"Aray!" Ingit ko nang may biglang nakabundol sa akin.
Napaupo ako sa sahig at nahulog ang mga librong dala ko.
"Hahahaha!" Dinig kong tawanan no'ng mga nakabunggo sa akin.
Tatayo na sana ako nang may biglang nag-alok ng kamay sa akin kaya gulat akong tiningala siya.
"Sino ka?" Wala sa sariling tanong ko.
"I'm Blue Asher Greyson, I saw you got bumped by the Dandies. Would you mind if i'll help you?" Nakangiting sabi ng isang anghe---este GWAPONG lalaki.
'Nananaginip ba ako?! Sampalin niyo 'ko, ngayon na!'
"Hey?" Mahinang tawag niya sa akin dahilan para bumalik ako sa wisyo.
Napapahiyang nag-iwas naman agad ako ng tingin sa kaniya saka ngumiti ng pilit nang tanggapin at hawakan ko ang kamay niya.
'Sana 'wag na niyang bitawan ang kamay ko. Napakalambot kasi ng kamay niya! s**t! Gusto kong tumiliiiii!'
Pero matindi ang pagpipigil ko sa sarili habang sinusulit ang sandaling hawak-hawak niya ang kamay ko.
Nag-slowmo ang lahat at para bang nasa ulap ako kasama siya, saka magdamag kaming nakatitig lang sa isa't isa. Pero natigil ang pagmomoment ko nang bitawan niya ang kamay ko.
Nang tuluyan kasi akong makatayo ay agad niyang pinulot ang mga nalaglag kong gamit at natutulalang pinanood ko siya.
'Haaaaay! Ang gwapo niya talaga!'
Parang dito lang ako nakakita ng tunay na gwapo.
'Grabe! May mga ganitong nilalang pala dito?! At ang gentleman pa! Maliban na lang doon sa isa, gwapo nga pero suplado naman. Tch! Bakit ko ba iniisip ang 'yon?! Tsk.'
"Penelope, right?" Tanong niya nang makalapit ulit sa akin at inabot ang mga gamit ko.
Gulat akong tiningnan siya. "H-Ha? Paano mo nalaman ang pangalan k-ko?" Tanong ko pabalik at pilit pinapatino ang sarili sa harap nitong anghel na kaharap ko.
'Kilala niya ako?! Waaaaah! Walang-hiya! Ngayon, naniniwala na akong tadhana ang nagdala sa akin dito!'
Pakiramdam ko hindi lang b*a ang malalaglag sa akin, pati panty mapupunit!
"Nabasa ko ang nakasulat sa cover ng notebook mo. Here.." abot niya sa gamit ko na agad ko ring kinuha at ngumiti nang malapad sa kaniya.
"Tama, ako nga si Penelope. Maraming salamat sa malasakit mo." Nahihiyang sambit ko at dahan-dahang gumuhit ang ngiti sa labi niya.
"Since ikaw na lang rin ang nandito, maaari mo ba akong samahan?" Pormal na tanong niya at ramdam ko ang mabilis na pagkunot ng noo ko.
"S-Saan?" Takang tanong ko pa.
"Sa cafeteria. Hindi pa kasi ako nakakapagbreakfast e, ayos lang ba?" Nakangiting sambit niya at tumingin pa nang diretso sa mga mata ko dahilan para matameme ako. "Pero kung ayaw mo----"
"Hindi! Ay este---oo, s-sasama a-ako!" Mabilis na pigil ko sa kaniya kaya agad siyang napangiti.
'Hala! Mas lalo siyang nagiging anghel sa paningin ko! Diyos ko, ilayo niyo po ako sa tukso.'
Pumunta kami sa cafeteria gaya ng napag-usapan. At palihim pa akong kinikilig habang pinapanood siyang umoorder ng pagkain naming dalawa.
'Lord, tama ba 'tong nararamdaman ko sa taong 'to? Alam kong ngayon pa lang kami nagkita pero sobrang natutuwa po talaga ako sa kaniya.'
"Ayos ka lang ba?" Bungad niya sa akin at tumango naman ako bilang sagot saka inabutan niya ako ng isang baso ng tubig na agad ko ring ininom. "Sorry natagalan ako, nagtanong pa kasi 'yong tindero kung girlfriend daw ba kita---"
"*huk!*" halos malunok ko ang buong baso dahil sa sobrang pagkagulat ko sa sinabi niya.
"Penelope! Ayos ka lang?" Mabilis na lumapit siya sa akin at hinagod ang likod ko nang nasamid ako sa tubig.
Agad akong tumango at pinahiran ang bibig ko ng panyo na inalok niya.
'G-Girlfriend niya? Ako?! Psh! Imposible!' Sabi ko sa isip nang makarekober.
"Magdahan-dahan ka kasi sa pag-inom para hindi ka nasasamid. Baka kung mapano ka pa." Pangangaral niya.
"Ayos na ako, salamat." Wika ko matapos ayusin ang sarili.
"May nasabi ba akong mali?"
"Hindi---wala. Wala kang nasabi. Ako lang talaga 'yong hindi maingat at nasamid pa ako sa tubig. Hehe." Palusot ko at nakahinga ako nang maluwag no'ng dumating na ang order namin.
Matiwasay naming inubos ang mga pagkain habang nagkukwentuhan. Napag-alaman ko na lider pala siya ng The Unfazed, at ang sabi niya ay ipapakilala niya daw ako sa mga kasamahan niya bilang bagong kaibigan niya.
"Blue?" Mahinang tawag ko.
Nilingon niya ako. "Mmm?"
"May itatanong lang sana ako, sana 'wag mong mamasamain."
"Bakit? Ano ba 'yon?" Inosenteng tanong niya.
"Ano ba talagang meron sa----"
"Penelope! Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap. At kasama mo pa si Blue Asher Greeeeeeyson." Pagsapaw ng bagong dating na si Ry kaya hindi ko na naituloy ang itatanong ko sana kay Blue.
Naibagsak ko ang mga balikat at nagbaba ng tingin.
"Hello, Ryleigh." Kaswal na bati ni Blue sa kaniya.
"Hi, Mr. Blue." Tipid na sagot naman Ry.
"Sayang at nahuli ka na ng dating, naubos na namin ang mga pagkain---"
"Hindi, ayos lang. Si Penelope talaga ang sinadya ko dito. Kanina pa kasi siya hinahanap sa headquarters namin e. Alam mo na, sisimulan na ang pagpapaplano para sa Acquaintance party. Kaya kung tapos na kayo, baka pwedeng hiramin ko na muna siya?" Nagmamadaling tugon pa ni Ry at ramdam ko na ayaw niya sa presensya ni Blue.
'Anong meron sa kanila?'
"Ahh, gano'n ba? Oh sige, kita na lang tayo sa susunod, Penelope." Nakangiting baling sa akin ni Blue at ngumiti naman ako nang pilit sa kaniya.
"Sige. Salamat sa libre, Blue. Nag-enjoy akong kasama ka. At salamat din ulit sa pagtulong sa akin kanina. Ikinagagalak kong makilala ka." Usal ko.
"Nice meeting you too, Penelope." Saad niya bago ako hinigit ni Ry palayo sa cafeteria.
Dinala niya ako sa likod ng building at doon iniharap sa kaniya.
'Akala ko ba sa headquarters kami pupunta?'
Nagsalubong ang mga kilay ko sa inaasta niya. "Ano bang nangyayari sa'yo, Ry? Bakit ganoon na lang ang reaksyon mo nang makita mo kaming magkasama ni Blue? Sabihin mo, may dapat ba akong malaman?" Diretsong tanong ko at hindi nakaligtas sa akin ang sunod-sunod na paglunok niya habang natitigilan at umiwas ng tingin.
'Bakit parang may mali? Kung meron man, ang bilis naman yatang binawi sa akin ang kasiyahan ko?'
Huminga siya nang malalim bago muling tumingin nang diretso sa akin. "Makinig kang mabuti, Penelope. Teka, paano ko nga ba sasabihin 'to?" Bulong niya pa sa huling tanong at nagpalakad-lakad na para bang problemado talaga siya. "Ah basta, 'wag kang magtitiwala sa taong 'yon. Hindi siya kasing buti ng inaakala mo, beh. Ako na ang nakikiusap sa'yo, habang maaga pa, layuan mo na ang lalaking 'yon. Hindi mo siya kilala at wala kang ideya sa mga kaya niyang gawin sa'y---"
"Teka, teka nga, Ry! Kumalma ka, okay?" Pigil ko sa kaniya at hinawakan siya sa magkabilang braso upang maiharap sa akin. "Anong alam mo tungkol sa kaniya at paano mo nasasabi ang lahat ng paratang mong 'yan? May hindi ka ba sinasabi sa akin, Ry?" Pang-usisa ko at natigilan siya.
'May mali nga. Tss!'
Binitawan ko siya at umiwas ako ng tingin saka huminga nang malalim.
"Sabihin mo sa akin kung anong klaseng tao siya, Ry. At kapag nakumbinsi mo 'ko sa rason mo, ako na mismo ang iiwas sa kaniya." Utos ko at nilingon siya. "Please?" Pakiusap ko pa.
Agad siyang pinangiliran ng luha kaya nag-aalala akong lumapit sa kaniya.
"He----" hindi na niya naituloy ang sasabihin nang mapatingin siya sa bandang likuran ko.
"Penelope..." isang malamig na sambit ng isang pamilyar na boses mula sa likod ko dahilan para matigilan ako at parang hinugot no'n pabalik ang hininga ko para hindi agad ako makakilos.
"Penelope." Muling banggit niya ng pangalan ko pero sa pormal na paraan na.
Dahan-dahan ko siyang nilingon at nagtama ang paningin namin.
"B-Black?" Halos pumiyok pa ako nang banggitin ko ang pangalan niya.
"Can we have a minute?" Tanong niya at nagulat pa ako nang bahagya, hindi ko inaasahan.
Dumako ang paningin ko sa isang kamay niya na nakabenda.
'Ano na namang kalokohan ang ginawa nitong baduy na 'to? Tss.'
"Dumiretso ka na lang mamaya sa headquarters natin, Penelope. Iiwan ko na kayo." Singit ni Ry at umalis.
"What now, Penelope? You have a minute or two?" Muling tanong niya at wala na akong nagawa kundi sumama.
'Tss. Epal talaga kahit kailan!'
Habang naglalakad kami papunta sa kung saan ay hindi ko maiwasang sulyap-sulyapan ang kanang kamay niyang may benda.
'Ano kayang nangyari sa kamay niya?'
"'Wag mong titigan kung hindi mo kayang lunasan." Biglang wika niya kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya.
'Paano niya nalaman 'yon?! Obvious ba ako masyado?'
"Saan galing 'yan?" Pag-iiba ko sa usapan.
"Hindi na mahalaga kung saan nanggaling 'to. Ang importante ay 'wag kang mag-alala." Kalmadong sagot niya habang nakatingin lang sa daan.
"Tinatanong ko lang kung saan galing, hindi ko sinabing nag-alala ako. 'Wag kang assuming!" Masungit na asik ko ngunit wala pa ring pagbabago ang reaksyon niya.
"Hindi nagsisinungaling ang mga mata mo, Penelope. Pero isang bagay lang, 'wag kang mag-alala sa akin dahil hindi ako karapat-dapat sa malasakit mo." Tugon niya at nagpamaunang naglakad.
'Ano bang sinasabi niya? Tsk! Engot!'
Tumigil kami sa may bungad ng kagubatan.
Nagtatakang nilingon ko siya. "What are we doing here?"
"I just want to show you something." Seryosong sagot niya.
"But I still have a meeting with the Angels." Pagtutol ko.
"You should be afraid of me, I'm on the higher position than you. And your gangmates? They're just a piece of dust in my closet." Seryoso pa ring saad niya at hindi na ako nakapagsalita.
Naglakad kami hanggang sa nakapasok kami nang tuluyan sa gubat, nasa unahan siya at nakasunod naman ako sa kaniya.
Maraming mga nagtatayugang punong-kahoy at mga banyagang dahon ang nakikita ko.
Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Nilingon niya ako saka kinuha ang kamay ko at sabay kaming naglakad.
Bagaman nagugulat ay hindi na ako pumalag dahil baka halayin niya ako dito sa gitna ng gubat.
"Naranasan mo na bang makapunta sa ganitong lugar?" Maya maya pa ay tanong niya.
"Hindi pa. Bakit mo naman naitanong?"
"Nothing." Tipid na sagot niya at hindi na ako kumibo.
Ilang sandali pa nang hindi na talaga ako nakatiis ay agad kong binawi ang kamay ko mula sa kaniya kaya pinagkunutan niya ako ng noo.
"Tell me, what's with you? Kung hibang ka na, bakit mo pa ako dinadamay? And one thing, kahit patayin mo pa ako dito ngayon, hindi pa rin kita pagsisilbihan!" Naiiritang wika ko.
Lumapit siya pero agad akong umiwas.
"Don't touch me!" Mabilis na pigil ko sa kaniya at dinuro siya. "I don't care if your name is Black, White, Green, Yellow, or Rainbow! Because the mere fact na mortal ka lang at hindi bampira, hindi ako natatakot sa'yo! I should be enjoying my life with the Angels and...and---"
"And who?" Putol niya saka tinaasan ako ng kilay.
"Wala ka nang pakialam doon! If you want a peaceful life, then leave me alone!" Bulalas ko at natigilan siya.
"I am not giving you a choice either. So whether you like it or you must like it, I'm the boss. You will only follow commands from your upper hands." Makapangyarihang aniya at napailing na lang ako.
'Hanep talaga sa confidence ang isang 'to e!'
"Hindi ko kailangan ng choices mo, king ina ka! Kahapon pa ako nagtitimpi sa'yo. Baka banatan na talaga kita! Kala mo ha!" Pambabanta ko. "Ano?! Magsalita ka!"
"Why are you like that?" Tanong niya na ikinalito ko. "Why do you feel so annoyed kapag kasama ako? Pero kung makangiti ka sa Blue na 'yon, parang matatanggal na 'yang panga mo ah? Nananadya ka ba?"
"What?! How did you know that?! Stalker ba kita? Sinusundan mo ba ako?!" Sumbat na tanong ko sa kaniya.
"Fine. If you don't want to go with me, then leave. Go ahead." Kaswal niyang tugon.
"Talaga?" Gulat na tanong ko.
"Yes, but in one condition."
"Anong kondisyon?"
"Starting tomorrow, you'll transfer to Red C-Note g**g----"
"Ano?! Are you crazy?! Hindi ako papayag! Ayoko! At hindi ko pwedeng iwan ang mga Angels!" Paghihisterya ko sa gitna ng pagiging kalmado niya.
'Bwesit! Kung anu-ano nang pumapasok sa kukote ng king ina! Hays!'
"Then you'll go with me today, honey." Pagtatapos niya sa usapan at hinigit ako paalis, siyempre kasabay namin ang hangin.
'Oh heaven! What the f**k is wrong with this baduy guy?!'
Dinala niya ako sa mas liblib na parte ng gubat kaya nagsisimula na ring lumamig ang hangin.
Hindi ko mayakap ang sarili dahil hawak-hawak niya pa rin ang isang kamay ko. Sa tuwing magtatangka akong kunin ito sa kaniya ay mas hinihigpitan niya pa ang pagkakahawak dito, kaya sa huli ay wala na akong nagawa kundi magpatangay na lang habang nilalamon ng lamig.
"We're here." Wika niya at huminto sa paglalakad, kusa rin akong napahinto at tinanaw ang malaking puno sa harap namin. "Do you know what is that?" Tanong pa niya.
"Puno?" Nag-aalangang sagot ko.
"That's a tree house, honey."
'Tree house? Pero teka---'
"Anong honey-honey ka diyan?! Hindi mo 'ko syota kaya 'wag mo 'kong matawag-tawag na 'honey'!" Inis na sigaw ko.
"Whatever, honey." Malumanay na aniya at hinila ako palapit doon sa tree house.
Actually, para lang siyang kahoy talaga kasi sa sobrang laki niya hindi mo mapapansing may bahay pala sa ibabaw no'n. 'Yong kulay ng tree house ay kakulay din ng puno at dahon kaya hindi agad siya kapansin-pansin.
Mababa lang ang patungan para makaakyat ka sa unang palapag ng bahay.
"Siguro, ang dami mo nang dinalang babae dito, 'no? Pang ilan na ba ako?" Tanong ko pa habang nililibot ang kabuuan ng tree house.
Malaki, malawak ang espasyo sa loob, may kuryente, matibay ang pagkakagawa ng haligi, dingding, at bubong nito. Meron na ring mga gamit at mini freezer?
'Wow! May naninirahan pa lang engkanto dito at choosy pa ha? Gusto pa ng malamig na inumin!'
"Honestly speaking," panimula niya at nakinig naman ako habang nagsisipat pa din sa mga gamit. "...ikaw pa lang ang unang tao na dinala ko dito." Seryosong dagdag niya dahilan para matigil ako sa paglalakad at napatitig sa kung saan.
Laking pasasalamat ko at nakatalikod ako sa kaniya kaya hindi niya makikita ang itsura ko ngayon.
"H-Hahahaha!" Pekeng tawa ko at buong kompiyansa na hinarap siya. "Ako pa niloko mo? Sus! Sabihin mo nang judgmental ako pero malakas ang paniniwala kong walang lalaking matino." Tugon ko at naging blangko ang mukha niya saka nag-iwas ng tingin.
'May sinabi ba akong mali? Na-offend ko kaya siya?' Mga tanong na unang pumasok sa isip ko matapos niyang tumalikod at nagtungo sa may terrace nitong bahay.
Lalapit na sana ako nang makakita ako ng stove.
'Ipagluto ko kaya siya? Para lumambot-lambot naman 'yong magaspang niyang ugali.'
Hindi ko siya inistorbo sa pagmumuni-muni niya doon at nagtuloy ako sa binabalak ko.
Kung mamamatay man ako dito ngayon dahil ipapalapa niya ako sa leon, oso, hippo, tigre, at kung anu-ano pang animal na alaga niya, atleast may nagawa pa rin akong tama para sa kaniya.
Kumuha ako ng itlog, bombay, kamatis, tsaka isang canned goods at ginisa ko 'yon sa mantika.
Habang naghihintay na maluto 'yon ay naghanap ako ng malinis na plato at tinidor, tapos ay isinalin ko na ang niluto kong ginisang itlog na may kamatis at corned beef.
Tinanaw ko siya sa terrace at napangiti ako nang makita kong andoon para rin siya.
Agad akong lumapit at kinatok ang sliding door na agad niya ring binuksan.
Inilahad ko sa kaniya ang niluto ko. "Sorry kung nangialam ako sa kusina mo. Ipinagluto kita ng paborito kong pagkain kasi hindi ko naman alam ang paborito mo." Nakangiting sabi ko.
Nagtataka pa siyang tiningnan ako at tinitigan niya lang ang dala ko kaya agad akong napanguso.
'Please, 'wag ka nang maarte! Niluto ko 'yan para sa'yo! Pasalamat ka nga nag-effort pa ako kahit baduy ka at suplado! Amp!'
Nakangiti pa rin ako habang naghihintay na tanggapin niya ang niluto ko.
"Mainit pa 'to. Mas masarap kainin 'to kapag mainit pa. Dali na, 'wag ka nang mahiya. Sa'yo naman lahat ang ingredients na ginamit ko dito kaya kwits lang tayo." Pangungumbinsi ko.
'Sabayan mo na ako, baduy. 'Wag ka nang magpapilit dahil kapag ako nabadtrip sa'yo, kakainin ko 'to nang buo sa harap mo!'
Ngumingiti ako nang pilit sa kaniya habang nagtitimpi.
Sinalubong niya ang tingin ko. "Why do you have to do this?" Tanong niya at napatitig naman ako sa kaniya. "Why do you have cook for me?"
'Ayaw niya ba sa luto ko? Tss. Mayabang lang talaga siya!'
"Ayaw mo ba?" Napapahiyang tanong ko.
"Hindi ba galit ka sa akin?"
"Medyo." Sagot ko.
"Then, bakit mo ginagawa 'to?" Naguguluhang tanong niya sa akin.
"Ha? Ang alin ba? Itong pagluluto ko?" At tumango siya. Inilapag ko 'yong pagkain sa maliit na mesa na nasa harap niya at umupo ako sa katapat niyang upuan. "Naisip ko lang, para kahit papaano e umamo 'yang mukha mo. Eh kasi naman 'yang magaspang mong ugali! Kung hindi ka ba naman isa't kalahating engot, bakit ka ba kasi ganiyan?! Halos lahat ng tao dito ay takot sa'yo pero ang weird lang kasi hindi ko 'yon maramdaman kapag kasama kita. Pakiramdam ko lang baduy ka at hambog pero hindi na magkandaugaga sa takot ang iba dahil sa presensya mo." Mahabang paliwanag ko at nanatili lang siyang nakatitig sa akin. "Ganiyan ka ba talaga sa lahat ng nakakasalamuha mo? O baka naman may pinagdaanan ka noon na nagdulot sa'yo ng ganiyang ugali ngayon?" Seryosong tanong ko at agad siyang umiwas ng tingin.
"Pwede ko bang tikman?" Tanong niya, halatang nililihis ang usapan at umiiwas sa tanong ko.
"Sige lang. Kain kang mabuti." Sabi ko at pinagmasdan siya.
'Tsk. Tsk. Tsk. Mukhang masalimoot nga ang nakaraan nitong baduy na 'to.'
Napailing na lang ako sa sariling naiisip.
Ayon kasi sa mga nabasa ko, may malaking impluwensiya o bahagi ang nakaraan sa nangyayari sa kasalukuyan. Kaya maaaring naapektuhan siya ng nakaraan niya kaya siya ganito ngayon.
Hindi lahat ng malakas at kinatatakutan ay totoong malakas at nakakatakot. Minsan, 'yong mga personalidad na 'yon ang ginagamit nila bilang defense mechanism against all odds. May iba na takot nang sumubok sa ibang bagay, may iba namang sumusubok pero sa ibang pamamaraan na.
Sa madaling salita, malaki ang kinalaman ng nakaraan sa kasalukyan. Napabuti man o napasama.
"Marunong ka palang magluto?" Biglang anang niya habang ngumunguya pa. "Gusto mo?" Alok niya ngunit umiling lang ako.
"Para sa'yo 'yan kaya ubusin mo. At oo, marunong akong magluto kasi wala naman kaming katulong sa bahay. Dalawa lang din kami ni Mommy at masyado siyang busy kaya kailangan kong matuto ng mga gawaing bahay." Kwento ko at bumuntong-hininga habang naiisip si Mommy.
'I miss her.'
"Mmm. Do you miss her?" Hindi ko inaasahang itatanong niya 'yon kaya agad akong napatingin sa kaniya. "Ayos lang kung hindi mo sagutin. Marami ang nakakaramdam ng pagkauhaw sa pagkalinga dito, hindi ka nag-iisa." Pormal na dagdag niya at tumango lang ako saka muling tinanaw ang tanawin sa labas.
Malamig ang simoy ng hangin at masyadong presko para sayangin. Kaya sinulit ko na.
"Thanks for this. Nagustuhan ko." Biglang saad niya kaya muli ko siyang nilingon at nginitian.
"Busog ka na?" Tanong ko.
"Parang ganoon."
"Mmm, baka pwede mo nang sagutin ang tanong ko?"
Nagsalubong ang mga kilay niya habang nakatingin nang diretso sa akin.
"Anong tanong?" Takang tanong niya.
"Anong nangyari diyan sa kamay mo?" Diretsong tanong ko at agad siyang nag-iwas ng tingin.
Gumuhit ang inis sa mukha niya nang muling humarap sa akin.
"Bakit ba napakapakialamera mo? Hindi ka ba talaga nakukontentong tingnan na lang? Alam mo bang sa sobrang pangingialam mo ay maaari kang mamatay?" May bahid ng inis at matinding pagpipigil ang tono niya.
"Tinatanong kita nang maayos kaya 'wag mo 'kong sagutin nang pabalang!" Masungit na sabi ko pa.
"Why do you care, huh? May magagawa ka ba kapag sinabi ko sa'yo ang dahilan?" Nakangising aniya.
"Sinabi nang hindi ako nag-aalala e! Tinatanong ko lang, ano bang masama do'n?! O baka naman may itinatago ka kaya ayaw mong sagutin nang maayos ang tanong ko?" Ako naman ngayon ang ngumisi at biglang sumeryoso ang mukha niya.
"Pakiusap, 'wag ka na lang magtanong. Hindi ako maayos sumagot." Seryosong sambit niya.
"Pinapatay ako ng kyuryusidad ko, Black! Kaya sagutin mo na lang!" Pagmamatigas ko.
'Isang tanong isang sagot lang e! Tsk!'
"'Wag ka ngang maingay." Naiiritang anang niya.
"Sagutin mo kasi muna ang tanong ko!"
"Tsk! Bakit ba ang tigas ng ulo mo?!" Galit nang sigaw niya sa akin.
Halos magdikit na ang mga kilay ko sa sobrang pagkasalubong.
"May ulo bang malambot?!" Pilosopang tanong ko naman.
"Hindi ka ba talaga tatahimik?" Nauubusan na talaga ng pasensyang tanong niya sa akin.
"Ayoko!" Mataray na sagot ko.
"Hindi talaga?" Pag-uulit niya ng tanong.
"Hindi talaga." Siguradong sagot ko.
"Ayaw mo talagang manahimik?"
"Ayaw ta----tsup!"
Halos lumuwa sa gulat ang mga mata ko dahil sa ginawa niyang hindi ko inaasahan!
To be continued...