan ng liwanag. May gising pa pala sa ganitong oras kaya nagtaka ako't nag lakad papunta sa pinto at pumasok. Sa wakas at nahanap ko rin ang kusina at nandito rin si Jonah. Nakasuot siya ng pyjama at puting tshirt. Basa rin ang kaniyang buhok, mukhang bagong ligo. Naliligo pa siya sa ganitong oras?
"Hey, you're up."
"Ano.. Hindi kasi ako makatulog."
"Why? Nahihilo ka pa rin? May masakit ba sa'yo?"
Agad siyang lumapit sa'kin pero kaagad kong iniwas ang paningin ko sakaniya.
"W-wala Okay na ako."
"But you're flushed. Nilalagnat ka? Papahanda ko na sa driver ang kotse, pupunta na tayong hospital."
"Okay nga lang ako. No need. At saka pwede ba, bago ka pumunta kung saan-saan ayusin mo muna ang suot mo. Halatang halata ang ano mo eh."
Tiningnan ko siya ngunit binigyan niya lamang ako ng nakakalokong ngiti kaya umiwas ulit ako ng tingin. From my peripheral, lumapit siya sa isang upuan at kinuha ang isang bathrobe. Itinali niya rin ito saka bumalik sa harapan ko.
"You can look now."
Tiningnan ko ulit siya pero hindi pa rin nawawala ang pagkaka ngiti niya. Hindi ko tuloy maiwasang mag salubong ng kilay sabay cross arms.
"Tinatawanan mo ba ako?"
"Nah."
"Ba't ngiting ngiti ka riyan?"
"Wala naman. Anyway, ba't ka nandito? Don't tell me you're trying to escape."
"Hindi nuh. As if makakatakas ako rito naligaw na nga ako eh."
"Just making sure. So why are you here?"
"Masama bang mag hanap ng maiinom?"
"Hindi."
"Hindi naman pala eh. May gatas ba rito?"
"What kind of milk do you want?"
"Bakit? May gatas ba ng kambing dito?"
"What if I tell you yes?"
"Seryoso ka?"
"Yeah. It's clean and ready to drink. You want some?"
"Ano.. Hindi. Nagbibiro lang naman ako. May Bearbrand ba kayo rito?"
"Meron. Pero kay Maya 'yun."
"Sinong Maya?"
"Yung naghatid ng pagkain sa'yo kanina."
"Oh."
Pinagmasdan ako ni Jonah ng saglit saka umalis sa harapan ko at nag punta sa isang cupboard. Nakita kong may kinuha siyang isang jar na may gatas. Kumuha rin siya ng isang baso't kutsara at siya na rin ang nag timpla ng gatas. Bumalik siya sa harapan ko't inabot sa'kin ang baso.
"Drink."
"Ano.. Salamat. Ako nalang sana nag timpla kaya ko naman."
Inabot ko naman ang baso at uminom. Habang umiinom ako ay pinapanuod lamang ako ng nasa harap ko na para bang commercial ng gatas ang pinapanuod niya kaya naman tumigil ako sa pag lagok ng gatas.
"Gusto mo?"
"Ng alin? Ng gatas mo?"
"Excuse me?"
"Wala. Anyway, I'm sorry if I brought you here without your permission."
"Wala naman na akong magagawa. Nandito na ako eh. Binilin din naman ako sa'yo ni Tokyo."
"Right. Would you like to sit?"
"Kanina pa ako naka upo o nakahiga eh."
"Let's take a stroll then."
Naunang nag lakad si Jonah at sumunod naman ako. Pagkalabas namin ay parang nagulat pa ang dalawang lalaki na sa tingin ko security guards dito sa palasyo ni Jonah. Oo, palasyo niya. Sa laki ba naman ng bahay niya eh.
"Sir.."
"It's okay Leandro. Sa pool lang naman kami."
"Sige po Sir."
Agad na nag bow ang dalawa sa'min at umalis. Kami naman ay dumiretso sa pool. Ang ganda naman dito. Di ko akalaing ganito na ang inasenso ni Jonah. Alam ko namang may kaya sa buhay si Jonah pero iba ngayon eh. Itong bahay palang niya na ito, usually sa TV ko lang nakikita ang ganito o kaya sa pelikula. Hindi ko tuloy maiwasang maawa sa sarili ko. Ganito rin kaya ang magiging buhay ko kung natapos ko ang pag aaral ko at nakapag trabaho rin sa ibang bansa?
"You look bothered Amber. Penny for your thoughts?"
"Wala naman. Naninibago lang ako."
"Dahil?"
"Masaya ako sa naabot mo Jonah. At least sa pag hihiwalay natin sobra sobra ang naabot mo sa buhay."
Nag lakad ako sa gilid ng swimming pool habang pinagmamasdan ang kapaligiran. Si Jonah naman nanatiling nakatayo lamang malapit din sa pool pero ramdam ko ang mata niya ay nasa sa'kin.
"You may be happy for me but I don't really give a damn on these stuff if I can't have the heart of the woman I love."
Natigil ako sa pag lalakad. Nasa kabilang side na ako ng pool ng tumigil habang siya ay nasa kabila. Pareho lang kaming nag titigan hanggang sa siya na ang lumapit sa'kin.
"You're breaking me Amber. I told you, I love you. Please.. Believe me. I just need one more chance. If I have to kiss your feet and worship you then I will. I'll do whatever you want. Please.. Come back to me."
Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at hinalikan ito pagkatapos ay nilagay niya naman ang mga ito sa dibdib niya. Nanatili lamang ako sa kinatatayuan ko, hindi ko alam ang sasabihin ko. Hanggang sa lumuhod siya sa harap ko na ikinagulat ko kaya naman pinilit ko siyang tumayo pero ayaw niya kaya naman ako nalamang ang bumaba para makausap siya.
"Jonah, tumayo ka riyan."
"Gagawin ko ang lahat. Bumalik ka lang. Maging akin ka lang ulit."
"Pero Jonah.."
"Mahal mo pa ba ako Amber?"
Nagkatitigan kaming matagal. Mahal ko si Jonah. Hindi na siya mawawala sa puso ko. Siya ang unang lalaking minahal ko, pinagkatiwalaan ko. Langit ang pakiramdam ko sa piling niya ng kami pa pero para rin akong pinag bagsakan ng langit ng bigla nalamang siyang umalis ng hindi nag papaalam. Ang sakit.. Lalo pang masakit ng sa panahong kailangan ko ng karamay ay wala siya. Nagkaroon noon ng appendicitis si Papa at kinailangan operahan, bukod sa appendicitis nalaman din naming may tama na ang kidney ni Papa kaya kailangan niyang mag pagamot para hindi na lumalala ang sakit niya. Kinailangan kong tumigil din sa pag aaral kahit scholar ako para pantustos sa pag papagamot ni Papa at para na rin makapag tapos ang mga kapatid ko.
Ngayong nandito na ulit siya, bibigyan ko pa ba siya ng isa pang pagkakataon? Pero natatakot na ako. Kung nagawa niya ang pag iwan sa'kin noon how much more ngayon na mayaman na siya samantalang ako walang tinapos at laging nag hahabol sa mga bayarin. Maswerte nalamang ako at nandiyan ang matalik kong kaibigan na si Tokyo, hindi niya ako pinapabayaan at always ready to rescue. Masakit at labag man sa kalooban na sabihin ito kay Jonah pero ito ang nararapat at para na rin huwag na siyang umasa. Makakahanap din siya ng babagay sakaniya at kapareho ng mundong ginagalawan niya.
"Hindi."
"Amber.."
"Hindi na kita mahal Jonah kaya tigilan mo na ako."
Ang sakit. Kinagat ko ang aking pang ibabang labi para pigilan ang sarili kong umiyak. Hindi ko na rin siya kaya pang tingnan kaya naman tumayo na ako para umalis pero mabilis niya rin akong pinigilan at ihinarap sakaniya.
"You're kidding right?"
"No.. I'm not. Please.. L-let me go."
"No.."
"Jonah.."
"I said no! f**k!"
Bigla niya akong yinakap ng mahigpit at unti unti kong naramdaman ang pag galaw ng balikat niya. Rinig ko rin ang mahina niyang hikbi sa balikat ko.
"Please babe.. Don't do this.. I know I made wrong to you because I'm f*****g stupid but that won't happen again.."
"Wag mo na pahirapan pa ang sarili mo Jonah. Tama na.."
Nang huminahon na siya ay pinutol ko na ang pagkakayakap niya sa'kin. Bumitaw din naman siya at dun ko nakita ang pamumula ng kaniyang mga mata. Gustong-gusto kong punasan ang mga luha niya pero nanaig ang control ko sa sarili kung gusto ko siyang papaniwalaing hindi ko na siya mahal.
"Hindi mo na ako mahal diba?"
Seryoso niya akong tinitigan sa mata kaya naman umiling ako. Ngunit halos ikalaglag ng panga ko ang sunod niyang sinabi sa'kin.
"Kiss me then. That'll be the only time I'll believe you don't love me anymore."